”Alam ko. Hindi kita kailangan para sabihin sa akin.” Ang titig ni Willie ay nagpahinga kay Catherine.Tumambling ang puso ni Catherine. Mabilis niyang inilabas ang phone at iwinagayway bilang paalala para sa lalaki. “Young Master Hill, ikaw—”“Miss Jones, tungkol sa nangyaring insidente kagabi, kasalanan ko ito. “ Lumapit si Willie sa babae at isiniwalat ang kanyang taos pusong paghingi ng tawad.Walang masabi ang lipon ng mga tao.Wala ring masabi si Catherine.Talagang natigilan siya. Grabe, ang paggamit ng mga hindi disenteng litrato nito para pagbantaan ang lalaki ay talagang gumana.Lumabas na tama si Shaun.Ang pamilyang Hill ay pinakanag-aalala sa dignidad nila? Hindi nila kayang mawala ito?Matigas na kinusot ni Rebecca at Jeffery ang mga mata nila. Seryosong nagduda sila kung nililinlang ba sila ng mga mata nila.“Young Master Hill, sa tingin ko nagkakamali ka.” Naglakas loob muli si Rebecca at hinila ang laylayan ng pantaas ni Willie. “Nakalimutan mo ba na kagabi—”
”Giliw sa’yo?” Ang reaksyon ni Willie ay tila nakarinig siya ng isang biro. “Sumama ka sakin sa kama sa kabila ng pagkakaroon ng boyfriend. Sa tingin mo may pakialam ako sayo? Wala kang pinagkaiba sa mga p*ta.”Isang sampal ang tumama sa pisngi ng babae, pero ngayon, ito ay tila tumama rin sa puso niya.Halos mawala ang balanse ni Rebecca.Medyo may karamihan ang tao sa paligid niya, kabilang rito ang mga empleyado at shareholders ng Hudson. Ang sitwasyon ay nagdulot ng kaguluhan sa kanila, at tinignan nila ang babae ng may paghamak.“Hindi ko siya inasahang maging ganitong klaseng babae. Bago ito, binigyan niya ako ng impresyon ng pagiging malinis at marangal.”“Oo. Marami sa lalaki sa kumpanya ay trinato siya bilang diyosa.”“Buti na lang, hindi ko siya pinakilala sa anak ko. Talagang walang hiya siya.”“...”Sa gitna ng patuloy na pagpapahiya, namutla ang mukha ni Rebecca. Nagsumikap siyang itayo ang nakakainggit niyang reputasyon bago nito, pero ang lahat ng iyon ay nasira
Paano nagawa ni Catherine na gayumahin si Shaun? Ang pagtingin ni Willie kay Catherine ngayon ay talagang iba na.“Oo, magaling si Elle.” Huminto sa paglalakad si Catherine.Nasa intensyong naglakad si Elle ng mas malayo para bigyan ang dalawa ng espasyo. Nanatiling tahimik si Catherine habang iniintay si Willie na magtanong tungkol sa mga litrato. Gayunpaman, matapos ang matagal na paghihintay, walang sinabi ang lalaki. Tinignan pa ng lalaki ang babae na may halong paghanga, takot, at kawalan ng magagawa.“...”Talagang walang masabi si Catherine. “Well… Young Master Hill, nakakaranas ka ba ng kahit anong side effects bilang resulta ng pagkakakuryente kagabi?”“Talagang wala. Sa halip ay naging mas luminaw ang pag-iisip ko.” Ngumiti si Willie. “Miss Jones, isang dakilang karangalan para sa akin na nakita kita sa Melbourne. Pwede ba tayong maging magkaibigan?”“Pero ang mga litrato…”Kinaway ni Willie ang kanyang mga kamay. “Pwede mong itago ang mga litrato kung gusto mo.”An
”Huwag. Huwag.” Habang iniisip ang utos ni Shaun kahapon. Agad na pinigilan ni Willie si Catherine.Sa kabila ng pagkakaroon ng matatapang na ideya sa kanyang isipan, ikinagulat pa rin ni Catherine na marinig ito mula kay Willie.Si Shaun ay talagang miyembro ng pinakamakinang na pamilyang Hill. Dahil si Willie ay sobrang magalang at takot kay Shaun, posible kayang silang dalawa ay… magkamag-anak?Kahit kailan ay hindi niya naisip na kalabanin ang pamilyang Hill. Ang pamilyang iyon ay masyadong komplikado para isipin ng isang ordinaryong tao kagaya niya.“Okay, pinapangako ko, pero pwede ko bang malaman paano ka nakilala ni Rebecca?” Tanong ni Catherine habang pinipilit ang kanyang sarili na kumalma.“Si Stephen ang nagpakilala ng babae sa akin.” Ngumisi si Willie, “Ang assistant ko ay may kaugnayan sa pamilyang Campbell. Gusto ni Stephen na mag-ayos ng relasyon sa akin, kaya pinadala niya ang girlfriend niya.”Ang sulok ng mga labi ni Catherine ay kumibot. “Naeenjoy mong matulog
”Alam ko. Mahusay ang ginawa mo.”Walang galaw na umupo roon si Shaun na may diwa ng dakilang dangal na nanggagaling sa gwapo niyang mukha.Sa loob ay napuno ng galak si Willie. Bago siya makapagsalita, nagsimulang gumalaw ang mga labi ni Shaun.“Pero… hindi ba siya naghinala ng kahit ano?”Sa oras na matapos si Shaun magsalita, isang aura ng panlalamig at awe ang nanghimasok sa kapaligiran. Ang puso ni Willie ay tila nanigas.“Huwag kang magsinungaling sakin, Willie,” nakababagot na babala ni Shaun, “Naalala mo kung anong nangyari nung 16 ka matapos mong magsinungaling sakin, hindi ba?”Nangatog si Willie. Nang taong mag-18 siya ang pinakamadilim niyang taon.“Siya… Siya nga ay naghinala.” Nanginginig na tila dahon, masyadong takot si Willie para itago ito sa lalaki. “Alam niya na ngayon na galing ka sa pamilyang Hill, pero hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol dito. Siya ang nanlinlang sakin, at nakagawa ako ng pagkakamali. Dagdag pa ron, pareho tayo ng apelyido…” Hinimas ni
Natigil si Catherine. Plano niya sana tanungin si Shaun tungkol sa katauhan nito. Subalit noong pinakiusapan niya si Willie itago ang identidad niya, pinapakita nito na hindi niya gusto ipaalam ito sa kanya. Kung ganoon, hindi na niya ito tatanungin. “Wala.”Dahan-dahan binaba ni Shaun ang tingin niya. Tinignan siya ni Catherine at sinabi, “May pupuntahan ako na auction ngayong gabi, kaya hindi ako makakauwi mamayang hapunan. Gusto mo ba…. sumama sa akin?”Nag-iingat siyang nagtanong kahit na pakiramdam niya ay hindi ito sasama sa kanya. Base sa mayabang niyang ugali, hindi siya interesado sa mga ganitong okasyon.“Sige.”“Huh?” Natulala si Catherine, iniisip niya na mali ang pagkakarinig niya.“Sabi ko sige. Bakit gulat ka?”Tinignan ni Shaun ang nagulat niyang ekspresyon ng may ngiti.“Pero ayaw mo pumunta sa mga kaganapan na naganap dito sa Melbourne.”“Sasama ako para mapigilan ang mga lalaki na lalandi sa iyo.”Seryoso siya na nagmamaneho habang nakatingin sa daan. Luming
Ilang babae na kasal sa mga mayayaman na negosyante ang pumaligid kay Catherine at pinuri siya.“Chairwoman Jones, saan mo nabili ang gown mo? Ang ganda!”“Ang kwintas na suot mo ay galing sa Tiffany at iyan ang pinakabagong disenyo, ‘di ba?”“...”“Magandang gabi sa inyong lahat.”Biglang lumapit si Janet kay Catherine nang may masamang intensyon habang may dalang baso ng wine. “Ah, Chairwoman Jones, hindi ko inaasahan na pupunta ka dito sa subasta. Sandali, hindi ako sigurado kung dapat pa rin kita tawagin na Chairwoman Jones ngayon.”“Anong ibig mong sabihin, Miss Campbell?” tanong ni Madam Clark, isa sa mga babae, nang may pagkairita.Nagbuntong hininga si Janet. “Siguro hindi niyo pa ang alam ang nangyari. Narinig ko na binugbog ni Chairwoman Jones si Willie, na mula sa Canberra, noong selebrasyon ng anibersaryo ni Hudson kagabi.”“Ano? Tinutukoy mo ba si Willie mula sa pamilyang Hill?”“Oo, siya iyon.” Tumango si Janet. “Sabi sa akin ng kaibigan ko na siya ang dahilan ku
Nagsimulang pag-usapan ito ng lahat.“Si Ethan iyon mula sa korporasyon ng Lowe. Sobrang galante naman niya.”“Narinig ko na nasa isang relasyon siya sa young lady mula sa mayayaman na pamilyang Steele.”“Ganon ba. Ang mga Steele ay medyo sikat si Melbourne. Mukhang mababago niya ang mga bagay”“Mismo. Ngunit ang kasalukuyang tserman ng Hudson, si Catherine, ay dati niyang nobya.”“Hindi umaayon ang nobyo ni Catherine ngayon. Siguro hindi niya kaya bumili ng mamahalin na kwintas para sa nobya niya.”Masyado nagbuhos ng pansin ang lahat dito, at biglang inlipat ng lahat ang tingin nila kay Catherine. Hindi inaasahan ni Catherine na madadamay siya sa diskusyon. Mabilis niyang hinawakan si Shaun at sinabi sa mababang boses, “Huwag magpadala sa sinasabi ng iba. Ang mga komento ay parang dekorasyon lang. Wala silang kwenta maliban sa magdala ng paghanga mula sa ibang tao. Parang mga bagay na binigay ng ibang tao na hindi dapat paggastusan.”Seryoso siyang tinignan ni Shaun. Sa toto