“Hindi ko naman nakalimutan lahat eh… May mga naaalala ako bago ako nahulog sa’yo. Ang tanging malabo sa aking utak ay ang mga nangyaari noong nakaramdam na rin ako ng pagmamahal sa’yo.” Pag-aamin ng lalaki.Iyon dapat ang ilan sa mga pinakamasasaya niyang alaala, ngunit nakalimutan niya ang mga iyon.“Cathy, tinutukso mo ako, ‘di ba? Ngayon, ako naman ang tutukso sa’yo.” Malalim ang tingin ni Shaun kay Catherine.Natahimik si Catherine. Hindi niya rin alam ang kanyang isasagot, kaya’t niyuko na lamang niya ang kanyang ulo at tahimik na tinuloy ang kanyang kinakain.Ginamit iyon ni Shaun bilang hudyat upang simulan ang sasakyan.Pagkatapos niyang kainin hanggang sa kalahati ang ice cream, alam ni Catherine na hindi na niya iyon mauubos.Sayang naman kung itatapon niya iyon, kaya’t ibinigay na lamang niya ito sa katabi niyang lalaki.Nagmaneho si Shaun gamit ang isa niyang kamay habang ginamit naman niya ang isa upang kainin ang tira ng babae.Sa loob-loob ni Catherine ay bagama
Silang dalawa ay nakasuot lamang ng maninipis na pajamas.Ang maliit na mukha ni Catherine ay nagpahinga sa dibdib ng lalaki. Ang init ng katawan ng lalaki ay tumagos sa kanilang mga damit, na unti-unti ring nagpainit sa mukha ng babae.Sa kabutihang palad, ang mga ilaw sa kwarto ay nakapatay kaya ang kanyang mukha ay hindi malinaw na makikita.Ang puso ni Shaun ay wala sa ayos na tumibok. Akala niya itutulak siya palayo ng babae kagaya ng dati, ngunit hindi ito ginawa ng babae.“Cathy…” Mainit ang pakiramdam ng kanyang lalamunan at ang boses niya ay namamaos.“Mmh.” Tumingala si Catherine gamit ang kanyang malaki at magagandang mga mata.Hindi na makapagpigil si Shaun at ibinaba ang kanyang ulo para sa isang halik. Tanong niya, “Saan nanggaling ang gamot?”“Hiningi ko ito mula kay Aunty Yasmine.” Ang mahina niyang boses ay lumabas sa pagitan ng maninipis niyang mga labi.Ang puso ni Shaun ay tila kasing lambot ng cotton candy. “Cathy, alam kong may pakialam ka pa rin sakin.”
...Sumunod na araw.Sina Suzie at Lucas ay sobrang nagulat nang magising sila.“Akala ko tatakas ulit si scummy dad pagkatapos natin matulog, pero hindi niya ito ginawa ngayon,” sabi ni Lucas sa pagkamangha.Suminghal si Suzie. “Nakalock ang pinto. Paano siya makakapasok?”Walang siglang tumawa si Lucas. Hindi niya inisip na ang lock ay magagamit laban sa mga tao kagaya ng scummy dad niya.“Okay, sweetheart, maghilamos kayo ng mga mukha at magsipilyo.”Sinuyo ni Catherine ang dalawang maliit na bata na magwash up.Sa baba, nasa kusina na si Shaun tinutulungan si Aunty Yasmine na gumawa ng almusal.Habang kumakain sila ng agahan, si Old Madam Hill ay tumingin kay Shaun sa kusina at sinabi na may konting paghamak, “Anong ginagawa niya sa kusina? Ni hindi masarap ang luto niya.”“Tama ‘yan. Muntik na ‘kong mamatay pagkatapos kainin ang pasta na niluto niya dati,” biglang atake rin ni Old Master Hill.Direktang sinabi nina Suzie at Lucas kay Aunty Yasmine, “Aunty Yasmine, kakai
Pagkatapos umalis nina Catherine at Shaun.Maligayang bumuntong-hininga si Old Madam Hill. “Sa wakas ay may maganda nang nangyayari sa mga Hill.”“Ano po ang sinasabi ninyo, Lola?” Nagtatakang tanong ni Suzie.Hinaplos ni Old Madam Hill ang ulo ng bata. “Nako, anak. Hindi pa ba halata? Nagsisimula nang magbati ang iyong ama at ina.”Nalito lamang ang bata sa narinig. “Nagbati na sila?”Nakaiinsulto ang tingin na ibinigay ni Lucas sa kapatid. “Sinabi nga ni Mommy na kakainin niya ang ihahandang almusal ni Aunty Yasmine sa susunod. Kung noon lamang ‘yon ay tiyak akong hindi natin ‘yon maririnig mula kay Mommy.”Gayon lamang naunawaan ni Suzie ang lahat. Bahagya itong natuwa ngunit mayroon siyang naramdamang hindi niya maipaliwanag. “Kung gayo’y… dito na rin ba sa atin titira si Mommy?”“Oo, pero hindi muna ngayon.” Buntong-hininga ni Old Madam Hill. Umaasa siyang tatapusin na agad ni Wesley ang kanilang kasal....Dumiretso ang sports car sa isang paradahan.Tinanggal ni Cather
Napangiti si Catherine. “Hindi ko naman alam na may napakalakas naman palang divorce lawyer si Shaun.”“Wala rin naman akong magagawa. Kung hindi ako nag-specialize sa divorce, tiyak na makakaharap ko si Shaun sa korte. Ayaw ko siyang kaharap sa korte, tiyak na matatalo ako.” Pagkikibit-balikat ni Lilian. “Ano nga pala ang sitwasyon niyo ni Wesley ngayon?”“Pihado ko’y hindi siya basta-bastang makikipaghiwalay. Ako na siguro ang pinakakinamumuhian niyang tao ngayon.” Sagot ni Catherine. “Kailangan natin itong pag-usapan, dahil kapag pumalpak ito, tiyaka lamang tayo titingin sa batas.”“Sige. Sasamahan kita.” Tungo ni Lilian.At pagkatapos noo’y dumiretso ang dalawa papuntang Golden Corporation. Sumunod sina Logan at Austin upang protektahan si Catherine.Noon lamang siya kinita ni Wesley.Iyon ang unang pagkakataong nagkita ang dalawa matapos ang mga nangyari noong gabing iyon.Noong mga araw na iyon ay hindi na nagtatago si Wesley. Punong-puno ng lumbay ang kaaya-aya nitong muk
Ngumiti si Wesley at sinabing, “Hintayin mo lang. Uunti-untiin ko kayong lahat upang sa gayo’y mas gugustuhin niyo na lamang na mamatay.”“Sige. Tignan natin kung paano ka makikipaglaro.”Umalis si Catherine buhat ng matinding galit na naramdaman nito.Punong-puno ng galit ang kanyang mga braso habang naglalakad ito papalayo.Alam niyang malakas ang loob ng lalaki, ngunit kung may hindi man nawawala rito, iyon ay ang kanyang kayabangan.Wala na talaga itong kinahihiyan.Papaanong nagkaroon ng isang lalaking katulad niya?Sumimangot lamang si Lilian at sinabing, “Marami na akong nakaharap ng tao sa mga ganitong kaso, ngunit ang dating sa akin ni Wesley ay isa siyang taong makasarili at baluktot mag-isip. Napakahirap harapin ng mga taong ‘tulad niya.”Nagsimulang mag-alala si Catherine dahil sa sinabing iyon ng kanyang kasama. “Miss Grant, aaminin ko sa’yo, nakakatakot si Wesley. Pinagbantaan ka niya kanina. Mayroong mga bagay na talagang gagawin niya. Wala rin namang problema sa
Sa kabilang banda, binaba ni Shaun ang tawag at pumasok na sa ospital.Diretso siyang nagpunta sa andrology na doktor na ipinakilala ni Chester.Pagkatapos ng ilang pagsusuri, lumabas siya ng may madilim na ekspresyon.Sakto na nadaanan siya ni Chester at nginitian siya nito. “Ano nangyari?”Nalulungkot siyang tinignan nang masama ni Shaun. “Ang mga andrology na doktor sa ospital mo ay walang kwenta.”“Siya na ang pinakamagaling na andrology na doktor sa bansa.” Tinignan siya ni Chester ng may simpatya. “Huwag mo madaliin ang mga bagay. Huwag ka magmadali.”Sinabi ni Shaun sa nalulungkot na boses, “Hindi ako nagmamadali noon dahil wala akong tiyansa, ngunit nagmamadali na ako ngayon.”Naalala niya kung ano ang sinabi sa kanya ni Catherine kagabi. Hindi niya ito magawang asarin, at hindi niya rin ito mapasiya.Nang hinalikan niya si Catherine ngayon lang, kailangan niya maging maingat at magpigil.Makabuluhan siyang tinignan ni Chester at ngumiti. “Nagkabalikan na kayo?”“Yea
”Okay, huwag mo na siya galitin. Hindi rin maganda ang pakiramdam niya.”Tinulungan ni Chester si Rodney nang nakita niya ang nalulungkot na itsura nito. “At saka, niloko ka ni Sarah ng mahigit na sampung taon. Sa kabutihang palad, hindi pa ginagastusan ni Rodney si Sarah.”“...”Ang malamig na mata ni Shaun ay tumingin sa kanila. Tinutulungan ba siya ni Chester o kumakampi ito kay Rodney.Ngumiti si Chester at nagkibit balikat.Biglang tumingala si Rodney at emosyonal na sinabi, “Chester, lumuwag ang pakiramdam ko sa sinabi mo. Kahit na naloko ang nararamdaman at puso ko, buti na lang may pera pa rin ako. Sa mga araw na ito, hindi ako makaisip at pakiramdam ko ay wala nang kwenta mabuhay pa. Ngunit pakiramdam ko ngayon ay swerte ako kung ikukumpara sa ibang tao. Dapat ako makuntento.”“Maayos na ganyan ka mag-isip.” Nagbuntong hininga si Chester. “Kung iisipin talaga natin, tayong tatlo ang mga tanga. Pinaglaruan tayo ni Sarah.”“Oo.” Mapait na bumaba ang tingin ni Rodney. “Par