Share

Kabanata 1324

“...”

Muntikan nang isuka ni Logan ang kinakain nitong churro.

Agad nitong tinignan ang kamay ng lalaki, pagkatapos ay nagsimulang lumaki ang kanyang mga mata. “Young Master Hill…”

“Iyan ang atraso ko sa’yo. Sinabi ko na sa’yo noon, ‘di ba?” Sinabi ni Shaun. Tila’y binabalik lamang nito ang inutang niyang pera kay Logan.

Hindi alam ni Logan ang sasabihin, kaya’t buong paghahanga na lamang nitong tinignan ang lalaki.

Akala niya noong una’y hanggang salita na lamang si Shaun dahil sa kayabangan nito noon kahit na pabagsak na ang kanilang pamilya. Papaanong puputulin ng lalaki ang kanyang daliri upang bumawi sa tauhan ng iba?

Gayumpaman, ginawa niya pa rin ito.

“Alam ko ang dahilan kung bakit niyo ‘to ginawa, ngunit hanga pa rin ako. Madalang akong humanga sa iba. Kayo ang una.” Taos-pusong sinabi ni Logan.

“Ayaw ko lang magkaroon ng atraso sa iba, lalo na sa’yo. Bagama’t si Cathy lamang ang dapat mong protektahan, alam kong ikaw ang nasa likod kung bakit ligtas si Cathy at ang mg
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status