“Ako mismo ang sumagip sa kanya. Gusto kong panagutan ang aking mga pasyente hanggang sa huli.” Kalmado ang tingin ni Chester habang sumasagot ito.“Ngunit parang hindi ka lamang sa injury magiging committed, ano po?” Panunukso ni Freya.“Palagay ko’y mainam na huwag na kayong manghimasok sa buhay nang may buhay.” Kalmadong sinulyapan ni Chester si Freya.Ikinagalit ito ni Freya. Siya ang tipong tao na hindi mapipigilan ang kanyang galit, kaya’t agad siyang napasagot. “Bagama’t hindi pa kami magkakilala nang matagal, kaibigan pa rin namin si Eliza. Hayaan mo akong magpakatotoo. Ikakasal ka na kay Cindy, kaya’t ‘wag mo nang guluhin si Eliza. Mabait siyang tao. Hindi siya katulad ng mga babaeng pinaglalaruan niyo lamang mga lalaki.”“Magkaiba kayo ng mundong ginagalawan.” Dagdag ni Catherine. “Naniniwala akong hindi niya gusto ang anumang mayroon ka. Kung gusto mong makipaglaro, pwede naman. Humanap ka nga lang ng mga taong gusto kung ano ang mayroon ka. Hindi basta-basta binabangga
“Ano’ng iniisip mo?” Biglang tumingin si Chester kay Eliza, may bakas ng ngiti mula sa mga mata ng lalaki.“Ano ba dapat ang iniisip ko? Kung pwede namang bilisan mo na lang.” Nanlalamig na umirap si Eliza.“Hindi ‘to basta-basta minamadali.” Sagot ni Chester.“...”Pulang-pula ang mukha ni Leanne habang nakatayo ito sa may gilid. Gustuhin niya mang pigilan ang pag-iisip ng malalaswang bagay, hindi niya ito magawa dahil sa patuloy na palitan ng salita ng dalawang kasama nito.Sa huli’y hindi na makayanan ni Eliza ang nangyayari. “Kulang ba kayo sa mga nurse? Bakit ikaw pa na doktor ang kailangang gumawa ng mga simpleng bagay katulad ng pagtuturok?”“Hindi nila ako kasing-galing. Baka mamaya’y kung ano pa ang gawin nila sa’yo.” Kumurba sa isang ngiti ang mga labi ni Chester. Hindi maipagkakailang nakakahumaling iyong tignan.Subalit hindi nito tinablan si Eliza. “Wala namang problema, hindi ako takot sa sakit.”“Ngunit sasakit naman ang puso ko kapag nasaktan ka.” Nakangiting bu
“Na-miss mo ba ako?” Hinawakan ni Shaun ang baywang ni Catherine. Marahang tignan ang mga mata at kilay nito. “Ang dami lang nangyayari nitong mga nakaraang araw. Hindi ako makaalis agad ng trabaho katulad ng iba kong mga empleyado.”“Hindi naman sa nami-miss kita kasi araw-araw naman tayong nagkikita… Aray…” Habang nagsasalita si Catherine ay pinisil ng lalaki ang kanyang baywang.Sumama ang kanyang tingin dito. “Ano’ng ginagawa mo?”“Hindi mo pala ako nami-miss, ha.” Matikas ang naging tono ng pananalita ni Shaun.“Gabi-gabi naman tayong nagkikita, bakit kita mami-miss?” Nag-pout si Catherine. Halos lumipat na nga siya sa Hill manor. Malaki rin naman iyong lugar, kaya’t mayroon silang sariling lugar ng mga bata. Hindi na niya kailangang mag-alalang harapin ang mga nakatatanda ng pamilya dahil kung tutuusi’y hindi pa sila pormal na hiwalay ni Wesley.“Ako ngang araw-araw kang nakikita ay nami-miss ka pa rin.” Habang nagsasalita si Shaun ay ginabay ng kamay nito ang baba ni Cather
“Bantay-bantayan mo ‘yang sasabihin mo, Shaun.” Galit na sinabi ni Catherine. “Mula sa aking nakikita, hindi mo lubusang kilala ‘yang kaibigan mo. Payuhan mo nang maayos ‘yan. Malapit na siyang ikasal. Kung may kailangan siya, lumapit siya kay Cindy. Huwag na niyang pestehin si Eliza.”Agad na umalis si Catherine matapos nitong magsalita.Nangati ang anit ni Shaun. Singgulo ng init ng panahon ang damdamin ng mga babae.Wala itong magawa kundi habulin si Catherine. “Sige na, Cathy. Huwag ka nang magalit. Mali ang aking sinabi. Tatanungin ko si Chester at kakausapin siya, okay? At huwag mo akong idamay sa nangyayari. Sa’yong sa’yo lang ako.”Sinulyapan lamang siya ni Catherine. “Shaun, lalaki ka. May kakaiba kayong paraan ng pag-iisip, subalit ako sigurado akong hindi gano’ng klaseng babae si Eliza. Alam kong hindi gano’n kumilos ang isang matalinong babae. Lumalaki ang kanyang pangalan sa industriya. Kapag nalaman ng mga taong nakikisama siya sa relasyon nang may relasyon, tiyak na
“Alam ko.”Inikot ni Chester ang hawak nitong panulat.Nauunawaan niya ang mga sinasabi ng kaibigan kahit na ilang beses pa siyang tanggihan ni Eliza.Kapag naiisip niya si Charity, naiisip niya ring layuan na sana si Eliza.Ngunit minsan talaga’y mayroong mga ganoong klaseng taong mahirap suyuin sa simula.Hindi rin lubos na maunawaan ni Chester kung bakit niya pinuntahan si Eliza noong umagang iyon.Ang alam niya lamang ay mula noong binugbog ni Eliza si Jacob, alam niyang hindi mapagpanggap si Eliza. Sa halip na matakot ay paghanga ang naramdaman niya sa babae.Ayaw ni Chester sa mga babaeng nagpapanggap na mahina sila. Nang kinuha ni Eliza ang kutsilyo upang ipangsaksak ito, narandaman din ni Chester na mayroong tumama sa kanya.Malinaw na siya ay isang mapanlinlang na babae, at pinakaayaw niya ang mga babaeng mapanlinlang.Subalit kakaiba si Eliza.Noong una’y hinalikan niya ito dahil sa ganda ng kanyang mga mata. Ngunit pagkatapos ay nahalina na siya sa pagkatao nito.
“Huwag mo ngang mababanggit si Charity.” Galit na sinabi ni Catherine. “Hindi ba’t pinaglaruan lang naman ni Chester si Charity noon? Noong nakuha na niya ang gusto niya, iniwan na niya.”“Hindi naman gano’n ang nangyari.” Bulong ni Shaun. “Noong sila pa ni Charity, naging pasensyoso siya. Kilala ko si Chester, wala siyang pasensya sa mga babae, ngunit si Charity lamang ang nakapagpabago no’n. Pagkatapos ay bigla na lamang silang nawala. Isa pa, iniisip ni Chester noon na binu-bully ni Charity si Sarah noong mga panahong iyon, kaya’t baka may kanya-kanya silang problema.”“At kailan naging bully si Charity kay Sarah? Matapos nating malaman lahat na si Sarah itong mahilig magpanggap na mahina upang isipin ng mga taong pinagtutulungan siya.” Nabibigong sagot ni Catherine.“Hindi natin alam noong mga panahong iyon.” Agad na hinawakan ni Shaun ang mga kamay ni Catherine. “Huwag na nga natin iyon balikan. Hindi pa ako nakain, Cathy, tara.”“Kung gusto mo kumain, marami kayong cook.” Tin
Saka lang bahagyang kumalma ang malamig na mukha ni Titus. Bumulong siya sa mga tainga ni Sheryl, “Pagbalik natin mamaya, sabihin mo mahal mo ‘ko.”Sheryl. “...”‘Di niya talaga matiis ang matandang lalaking ito na umaastang parang bata.Nagpanggap si Matthew na hindi niya sila nakikita. Sa kahit anong kaso, sanay na siya rito. Para sa mga magulang niya, isang libreng regalo lang siya.Walang ganitong isipin si Rebecca. Ang isipan niya ay magulo na ngayon. Hindi kailanman ay inasahan niya na may maaalala agad si Sheryl sa oras na ito siya sa Melbourne. Baka kaya hindi siya nakaalala dati dahil hindi siya pumunta sa mga pamilyar na lugar, pero kapag nanatili siya ng mas matagal dito at pumunta sa mga lugar na dati niyang tinirhan, baka mabalik ang alaala niya. Kapag nangyari ‘yun, malalaman niya na ang anak niya ay nagngangalang Catherine Jones. Kailangang pigilan ni Rebecca na manumbalik ang alaala ni Sheryl.Paano niya gagawin ‘yun?...Maya maya ay nakarating sila sa villa.
"Alaala?" Sandaling nanigas si Sally bago mabilis na tumango. "Syempre, syempre."...Pagkatapos ng tanghalian.Tinawag nina Jeffery at Sally si Rebecca sa study.Hininaan ni Sally ang boses niya at agitated na sinabi, "Rebecca, ano nangyayari? Hindi ba't sabi mo dati na wala siyang naaalala tungkol sa nakaraan? Kapag naalala niya, edi tapos na tayo. Tignan mo si Titus. Hindi siya isang tao na pwede natin ioffend.""Kasalanan mong lahat ito. Bakit kinailangan mong magsinungaling?" Halos mabaliw si Jeffery sa galit. "Inimpersonate mo pa si Catherine. Gusto mo bang mamatay?""Mom, Dad, kung hindi dahil sakin, kayong dalawa ay nakakulong pa rin," malamig na sinabi ni Rebecca. "Bukod pa rito, nakonsidera niyo na ba 'to? Kapag si Catherine ay balang araw nakilala ni Sheryl, ito'y magiging laro ng bata kung gusto niya 'kong harapin. Matotorture niya 'ko hanggang kamatayan.""Tanda, nakalimutan mo na ba kung paano binenta ni Shaun ang anak natin sa backwoods?" Pinigil ni Sally ang mga