Kinusot ni Freya ang kanyang baba at sinabi, “Sa nakikita kong paraan ng pagdikit sa’yo palagi ni Shaun, pihado ko’y hindi mo na iyon mapapaalis sa buhay mo…”“...”Walang masabi si Catherine.“Bakit ba kasi hindi mo na lang hayaan?” Huminga si Freya nang malalim. “‘Wag mo nang labanan. Kapag mas lumalaban ka, mas dumidikit ‘yung tao sa’yo eh.”“Teh, kasal na ako ‘di ba?”Nababagot na nagpaalala si Catherine. “Ano’ng gagawin mo kung ikaw ang nasa kinatatayuan ko? Sa unang kasal ko, may babaeng umagaw sa asawa ko at tinrato ako bilang isang mental patient. Sa sumunod naman, pinakasalan ko ang isang demonyong binugbog ako hanggang maging ganito ang itsura ko. Tingin mo ba’y may inaasahan pa ako sa pag-ibig at pagpapakasal? Malapit na akong ma-traumatize.”“Kawawa naman ‘tong kaibigan ko.” Agad na niyakap ni Freya ang kaibigan. “Hindi na tayo magpapakasal. Hindi na tayo hahanap ng lalaki. Sabay na lang nating ipalalaki ang ating mga anghel sa susunod.”Nakita ni Shaun, na siyang na
Ipinikit ni Catherine ang kanyang mga mata sa loob ng ilang sandali nang biglang nagsimulang tumunog ang phone ni Shaun sa tabi ng kama.Sinulyapan ni Catherine ang phone at tumambad sa kanya ng pangalang ‘Hannah Mead’ sa screen.Bakit pa rin siya nakikipag-usap sa babaeng iyon?Nang marinig niya iyo’y lumabas si Shaun mula sa kusina at nakita niya rin ang pangalan ng tumatawag.Patago niyang sinulyapan si Catherine bago niya sagutin ang tawag sa harapan nito. Naka-speakerphone din ito.“Hi, Shaun. Mabuti naman at sinagot mo na rin ang tawag ko. Akala ko hindi mo na sasagutin.” Narinig ang tawa ni Hannah.“May kailangan ka ba?” Walang emosyong nagtanong si Shaun.“Araw-araw mo pa bang sinasamahan si Catherine Jones sa ospital? Hindi ko talaga maunawaan kung bakit ka masyadong nag-aalala sa matandang babaeng katulad niya. Kasal na nga siya sa iba oh. Ano ba siya kumpara sa’kin?” May bahid ng galit sa tono ng babae dahil sa ipinakitang kalamigan ng lalaki.Walang masabi si Cather
Nakatuon kay Catherine ang haling na haling na titig ni Shaun, at singtamis ng honey and ngiti sa mga mata nito.“Hindi kita masisisi. Papaano naman makukumpara sa’yo si Senator Mead? Isa lang naman siyang hamak na matandang kalbo, at ‘yung anak niya naman ay parang pataning ilang beses nang nanguya sa ibang bansa, samantalang ikaw nama’y…”Tumigil ang kanyang tingin sa isang partikular na bahagi ng katawan ng babae. “Napakaganda dahil ang laki niya. Gandang walang katumbas, ‘di ba? Bukod-tangi sa buong mundo.”“...Manyakis.” Naramdaman ni Catherine ang tingin ng lalaki.Namula lamang ito at nagmamadaling itinaas ang kobrekama habang nakatingin nang masama sa lalaki.“Uy, sa’yo mismo nanggaling ‘yon.” Napatawa si Shaun. “Cathy, tuwang-tuwa ako sa naging itsura mo kani-kanina lamanag, nangingibabaw at nagseselos.”“Sinong nagseselos? Hindi ko lamang gustong ginagamit ako ni Hannah bilang isang pambanta.” Tugon ni Catherine. “Kahit noong naghahabol pa ako ng mga lalaki noon, ‘di ha
[Kung gayo’y totoong niloko ni Catherine Jones si Wesley noong gabi ng pagdiriwang ni Hannah?][Duh, hindi naman iyon tinanggihan ni Hannah. Kung tutuusi’y inamin niya pa nga. Hindi niya lamang maidiretso.][P*ta, bakit parang may bakas ng lungkot at pagiging bitter sa tinig ni Hannah? Gusto niya si Shaun, ‘di ba? Hindi niya naman aawayin si Catherine kung hindi.][At isa nanamang babae ang naloko ng Shaun na ‘yan. Hindi ko talaga maintindihan. Hindi naman na siya ang pinakamayamang tao sa bansa. Sa katunaya’y namomroblema pa nga siya sa pera. Bukod sa pagkakaroon ng magandang pagmumukha, bakit pa ba siya nagugustuhan ng mga babae?][Ano ka ba, hindi lamang kung sino-sinong may itsura si Shaun, ‘no. Napakagwapo niya kaya?][Gayumpaman, parang nagiging cancer na ang pagsasama niyang dalawang ‘yan. Magmahalan at magpatayan na lamang sila. Bakit pa nila kailangang hamakin ang mga inosente at tapat na tao?][Nandidiri na ako kapag nakikita ko ang mga litrato ni Catherine.][Maganda
“Alam ko.” Bumalot ang kirot sa mukha ni Shaun. “Pinipigilan ko lamang ang lahat, ngunit pakiramdam ko’y napakawala kong kwenta dahil hindi ko maprotektahan ang aking mag-anak.”“Panandalian lamang ang lahat.”Sagot ni Brennan. “Nakukuha lamang magmayabang ni Wesley ngayon dahil alam niyang sasaluhin siya ng mga Campos. Sa sandaling bumagsak ang mga ito, mawawala na rin siya na parang bula. At kapag dumating ‘yon, sapat ang oras upang sunod-sunod natin siyang parusahan.”“Dad, tingin mo ba’y… ang nanay ni Cathy ang tinutukoy na mistress ng Neah Bay?” Biglang bulong ni Shaun. “Kung alam ni Wesley ang tunay niyang pagkakakilanlan, bakit siya maglalakas-loob na gawin ito sa kanya?”“Tungkol pala doon… nagulat lang din ako. Marahil ay… mali rin ako?” Nagsususpetya rin si Brennan.“‘Wag na. Sana’y nagkakamali ka nga lang talaga. Kung gano’ng kagaling ang kanyang ina, mas mahihirapan lamang akong makipagbalikan sa kanya.” Buntong-hininga ni Shaun.… Sa loob ng ospital, matapos ang is
Si Joel, sa nakasama sina Shaun at Cathy, ay nagalit at at gustong iuntog ang ulo niya sa pinto. “Cathy, anong ginagawa mo?”Ilang tagapagbalita ang natulala, habang ang iba ay nagsimulang kumuha ng mga litrato.Ito ang unang beses na nakakilala sila ng cooperative na inteviewees. Matapos nilang kumuha ng mga litrato, bigla silang nanumbalik sa kanilang ulirat. “Sinusubukan mo bang malinaw na sabihin samin na nagtaksil ka sa marriage mo?”“Hindi, sinusubukan kong sabihin kau Wesley sa pamamagitan mo na kinamumuhian ko siya at nandidiri ako sa kanya. Mas pipiliin kong makasama si Shaun kaysa magpatuloy na manirahan kasama siya. Sa tingin niyong lahat ay sobrang mapagmahal niya sakin, tama? Ayus lang ‘yan. Sa ika-8 ng umaga bukas, ipapaalam ko sa inyo kung gaano siya kamapagmahal,” Mahiyaing ngumiti si Catherine at ginalaw-galaw ang kanyang mga pilik mata.“Anong ibig sabihin ‘nun?” Ang mga tagapagbalita ay hindi nagkaroon ng oras para magreact.Sumakay si Shaun sa driver’s seat at
Nang pakiramdam ni Catherine na malalaglag na ang kanyang mga tainga sa mga pagsasabi, hindi niya mapigilan na sabihing, “Dad, hindi mo ba nakita? Hindi ako paniniwalaan ng mga tagapagbalita kahit anong sabihin ko, kaya hindi na ito kailangan itago.”“You…” Nasakal si Joel. “Pero hindi pwedeng halikan mo lang siya sa harap ng camera. Wala na bang natitirang lalaki sa mundo? Hindi ka pa ba niya sapat na nasaktan?”Mukhang nasaktan si Shaun at mahinang tumawag, “Dad…”“Tigil. Sinong tinatawag mong dad? Wala akong anak o manugang na kagaya mo,” Galit na sinabi ni Joel.“Uncle Joel…”Magagawa lang ni Shaun na ibahin ang tawag sa lalaki dahil sa kung gaano kaagitated si Joel. “Kasalanan ko ito noon. Kainti-intidi para sayo na pagalitan ako, pero hindi mo pwedeng isisi sakin lahat. Bilang ama ni Cathy, hindi ka nakahanap ng mabuting manugang at hinayaan siyang magpakasal sa isang scumbag kagaya ni Wesley na nananakit ng babae.”Muli ay walang nasabi si Joel nang marinig ang mga salita
Nang marinig ang boses ni Shaun, ang tanging naramdaman ni Catherine ay may isang nakalalasong ahas ang gumapang sa kanya.Nang araw na ‘yun, sinaktan siya ni Wesley na tila demonyo ang lalaki.Gayunpaman, ang lalaki ay kasing marahan ng isang nagmamahal ngayong araw.“Nakalaya ka na?” Malamig na tanong ng babae.“Oo, nagsimpatya rin sakin ang mga pulis, pero hindi naging maganda ang karanasan ko sa kulungan nitong nakaraang linggo. Cathy, namimiss na kita…”Ang huling tatlong salita ay partikular na may ibig sabihin na binanggit.“Isang coincidence. Tila namimiss din kita,” Sinabi ni Catherine sa mababang tono. “Pero hindi na ako maglalakas loob na makipagkita pa sayo. Sinong nakakaalam kung may idagdag ka sa tubig ko, o bugbugin ulit ako.”“Cathy, hindi ko ito sinasadya. Nawalan ako ng kontrol nang araw na ‘yun. Ito ay dahil sobra akong nagmamalasakit sayo. Hindi ka… makikipag-usap tungkol sa divorce, tama?” Nagbuntong hininga si Wesley. “Hindi ako masyado magsasabi sa phone.