“Nabuburyo ka na ba?” Pangungutya ni Shaun. “Hitsura lang naman ang mayroon siya. Natural lamang na maburyo matapos mo siyang titigan nang matagal.”Ang ibig sabihin ng lalaki ay kumpara rito, kakaiba siya dahil maganda ang kanyang katauhan.Ngumiti lamang si Catherine. “Oo nga, kakaiba talaga ang mga lalakeng nahuhulog sa mga tulad ni Sarah Neeson.”Shaun, “...”Napangisngis si Freya nang makita nito ang naninigas na mukha ng lalaki.“Anong nakakatawa?” Sulyap ni Shaun sa babae. “At least nagbago na ako, ‘di tulad ng ama niyang dinadala mo. Natauhan lamang siya kapag inabandona na ng pamilya.”“...”Hindi na muling makatawa si Freya, kaya’t tinitigan na lamang nito nang masama ang lalaki. “At ano’ng ibig mong sabihin? Sinasabi mo bang hindi ako makukumpara kay Sarah? Kung hindi dahil sa inyong mga lalakeng hulog na hulog sa mga katulad ni Sarah ay ganito ang napapala naming mga mababait at inosenteng mga babae.”“Tama na kayong dalawa. Lulutuin ko na lang ‘yung crayfish.” Naba
“Pinuri ko lang nang isang beses ‘yung tao. Nandoon ka pa rin ba?” Nananakit na ang ulo ni Catherine.Noo’y hindi naman ganoong kaingay ang lalaki.“Hindi. Tatlong beses mo siyang pinuri.” Nagbilang si Shaun gamit ang kanyang mga daliri. “Ang gwapo naman nito, napakagwapo naman, papaano siya naging gano’ng kagwapo?”“...”“Ayaw kong ginagawa mo ‘yun. Isa pa, hindi mo pa ako pinupuri nang gano’n.” Nagtatampong tinignan ni Shaun ang babae.Pakiramdam ni Catherine ay tinamaan siya ng isang kidlat.Malapit na siyang makumbinseng may kakaibang espiritung sumapi sa lalaki.Bagama’t hindi niya maipagkakailang ang pagkakaroon ng matampuhing lalaking may kaaya-ayang itsura ay, ahem, mahirap tiisin.Lalo na ang isang tulad ni Shaun. Malinaw na isa itong lalaki, ngunit malalaki ang kanyang mga mata at makakapal ang kanyang mga pilikmata.“Mas isip-bata ka pa kaysa kay Suzie…” Nababagot na sagot ni Catherine.Agad namang nagtunog-makata ang lalaki. “‘Ika nga ng Pranses na nobelistang si
“Ano nga ulit ‘yung tinawag mo sa’kin nito-nito lang, Cathy?” Nagkataong kasama niya noong mga oras na iyon ang isang taong malakas din ang loob. “Sinabihan mo ba akong… masyadong isip-bata? Tawagin mo akong Shaunny.”“Gusto kong manahimik ka, pwede ba, Shaun Hill?” Tinitigan ni Catherine nang masama ang lalaki.Subalit lingid sa kanyang kaalaman na mas nagliliwanag ang kanyang kaaya-ayang mukha kapag nagagalit siya.“Pwede mo akong patahimikin ulit kayaga ng kanina.” Napatawa si Shaun. “Pagbibigyan ulit kita.”“Isa pa—”At sa pagkakataong iyon, bago pa man matapos magsalita si Catherine, ay nagkusa na si Shaun na pagtagpuin ang kanilang mga labi.Noong una’y nagpigil si Catherine.Nasa bahay sila ni Freya. Anong kababalaghan ang ginagawa nila sa bahay ng iba?Kapag pinuntahan silang muli ng babae, tiyak na pagtatawanan siya nito.Subalit ayaw siyang pakawalan ni Shaun Hill. Hindi rin naman siya makapagsalita, kaya’t wala rin naman siyang masyadong nagawa.Makalipas ang kalah
“Tama na kwento. Heto, kumain ka.” Sabay subo ni Catherine ng crayfish sa bibig ng lalaki.Kinain na lamang iyon ni Shaun sabay bumulong sa tainga ni Catherine. “Mas gusto kong bibig mo ang ginagamit mong pampatahimik sa’kin. Mas matamis.”“...”Tinadyakan ni Catherine ang paa ng lalaki.Hindi naman manhid si Freya upang hindi iyon maramdaman.Noong mga oras na iyon, pakiramdam ni Freya na tila’y wala siya sa eksena.Matapos nilang kumain ay tumungo si Shaun sa kusina upang hugasan ang mga plato. “Gusto ko sanang kumain ng crayfish upang magdiwang, ngunit ang napala ko lamang ay sandamakmak na PDA. Umalis na lang kaya kayo?” Malungkot na sinabi ni Freya sa kaibigan.Bahagyang nahiya si Catherine at bumulong, “Hindi, hindi ako makikipagbalikan sa kanya.”Tinitigan siya ni Freya na tila’y sinasabi nitong, ‘Tingin mo ba isa akong tanga?’ “Eh para saan ‘yung matagal niyong halikan kanina?”“...”Hindi na makapagsalita si Catherine sa matinding kahihiyan.Matapos hugasan ni Shaun
“Hindi ko naman nakalimutan lahat eh… May mga naaalala ako bago ako nahulog sa’yo. Ang tanging malabo sa aking utak ay ang mga nangyaari noong nakaramdam na rin ako ng pagmamahal sa’yo.” Pag-aamin ng lalaki.Iyon dapat ang ilan sa mga pinakamasasaya niyang alaala, ngunit nakalimutan niya ang mga iyon.“Cathy, tinutukso mo ako, ‘di ba? Ngayon, ako naman ang tutukso sa’yo.” Malalim ang tingin ni Shaun kay Catherine.Natahimik si Catherine. Hindi niya rin alam ang kanyang isasagot, kaya’t niyuko na lamang niya ang kanyang ulo at tahimik na tinuloy ang kanyang kinakain.Ginamit iyon ni Shaun bilang hudyat upang simulan ang sasakyan.Pagkatapos niyang kainin hanggang sa kalahati ang ice cream, alam ni Catherine na hindi na niya iyon mauubos.Sayang naman kung itatapon niya iyon, kaya’t ibinigay na lamang niya ito sa katabi niyang lalaki.Nagmaneho si Shaun gamit ang isa niyang kamay habang ginamit naman niya ang isa upang kainin ang tira ng babae.Sa loob-loob ni Catherine ay bagama
Silang dalawa ay nakasuot lamang ng maninipis na pajamas.Ang maliit na mukha ni Catherine ay nagpahinga sa dibdib ng lalaki. Ang init ng katawan ng lalaki ay tumagos sa kanilang mga damit, na unti-unti ring nagpainit sa mukha ng babae.Sa kabutihang palad, ang mga ilaw sa kwarto ay nakapatay kaya ang kanyang mukha ay hindi malinaw na makikita.Ang puso ni Shaun ay wala sa ayos na tumibok. Akala niya itutulak siya palayo ng babae kagaya ng dati, ngunit hindi ito ginawa ng babae.“Cathy…” Mainit ang pakiramdam ng kanyang lalamunan at ang boses niya ay namamaos.“Mmh.” Tumingala si Catherine gamit ang kanyang malaki at magagandang mga mata.Hindi na makapagpigil si Shaun at ibinaba ang kanyang ulo para sa isang halik. Tanong niya, “Saan nanggaling ang gamot?”“Hiningi ko ito mula kay Aunty Yasmine.” Ang mahina niyang boses ay lumabas sa pagitan ng maninipis niyang mga labi.Ang puso ni Shaun ay tila kasing lambot ng cotton candy. “Cathy, alam kong may pakialam ka pa rin sakin.”
...Sumunod na araw.Sina Suzie at Lucas ay sobrang nagulat nang magising sila.“Akala ko tatakas ulit si scummy dad pagkatapos natin matulog, pero hindi niya ito ginawa ngayon,” sabi ni Lucas sa pagkamangha.Suminghal si Suzie. “Nakalock ang pinto. Paano siya makakapasok?”Walang siglang tumawa si Lucas. Hindi niya inisip na ang lock ay magagamit laban sa mga tao kagaya ng scummy dad niya.“Okay, sweetheart, maghilamos kayo ng mga mukha at magsipilyo.”Sinuyo ni Catherine ang dalawang maliit na bata na magwash up.Sa baba, nasa kusina na si Shaun tinutulungan si Aunty Yasmine na gumawa ng almusal.Habang kumakain sila ng agahan, si Old Madam Hill ay tumingin kay Shaun sa kusina at sinabi na may konting paghamak, “Anong ginagawa niya sa kusina? Ni hindi masarap ang luto niya.”“Tama ‘yan. Muntik na ‘kong mamatay pagkatapos kainin ang pasta na niluto niya dati,” biglang atake rin ni Old Master Hill.Direktang sinabi nina Suzie at Lucas kay Aunty Yasmine, “Aunty Yasmine, kakai
Pagkatapos umalis nina Catherine at Shaun.Maligayang bumuntong-hininga si Old Madam Hill. “Sa wakas ay may maganda nang nangyayari sa mga Hill.”“Ano po ang sinasabi ninyo, Lola?” Nagtatakang tanong ni Suzie.Hinaplos ni Old Madam Hill ang ulo ng bata. “Nako, anak. Hindi pa ba halata? Nagsisimula nang magbati ang iyong ama at ina.”Nalito lamang ang bata sa narinig. “Nagbati na sila?”Nakaiinsulto ang tingin na ibinigay ni Lucas sa kapatid. “Sinabi nga ni Mommy na kakainin niya ang ihahandang almusal ni Aunty Yasmine sa susunod. Kung noon lamang ‘yon ay tiyak akong hindi natin ‘yon maririnig mula kay Mommy.”Gayon lamang naunawaan ni Suzie ang lahat. Bahagya itong natuwa ngunit mayroon siyang naramdamang hindi niya maipaliwanag. “Kung gayo’y… dito na rin ba sa atin titira si Mommy?”“Oo, pero hindi muna ngayon.” Buntong-hininga ni Old Madam Hill. Umaasa siyang tatapusin na agad ni Wesley ang kanilang kasal....Dumiretso ang sports car sa isang paradahan.Tinanggal ni Cather