Natigil si Catherine. Plano niya sana tanungin si Shaun tungkol sa katauhan nito. Subalit noong pinakiusapan niya si Willie itago ang identidad niya, pinapakita nito na hindi niya gusto ipaalam ito sa kanya. Kung ganoon, hindi na niya ito tatanungin. “Wala.”Dahan-dahan binaba ni Shaun ang tingin niya. Tinignan siya ni Catherine at sinabi, “May pupuntahan ako na auction ngayong gabi, kaya hindi ako makakauwi mamayang hapunan. Gusto mo ba…. sumama sa akin?”Nag-iingat siyang nagtanong kahit na pakiramdam niya ay hindi ito sasama sa kanya. Base sa mayabang niyang ugali, hindi siya interesado sa mga ganitong okasyon.“Sige.”“Huh?” Natulala si Catherine, iniisip niya na mali ang pagkakarinig niya.“Sabi ko sige. Bakit gulat ka?”Tinignan ni Shaun ang nagulat niyang ekspresyon ng may ngiti.“Pero ayaw mo pumunta sa mga kaganapan na naganap dito sa Melbourne.”“Sasama ako para mapigilan ang mga lalaki na lalandi sa iyo.”Seryoso siya na nagmamaneho habang nakatingin sa daan. Luming
Ilang babae na kasal sa mga mayayaman na negosyante ang pumaligid kay Catherine at pinuri siya.“Chairwoman Jones, saan mo nabili ang gown mo? Ang ganda!”“Ang kwintas na suot mo ay galing sa Tiffany at iyan ang pinakabagong disenyo, ‘di ba?”“...”“Magandang gabi sa inyong lahat.”Biglang lumapit si Janet kay Catherine nang may masamang intensyon habang may dalang baso ng wine. “Ah, Chairwoman Jones, hindi ko inaasahan na pupunta ka dito sa subasta. Sandali, hindi ako sigurado kung dapat pa rin kita tawagin na Chairwoman Jones ngayon.”“Anong ibig mong sabihin, Miss Campbell?” tanong ni Madam Clark, isa sa mga babae, nang may pagkairita.Nagbuntong hininga si Janet. “Siguro hindi niyo pa ang alam ang nangyari. Narinig ko na binugbog ni Chairwoman Jones si Willie, na mula sa Canberra, noong selebrasyon ng anibersaryo ni Hudson kagabi.”“Ano? Tinutukoy mo ba si Willie mula sa pamilyang Hill?”“Oo, siya iyon.” Tumango si Janet. “Sabi sa akin ng kaibigan ko na siya ang dahilan ku
Nagsimulang pag-usapan ito ng lahat.“Si Ethan iyon mula sa korporasyon ng Lowe. Sobrang galante naman niya.”“Narinig ko na nasa isang relasyon siya sa young lady mula sa mayayaman na pamilyang Steele.”“Ganon ba. Ang mga Steele ay medyo sikat si Melbourne. Mukhang mababago niya ang mga bagay”“Mismo. Ngunit ang kasalukuyang tserman ng Hudson, si Catherine, ay dati niyang nobya.”“Hindi umaayon ang nobyo ni Catherine ngayon. Siguro hindi niya kaya bumili ng mamahalin na kwintas para sa nobya niya.”Masyado nagbuhos ng pansin ang lahat dito, at biglang inlipat ng lahat ang tingin nila kay Catherine. Hindi inaasahan ni Catherine na madadamay siya sa diskusyon. Mabilis niyang hinawakan si Shaun at sinabi sa mababang boses, “Huwag magpadala sa sinasabi ng iba. Ang mga komento ay parang dekorasyon lang. Wala silang kwenta maliban sa magdala ng paghanga mula sa ibang tao. Parang mga bagay na binigay ng ibang tao na hindi dapat paggastusan.”Seryoso siyang tinignan ni Shaun. Sa toto
Sa huli, si Shaun na ang nakakuha ng kwintas na may sobrang taas ng presyo na tatlong bilyong dolyar. Maingat na inabot sa kanya ng empleyado ang kwintas ng reyna na pinapanood ng lahat Kinuha ni shaun ang pulang kwintas na kumikinang nang sobra.Nang kinuha niya igo, sinabi niya kay Catherine na nakatulala sa mababang boses, "Tumayo ka."Tumayo si Catherine at mukhang nagtataka. Ang gwapo niya na itsura ay makikita sa maliwanag niyang mata .Ang magandang labi ni Shaun ay ngumiti. Yumuko siya ng konti at nilagay ang kwintas sa leeg niya. Ang boses niya na malambing ay tunog nakakaakit. "Simula ngayon, ikaw na ang reyna ko."“Wow!”Napanganga ang mga bisita sa tabi niya mula sa paghanga Kumakabog ang dibdib ni Catherine. Kahit na sumakit ang puso niya sa mataas na presyo ng kwintas, ang okasyon ay parang kasal nila. Tinupad ng lalaki ang mga kahilingan niya.Nasorpresa lalo siya sa romantikong pagkilos ni Shaun. Ang pulang dyamante na kwintas ay nakapatong sa mala-gatas
“Ang ganyan na klase ng tao ay nakakatakot talaga. PInadala niya ang nobya niya sa ibang lalaki para makamit ang layunin niya.”“Buti na lang hindi ako pumayag noong gusto ng mga Campbell na magkaroon ng blind date sa anak ko.”“Oo. Nakakadiri na nagpapanggap siyang maginoo. Mabuti pa at lalayo na ako sa mga Campbell sa susunod.”“Baka pinadala niya rin si Janet ibang lalaki para makipagtalik.”“Posible iyon. Sa una ay mayroon akong gusto kay Janet, ngunit kakalimutan ko na iyon. Ayaw ko magkaroon ng asawa na may kalandian na ibang babae.”Sa harap ng mga pagpuna ng publiko, sobrang sumama ang loob ni Janet at sumigaw, “Sino ang gumawa nito? Wala akong kinalaman dito!”Si Janet at Stephen, na mayabang kanina, ay sobrang nahihiya sa saglit na iyon.Nang naghahanda na umalis si Ethan, namutla ang mukha niya. Akala niya ay alam na niya ang tunay na ugali ni Rebecca. Mas nakakadiri pala siya sa kung ano ang iniisip niya. Ilang lalaki na ba talaga ang nakasama nito?Sa saglit na ina
Inabot sila ni Stephen at Janet campbell.Ang mukha ni Stephen ay nababalot ng galit. Wala siyang gusto ibang gawin kung hindi sakalin si Catherine ng buhay.Hinila ni Shaun sa Catherine papunta sa likod niya, ang matangkad at gwapong pigura niya ay naglalabas ng makapangyarihan na awra.“Catherine Jones, ikaw ba ang nagpalabas ng bidyo?” galit na sumigaw si Stephen. “Magaling, nainis mo talaga ako nang sobra. Kung hindi kita papatayin, hindi ako si Stephen Campbell.”Biglang sinabi ni Janet, “Kilala mo ba kung sino ang ginalit mo? Si Willie Hill! Kahit pa na takpan mo ang mukha niya, hindi ka niya papalagpasin na nagkalat ka ng ganon na bidyo niya.”Tinaas ni Catherine ang kilay niya at matingkad na ngumiti. “Iniisip mo ba kung saan galing ang bidyo at sino ang nagbigay sa akin? O sa tingin mo ay malakas ang loob kong magrekord ng mga gawain sa kwarto ni Willie Hill?”Biglang nanigas sila Stephen at Janet. Ilang saglit pa, umiling si Stephen. “Imposible iyon. Hindi ibibigay sayo
Pagkauwi nila, dahan-dahan tinanggal ni Catherine ang dyamante na kwintas at nilagay sa ilalim ng ilaw sa lamesa at tinitigan ito nang may pagmamahal. “Sobrang ganda niya. Walang kamalian talaga.”“Akala ko ang sabi mo ay hindi ka mahilig sa mga alahas.” Naglakad si Shaun si likod niya at inasar siya, “Sabi mo pa na bigay iyon ng ibang tao.”Namula si Catherine at nabulol, “Sa tingin… sa tingin ko kasi masyadong mahal. Tatlong bilyong dolyar iyon. Gaano katagal para makaipon noon?”“Kung si Ethan Lowe ay payag na gumastos ng ganon kalaki para sa babae niya, bakit ako magkakaroon ng pake sa ganon na halaga?” Mayabang na suminghal si Shaun. “Para sa akin, hindi importante ang pera. Ang importante ay gusto mo iyon.”Kumurap si Catherine, naintindihan niya kaagad na sinubukan niya makipag-kompetensya kay Ethan.Subalit hindi mahalaga iyon. Kung iniisip niya pa rin si Ethan, pinapakita lang nito na may pake si Shaun sa kanya.“Shaunny, wala naman na talaga si Ethan para sa akin. Hindi
Halata na kakatapos lang matuyo ng buhok niya, kaya medyo magulo ang itsura niya. Sa gwapo niyang mukha, mayroon na hindi mapigilan na diwa ng pagiging mailap na nagmumula sa buong katawan niya.Tinignan siya ni Catherine nang may pagkamangha.Sa saglit na iyon, gusto niya talaga pasalamatan si Freya.Kasalanan niya na napunta siya sa lalaking ito.Tinulungan siya ni Shaun nang paulit-ulit.Siya rin ang nagpapatatag sa kanya para mabuhay hanggang ngayon.Ngayong gabi, binili niya ang kwintas ng reyna, at siya ang kinaiinggitan na babae sa buong Melbourne.Ordinaryong tao lang siya na may karangyaan at madali siya maantig.“Shaunny…” Umangat si Catherine at ikinawit ang braso niya sa leeg ni Shaun. Ang maganda niyang mukha ay nagpapakita ng hiya. “Gusto mo ba...subukan iyon?”Nakapagdesisyon na siya. Hindi alintana kung tatanggapin man siya ng mga Hill o hindi sa, gusto niya ibigay ang pinakamahalagang bagay niya sa lalaking ito.Nanigas si Shaun.Tumatanggi siya sa mga bagay