Humithit si Chester sa sigarilyo niya at binalaan si Eliza.Tinignan ni Eliza ang likod nito. Hindi nakikita ni Chester, ang mata ni Eliza ay nag-aalab ng pagkamuhi.“Sa pagkakaalam ko, kaunti lang ang kaibigan ni Charity. Ang mga tao na kilala niya lang ay sina Freya at Catherine.” Sinabi ni Chester, “Hindi mo nga siya binisita noong nasa bilangguan siya. Nagtataka ako paano ka niya naging kaibigan. Hinukay mo pa ang abo ng mga magulang niya. Kung hindi mo ako bibigyan ng pagpapaliwanag…”Huminto siya ng saglit at humarap ulit nang may nakakatakot na titig. “Maghihinala ako na gumagawa ka ng lihim na aktibidad para sa kulto, at tatawagin ko ang mga pulis para arestuhin ka.”Tinignan siya ni Eliza. “Kung sasabihin ko sa iyo na nagpakita siya sa panaginip ko at ipinadala niya ang mensahe sa akin, maniniwala ka ba?”“Sa tingin mo ba tanga ako?” Biglang tumawa si Chester.Kinagat ni Eliza ang labi niya. “Totoo ang sinabi ko.”Dahan-dahan niya inilabas ang lumang pendant sa leeg niy
Tinignan ng malupit ni Chester si Shedrick.Kinilabutan ang puso ni Shedrick, at itinama niya ang sinabi niya. “Kung interesado ka sa kanya, susubukan ko na papuntahin siya sa kama mo, okay?”“Manahimik ka.” Hindi mapigilan ni Chester na balaan siya, “May tinanong ako na ibang bagay sa kanya.”“Seryoso?” May hindi makapaniwala na itsura si Shedrick.Kinusot ni Chester ang sintido niya. “Nakita mo ba ako na may sinusuyo o pinipilit na kahit sinong babae?”“Totoo ito. Sa katayuan mo, ang mga babae palagi ang sumusuyo sa iyo.” Nakangiti na sumagot si Shedrick.Ayaw na ni Chester maabala pa nito.Kaya tumalikod na siya at naglakad palabas. Noong nasa pinto na siya, huminto siya para tanungin, “Ang pelikula na The Belle ay ganun ba kaganda?”“Syempre. Tignan mo kung sino ang direktor. Si Director Cheever. Lahat ng pelikula niya ay sobrang galing.” Ipinagpatuloy ni Shedrick, “Tsk. bukod sa pagkuha ng female lead, ang mga tao ay nag-aagawan din para sa first at second supporting femal
Hindi siguro inisip ni Chester na si Eliza ay si Charity talaga.Hindi maintindihan ni Charity bakit nag-aalala pa rin ito sa kanya. Hindi ba ito pumayag na pakawalan siya kahit na sira na ang pamilya niya at patay na siya?Kung ilalarawan ang nararamdaman niya para kay Sarah na tagos sa buto ang pagkamuhi, kung gayon ay kinasusuklaman niya si Chester.Kung magkakaroon siya ng isa pang tiyansa, hihilingin niya na wala siyang kinalaman sa lalaki na ito. Ito ang dahilan kung bakit nagtatago siya maigi sa lalaki na ito sa nakalipas na dalawang taon, at kahit ganoon, nagkasalubong pa rin sila.Sa punto na ito, gusto niya lang gumawa ng maraming pera para bayaran ang danyos sa paglabag sa kontrata at umalis sa Felix Media pagkatapos.Sa gitna ng pag-iisip niya, biglang tumunog ang phone niya. Ito ay isang tawag mula kay Shedrick. “Eliza, may maganda akong balita para sa iyo. Sinabi ni Young Master Jewell na may utang ang kumpanya natin sa iyo, kaya kahit na hindi ka maaaring maging fem
Nanatili na tahimik si Eliza.Gayon pa man, mukhang nakakatakot ang white mask sa ilalim ng madilim na ilaw.Sa mahabang panahon na nakakulong siya sa dilim, nasa bingit na ng pag-iyak si Thomas. Sumigaw siya, “Siya ito. Siya ito. Sabihin mo sa kanya na magpunta. Ako ang kapatid niya.”“Sigurado ako na kinamumuhian niya magkaroon ng kapatid na katulad mo.” Walang awa na sinabi ni Eliza, “Ginambala mo ang plano niya nang paulit-ulit kahit na inabisuhan ka niya at binalan ka na niya dati. Kung hindi ka gumawa ng gulo, hindi niya ito gagawin sa iyo. Hindi mo nga magawa ang mga maliliit na bagay na pinapagawa niya sa iyo.”“Pasensya. Kasalanan ko.” Pagkatapos marinig ang sinabi ni Eliza, mas naging tiyak si Thomas na si Sarah ang nagpakuha sa kanya.Mas alam niya kaysa sa ibang tao na ganito na kasama ang kapatid niya. May mga misteryoso siyang tao na lihim na nagtatrabaho sa kanya.“Hindi na ako maglalakas loob gumawa ulit. Sabihin mo sa kanya na tatahimik na ako sa susunod.” Sinabi
Kinamumuhian din ni Eliza si Shaun, ngunit kamakailan lamang ay nagkipagbalikan ang kaibigan nito rito, kaya’t hindi mahirap para sa kanyang tulungan ang lalaki.“Pagkatapos makatakas ni Thomas ay hindi na natin magagamit itong lugar na ito. Kailangan niyong humanap agad ng panibagong lugar.” Utos ni Eliza.“Sige,”...Pagkaalis ni Eliza ay dinala ng lalaki si Thomas sa likod ng malapit na bundok.Nang matagpuan lamang nitong malapit nang magising si Thomas ito nagpanggap na naghuhukay ng butas.At nang makita niya ito, noon lamang napagtantuan ni Thomas na tinatangka siyang ilibing nang buhay ng lalaki.Akala nito’y patay na siya, ngunit hindi naman ito totoo.Habang tinitiis ang matinding pananakit ng kanyang dibdib, patagong tumakas si Thomas.“Oy! Nasa’n ka? Sandali!” Nang makita ito ng lalaki’y nakakalayo na ng takbo si Thomas, kaya’t agad siya nitong sinundan.Napakabilis ng takbo ni Thomas patungo sa isang baryo sa ilalim ng bundok habang sumisigaw ng ‘Tulong!’Nang m
“Marami ka ngang nalalaman.”Mabagsik ang tono ni Shaun.Nang marinig niya ito’y nagsimulang tumibok nang malakas ang puso ni Thomas. “Pwede akong maging witness, ngunit kailangan mong ipangako sa aking poprotektahan ako ni Chester. Ayaw ko nang ma-kidnap ulit.”Bagama’t hindi na kaatulad ng dati si Shaun, magkaibigan pa rin sila ni Chester, kaya’t naniniwala siyang mapoprotektahan ng kanyang kaibigan si Thomas.“Kidnap?” Nagulat ang lalaki.“Oo, si Sarah ang may pakana nito. Iniisip niya siguro na palagi kong sinisira ang kanyang mga plano, kaya’t pinapatay niya na lamang ako.” Nalulungkot na kinuwento ni Thomas. “Halos isang buwan akong kinulong sa madilim na cellar. Araw-araw pakiramdam kong nasa impyerno ako. May isang babaeng nakasuot ng maskara at paminsan-minsan ay pumupunta siya sa akin upang tortyurin ako. Balak niya rin sigurong patayin ako sa huli, ngunit nakatakas ako. Sugatan pa rin ako.”“Sige, kukuha ako ng taong poprotekta sa’yo. Magtago-tago ka muna’t ‘wag mong i
Noong pinutol ni Shaun ang daliri ni Logan, sinabi ni Catherine na imposible nang tumubo itong muli. Gayumpman ay pinutol pa rin ito ni Shaun.Bagama’t sinasamantala siya noon ni Sarah, pakiramdam niya’y may pananagutan pa rin siya roon.…Sa loob ng villa ng mga Hill.Hindi makatulog si Shaun.Tumayo ito nang matagal sa harapan ng bintana. Matapos ang matagal na katahimikan ay napagdesisyunan ng lalaking putulin ang isa nitong daliri.Nang matanggap ni Chester ang emergency call sa kalagitnaan ng gabi, agad siyang sumugod sa ospital.Matapos gamutin ng doktor ang sugat ni Shaun, tinignan ni Chester ang kamay na kung saan tinanggal ng lalaki ang isa nitong daliri. Nandilim ang paningin nito. “Nasisiraan ka na ba ng bait, Shaun?”“Isang daliri lang naman, hindi buong kamay.” Kinagat ng lalaki ang kanyang naninipis at namumutlang mga labi. “Mas mabuti na itong wala akong atraso sa iba, at wala nang mamamagitan sa aming dalawa.”“Siraulo.” Insulto ni Chester. “Kaya ayokong nakiki
“...”Muntikan nang isuka ni Logan ang kinakain nitong churro.Agad nitong tinignan ang kamay ng lalaki, pagkatapos ay nagsimulang lumaki ang kanyang mga mata. “Young Master Hill…”“Iyan ang atraso ko sa’yo. Sinabi ko na sa’yo noon, ‘di ba?” Sinabi ni Shaun. Tila’y binabalik lamang nito ang inutang niyang pera kay Logan.Hindi alam ni Logan ang sasabihin, kaya’t buong paghahanga na lamang nitong tinignan ang lalaki.Akala niya noong una’y hanggang salita na lamang si Shaun dahil sa kayabangan nito noon kahit na pabagsak na ang kanilang pamilya. Papaanong puputulin ng lalaki ang kanyang daliri upang bumawi sa tauhan ng iba?Gayumpaman, ginawa niya pa rin ito.“Alam ko ang dahilan kung bakit niyo ‘to ginawa, ngunit hanga pa rin ako. Madalang akong humanga sa iba. Kayo ang una.” Taos-pusong sinabi ni Logan.“Ayaw ko lang magkaroon ng atraso sa iba, lalo na sa’yo. Bagama’t si Cathy lamang ang dapat mong protektahan, alam kong ikaw ang nasa likod kung bakit ligtas si Cathy at ang mg