Share

Kabanata 1483

Natawa si Eliza.

Ngunit para kay Chester ay hindi iyon tawa nang dahil sa tuwa. “Ano’ng nakakatawa?”

“Ah, para ka kasing ‘yung mga campy na bossy na mga president sa mga drama na ginanapan ko noon. Narinig mo ba ang sarili mo? Para kang ‘Ate, nahuhumaling ako sa’yo’, o kaya’y ‘Babae, nahuhulog na ata ako sa’yo.’” Kumurba ang maputlang mga labi ni Eliza. “Pero kasi ‘yung mga presidenteng iyon, nilalambing ang kani-kanilang mga asawa, samantalang ikaw ay nilalambing mo ang iyong kabit. Isa pa, sobrang halata mo naman. Hindi ko alam kung paano ko pupurihin ‘yang makapal mong mukha.”

Nandilim ang kaaya-ayang mukha ni Chester. “Eliza, tinulungan kita, ngunit ngayo’y pinapahiya mo ako. Ilang beses mo na ba ‘to ginawa sa akin, huh?”

Wala pang babaeng namahiya sa kanya nang hindi umuwing luhaan.

“Uy, hindi kita pinapahiya, ha. Totoo ‘yung mga sinasabi ko.” Nagkibit ng kanyang mga balikat si Eliza. “Kung sa tingin mo’y nakakahiya ‘yung sinasabi kong katotohanan, ay wala na akong magagawa d
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status