Makikita sa litrato ang isang bata at masiglang babaeng mukhang nasa kanyang ikalabing walong taong gulang. Mahiya-hiya siyang nakangiti sa camera habang may dala siyang isang bag.Laking gulat ni Catherine noong namukhaan niya ang babaeng nasa litrato.Ang itsura ng babaeng iyon…Ay ang pinsan ni Sarah na si Shelley.Maaalalang sumailalim si Rebecca ng isang plastic surgery upang maging kahalintulad niya ng mukha si Shelley at makasama si Shaun.Subalit nasasabi ni Catherine na hindi si Rebecca ang Shelley na nasa litrato dahil dalisay at inosente pa ang mga mata nito.Sa madaling salita, ang tunay na Shelley ang babaeng nasa larawan.Subalit bakit mayroong kopya si Wesley ng litrato ng tunay na Shelley?Nakuha niya pa ito bago pa man makuha ni Shaun si Shelley bilang kanyang tagapangalaga tatlong taon na ang nakalilipas.Naaalala ni Catherine na nakatakas si Rebecca mula sa sunog, ngunit hindi nakalabas ang tunay na Shelley na siyang nakipagpalit kay Rebecca at namatay. Dahi
“Cathy, gaanong katagal mo pa ako paghihintayin?” Inayos ni Wesley ang anggulo ng kanyang mukha upang halikan ang babae.Subalit hindi mapigilan ni Catherine na iwasan ang halik ng lalaki kaya’t humarap siya sa kabilang banda.Nandilim ang mukha ni Wesley. Nang makita ito ni Catherine, agad na bumalot sa kanya ang takot at agad siyang pumiglas sa yakap ng lalaki.Gayumpaman, niyakap pa rin siyang muli ni Wesley dahil hindi niya alam kung pakakawalan niya ba si Catherine o hindi.“Kahit halik man lang?” Nagsisimula nang magalit si Wesley.Tinitiis niya ang babae nitong mga nakaraang araw, ngunit simula noong hinampas niya ito ay napansin ni Wesley na unti-unti siyang nawawalan ng kontrol sa galit na namumuo sa kanya.Ito ay dahil mas gugustuhin pa ni Catherine na suyuin siya ng mga impotent na lalaki na katulad ni Shaun.“Hahampasin… mo ba ako ulit?” Kusang tinakpan ni Catherine ang kanyang mukha.Marahil ay kusa niya itong ginawa, hindi pa rin nawawala ang kanyang takot.Nanig
Hindi maisip ni Catherine kung gaano kahirap ang mangyayari sa pagitan nila ni Wesley kapag pinakita nila ang tunay nilang kulay."At… ang mga camera mo ay huling minuto mo na nilagay. Dahil hindi ito nakatago nang maayos, ilang oras na lang bago ito mapansin," Paalala ni Logan sa kanya.Tumango si Austin. "Ang pinaka-nakakabahala na bagay pagkatapos niya ito mapansin ay ang umakto siya na parang wala siyang alam, ngunit siya ay talagang nagpaplano sa dilim. Baka ikaw na ang maging susunod na Shelley or Charity. At saka, sa tingin ko ay may kinikimkim na sama ng loob si Wesley sa iyo. Maaaring hindi ka niya patayin sa ngayon, ngunit titiyakin niya na maramdaman mo na nakatira ka sa impyerno. Maaaring hindi ka natatakot sa kamatayan, ngunit kailangan mo isipin ang mga anak mo.""Sumasang-ayon ako kay Austin."Sumang-ayon si Logan. "Binabantayan ka ni Wesley. Nang biglang nawala ang kuryente kagabi, nagmadali siya pumunta. Ibig sabihin ay nag-iingat siya sa iyo. Hindi mo makukuha an
Pag-alis sa hotel, pumasok si Wesley sa kotse at may hinahanap na numero mula sa ibang bansa sa contacts niya.Maya-maya, isang nakaka-akit na boses ang nagmula sa phone. "Tatlong taon na ang nakalipas, Wesley. Sa wakas at tinawagan mo ulit ako.""Rebecca, dapat magpasalamat ka sa akin. Kung hindi ako nagmakaawa para sa kapakanan mo noon, hindi ka hinayaan mabuhay ni Mason. Kahit papaano, wala kang kwenta para sa kanya."Pagkatapos ng ilang saglit na katahimikan, umismid si Rebecca. "Sinasabi ng lahat na tinago ni Mason ang sarili niya ng maigi. Ngunit kung tatanungin mo ako, ikaw ang pinakamagaling magpanggap. Nagsimula ka manloko tatlong taon ang nakalipas. Wesley, hindi pa ako nakakakita ng mas masamang tao kaysa sa iyo. Narinig ko na patay na si Ethan. Ikaw ang pumatay sa kanya, tama?""Wala ka sa bansa, ngunit medyo marami ka nalalaman."Nagdilim ang mata ni Wesley. "Rebecca, ayaw mo ba bumalik? Ayaw mo ba maghiganti? Huwag mo kalimutan kung sino ang nagbenta sa iyo sa bundok
Isang hindi maipaliwanag na pangingilabot ang naramdaman ni Catherine.Sinabi ni Catherine sa sarili niya na masyado siyang sensitibo. Hindi naman maaari na napansin ito ni Wesley ng ganun kabilis.Gayon pa man, mabilis na kinuha ni Wesley ang phone niya palayo sa sumunod na segundo at binasag ito sa lamesa. Nang may malakas na kalabog, nasira ang screen. Ang phone ni Catherine ay sirang-sira."Wesley…" Biglang tumayo si Catherine habang ang masama ang tingin niya sa kay Wesley. "Ano ang ginagawa mo?""Cathy, gusto mo pa rin ba magpanggap sa akin? Baka dapat tanungin kita, ano ba ang eksakto mong napansin?" May mapagmahal na ngiti pa rin si Wesley, ngunit kinilabutan si Catherine sa mga sinabi niya."Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. Gusto ko lang tignan ang aplikasyon." Pagtanggi ni Catherine. "Wesley, anong problema mo?"Kahit anong mangyari, hindi siya maaari makipag-away kay Wesley ngayon. Nasa yungib siya ng leon, at sina Logan at Austin ay wala pa doon."Hindi mo ala
Kahit na alam na ni Catherine na masama si Wesley, hindi nila ipinakita ang tunay nila na kulay. At ngayon na narinig niya ang mga salitang iyon mula sa kay Wesley, naintindihan na ni Catherine kung gaano siya kinamumuhian nito."Sinasabi mo na dapat ako magpasalamat sa iyo?" Umismid si Catherine."Ano pa? Cathy, nawalan ako ng bato para sa iyo." Nagbuntong hininga si Wesley."Kalimutan mo na. Kung alam ko lang na sobrang sama, nakakadiri ka na lalaki, mas gusto ko pa mamatay."Sinabi ni Catherine nang may poot, "Sa tatlong taon na ito, tinatrato mo ako nang maayos sa harap, nunit paulit-ulit mo ako sineset-up sa likod ko. Tatlong taon ang nakalipas, nagpagawa si Rebecca ng mukha para maging kamukha si Shelley para lapitan si Shaun. Kagagawan mo iyon, tama? Huwag mo kalimutan ang kamatayan ni Ethan. Sobrang sama mo na hindi mo man lang binuhay ang sarili mong pamangkin. Mamamatay ka sa isang nakakakilabot na kamatayan.""Sinimulan mo ako pagsuspetyahan noong namatay si Ethan?" Muk
Pagkatapos ayusin ni Wesley ang phone, dahan-dahan nito tinanggal ang coat niya at naglakad papunta kay Catherine.Tinignan ni Catherine ang elegante niyang mukha. Sa ilalim ng ilaw, mukha itong nakakatakot at baluktot na parang demonyo Ito ang totoong Wesley.Sobrang nandidiri siya na sa pagtingin niya dito ay sapat na ito para masuka siya."Sandali, may huling katanungan ako. Kahit na mamatay ako, hayaan mo na mamatay akong alam ito." Sinabi ni Catherine nang may pahiwatig nang kawalan ng pag-asa."Okay, sige." Hindi nagmamadali si Wesley. Mukha siyang nakatingin sa isang isda na nasa sangkalan na. Ang isda na iyon ay pagod na at hindi na lumaban pa at naghihintay na lang makatay."Tatlong taon ang nakaraan, nilapitan mo ba ko dahil gusto mo talaga ako, o may lihim ka na motibo?"Hindi maiwasan ni Catherine sabihin, "Hindi ako naniniwala na ang tulad mo ay liligawan ako dahil lang sa pagmamahal. Alam mo… Alam mo na ba na anak ako ni Joel? O pinupuntirya mo ang Hudson Corporat
Agad itong naunawaan ni Wesley. “Planado mo na ito noong pinadalhan mo ako ng milk tea noong huli?”“Kailan pa ba?”Ngisi ni Catherine. “Ikaw lang ba ang pwedeng mag-set up ng iba? Ako ba, hindi pwede? Mahirap siguro para sa’yong magpanggap na marubdob kay Regina sa opisina araw-araw. Kapag lumabas siguro ‘yang mala-manyak mong pagkatao, tiyak na magugulat ang lahat!“Masisira na rin ang napakababang-loob na imahen na pinaghirapan mong ibuo, hindi ba, President Lyons? Tiyak akong ang isang taong ‘tulad mo ay lubos na nag-aalala sa kanyang imahen, ‘di ba?”“Naitago mo nang mabuti ang iyong sarili,” Malamig na tawa ni Wesley.“Wala naman ‘to kumpara sa’yo.” Panunuya ni Catherine habang pilit niyang itinatago ang init na nararamdaman ng kanyang katawan.“Sayang naman, mukhang hindi mo pa ako ganoong kilala. Matanong lang kita: nasaan ang video? Ibigay mo nga.” Malamig na tinitigan ni Wesley si Catherine.“Nananaginip ka ba?”“Malalaman mo rin kung nananaginip ako o hindi.”Ngiti