Isang hindi maipaliwanag na pangingilabot ang naramdaman ni Catherine.Sinabi ni Catherine sa sarili niya na masyado siyang sensitibo. Hindi naman maaari na napansin ito ni Wesley ng ganun kabilis.Gayon pa man, mabilis na kinuha ni Wesley ang phone niya palayo sa sumunod na segundo at binasag ito sa lamesa. Nang may malakas na kalabog, nasira ang screen. Ang phone ni Catherine ay sirang-sira."Wesley…" Biglang tumayo si Catherine habang ang masama ang tingin niya sa kay Wesley. "Ano ang ginagawa mo?""Cathy, gusto mo pa rin ba magpanggap sa akin? Baka dapat tanungin kita, ano ba ang eksakto mong napansin?" May mapagmahal na ngiti pa rin si Wesley, ngunit kinilabutan si Catherine sa mga sinabi niya."Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. Gusto ko lang tignan ang aplikasyon." Pagtanggi ni Catherine. "Wesley, anong problema mo?"Kahit anong mangyari, hindi siya maaari makipag-away kay Wesley ngayon. Nasa yungib siya ng leon, at sina Logan at Austin ay wala pa doon."Hindi mo ala
Kahit na alam na ni Catherine na masama si Wesley, hindi nila ipinakita ang tunay nila na kulay. At ngayon na narinig niya ang mga salitang iyon mula sa kay Wesley, naintindihan na ni Catherine kung gaano siya kinamumuhian nito."Sinasabi mo na dapat ako magpasalamat sa iyo?" Umismid si Catherine."Ano pa? Cathy, nawalan ako ng bato para sa iyo." Nagbuntong hininga si Wesley."Kalimutan mo na. Kung alam ko lang na sobrang sama, nakakadiri ka na lalaki, mas gusto ko pa mamatay."Sinabi ni Catherine nang may poot, "Sa tatlong taon na ito, tinatrato mo ako nang maayos sa harap, nunit paulit-ulit mo ako sineset-up sa likod ko. Tatlong taon ang nakalipas, nagpagawa si Rebecca ng mukha para maging kamukha si Shelley para lapitan si Shaun. Kagagawan mo iyon, tama? Huwag mo kalimutan ang kamatayan ni Ethan. Sobrang sama mo na hindi mo man lang binuhay ang sarili mong pamangkin. Mamamatay ka sa isang nakakakilabot na kamatayan.""Sinimulan mo ako pagsuspetyahan noong namatay si Ethan?" Muk
Pagkatapos ayusin ni Wesley ang phone, dahan-dahan nito tinanggal ang coat niya at naglakad papunta kay Catherine.Tinignan ni Catherine ang elegante niyang mukha. Sa ilalim ng ilaw, mukha itong nakakatakot at baluktot na parang demonyo Ito ang totoong Wesley.Sobrang nandidiri siya na sa pagtingin niya dito ay sapat na ito para masuka siya."Sandali, may huling katanungan ako. Kahit na mamatay ako, hayaan mo na mamatay akong alam ito." Sinabi ni Catherine nang may pahiwatig nang kawalan ng pag-asa."Okay, sige." Hindi nagmamadali si Wesley. Mukha siyang nakatingin sa isang isda na nasa sangkalan na. Ang isda na iyon ay pagod na at hindi na lumaban pa at naghihintay na lang makatay."Tatlong taon ang nakaraan, nilapitan mo ba ko dahil gusto mo talaga ako, o may lihim ka na motibo?"Hindi maiwasan ni Catherine sabihin, "Hindi ako naniniwala na ang tulad mo ay liligawan ako dahil lang sa pagmamahal. Alam mo… Alam mo na ba na anak ako ni Joel? O pinupuntirya mo ang Hudson Corporat
Agad itong naunawaan ni Wesley. “Planado mo na ito noong pinadalhan mo ako ng milk tea noong huli?”“Kailan pa ba?”Ngisi ni Catherine. “Ikaw lang ba ang pwedeng mag-set up ng iba? Ako ba, hindi pwede? Mahirap siguro para sa’yong magpanggap na marubdob kay Regina sa opisina araw-araw. Kapag lumabas siguro ‘yang mala-manyak mong pagkatao, tiyak na magugulat ang lahat!“Masisira na rin ang napakababang-loob na imahen na pinaghirapan mong ibuo, hindi ba, President Lyons? Tiyak akong ang isang taong ‘tulad mo ay lubos na nag-aalala sa kanyang imahen, ‘di ba?”“Naitago mo nang mabuti ang iyong sarili,” Malamig na tawa ni Wesley.“Wala naman ‘to kumpara sa’yo.” Panunuya ni Catherine habang pilit niyang itinatago ang init na nararamdaman ng kanyang katawan.“Sayang naman, mukhang hindi mo pa ako ganoong kilala. Matanong lang kita: nasaan ang video? Ibigay mo nga.” Malamig na tinitigan ni Wesley si Catherine.“Nananaginip ka ba?”“Malalaman mo rin kung nananaginip ako o hindi.”Ngiti
“Pero…”Panandalian siyang huminto, at pagkatapos ay itinaas ni Wesley ang kanyang kilay upang manakot. “Maaari kitang pakawalan, ngunit pakakawalan mo ba ako?”Nalilito siyang tinignan ni Catherine.“Alam kong malakas ka, at marami kang kayang tiisin. Ako mismo ang nakakita no’n. Kaya nga’t itinaas ko pa lalo ang dosage ngayong gabi. Maaaring may malay ka pa ngayon, ngunit mamaya’y unti-unti kang manghihina. Ni hindi mo nga ako makikilala. Para kang hayop na nangangandi at hindi makaisip nang maayos.”Nameke ng ngiti si Wesley at sinabing, “Nananabik na ako sa mga mangyayari mamaya.”Tila’y hindi maintindihan ni Catherine ang lahat ng nangyayari.Nararamdaman niyang unti-unting lumalakas ang init ng kanyang katawan. Tila’y sabay-sabay siyang kinakagat ng maraming langgam. Hindi siya mapakali.Kinakailangan niya pa ngang huminga nang malalim upang makahinga.Para bang sasabog na ang bawat butas ng kanyang katawan.Tahimik siyang tinabihan ni Wesley, at tinititigan niya kung pa
Agad na binuhat ni Logan sa kanyang likuran si Catherine.Matapos nilang lumabas ng villa, agad din namang lumapit si Austin dala-dala ang sasakayan. Pagdating sa puntong nakasakay na sila ay hindi na alam ni Catherine ang mga nangyayari.Sa kanyang mga mata, isang hamak lamang na lalaki si Logan.Hindi niya napigilan ang kanyang sariling yakapin si Logan.“P*cha! Ano ba’ng nakain niya? Ni hindi siya makapag-isip nang maayos.” Malungkot na sinulyapan ni Austin si Logan. “Huwag mo siyang hayaang may gawin siya sa’yo.”Galit na galit si Logan. “Manahimik ka na lang kaya.”Matapos niyang magsalita ay nagsimulang alisin ni Catherine ang damit ni Logan.“Huwag po, Eldest Young Lady. Pakawalan niyo po ako.” Mangiyak-ngiyak na si Logan. “Si Logan po ito.”“Shaun… Shaun… akin na…” Tila’y hindi siya naririnig ni Catherine. Makikita sa kanyang mga matang gusto na niyang sunggaban si Logan.“Dal! Tumungo tayo kay Shaun,” Sigaw ni Logan.Hindi alam ni Austin ang kanyang gagawin. “Pero hi
Nandilim ang mukha ni Shaun sa galit.Alam niyang hindi niya dapat sisihin si Logan, ngunit sa kanyang galit ay muntikan na niyang bugbugin si Logan.“Ibigay mo siya sa’kin.” Binuhat ni Shaun si Catherine.Nang makita niyang mas namamaga ang mukha ni Catherine kumpara noong huling kita niya rito, nanliit ang mga mata ni Shaun sa lamig at sakit na naramdaman.Ano kaya ang ginawa ni Wesley sa kanya? Hinampas niya ito hanggang sa umabot si Catherine sa ganoong kalagayan.Subalit hindi iyon ang oras upang magtanong ng kung ano-ano. Ang pinakatuunan dapat ng pansin ay kung paano ibabalik ang malay ni Catherine.Binuhat ni Shaun si Catherine papasok ng kanyang sasakyan.Kumakapit sa kanyang damit si Catherine sa tindi ng sakit na nararamdaman mula sa backseat.Hinigpitan din ni Shaun ang kanyang kapit sa manibela. Nararamdaman niyang mas malala ang kundisyon ni Catherine kumpara noong huli.“Kaunting tiis na lang, Cathy.” Pinarada ni Shaun ang kanyang sasakyan bago niya buhating mul
Isinugod si Catherine sa pribadong ospital ng mga Jewell.Bago pa man sila makarating ay nagpasaayos na si Chester ng VIP ward.Subalit noong ibinuhat ni Shaun palabas ng sasakyan si Catherine ay tumambad sa kanila ang isang grupo ng mga reporter na naroon sa parking lot. Kumuha sila ng mga litrato nina Shaun at Catherine.“Shaun, nakatanggap kami ng balitang nagkainitan kayo ni Catherine kagabi, mukhang totoo nga ang lahat.”“Hindi pa ba obvious? Tignan ninyo ang leeg ni Catherine. Napakaraming bakas!”“May mga bakas din sa leeg ni Shaun. Marahil ay masyado nga kayong nagkainitan. Subalit hindi ba’t masyado namang imoral ‘yun? Asawa ni Catherine ni Wesley.”“Ano’ng nangyari kay Catherine? Masyado ba siyang napagod kagabi?”“...”“Umalis kayo.” Nagalit si Shaun dahil sa mga tanong ng mga reporter.“Haha, bakit ka nagagalit? Tingin mo ba’y ikaw pa rin ang mapagmataas na Young Master Hill noon? Nakikiapid ka sa asawa nang may asawa. Hindi ba pwede ‘yon pag-usapan ng mga tao?”“