Napangiti si Catherine. “Hindi ko naman alam na may napakalakas naman palang divorce lawyer si Shaun.”“Wala rin naman akong magagawa. Kung hindi ako nag-specialize sa divorce, tiyak na makakaharap ko si Shaun sa korte. Ayaw ko siyang kaharap sa korte, tiyak na matatalo ako.” Pagkikibit-balikat ni Lilian. “Ano nga pala ang sitwasyon niyo ni Wesley ngayon?”“Pihado ko’y hindi siya basta-bastang makikipaghiwalay. Ako na siguro ang pinakakinamumuhian niyang tao ngayon.” Sagot ni Catherine. “Kailangan natin itong pag-usapan, dahil kapag pumalpak ito, tiyaka lamang tayo titingin sa batas.”“Sige. Sasamahan kita.” Tungo ni Lilian.At pagkatapos noo’y dumiretso ang dalawa papuntang Golden Corporation. Sumunod sina Logan at Austin upang protektahan si Catherine.Noon lamang siya kinita ni Wesley.Iyon ang unang pagkakataong nagkita ang dalawa matapos ang mga nangyari noong gabing iyon.Noong mga araw na iyon ay hindi na nagtatago si Wesley. Punong-puno ng lumbay ang kaaya-aya nitong muk
Ngumiti si Wesley at sinabing, “Hintayin mo lang. Uunti-untiin ko kayong lahat upang sa gayo’y mas gugustuhin niyo na lamang na mamatay.”“Sige. Tignan natin kung paano ka makikipaglaro.”Umalis si Catherine buhat ng matinding galit na naramdaman nito.Punong-puno ng galit ang kanyang mga braso habang naglalakad ito papalayo.Alam niyang malakas ang loob ng lalaki, ngunit kung may hindi man nawawala rito, iyon ay ang kanyang kayabangan.Wala na talaga itong kinahihiyan.Papaanong nagkaroon ng isang lalaking katulad niya?Sumimangot lamang si Lilian at sinabing, “Marami na akong nakaharap ng tao sa mga ganitong kaso, ngunit ang dating sa akin ni Wesley ay isa siyang taong makasarili at baluktot mag-isip. Napakahirap harapin ng mga taong ‘tulad niya.”Nagsimulang mag-alala si Catherine dahil sa sinabing iyon ng kanyang kasama. “Miss Grant, aaminin ko sa’yo, nakakatakot si Wesley. Pinagbantaan ka niya kanina. Mayroong mga bagay na talagang gagawin niya. Wala rin namang problema sa
Sa kabilang banda, binaba ni Shaun ang tawag at pumasok na sa ospital.Diretso siyang nagpunta sa andrology na doktor na ipinakilala ni Chester.Pagkatapos ng ilang pagsusuri, lumabas siya ng may madilim na ekspresyon.Sakto na nadaanan siya ni Chester at nginitian siya nito. “Ano nangyari?”Nalulungkot siyang tinignan nang masama ni Shaun. “Ang mga andrology na doktor sa ospital mo ay walang kwenta.”“Siya na ang pinakamagaling na andrology na doktor sa bansa.” Tinignan siya ni Chester ng may simpatya. “Huwag mo madaliin ang mga bagay. Huwag ka magmadali.”Sinabi ni Shaun sa nalulungkot na boses, “Hindi ako nagmamadali noon dahil wala akong tiyansa, ngunit nagmamadali na ako ngayon.”Naalala niya kung ano ang sinabi sa kanya ni Catherine kagabi. Hindi niya ito magawang asarin, at hindi niya rin ito mapasiya.Nang hinalikan niya si Catherine ngayon lang, kailangan niya maging maingat at magpigil.Makabuluhan siyang tinignan ni Chester at ngumiti. “Nagkabalikan na kayo?”“Yea
”Okay, huwag mo na siya galitin. Hindi rin maganda ang pakiramdam niya.”Tinulungan ni Chester si Rodney nang nakita niya ang nalulungkot na itsura nito. “At saka, niloko ka ni Sarah ng mahigit na sampung taon. Sa kabutihang palad, hindi pa ginagastusan ni Rodney si Sarah.”“...”Ang malamig na mata ni Shaun ay tumingin sa kanila. Tinutulungan ba siya ni Chester o kumakampi ito kay Rodney.Ngumiti si Chester at nagkibit balikat.Biglang tumingala si Rodney at emosyonal na sinabi, “Chester, lumuwag ang pakiramdam ko sa sinabi mo. Kahit na naloko ang nararamdaman at puso ko, buti na lang may pera pa rin ako. Sa mga araw na ito, hindi ako makaisip at pakiramdam ko ay wala nang kwenta mabuhay pa. Ngunit pakiramdam ko ngayon ay swerte ako kung ikukumpara sa ibang tao. Dapat ako makuntento.”“Maayos na ganyan ka mag-isip.” Nagbuntong hininga si Chester. “Kung iisipin talaga natin, tayong tatlo ang mga tanga. Pinaglaruan tayo ni Sarah.”“Oo.” Mapait na bumaba ang tingin ni Rodney. “Par
”Huh? Nagkablikan na kayo?” Nagulat si Rodney.“Oo.” Nanlilisik ang mata ni Shaun. “Umaasa ako na mas maging magalang ka kay Cathy. Wala siyang utang sa iyo, o kahit kay Sarah ng kahit ano. Hindi rin ako magiging responsable kay Sarah. Dati, hindi ko tinulungan si Cathy noong pinupuntirya niyo siya, na naging dahilan upang lumaki ang distansya sa pagitan namin. Iyon ang pinakamalaking pagkakamali ko. Sa susunod, gugulpihin kita mismo.”Muntik na dumura si Rodney ng dugo. “Andito ka ba para bumisita sa pasyente o takutin ako? Sino ba ang mas nakakakilala sa iyo ng mas matagal? Hindi mo ba narinig ang kasabihan na ‘bros before h*es’?”“Pinili ko dati ang mga kaibigan ko. Bilang resulta, nabuhay ang mga anak ko ng walang tatay. Muntik na ako mawalan ng dalawang mapagmahal na anak at isang perpektong pamilya. Hindi ko na iyon hahayaan mangyari sa susunod.”Huminto si Shaun at iniba ang paksa. “At saka… si Cathy ay sobrang talino, kalmado, at matalas. Alam niya kung paano makilala ang m
”Tandaan mo ang sinabi ko ngayong araw at maging magalang ka sa hipag mo sa susunod.”Ngumiti si Shaun at umalis na.Gusto umiyak ni Rodney. Siya ang pasyente ngunit siya ang tinatakot ng ibang tao. Sobra na iyon....Dali-daling nagmaneho si Shaun sa Hudson Corporation.Naghihintay na si Catherine sa ibaba kanina pa.Pagpasok ni Catherine sa pinto, ang mukha niya ay walang ekspresyon at malinaw na hindi maganda ang mood niya. “Shaun Hill, pinaghintay mo ako na mahigit limang minuto.”Sa totoo lang, may pasensya siya para maghintay. Gayon pa man, kakabalikan pa lang nila ni Shaun ngunit pinaghihintay na agad siya nito. Pakiramdam niya ay hindi na siya nito pinapahalagahan sa saglit na sumangayon siya makipagbalikan dito."Cathy, huwag ka magalit. Kasalanan ko ito." Mabilis na humingi ng tawad si Shaun. "Kakagaling ko lang mula sa ospital ng pamilyang Jewell. Palagi may traffic jam malapit sa ospital.""Bakit ka nagpunta sa ospital?" Nagbago ng kaunti ang ekspresyon ni Catherin
Ngunit… kailangan pa rin ng bata ng ama," Naglakas loob si Shaun at maingat na sinabi."Depende iyon sa kung anong klase siya na tatay. Kung siya ay isang tatay na puro basura ang laman ng utak, hindi kailangan ng bata na mapalaki ng tatay na katulad niya. Masasaktan lang ang bata." Hindi sumangayon si Catherine.Natahimik si Shaun.Pakiramdam niya ay hindi makakabalik si Rodney sa pamilyang Snow sa nalalapit na panahon....Nagmaneho si Shaun ng kotse ng medyo matagal.Napagtanto ni Catherine na sadyang nagmamaneho si Shaun paikot ng siyudad. Pagkatapos ng ilang saglit, bumilis siya at dali-dali tumungo sa esplanade."Kanino mo ako dadalhin? Sobrang misteryoso mo, at natatakot ka rin masundan.""Sobrang talino mo, Cathy," Pinuri siya ni Shaun. "Malalaman mo namaya. Hindi ko sasabihin sa iyo ngayon."Tinignan ni Catherine kung gaano kamisteryoso si Shaun at hindi na nagtanong pa.Makalipas ang 50 na minuto, nagmaneho sila papunta sa isang villa. Kahit na hindi katabi ng villa
“Isa kang matalinong babae.” Tinignan siya ni Brennan at biglang sinabi, “Mas matalino ka pa kaysa sa akin noong kapanahunan ko. Mas magaling kayo ni Shaun kaysa sa akin.”Minsan na siyang naipatumba ni Mason ngunit inabot siya ng higit dalawampung taon bago pa man siya makabalik muli.Nalinlang pa siya ni Mason na isiping hindi niya anak si Liam.Ito ang naging hudyat upang mag-away at kamuhian ng magkapatid na Shaun at Liam ang isa’t isang sa loob ng ilang taon. At sa puntong iyon… wala na si Liam.Alam ni Catherine na si Liam ang iniisip ni Brennan kaya’t nalungkot ito. “Uncle, ‘wag niyo pong masaydong sisihin ang inyong sarili. Hindi niyo ito kasalanan.”“Oo.” Tumungo si Brennan. “Mas matalino ka sa akin, kaya’t napamulat mo ang mga mata ni Shaun. Tama lamang na nagkabati kayong dalawa. Kailangan kayo ng inyong mga anak.”“Oo, oo, oo, mas maswerte na kami ni Catherine kaysa sa’yo. Tama na ‘yan. Tara na kumain na tayo.” Pagpuputol ni Shaun habang hinain niya ang mga pagkain.