”Shaun Hill, gusto mo ba magulpi?”Sobrang galit na si Catherine na sasabog na ang baga niya. Hindi niya alam kung sasan siya nakakuha ng lakas, ngunit kinuha niya ang bouquet ng bulaklak sa gilid at hinampas ito sa ulo ni Shaun.Tinakpan ni Shaun ang ulo niya mula sa pag-atake at mabilis na umatras.Kakapasok lang ni Chester na saktong nakita niya ang eksena at nang aasar niyang tinaas ang kilay niya. “Mukhang mabilis ka gumagaling.”Malungkot na huminga ng malalim si Catherine at ginamit ang quilt para takpan ang mukha niya.“Anong problema niya?” Pagkakita sa kanya ni Chester nang ganon, nagtataka na tinignan ni Chester si Shaun.Ito ay para bang nakakita siya ng muto. Malinaw na hinampas si Shaun, ngunit ang ngiti niya ay matamis, na para bang kakakain niya lang ng honey.“Nawalan ka ba ng ilagn turnilyo sa ulo dahil sa pag-gulpi?” Kinutya siya ni Chester.“Ang isang mababaw at feminine na lalaki na tulad mo ay hindi ito maiintindihan.” Tinignan siya ni Shaun nang may pagha
Hindi rin makapagsalita si Catherine. Pagkatapos ng ilang saglit, sinabi niya, “Tatlong taon ang nakaraan, sinabi ko sa iyo na nagpapanggap si Rebecca na siya si Shelley…”Ginambala siya ni Chester. “Ngunit nagsagawa kami ng DNA test. Ang tao na namatay ay si Shelley. Catherine, alam ko na may magandang relasyon kayo ni Charity, ngunit walang simple sa pamilyang Neeson. Hindi mo lang dapat iniisip na linisin ang pangalan niya.”Nairita kaagad si Catherine sa ugali niya. “Dati, sinabi mo na simple lang si Sarah at mabait at na palagi siyang inaapi ni Charity. Ngayon at naiintindihan mo na ang tunay na kulay ni Sarah, sa tingin mo ba ay inapi siya ni Charity? Hindi mo ba nakita na inaapi ako ni Sarah na muntik na ako magpakamatay? Alam mo na ngayon na mali ang pagkakaintindi mo sa akin noon, kaya sumagip ba sa isip mo na si Charity ang dating ako?”Nabigla si Chester sa mga sinabi niya.Mabillis na sumang-ayon si Shaun na parang baliw. “Cathy, tama ka. Nagising talaga ako sa mga sina
Mas lalong nagugulat si Shaun habang nakikinig siya.Hindi niya maiwasan magbuntong hininga. Sobrang sama at lupit talaga ni Mason.Siguro pinupuntirya na siya ni Mason noong nagpunta siya sa Melbourne. Palihim na pinlano ni Mason ang bawat baitang.Nakita niya pa ang ambisyon ni Wesley at kinuha ang oportunidad na makuha siya. Silang dalawa ay tusong tao, kaya pareho sina Catherine at Shaun na naloko.“Cathy, humihingi ako ng tawad. Kung mas pinagkatiwalaan lang kita noon. Hind tayo mauuwi sa ganito ngayon.”“Hindi, mauuwi pa rin tayo sa ganito dahil dumating si Sarah. Sa oras na iyon, inisip ko ito. Kung may pakialam ka ng sobra sa pinsan ni Sarah, ano ang mangyayari kapag dumating si Sarah? Ang pinaka-kinakatakutan ko ay nangyari pa rin sa huli. Ako ay natalo nang tuluyan.”Walang magawang sabi ni Catherine, “Bago ka mahipnotismo ni Sarah, dinala mo ako sa baquet. Nahiwalay ako at pinahiya ako ng mga itinuturing mo na kapatid, ngunit hindi mo ako kinampihan. Lahat kayo ay naka
Mali ako sayo noon?Gayon pa man, wala na itong kwenta. Ang nawalang buhay ay hindi na babalik pa kailanman.… Sa ward.Hindi nagsalita si Catherine. Ang sakit ay nakasulat sa mukha niyang maganda.Dahan-dahan binalatan ni Shaun ang mga orange sa gilid. Naintindihan niya na si Charity ay isang sugat para kay Catherine.Ngayon, wala nang magagawa ang paghingi ng tawad. Ang pinsala ay tapos na, kaya kailangan na lang niya bumawi.“Cathy, huhukayin nating dalawa ang katotohanan sa taon na iyon para maparusahan ng batas ang tunay na salarin.” Kumuha si Shaun ng isang praso ng orange at ibinigay sa kanya.“Wala ako gana kumain,” Mahinang sinabi ni Catherine. “Hindi ko iyon sinabi lahat para sisihin ka. Sinisisi ko rin ang sarili ko. Kung mas naging matalino ako noon, hindi ko hahayaan i-frame ni Wesley si Charity. Kinasal pa nga ako sa tao na nanakit sa kaibigan ko.”“Hindi mo iyon kasalanan. Sobrang hipokrito ni Wesley. Inisip ko pa nga dati na talunan siya.”Kinutya ni Shaun an
Kinusot ni Freya ang kanyang baba at sinabi, “Sa nakikita kong paraan ng pagdikit sa’yo palagi ni Shaun, pihado ko’y hindi mo na iyon mapapaalis sa buhay mo…”“...”Walang masabi si Catherine.“Bakit ba kasi hindi mo na lang hayaan?” Huminga si Freya nang malalim. “‘Wag mo nang labanan. Kapag mas lumalaban ka, mas dumidikit ‘yung tao sa’yo eh.”“Teh, kasal na ako ‘di ba?”Nababagot na nagpaalala si Catherine. “Ano’ng gagawin mo kung ikaw ang nasa kinatatayuan ko? Sa unang kasal ko, may babaeng umagaw sa asawa ko at tinrato ako bilang isang mental patient. Sa sumunod naman, pinakasalan ko ang isang demonyong binugbog ako hanggang maging ganito ang itsura ko. Tingin mo ba’y may inaasahan pa ako sa pag-ibig at pagpapakasal? Malapit na akong ma-traumatize.”“Kawawa naman ‘tong kaibigan ko.” Agad na niyakap ni Freya ang kaibigan. “Hindi na tayo magpapakasal. Hindi na tayo hahanap ng lalaki. Sabay na lang nating ipalalaki ang ating mga anghel sa susunod.”Nakita ni Shaun, na siyang na
Ipinikit ni Catherine ang kanyang mga mata sa loob ng ilang sandali nang biglang nagsimulang tumunog ang phone ni Shaun sa tabi ng kama.Sinulyapan ni Catherine ang phone at tumambad sa kanya ng pangalang ‘Hannah Mead’ sa screen.Bakit pa rin siya nakikipag-usap sa babaeng iyon?Nang marinig niya iyo’y lumabas si Shaun mula sa kusina at nakita niya rin ang pangalan ng tumatawag.Patago niyang sinulyapan si Catherine bago niya sagutin ang tawag sa harapan nito. Naka-speakerphone din ito.“Hi, Shaun. Mabuti naman at sinagot mo na rin ang tawag ko. Akala ko hindi mo na sasagutin.” Narinig ang tawa ni Hannah.“May kailangan ka ba?” Walang emosyong nagtanong si Shaun.“Araw-araw mo pa bang sinasamahan si Catherine Jones sa ospital? Hindi ko talaga maunawaan kung bakit ka masyadong nag-aalala sa matandang babaeng katulad niya. Kasal na nga siya sa iba oh. Ano ba siya kumpara sa’kin?” May bahid ng galit sa tono ng babae dahil sa ipinakitang kalamigan ng lalaki.Walang masabi si Cather
Nakatuon kay Catherine ang haling na haling na titig ni Shaun, at singtamis ng honey and ngiti sa mga mata nito.“Hindi kita masisisi. Papaano naman makukumpara sa’yo si Senator Mead? Isa lang naman siyang hamak na matandang kalbo, at ‘yung anak niya naman ay parang pataning ilang beses nang nanguya sa ibang bansa, samantalang ikaw nama’y…”Tumigil ang kanyang tingin sa isang partikular na bahagi ng katawan ng babae. “Napakaganda dahil ang laki niya. Gandang walang katumbas, ‘di ba? Bukod-tangi sa buong mundo.”“...Manyakis.” Naramdaman ni Catherine ang tingin ng lalaki.Namula lamang ito at nagmamadaling itinaas ang kobrekama habang nakatingin nang masama sa lalaki.“Uy, sa’yo mismo nanggaling ‘yon.” Napatawa si Shaun. “Cathy, tuwang-tuwa ako sa naging itsura mo kani-kanina lamanag, nangingibabaw at nagseselos.”“Sinong nagseselos? Hindi ko lamang gustong ginagamit ako ni Hannah bilang isang pambanta.” Tugon ni Catherine. “Kahit noong naghahabol pa ako ng mga lalaki noon, ‘di ha
[Kung gayo’y totoong niloko ni Catherine Jones si Wesley noong gabi ng pagdiriwang ni Hannah?][Duh, hindi naman iyon tinanggihan ni Hannah. Kung tutuusi’y inamin niya pa nga. Hindi niya lamang maidiretso.][P*ta, bakit parang may bakas ng lungkot at pagiging bitter sa tinig ni Hannah? Gusto niya si Shaun, ‘di ba? Hindi niya naman aawayin si Catherine kung hindi.][At isa nanamang babae ang naloko ng Shaun na ‘yan. Hindi ko talaga maintindihan. Hindi naman na siya ang pinakamayamang tao sa bansa. Sa katunaya’y namomroblema pa nga siya sa pera. Bukod sa pagkakaroon ng magandang pagmumukha, bakit pa ba siya nagugustuhan ng mga babae?][Ano ka ba, hindi lamang kung sino-sinong may itsura si Shaun, ‘no. Napakagwapo niya kaya?][Gayumpaman, parang nagiging cancer na ang pagsasama niyang dalawang ‘yan. Magmahalan at magpatayan na lamang sila. Bakit pa nila kailangang hamakin ang mga inosente at tapat na tao?][Nandidiri na ako kapag nakikita ko ang mga litrato ni Catherine.][Maganda