Nang matapos ang paglilitis, nanghihinang napaupo si James sa sahig na para bang mawawalan siya ng malay.Idinampot siya ng mga pulis at dinala palabas ng silid.Kinuha naman nina Rebecca at ng kanyang mga magulang ang pagkakataong iyon upang lumabas bago pa man ito mapansin ninuman.Nasasabik at nagmamadaling niyakap ni Freya si Catherine. “Ang gandang balita naman nito! Ang galing mo, Mr. Hill! Akala ko noong una’y mahahatulan ng mga dalawampung taong pagkakakulong si James ngunit nakakuha siya ng pang-habambuhay na pagkakakulong na hindi mababawasan! Ang galing talaga! Idol na kita.”“Sang-ayon ako. Ang galing mo nga.”Tumungo ring sinabi ni Catherine. Mas mabilis ang naging proseso ng paglilitis kumpara sa kanyang inaakala ngunit pumabor din naman sa kanya ang resulta nito.Isa pa, nakatuon ang pansin ni Shaun sa dire-diretsong pag-aatake kay James. Bagama’t nakatakas nanaman ang mga Jones, naniniwala siyang hudyat na ito ng pagtatapos ng Summit. Wala nang makikipagsama pa ri
“Tama!” Sumali si Freya upang salbahin ang kanyang kaibigan. “May atraso na siya ngayon kay Mr. Hill, kaya’t kailangan niya talaga itong i-treat mamayang gabi.”“Oo naman, may nai-book na akong lugar. Kita kita na lang tayo mamaya,” ‘ika ni Catherine habang hinihila si Shaun palabas ng pintuan.Dahil kung hindi’y nag-aalala itong mas lalo pang lumala ang sitwasyon.Napasimangot na lamang sina Wesley at Ethan habang nagtataka nang nakita nilang hinihila ni Catherine palabas ang abogado.Lalo na’t nakausap na rin ni Wesley si Shaun noon pa. Alam nitong mayabang at walang pakundangan ang abogado, ngunit kaya itong hilahin palabas ni Catherine? Bigla nitong naalala kung paano nawala ang dalawang iyon mula sa restawran na kanilang kinainan noong isang araw. Doon niya napagtantuang may kakaibang pagsasama ang dalawang iyon.Hindi rin ikinatuwa ni Ethan ang mga pangyayari. Kinuwestiyon niya si Freya na naroon pa rin sa loob ng silid. “Mukhang maganda ang pagsasama ni Cathy kay Mr. Hill
“Sige, tumalon ka kung gusto mo.” Sinadyang ilapat ni Shaun ang kanyang kurbata habang sinabihan niya si Hadley na, “Bilisan mo. Doon ka sa bilis na ikamamatay niya agad kapag tinangka niyang tumalon palabas.”“...”Hindi makapaniwala si Catherine.Ito na yata ang demonyo mismo.Nang nararamdaman niyang binilisan nga ni Hadley ang takbo ng sasakyan, tinitigan niya nang masama si Shaun ngunit nawala na agad ang lakas ng loob niyang tumalon palabas ng sasakyan.“Halika rito.” Sa wakas ay sabik na itinuro ni Shaun kay Catherine kung saan siya nito gustong pumunta.“Basta ‘wag mo akong itatali,” nag-aalala niyang sinagot.“Sinabi ko bang itatali kita? Ikaw lang naman nag-iisip ng mga kalaswaang iyan.” Hindi na ito makapaghintay kaya’t sinunggab na siya nito upang kandungin siya.May kasama sila sa sasakyan! Agad na namula ang kanyang mga pisngi at hindi na niya tinangka pang gumalaw. Upang patayin ang malisya, nagsimula siya ng ibang usapin.“Ano ang gusto mong kainin mamayang gab
Umiling si Catherine. Gagawin niya ito kahit hindi na siya sabihan.Upang ipakita ang kanyang pasasalamat, ginawa niyang abala ang sarili upang ihain ang mga paboritong putahe ni Shaun.Sa mga sandaling ito, tinitignan niya muna ang kanyang social media.Pinupuna ng mga tao sa Internet ang Summit. Bagama’t hindi iniimbestigahan si Jeffrey ngayon, hindi na naniniwala ang mga netizen na wala pa ring kinalaman sa mga nangyari ang pangulo ng kompanya.May mga kumalat ding petisyon upang i-boycott ang Summit.Palubog na talaga ang Summit!Nagbago ang isip ng mga tao noon na naniwalang tumanggap lamang siya ng sahol at nagsimula silang maawa kay Catherine matapos nilang malaman kung ano ang tunay na nangyari sa kanya.Noo’y naglalaro lamang sa higit isang milyon ang kanyang followers ngunit ngayon ay umabot na ito sa sampung milyon. Mas sikat na siya ngayon kumpara sa ibang mga artista.Nang matapos niya nang lutuin ang mga pagkain, hindi mapigilan ni Aunty Linda na purihin ang kanya
Nang pumunta ulit si Catherine sa harapan ni Shaun, nagtagpo ang kanilang mga mata, at nakapapaso ang pagtingin nito.Namula si Catherine sa titig nito at agad agad niyang ibinaba ang kanyang mga mata, hindi alam kung gaanong nakatutukso ang kanyang itsura ngayon.Tila’y mabilis na naputol ang mga kuwerdas sa utak ni Shaun at agad niyang hinawakan si Catherine sa kanyang baywang. “Tapon mo na bang gawin iyon?”Bahagyang nawindang si Catherine at hindi ito agad nakasagot. Tumungo lamang ito nang hindi niya namamalayan.Pagkatapos na pagkatapos ay iniangat ni Shaun ang kanyang katawan.“Ano ang ginagawa mo?” Napayakap si Catherine sa leeg ni Shaun sa takot.“Catherine Jones, aaminin kong pagaling nang pagaling ang iyong panunukso.” Bahagyang namamaos ang boses ni Shaun habang ibinubuhat nito ang babae paakyat ng kwarto.Nasisiraan na ng bait si Catherine. ‘Kailan ba kita tinusko? Kuya, ikaw kaya ang nagsabing punasan kita. Hindi ba dapat magaling kang magpigil ng iyong sarili? Hin
Sa galit ni Shaun ay agad agad niya itong tinawagan. “Catherine Jones, bumalik ka rito ngayon ngayon din! Kailangan ko pa bang ipaalala sa iyo ang laman ng kontrata? Tingin mo ba’y charity ito na magtatrabaho ako nang libre kapag may nakita akong hindi tma? O tingin mo’y milyon milyon ang halaga ng iyong kakayahang magluto?“Isa pa, hindi rin naman ito ang iyong unang pagkakataon. Bakit ka pa nagpapanggap?”Ang lahat ng kanyang sinabi’y tila latigo na humagupit sa puso ni Catherine habang pinakikinggan niya ito mula sa kabilang linya.Sa simula’y tila nagsisisi pa ito, ngunit ngayo’y nagalit na siya. “Paano mo nalamang hindi ito ang una kong pagkakataon?”“Nagsimula kayong mag-date ni Ethan Lowe noong kayo’y nasa high school pa lamang. Papaanong unang pagkakataon mo ito?” Hindi naniniwala si Shaun na kayang mapanatiling banayad ng mga kabataan ngayon ang kanilang mga pagsasama.“Hindi siya ang una kong pagkakataon.” Pakiramdam ni Catherine na siya’y inaagrabyado. “Ngunit nagkaroon
“Winasak ng bruhang ‘yon si James! Wala siyang puso!”Tuluyan nang bumuhos ang luha ni Sally.“Papa, mama, ‘wag na po kayong mag-away!” Agad na tumakbo si Rebecca papunta sa dalawa upang itigil ang kanilang pag-aaway. “Pa, nakalimutan niyo na po ba? Hindi ito ang panahon para maglugmok. Nasa atin pa rin ang Hudson Corporation. Isa iyon sa Top 500 enterprises sa buong bansa. Tiyak na mas malaki pa iyon kaysa sa Summit!”“Pero iyon ay… sa old madam…” Pag-aalangan ni Jeffrey.“Papa, kung hindi mo magagawan na paraan upang mapasakamay iyon, baka may magbago,” Sinabi ni Rebecca nang may mahinang boses.“Tama si Rebecca,” Walang awang sinabi ni Sally. “Ang lakas mambola ng mga madam na iyon noon, tatlo hanggang lima pa silang nagkukumpulan. Ngunit noong nagkagulo ang Summit, tumakbo agad sila paalis. Kapag lumubog ang Summit, wala nang lugar sa Melbourne ang ating pamilya!”Bahagyang lumaban si Jeffrey bago walang awang kumislap ang kanyang mga mata. “Tama!”...Nanaginip si Catherin
“Hindi ang taong basta basta mo na lamang minamahal,” Payabang nitong sinabi habang siyang pinakawalan. Hindi na niya ito pahihirapan pa.Natapos na lamang nang gayon ang kanilang pag-uusap at napabuntong hininga ni Catherine. Tila’y matagal-tagal niya pang kailangang magkunwaring in love sa lalaking iyon....9:00 am.Nang makarating siya sa opisina, dumiretso agad ito upang hanapin si Joseph.Naka-leave si Catherine mula nang siya ay arestuhin ng mga police at hindi na ito nakabalik sa kumpanya mula noon.Noong una’y inakala niyang mag-aalala siya sa mga komento ng kanyang mga kasama dahil tiyak na mahihirapan si Joseph dahil dito, at ayaw na niyang masira pa ang reputasyon ng Talton Design.Bagama’t tapos na ang kaso, nakokonsensya pa rin ito para kay Joseph.“Joseph, pasensya na’t kararating ko pa lamang sa kumpanya pero ang laki na agad ng atraso ko as iyo pati sa kumpanya.”Nagpapasalamat naman si Catherine dahil hindi pa rin siya sinisante ni Joseph kahit na sumailalim