”Tandaan mo ang sinabi ko ngayong araw at maging magalang ka sa hipag mo sa susunod.”Ngumiti si Shaun at umalis na.Gusto umiyak ni Rodney. Siya ang pasyente ngunit siya ang tinatakot ng ibang tao. Sobra na iyon....Dali-daling nagmaneho si Shaun sa Hudson Corporation.Naghihintay na si Catherine sa ibaba kanina pa.Pagpasok ni Catherine sa pinto, ang mukha niya ay walang ekspresyon at malinaw na hindi maganda ang mood niya. “Shaun Hill, pinaghintay mo ako na mahigit limang minuto.”Sa totoo lang, may pasensya siya para maghintay. Gayon pa man, kakabalikan pa lang nila ni Shaun ngunit pinaghihintay na agad siya nito. Pakiramdam niya ay hindi na siya nito pinapahalagahan sa saglit na sumangayon siya makipagbalikan dito."Cathy, huwag ka magalit. Kasalanan ko ito." Mabilis na humingi ng tawad si Shaun. "Kakagaling ko lang mula sa ospital ng pamilyang Jewell. Palagi may traffic jam malapit sa ospital.""Bakit ka nagpunta sa ospital?" Nagbago ng kaunti ang ekspresyon ni Catherin
Ngunit… kailangan pa rin ng bata ng ama," Naglakas loob si Shaun at maingat na sinabi."Depende iyon sa kung anong klase siya na tatay. Kung siya ay isang tatay na puro basura ang laman ng utak, hindi kailangan ng bata na mapalaki ng tatay na katulad niya. Masasaktan lang ang bata." Hindi sumangayon si Catherine.Natahimik si Shaun.Pakiramdam niya ay hindi makakabalik si Rodney sa pamilyang Snow sa nalalapit na panahon....Nagmaneho si Shaun ng kotse ng medyo matagal.Napagtanto ni Catherine na sadyang nagmamaneho si Shaun paikot ng siyudad. Pagkatapos ng ilang saglit, bumilis siya at dali-dali tumungo sa esplanade."Kanino mo ako dadalhin? Sobrang misteryoso mo, at natatakot ka rin masundan.""Sobrang talino mo, Cathy," Pinuri siya ni Shaun. "Malalaman mo namaya. Hindi ko sasabihin sa iyo ngayon."Tinignan ni Catherine kung gaano kamisteryoso si Shaun at hindi na nagtanong pa.Makalipas ang 50 na minuto, nagmaneho sila papunta sa isang villa. Kahit na hindi katabi ng villa
“Isa kang matalinong babae.” Tinignan siya ni Brennan at biglang sinabi, “Mas matalino ka pa kaysa sa akin noong kapanahunan ko. Mas magaling kayo ni Shaun kaysa sa akin.”Minsan na siyang naipatumba ni Mason ngunit inabot siya ng higit dalawampung taon bago pa man siya makabalik muli.Nalinlang pa siya ni Mason na isiping hindi niya anak si Liam.Ito ang naging hudyat upang mag-away at kamuhian ng magkapatid na Shaun at Liam ang isa’t isang sa loob ng ilang taon. At sa puntong iyon… wala na si Liam.Alam ni Catherine na si Liam ang iniisip ni Brennan kaya’t nalungkot ito. “Uncle, ‘wag niyo pong masaydong sisihin ang inyong sarili. Hindi niyo ito kasalanan.”“Oo.” Tumungo si Brennan. “Mas matalino ka sa akin, kaya’t napamulat mo ang mga mata ni Shaun. Tama lamang na nagkabati kayong dalawa. Kailangan kayo ng inyong mga anak.”“Oo, oo, oo, mas maswerte na kami ni Catherine kaysa sa’yo. Tama na ‘yan. Tara na kumain na tayo.” Pagpuputol ni Shaun habang hinain niya ang mga pagkain.
“Hindi ah. Kung tutuusin, nangyari iyon ng dakong 11:28 ng gabi kagabi.” Pagtatama ni Shaun.Ikinagalit ni Catherine ang sinabi ng lalaki.Hindi maipaliwanag ang ngiti sa mga labi ni Brennan habang pinanonood na magtalo na parang mga bata ang dalawa.Noong unang panahon, gayon din sila magtalo ni Lea. Ngunit bata pa sila noon at hindi pa nila alam kung paano nila pahahalagahan ang isa’t isa.Pagkatapos ng napakaraming taon, mag-isa at nalulumbay pa rin sila.“Sandali lang.”Biglang tumayo si Brennan at umakyat.Makalipas ang tatlong minuto ay bumalik ito hawak-hawak ang isang envelope na kanya ring inabot kay Catherine.Kinuha ito ni Catherine at binuksan. Tumambad sa kanya ang title deed at ang real estate certificate ng Hill Manor kasama ang ilang pirasong mga susi.Natigilan si Catherine sa gulat. “Kayo ho ang bumili ng Hill Manor?”“Ito ang una nating pagkikita, kaya’t ibibigay ko na sa’yo ang manor.” Ngiti ni Brennan. “Isipin mo na lamang na regalo ko iyan para sa kaaraw
Bumuntong-hininga si Catherine.Totoong maraming nagawang mali si Lea.Kasal na ito noon, kaya’t natuto sana itong dumistansya mula kay Mason. Upang sa gayon ay hindi sila palaging nagtatalo ni Brennan.Sa pagitan ng dalawang nasa relasyon, habang mas nag-aalala sila para sa isa’t isa, mas numinipis ang kanilang tiwala sa isa’t isa.Gayon kasi ang nangyari sa pagitan niya at ni Shaun.Subalit hindi tulad nina Lea at Brennan, hindi nakipagtalik o nagkaroon ng anak si Shaun kay Sarah—ni hindi nga sila kinasal. Dahil kung gayo’y hindi talaga siya makikipagbalikan sa lalaki.“Alam ba ng iyong inang anak din ni Brennan si Liam?” Tanong ni Catherine.Umiling lamang si Shaun. “Hindi ko na rin sinabi. Natatakot ako na baka hindi niya kayanin ang matinding pagkagulat.”Bukod sa pagpapakasal sa isang katulad ni Mason, marahil ay hindi kakayanin ni Lea ang kanyang emosyon kapag nalaman pa niyang hindi kay Mason ang anak na iniluwal niya noong taong iyon.“Oo, wala na si Liam. Kapag sinab
Tinignan ni Catherine ang pilit na ngiti ng lalaki ay nagkaroon siya ng udyok na hampasin ito.“Cathy, pahalagahan natin ang mga nangyayari ngayon, kaya’t samahan ako pabalik sa bahay ngayong gabi…”“At iyon nga, pakihatid ako sa mga Yule.” Pagpuputol ni Catherine. “Hindi pa ako hiwalay, kaya’t hindi nararapat na manatili ako sa mga Hill araw-araw. Isa pa, hindi naman ako kasal sa’yo?”Natahimik si Shaun ng mga ilang sandali. “Kung gayo’y ako na lamang ang mananatili sa mga Yule.”“Gusto mo bang maputulan ng binti?” Hindi nagdadalawang-isip si Catherine na gagawin iyon ng kanyang ama. “Bagama’t ayaw ni Papa kay Wesley, mas matagal ka na niyang hindi gusto.”“Kung gayo’y… kailan kita makakatabi sa pagtulog?” Nalulumbay na tanong ni Shaun. Tila ba’y isa siya sa mga aleng nagrereklamo sa isang palengke.Namula si Catherine sa pagiging direkta ng lalaki. “Gusto mo bang bawiin ko ang aking desisyon? Kababati lang natin kagabi ngunit gusto mo na agad akong makatabi sa pagtulog. Pasensy
“Sino ‘yan?”Sinulyapan ni Shaun si Catherine habang nagmamaneho at hindi nito mapigilang kabahan dahil tumitingin ito sa litrato ng ibang babae. “Hindi ka naman siguro… naaantig muli sa mga babaeng artista, ano?”Pagkatapos ay inaliw ni Shaun ang kanyang sarili. Tama na, mas mabuti nang maantig si Catherine sa mga babaeng artista kaysa sa mga lalaking idol.“Ito ‘yung nabanggit na rising theater star na si Eliza Robbins.”Sagot ni Catherine. “Gusto kong makita kung may laban siya kay Cindy.”Hindi maipaliwanag ang tingin ng lalaki bago nito sabihin ang totoo, “Ah, ito ba ‘yung lead role? Wala ‘yang tiyansa.”Nalungkot si Catherine sa sinabi ng lalaki. Malungkot niyang tinignan ang lalaki.“‘Wag mo nga akong tignan nang ganyan.”Pakiramdam ni Shaun ay inaagrabyado siya ng babae. “Baka hindi ka pamilyar sa hatak ng mga Jewell sa industriya ng pag-aarte. Isang major shareholder si Chester si tatlong pinakamalaking media and film companies sa bansa. Isang salita niya lamang ay mag
Si Chester ay tila kadalasang mahina habang hawak ang scalpel ng araw na ‘yun, ngunit sinong nakakaalam na ang katawan niya ay perpektong toned sa oras na matanggal ang mga damit niya.Isang bahid ng infatuation ang lumitaw sa mga mata ni Cindy. Sumunod siya sa lalaki at sinabi, “Chester, pwede kita tulungan maligo. Alam kong pagod ka, kaya hayaan mong pagsilbihan kita.”Nang marinig ito, tumigil si Chester sa paglalakad niya at lumingon para may panunuyang sumulyap sa babae. “Cindy, sa tingin ko… masyado mong iniisio ang mga bagay.”Nanigas ang ekspresyon ni Cindy.Humarap si Chester at lumapit sa babae. Matapos, pinisil niya ang baba ng babae. “Nang sabihan mo ‘ko na pakasalan ka, pinunan ko ang hiling mo. Hindi magtatagal, magiging Young Madam Jewell ka na hahangaan ng lahat, pero tila hindi ka makuntento. Gusto mo pang makuha ang puso ko, huh?”Tumitig si Cindy sa tila-diyos, na gwapong mukha ng lalaki. Sobrang infatuated siya na hindi niya mapiggilang sabihin, “Chester, in lo