“Hindi pa ba sapat ‘yung itinulong ko sa’yo?” Malamig na tawa ni Mason. “Tingin mo ba’y hindi ko nalalaman? Alam ko noon pa lamang ay gusto mo nang ipapatay ang kambal ni Catherine.”“......”Kinuyom ni Wesley ang kanyang mga kamao.“Wesley, wala kang paawat kahit sa tatlong taong gulang. Hindi matatapat ang kabangisan ko sa’yo.” Masinsinang sinabi ni Mason. “Gusto mong tulungan kita, ngunit papaano akong tutulong? I-kidnap ko si Joel Yule? O i-kidnap ko ‘yung dalawang bata at bantaan si Catherine? Tingin mo ba’y hindi sila magiging handa? Tingin mo ba’y ako ang nagpapatakbo ng bansa at may makinarya ako upang sabihin sa publiko kung ano ang iisipin nila?”May kumirot sa puso ni Wesley. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin.”Bumuntong-hininga si Mason. “Noong huli mong hinudyat si Charlie na hamakin si Shaun, muntikan mo nang ipapatay si Hannah Mead. Alam mo ba kung magkano aregluhin ‘yon?”“Pasensya ka na, President Campos. Hindi ko naman alam na mauuwi ‘yun sa gano’n. Nakita ko ri
Namutla si Sarah dahil sa mga salitang binitiwan ni Wesley. Alam niyang hindi mabuti ang kanyang reputasyon, ngunit tungkol sa isang napakalaking pagkakataon ang tinatalakay sa kanya ng lalaki.............Matapos niyang umalis ay agad na dumiretso si Wesley sa villa ng mga Yule.Subalit agad din naman siyang hinarangan ng mga guard bago pa man siya makapasok ng gate. Agad din siyang nilabas ni Joel noong nalaman nito na siya ang nasa kanilang pintuan.“Wesley, tamang-tama. Hahanapin pa laman kita. Walanghiya ka, sino ka para pagtaasan ng kamay ang anak ko?” Sa tindi ng galit ni Joel ay sinalubong niya ang lalaki habang hawak-hawak ang isang walis.“Sige ho, Dad, kasalanan ko rin naman ang nangyari kay Cathy.” Hindi umilag si Wesley at bagkus ay lumuhod ito sa lapag. Kaawa-awa ang itsura nito.Nanigas si Wesley, ngunit agad niyang naunawaan ang lahat noong nakita niyang mayroong mga reporter na nagtatago sa ‘di kalayuan.“Hindi ka ba nahihiya, Wesley. Kapag hinampas kita, lalab
"...Paano iyon naging posible?" Lumaki ang mata ni Catherine. Ayaw niya maniwala na ginawa niya iyon.Tahimik siyang tinignan ni Logan nang galit na para bang nagsasabi na "Paano iyon naging posible?""Humihingi ako ng tawad…"Binaba ni Catherine ang ulo niya bilang paghingi ng tawad.Pinutol ni Shaun ang daliri ni Logan, ngunit hindi niya lang ito hindi pinaghiganti, pero nadamay pa rin siya kay Shaun."Kalimutan mo na, hindi ganun kakitid ang utak ko. Daliri lang iyon. Maaari ka makipag-relasyon sa kahit sinong gusto mo, kaya huwag ka mag-alinlangan dahil sa akin. At saka, nahulog din si Shaun sa mga panlilinlang nina Sarah at Wesley." Kinaway ni Logan ang kamay niya ng walang pakialam.Sumama lalo ang pakiramdam ni Catherine.Paano niya nagawang tawagin ang pangalan ni Shaun sa oras na iyon?Hindi na niya ito kaya gawin. Ano ang punto ng pagtawag sa kanyaMalungkot na nagbuntong hininga si Catherine. Nasanay ba talaga siya sa katawan ni Shaun?"Siya nga pala, pumutol ka ng
"......"Nag-aaway pa rin ang mga tao.Sinabi ng iba na naiintindihan nila si Wesley, habang ang iba ay patuloy na pinaparusahan si Catherine.Wala na pakialam si Catherine at gumawa ng isa pang post. [May mas nakakasabik pa mamayang 6:00 p.m. ng gabi.]Pagkatapos niya iyon i-post, naligo siya at bumaba.Naguguluhan siyang tinignan ni Joel, "Cathy, inupload mo pa rin iyon.""Dad, naiintindihan ko ang pag-aalala mo, ngunit ayaw ko pangunahan ng iba," Prangkang sinabi ni Catherine.Tahimik si Joel ng ilang saglit bago nagbuntong hininga. "Ang personalidad mo ay parehong-pareho ng nanay mo."Natigil si Catherine. Sa katotohanan, kahit na si Joel ang tatay niya, hindi niya gusto nang sobra ang ugali nito."Dad, anong klaseng tao ang nanay ko? Mukhang hindi ako nagtatanong tungkol dito dati."Malungkot ang mukha ni Joel. "Siya ay… sobrang matapang na tao. Sa pagitan namin, siya ang nanligaw sa akin. Para siyang apoy na kaya sunugin ang mga tao. Palagi siya nagrereklamo na hindi ak
"...Sige," Sa wakas at sumunod na rin si Catherine. Ang mga anak niya ay minamahal niya.Sobrang natuwa si Shaun. "Kung gayon ay sasabihin ko kay Aunty Yasmine na bumili pa ng grocery at lutuin ang gusto mo."Inirapan siya ni Catherine.Inisip ba nito na makapal ang mukha niya tulad nito?Hiwalay na sila, ngunit pupunta siya sa pamilyang Hill para maghapunan. Ano ang iisipin ng iba sa kanya?"Palagi ka kinukwento ni Aunty Yasmine." Hindi pinansin ni Shaun ang masama niyang tingin at masayang idinagdag, "Miss ka na niya ng sobra."Lumambot ang puso ni Catherine. Sa parehong oras, lagi siyang tinutulungan ni Aunty Yasmine. "Andoon pa rin siya?""Simula noon. Pagkatapos mabenta ang Hill Manor, maraming katulong ang nawala, ngunit nanatili si Aunty Yasmine. Iniisip niya palagi na ang pamilyang Hill ang bahay niya." Yumuko si Shaun para ilagay ang seatbelt niya.Nang nakita niya na medyo naaabala ito, kinuha niya ang oportunidad na ito para magnakaw ng halik mula sa labi ni Catherin
Sinubukan siyang itaboy ni Wesley, ngunit mahigpit ang kapit ni Shaun sa kanyang braso.Bahagyang nagbago ang itsura ni Wesley, “Pakawalan mo ‘ko, Shaun Hill.”“Gusto mong pakawalan kita? Sige, pero ipakita mo sa akin ang mukha mo. Sisiguraduhin kong kapag pinakawalan kita, pareho kayo ng itsura ni Catherine noong hinampas mo siya noon.”Nanlalamig sa galit ang tingin sa mga mata ni Shaun. “Parang ang yabang mo lang kanina, Wesley, ha. Kung hindi ako pumunta ngayon, bubugbugin mo ba siya muli? Gano’n na lang ba ang hilig mong manghampas ng tao?”Pagkatapos ay walang awang hinampas ni Shaun ang mukha ni Wesley.Hindi inaasahan ni Wesley na mahahampas siya ng lalaki at sa loob ng ilang sandali ay hindi siya makapag-react. Nang sa wakas ay naramdaman niya ang umiinit na marka ng kamay ng lalaki, lubhang nagalit si Wesley.“Ang lakas ng loob mong hampasin ako. Humihiling ka ba ng kamatayan?Ginamit ni Wesley ang kanyang malayang kamay upang hampasin si Shaun.Ngunit nasalo ni Shaun
Sinasadya ni Shaun na lakasan ang kanyang boses.Napansin ni Catherine na gumagalaw-galaw na rin ang mga kalamnan ni Wesley sa mukha nang marinig nito ang sinabi ni Shaun.Muntikan na siyang mapaiyak sa katatawa.Sa katunayan ay hindi niya alam na kaya palang gawin ni Shaun na ipasa sa iba ang sisi sa isang pangyayari.Subalit noong naita niya kung gaanong kagalit si Wesley sa pangyayari, natuwa na lamang siya.Hindi niya malimutan kung gaanong naging kalupit ang lalaki sa kanya mga ilang araw lamang ang nakalilipas. Iyon ang unang pagkakataon na mabubog siya nang ganoong katindi.“Hayaan mo na lang siya. Pagkaakyat mo, sabihin mo sa mga gwardyang higpitan nila ang seguridad upang hindi na muling makapasok ang kung sino-sino.” Tinulak ni Shaun si Catherine papasok ng elevator.“Ikaw… mag-ingat ka rin.” Nagdadalawang-isip na sinagot ni Catherine matapos niyang pindutin pasara ang elevator.Kilalang-kilala ni Catherine si Wesley. Hinding-hindi niya palalampasin ang kahihiyang iyo
“Oo nga eh, nasasabik kaming makita kung paano mo aayusin ang lahat.”“Maaaring magsabi ka man lang ng kahit na kaunti patungkol sa ilalahad mo mamayang gabi? Wala na kami sa mood para pagbutihan ang trabaho namin.”“...”Sa gayong mga usapin, natulala na lamang doon si Catherine at walang masabi.Kakaiba iyon sa kanyang inasahan. Una niyang naisip na baka sisihin pa nga siya ng ibang mga executive.Sino ang mag-aakalang mas magmumukha pa iyong press conference na puno ng paparazzi?Kinuyom na lamang ni Catherine ang kanyang mga kamao at sinabi, “Pwede bang itimpi ninyo ang inyong mga sarili? Tungkol sa kumpanya dapat ang pinag-uusapan natin, hindi ang personal kong buhay.”Nakangiting sumagot si General Manager Wolfe, “Hindi namin mapigilan ang aming sarili. Pinag-uusapan ng halos buong Australia ang patungkol sa love triangle ninyo. Sinasabi pa nga ng lahat na maaari pa iyan maging isang pelikula na puno ng tagumpay at trahedya.”“Tumpak! Sa katunayan nga’y may tumawag sa aki