Share

Kabanata 1468

Noong makita ng mga nanonood ng eksena sa labas ang galit na mukha ni Cindy ay iniwasan na lamang nila ito sa takot na pati sila’y madamay sa galit ng babae.

Kinakabahan si Leanne noong tumingin ito kay Eliza. “Miss Robbins, alam ko pong ayaw ninyo kay Cindy, ngunit hindi po ba masyado niyo siyang pinamukhang masama? Fiancée din naman ho siya ni Young Master Jewell. Kahit nga ho si President Daley ay kinakailangan siyang galangin.”

“Okay lang ‘yan. Kung hindi man tayo sumikat, samahan mo na lang ako sa pagtatayo ng negosyo.” Sagot ni Eliza. “Mas magaling naman akong negosyante kaysa artista.”

Natigilan si Leanne. “Huwag po kayong magbiro-biro. Kailan pa po kayo nagsimula ng negosyo? Isa pa po, madali lamang para sa mga Jewell na sirain ang mga bumabangga sa kanila.”

“Alam ko.” Tumawa si Eliza. May bahid ng panunuya sa kanyang boses.

Siya, higit sa lahat, ang nakakaalam nito dahil sa naranasan na niyang masira nang dahil sa mga ito.

Kinalauna’y nagkaroon ng biglaang meeting si Dir
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status