Hindi maipaliwanag ang itsura ng mukha ni Rodney. Noo’y itinuring niyang pinakamatalik niyang kaibigan si Shaun, ngunit kinailangan niyang pumanig kay Sarah sa mga oras na iyon. “Shaun…”“Sa kasamaang palad ay ikaw na ang pinakanakasusuklam na taong kilala ko.” Hindi pinansin ni Shaun si Rodney at sa halip ay si Sarah ang kanyang sinagot.“Pare, nakakadismaya namang ganyan ka na magsalita.” Galit na sinabi ni Rodney. “Kung hindi niyo man kayang maging magkasintahan, huwag naman kayong magtratuhan bilang magkaaway.”“Itinapon mo ang anak at pamilya mo para sa babaeng ito, Rodney. Masaya ka naman siguro sa buhay mo ngayon?” Walang emosyong tinanong ni Rodney.Nasamid si Rodney nang sinabi ni Shaun ang mga salitang iyon. Noong mga araw na iyon, napapansin niyang hindi nagpapakita ng anumang intensyon ng mga Snow upang ipanatili ang anumang koneksyon sa kanya. May mga pagkakataong hindi niya ito pinagsisisihan, subalit ngayong umabot na siya sa puntong iyon, wala na siyang magagawa kun
“Idinampot pa nga ng mga pulis si Miss Neeson noong araw ng kasal namin. Kaya’t napagdesisyunan kong ipagliban muna ang ming kasal. Hindi ko rin intensyong sayangin ang pagkabata ni Miss Neeson. Sa katunayan ay nilinlang niya lamang ako.”Matapos suriin ang mga documentary evidence na inilahad ay masidhing tinignan ng babaeng hukom si Sarah.Bahagyang hindi makapirmi si Sarah. Siya namang tumayo si Stevens at tinitigan si Shaun, “Attorney Hill, ayon sa nauna mong sinabi sa Internet, impotent ka. Ibig sabihin ba nito’y walang nangyari sa inyo ni Miss Neeson?”“Mm. Mapapatunayan ito ng aking medical record.” Tungo ni Shaun.Ngumuso naman si Stevens. “Gano’n ba? Ngunit nalaman kong binilhan mo ang dati mong asawa na si Catherine Jones ng contraceptive pills habang nasa relasyon ka pa kay Sarah. Ipinagpapalagay nitong hindi ka impotent. Walang katotohanan ang sinabi mong walang nangyari sa inyo ni Miss Neeson.”Sumimangot ang babaeng humok. “Defense attorney, may ebidensya ka ba?”“O
Sa huli, plinano ni Sarah na hindi pansinin si Shaun gamit ang ilang daang milyong dolyar. Tinatrato niya ba ang lalaki na tila pulubi?Ang agresibong ugali ni Rodney ay nagdulot kay Sarah na maubusan ng pasensya. “Rodney, ayaw ko kay Shaun. Hindi ko naman posibleng mabalik ang sobrang daming pera sa kanya at hayaan siyang makapagcomeback. Dagdag pa rito, kailangan ko magbayad ng sampung porsyento ng attorney’s fees. Wala kang alam.”“...”Halatang naguguluhan si Rodney.Bagaman si Sarah ay nasa tabi niya, sa isang iglap, sa anumang rason, ay nakaramdam na hindi niya masyadong naiintindihan ang babae.Siguro masyado niya itong iniisip. Maaaring moody lang si Sarah matapos masaktan ni Shaun.Gayunpaman, hindi maipaliwanag na tumatanggi siya sa kasalukuyang Sarah.“Ibaba mo nalang ako sa mall sa harap. May gusto akong bilhin at mapag-isa.” Napakamot ng ulo si Sarah at tumitig sa labas ng bintana.Mula nang magkasama sila ni Wesley, mas nandiri siya kay Rodney.Kahit pa, hindi ni
"Mom, pinaplano mo bang hindi ako kilalanin sa natitira mong buhay?" Tanong ni Rodney na may mapait na ngiti habang hinahabol si Wendy.Gayunpaman, hindi nadala si Wendy. Sa halip, mas nagdilim ang kanyang ekspresyon. "Well, kahit kailan ba naisip mo ang mararamdaman ko nang piliin mo si Sarah at saktan ang apo ko? Rodney Snow, nagsumikap ako na manganak sayo at palakihin ka. Hindi ko inaasahan na maging anak ka sakin, pero hindi ka dapat sobrang walang utang na loob.""Mom, hindi…" Talagang naaagrabyado si Rodney.Nung una ayaw ni Freya sumabad. Gayunpamana, hindi niya mapigipan ito nang makita niya ang pathetic na itsura ng lalaki. Wala siyang pakialam na sinabi, "Dahil sapat kang matapang para gawin ang desisyong ito, hindi mo na dapat kami kulitin. Bilisan mo at hanapin si Sarah. Pwede niyang i-comfort ang iyong miserableng kaluluwa at ibigay ang hindi nabibigay ng mga magulang mo.“Freya Lynch…”Ang pangungutya niya ang naggalit kay Rodney. "Ito ay usapin ng pamilyang Snow. T
"Sige. Paniwalaan mo nalang ang kahit anong sabihin ni Sarah. Wala kang pinaniniwalaan kundi siya. Dahil sobrang gusto mo siya, bakit ka pa nag-abala sa paghahanap sa mom mo? Hindi ka rin naman makikipaghiwalay kay Sarah para sa mga magulang mo. O pinipilit mo ba ang mom mo na tanggapin si Sarah?"Tumayo si Chester at naglabas ng isang ultrasound report mula sa kanyang mga file. Matapos, iniabot niya ito kay Rodney."Ano ito?" Nagtatampong tanong ni Rodney."Ultrasound report ni Freya. Palihim ko sinabihan ang isang tao na kunin ito para sayo, sakaling hindi mo alam ang itsura ng anak mo. Busy ako. Kailangan ko nang umalis ngayon para magduty."Sa oras na matapos magsalita si Chester, nagsuot siya ng puting coat at agad na umalis.Ibinaba ni Rodney ang kanyang ulo, nakatitig sa ultrasound report sa kanyang kamay.Medyo naguluhan siya.Well, sa totoo lang, hindi niya masabi kung anong itsura ng bata mula sa report dahil ito ay tila isang little bean sa puntong ito.Sa nasabing '
Makikita sa litrato ang isang bata at masiglang babaeng mukhang nasa kanyang ikalabing walong taong gulang. Mahiya-hiya siyang nakangiti sa camera habang may dala siyang isang bag.Laking gulat ni Catherine noong namukhaan niya ang babaeng nasa litrato.Ang itsura ng babaeng iyon…Ay ang pinsan ni Sarah na si Shelley.Maaalalang sumailalim si Rebecca ng isang plastic surgery upang maging kahalintulad niya ng mukha si Shelley at makasama si Shaun.Subalit nasasabi ni Catherine na hindi si Rebecca ang Shelley na nasa litrato dahil dalisay at inosente pa ang mga mata nito.Sa madaling salita, ang tunay na Shelley ang babaeng nasa larawan.Subalit bakit mayroong kopya si Wesley ng litrato ng tunay na Shelley?Nakuha niya pa ito bago pa man makuha ni Shaun si Shelley bilang kanyang tagapangalaga tatlong taon na ang nakalilipas.Naaalala ni Catherine na nakatakas si Rebecca mula sa sunog, ngunit hindi nakalabas ang tunay na Shelley na siyang nakipagpalit kay Rebecca at namatay. Dahi
“Cathy, gaanong katagal mo pa ako paghihintayin?” Inayos ni Wesley ang anggulo ng kanyang mukha upang halikan ang babae.Subalit hindi mapigilan ni Catherine na iwasan ang halik ng lalaki kaya’t humarap siya sa kabilang banda.Nandilim ang mukha ni Wesley. Nang makita ito ni Catherine, agad na bumalot sa kanya ang takot at agad siyang pumiglas sa yakap ng lalaki.Gayumpaman, niyakap pa rin siyang muli ni Wesley dahil hindi niya alam kung pakakawalan niya ba si Catherine o hindi.“Kahit halik man lang?” Nagsisimula nang magalit si Wesley.Tinitiis niya ang babae nitong mga nakaraang araw, ngunit simula noong hinampas niya ito ay napansin ni Wesley na unti-unti siyang nawawalan ng kontrol sa galit na namumuo sa kanya.Ito ay dahil mas gugustuhin pa ni Catherine na suyuin siya ng mga impotent na lalaki na katulad ni Shaun.“Hahampasin… mo ba ako ulit?” Kusang tinakpan ni Catherine ang kanyang mukha.Marahil ay kusa niya itong ginawa, hindi pa rin nawawala ang kanyang takot.Nanig
Hindi maisip ni Catherine kung gaano kahirap ang mangyayari sa pagitan nila ni Wesley kapag pinakita nila ang tunay nilang kulay."At… ang mga camera mo ay huling minuto mo na nilagay. Dahil hindi ito nakatago nang maayos, ilang oras na lang bago ito mapansin," Paalala ni Logan sa kanya.Tumango si Austin. "Ang pinaka-nakakabahala na bagay pagkatapos niya ito mapansin ay ang umakto siya na parang wala siyang alam, ngunit siya ay talagang nagpaplano sa dilim. Baka ikaw na ang maging susunod na Shelley or Charity. At saka, sa tingin ko ay may kinikimkim na sama ng loob si Wesley sa iyo. Maaaring hindi ka niya patayin sa ngayon, ngunit titiyakin niya na maramdaman mo na nakatira ka sa impyerno. Maaaring hindi ka natatakot sa kamatayan, ngunit kailangan mo isipin ang mga anak mo.""Sumasang-ayon ako kay Austin."Sumang-ayon si Logan. "Binabantayan ka ni Wesley. Nang biglang nawala ang kuryente kagabi, nagmadali siya pumunta. Ibig sabihin ay nag-iingat siya sa iyo. Hindi mo makukuha an