Share

Kabanata 1390

Sumimangot lamang si Rodney at sinundan ang dalawa.

Pagkababa nila, naroon na sina Old Master Snow, Jason, Nathan, at iba pa. Bihirang kumpleto ang buong pamilya sa harap ng hapag-kainan upang mag-almusal.

Ngumiti si Rodney at sinabing, “Nandito rin po pala kayo, Uncle Nathan. Dahil po ba nalaman ninyong nakabalik na akong muli? Hindi na kailangan ng ganyan ka-engrandeng pagbati.”

Sinulyapan lamang ni Nathan ang pamangkin.

Hinaplos ni Jason ang kanyang sentido. “May pinag-uusapan kami. Kalat na sa buong Internet ‘yung video ng pambubugbog mo kay Patrick kahapon. Ginagatungan pa iyon ng mga tauhan ng mga Kramer. Lumalaki lamang lalo ang issue.”

Sabay nagbago ang itsura nina Rodney at Freya. Agad silang tumingin sa kani-kanilang mga phone.

Mabilis na kumakalat ang paksang [Pamangkin ni Nathan Snow Nanghahampas ng Ordinaryong Mamamayan].

Naroon ang kumpletong video na nagpapakitang palabas si Freya bago ito lapitan ni Linda. Pagkatapos ay makikitang lumuhod si Linda na siya namang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status