"Tama na. Huwag ka nang magsalita. Ibibigay ko sayo ang pera," pinutol ni Eliza si Jacob."Edi bilisan mo." Mapagmataas na ngumiti si Jacob. Lagi niyang ginagamit ang tactic na 'yun, at hindi pa ito pumapalya."Sundan mo ako sa taas. Wala akong perang dala." Tumalikod si Eliza at umakyat.Agad na sumunod si Jacob sa babae.Parehong hindi nila alam na dumating si Chester na nasa bulsa ang kamay, nangyaring nakita ng lalaki na may middle-aged na lalaking sumusunod kay Eliza papunta sa taas.Pinaliit ng lalaki ang kanyang mga mata. Sumunod siya sa kanila, pero isang hakbang siyang nahuhuli. Nadala na ni Eliza ang tao sa taas....Matapos pumasok sa tahanan niya, isinara ni Eliza ang pinto. Kumuha siya ng isang pairing knife at iniabot ito kay Jacob. “Magbalat ka ng mansanas para sakin. Kukunin ko ang card ko.”“Okay.” Talagang hindi nag-atubili si Jacob. Hangga’t may pera, handa siyang magbalat ng kahit ano, lalo na ang isang mansanas.Matapos umakyat si Eliza, agad siyang kumuha
Siya ay isang babae na nasa kanyang 20s, pero ang puso niya ay kasing tigas na ng bato.Tumuwad si Eliza at hinalughog ang bulsa ni Jacob. May nahanap siyang phone at ang voice recording function nito ay nakabukas.Nag-iba ang ekspresyon ni Jacob.“Napakabuting ama mo talaga. Ni kailangan mo pa ng voice recording kapag nakikipagkita sakin. Iniisip mong kumuha ng dumi sakin at i-upload ito sa internet kapag hindi ako nakinig sayo, tama?” Malamig na tumawa si Eliza at sinipa palayo ang lalaki. “Kukumpiskahin ko ang phone. Gayunpaman, hayaan mong balaan kita na tinuturuan lang kita ng konting leksyon ngayong araw. Hindi kita bibigyan ng kahit isang barya sa hinaharap. Kapag nangyari ‘to sa ibang panahon, sisiguraduhin kong mapuputulan ng braso o binti ang pinakamamahal mong anak na lalaki. Dapat kang maniwala sakin. Ngayon lumayas ka na!”Itinago ni Jacob ang madilim niyang titig. Ibinaba niya ang ulo niya at maingat na tumango. Matapos, pipilay-pilay siyang naglakad papunta sa pinto.
"Anong ginagawa mo?" Akala ni Chester gusto lang ni Eliza magbalat ng prutas o anuman, pero may suot siyang gloves nung kinuha niya ang kutsilyo. Inunat niya ang kamay niya sa papunta sa likod niya at madiin na sinaksak ang likod niya. Agad na tumulo ang dugo sa buong likuran niya."Eliza, baliw ka ba?!" Nanlaki ang mga mata ni Chester habang galit na galit siyang sumigaw.Hindi siya pinansin ni Eliza. Matapos niyang tanggalin ang kutsilyo, tinanggal niya ang gloves at tinawagan ang pulis. Nanghihina niyang sinabi, "Hi, ito ba ang istasyon ng pulis? May sumaksak sakin. Nais kong gumawa ng police report."Gulat na pinanood ni Chester ang eksena.Hanggang ibinaba ni Eliza ang phone, at naintindihan ni Chester lahat. "Eliza, ikaw ay baliw na babae""Tama ka. Ako'y isang baliw na babae."Lumingon si Eliza, at ang mukha niya ay nagiging maputla. "Sa totoo lang, pera lang ito, pero simpleng ayaw ko siyang bigyan ng kahit isang barya. Bakit ko siya bibigyan? Bukod sa panganganak sakin,
Hindi nagtagal, hinalungkat ng netizens ang nakaraan ni Jacob. Siya ang biological father ni Eliza, pero gusto niya ang pagsusugal at pag-iinom mula nang bata pa si Eliza. May isang nanguna at sinabi na dati siyang kapaitbahay ni Jacob ng mahigit 20 taon. Hindi lang sa walang trabaho si Jacob dati, pero lagi niya rin sinasaktan si Eliza at ang ina nito.Kalaunan, hindi na ito matiis ng ina ni Eliza at nakipag-divorce kay Jacob. Sinama niya si Eliza at lumayo.Muling nagpakasal si Jacob sa ibang babae at nagkaanak dito. Gayunapman, ang buong pamilya ay matakaw at tamad. Bago sumikat si Eliza, si Jacob, ang bago niyang asawa, at ang anak niya ay namuhay ng mahirap, naghihikahos na buhay. Matapos sumikat ni Eliza, si Jacob ay biglang bumili ng ilang bahay. Ang anak niya ay nagmamaneho pa ng isang Porsche na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong dolyar at nagsimula ng kumpanya. Gayunpaman, ayon sa mga empleyado ng kumpanya, sabi nila na ang anak ni Jacob ay talagang walang kakayahan. Ma
Sa ward.Si Eliza ay nagkaroon na ng malay.Ang una niyang nakita ay sina Hailey at Leanne. Gayon pa man, sobrang abala si Hailey. Tumatawag siya habang nakatalikod kay Eliza."Humihingi ako ng paumanhin. Pasensya na talaga. Ito ay ipinagpaliban sa susunod na buwan dahil sa sugat ni Eliza… Kung nagmamadali ka, maaari ka magpalit ng ibang artista. O maaari mo hintayin si Eliza…""Nagising ka na rin. Sobra akong natakot." Naunang makita ni Leanne si Eliza. Nagliwanag ang mata niya.Lumingon din si Hailey. Binaba na niya ang tawag pagkatapos ng ilang pangungusap at tinignan niya si Eliza. Nagbuntong hininga siya. "Sumasakit talaga ang ulo ko sa iyong natamong sugat.""Pasensya na, Hailey," Humingi ng dispensa si Eliza. "Hindi ako makakasama sa produksyon ng The Belle. At may dalawa pa akong commercial at tatlong kaganapan na nakaplano puntahan ngayong buwan.""Tumawag ang mga tao sa commercial at kaganapan. Ang isa sa kanila ay mas importante, kaya tinanggihan ko yung isa. Kailanga
"Magpahinga ka. Hayaan mo na manatili rito si Leanne at alagaan ka. Kailangan ko pa asikasuhin ang ibang gawain mo. Marami pa taga-ulat sa labas," Ani ni Hailey, "Siya nga pala, paano natin haharapin ang bagay na kasama ang tatay mo?""Paano ito inuulat ng media?" Tanong ni Eliza."Sa kabutihang palad, sila ay naghahanap na ng impormasyon kay Jacob at sa pamilya niya. May tinawagan pa silang maraming tao na pamilyar sa pamilya ni Jacob para magbigay ng saloobin. Kahit papaano, alam na ng mga taga-ulat sa labas na bampira silang pamilya. Kinaaawaaan ka ng publiko nang sobra ngayon."Pinag-isipan muna ito ni Eliza at sinabi, "Ilabas mo ang pangalan ng lugar na kinalakihan ni Jacob at ang address ng kompanya ng anak niya. At saka, humanap ka ng abogado para makuha ko ang pera na binigay ko kay Jacob noon. Sa parehas na oras, kasuhan mo si Jacob. Dahil sinaktan niya ako, dapat siya mapunta sa bilangguan."Gulat siyang tinignan ni Hailey."Ano?" Tanong ni Eliza."Wala," Sagot ni Haile
Natawa si Eliza.Ngunit para kay Chester ay hindi iyon tawa nang dahil sa tuwa. “Ano’ng nakakatawa?”“Ah, para ka kasing ‘yung mga campy na bossy na mga president sa mga drama na ginanapan ko noon. Narinig mo ba ang sarili mo? Para kang ‘Ate, nahuhumaling ako sa’yo’, o kaya’y ‘Babae, nahuhulog na ata ako sa’yo.’” Kumurba ang maputlang mga labi ni Eliza. “Pero kasi ‘yung mga presidenteng iyon, nilalambing ang kani-kanilang mga asawa, samantalang ikaw ay nilalambing mo ang iyong kabit. Isa pa, sobrang halata mo naman. Hindi ko alam kung paano ko pupurihin ‘yang makapal mong mukha.”Nandilim ang kaaya-ayang mukha ni Chester. “Eliza, tinulungan kita, ngunit ngayo’y pinapahiya mo ako. Ilang beses mo na ba ‘to ginawa sa akin, huh?”Wala pang babaeng namahiya sa kanya nang hindi umuwing luhaan.“Uy, hindi kita pinapahiya, ha. Totoo ‘yung mga sinasabi ko.” Nagkibit ng kanyang mga balikat si Eliza. “Kung sa tingin mo’y nakakahiya ‘yung sinasabi kong katotohanan, ay wala na akong magagawa d
Sumimangot si Catherine. Inilagay niya ang mga dala niyang supplement sa lamesa. “Mabuting kaibigan si Chester, ngunit kung magiging asawa mo siya o nobyo, tingin ko’y mamalasin ang sinumang mahuhulog sa kanya. Hindi siya ‘yung tipong magiging tapat sa babae.”“Ngunit hindi ba’t pakakasalan na niya si Cindy?” Tanong ni Freya.“Tingin niyo ba’y kakayanin siya ni Cindy?” Tinaas ni Catherine ang kanyang mga kilay. “Kung kaya niya, hindi siya pakakasalan ni Chester.”“Huwag kayong mag-alala, ni minsa’y hindi ko naisip na makipagrelasyon sa kanya.” Tumingala si Eliza at nanghihinang ngumiti, “Nauunawaan kong pansamantala lamang itong nararamdaman niya sa akin. Walang mangyayari kung mapasakanya man ako. Isa pa, ayaw na ayaw ko rin naman sa kanya.”“Huwag kayong mag-alala. Naniniwala akong alam ni Eliza ang kanyang ginagawa. Hindi ko maunawaan kung bakit ikaw ang target ni Chester noon, ngunit ngayo’y nauunawaan ko na. Naiirita na siguro ‘yun ngayong hindi ka niya makuha.” Nakangiting si