Share

Kabanata 1466

Umalis agad si Director Cheever pagkatapos nitong magsalita.

Siya namang sinundan ni Eliza.

Nakatuon ang atensyon ng lahat sa anino nito habang naglalakad papalayo. Walang makapaniwala na mayroong makakapasa agad sa unang pagkakataon pagdating kay Director Cheever.

Bukod pa rito, ni walang bahid ng kaba ang makikita sa babae noong sumabak ito sa isang eksena kasama si Norman, ang kinikilalang pinakamagaling na aktor ng kanilang henerasyon. Maikukumpara pa sa lalaki ang galing ng babae sa pag-arte, kung kaya nama’y hindi pawang hindi ramdam ang presensya ng babaeng bida na si Cindy.

Sa katunayan ay kumukulo na ang dugo ni Cindy na siyang inaalalayan ng kanyang assistant. Hindi niya inaasahang magaling si Eliza pagdating sa pag-arte.

Kailangang mapatalsik ng babaeng iyon kundi masasapawan siya ni Eliza pagdating sa mismong pelikula.

Tila’y may magandang naisip si Cindy.

Sumulyap ito sa gazebo, at noon niya lamang nalaman na umalis na pala si Chester.

Bumuntong-hininga na lamang i
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status