C27 WMS#38PAUL VINCENT POVFLASHBACK“Sa’n ka pupunta?” Nilingon ko si John John habang kinuha ko ang susi ng aking kotse.“May bagong bukas na Casino,” sagot ko naman sa kanya.“Oy, Casino? Sama ako.” Sinamaan ko naman nang tingin si Jeffrey dahil sa kanyang sinabi. “’Di pwede,” rason ko.“Saan ba ‘yan?” muli namang tanong sa akin ni John John.“Malapit sa Military Base,” sagot ko.“’Yong Lucky Casino? Sa Clark ‘yon.” Napatingin naman ako kay John John dahil sa kanyang sinabi.“Paano mo nalaman?” Itinaas niya naman ang kanyang laptop kaya nailing ako sa kanya.“Pasamahin mo na ako Dude.” Tinanggal ko naman ang kamay ni Jeffrey dahil para itong bata kung makahawak sa aking braso.“Do’n ka na lang sa bar mo, mag-e-enjoy ka pa,” ani ko habang tinalikuran sila. Tsk. . . mukhang marami na naman akong makukuhang pera sa Casino na ‘yon. Napangisi ako habang sumakay ako sa kotse.Nang makarating ako sa Casino, agad akong pumasok. Pinagmamasdan ko muna ang paligid at ang mga taong naglalaro
C28 WMS#38FLASHBACKPAUL POV“Bakit hindi mo subukang pumasok sa Foedus?”“Foedus? Ano’ng meron do’n? magkaka-pera ba ako ro’n?” biro kong tanong kay Indigo.“Ul*l!” Napahalakhak ako dahil sa kanyang sinabi. Mula nang mahuli niya ako ay lagi na akong pumunta rito sa Casino niya. hindi ko na rin ako nandaya dahil bantay sarado ako nang mukong na ‘to.“Ano sasali ka ba?” Tumango ako sa kanya, dahil naririnig ko na rin ang Foedus. Ito ay isang organization, base rin sa nabalitaan ko they build friendship power and brotherhood.“Mayaman ka ba?” “G*go! Ano bang tingin mo sa’kin?” malakas naman siyang humalakhak dahil sa sinabi ko sa kanya.“Sigurado ka na ba? ano ba ang matindi mong dahilan bakit gusto mong pumasok sa Foedus?”“I know that Foedus is a top-ranking organization, kaya alam kong makakatulong ito sa akin, lalo na sa illegal business ko.”“Well, tama ka, pero dapat mong malaman na kapag sumali ka rito ay hind ka na pwede pang umatras, at lalong hindi ka pwedeng umalis, pero pwe
C29 WMS#38 PAUL VINCENT POV“Kumusta siya?” tanong ko kay John John habang umupo ako sa sofa.“Sa kwarto,” balewala niyang wika. Naisipan ko namang tumayo at puntahan si Ligaya sa kwarto.NANG buksan ko ang pinto ay napatitig ako sa kanya habang maladkit ang kanyang mga matang tumingin sa akin. namumugay ito at parang nang-aakit.“Anong nangyari sa ‘yo?” taka kong tanong sa kanya habang nilapitan ko siya.“Hindi mo ba ako gusto?” ngiting tanong niya habang tinitigan ako mula ulo hanggang paa.Damn! Ano bang nangyari sa kanya.“Hon, maganda naman ako ‘di ba? alam mo bang sexy rin ako!” hindi ko mapigilang magtaka dahil sa sinabi niya sa akin. nakalimutan niya ba na hindi ako si Donie?“Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” kunot-noo kong tanong sa kanya.“Ang init Hon, lumapit ka sa akin….” sh!t! ano bang ginawa ni John John sa kanya? akala ko ba nagkaka-intindihan kami bago ako umalis?Nilapitan ko si Ligaya at tinanggal ang mga kadena na nasa kamay at paa niya.“Fvck!” bulaslas ko nang bigl
WMS#38 C30 PAUL VINCENT POVNaitulak ko si Ligaya nang matauhan ako. alam kong mali ang ginagawa ko kaya agad akong tumayo at iniwan siya sa loob ng banyo.“John John!!” Malakas kong sigaw habang hinahanap siya. walang hiya talaga ang kaibigan ko na ‘yon. “Anong problema mo?” “Anong ginawa mo?!”“Ginawa? Wala akong ginawa?”“Kay Ligaya?” ngumisi pa ang g*go dahil sa sinabi ko.“Tinisting ko lang sa kanya ang bagong nabili kong product-.”“Damn!! Ilang ulit kong sinabi sa ‘yo na ‘wag mo siyang pakiki-alaman!”“Bullsh!t Paul!! ‘wag mong kalimutan na anak siya sa taong dumukot sa kapatid mo! Sa tingin mo ba hindi nila pinapahirapan ang kapatid mo sa oras na ‘to? habang siya? itinali mo lang at wala kang ginagawa?!”“Alam ko ‘yon! Gumagawa na ako ng paraan para mahanap ang kapatid ko!”“Tsk, pasensya ka na Dude, pero hindi ko talaga mapigilang makaramdam nang galit sa babaeng ‘yan. Sana hindi siya magiging hadlang sa ‘yo.”“Kilala mo ako John John. Wala pang taong pwedeng mag-pabagsak
WMS#38 C31 PAUL VINCENT POV“Hindi ba tayo magdadala nang mga tauhan?” tanong sa akin ni Diego.“Hindi na, mas makakabuti kung tayong tatlo lang ang pupunta roon.”“Sigurado ka bang naroon talaga ang kapatid mo?”“Hindi ko alam. Pero malakas ang pakiramdam ko na naroon si Donie.”“Bilisan n’yo na. mas maganda kung ganitong oras tayo pupunta.” Napatingin ako sa aking wristwatch at nakitang mag-alas dose na ng hating gabi.“Para naman tayong mga aswang nito.” Natatawa kong wika habang nailing. Sinamaan ako nang tingin ni John John dahil sa sinabi ko.“Malala na talaga ‘yang kaibigan mo,” natatawa ring wika sa kanya ni Diego.“Tsk, akala mo ba naglalaro tayo Dude?” tanong sa akin ni John John.“’Di naman kayo mabiro, tinatanggal ko lang naman ang kaba sa d*bdib n’yo!”“Ul*l! anong akala mo sa akin?”“Malamang tao!”“Tsk, bilisan n’yo na.” Wika ni John John kaya sumakay na kami sa isang bangka. Hindi ko alam kung saan ito nakuha ni John John pero talagang maasahan siya. hindi rin ito di-
WMS#38 C32 PAUL VINCENT POV“G*go! Magtago ka nga!” Malakas akong hinila ni Diego papunta sa likod ng pader.“Ang bilis mo namang mapikon!” Tiningnan ko siya dahil sa kanyang sinabi. “Mapapatay ko talaga siya.” galit kong wika habang naririnig ang mga putok ng baril.“Dude! Positive! Nakita ko na si Donie!” “Really?!” hindi ko mapigilang makaramdam nang tuwa dahil sa sinabi sa akin ni John John.“Kailangan ko kayo rito! Nasa basement ako!”“Copy! Papunta na ako!”“Ako na ang bahala rito!” Wika sa akin ni Diego. Tinapik ko naman ang kanyang balikat habang sabay kaming lumabas sa pinagtataguan namin.Pinagbabaril niya ang kinaroroonan ni James at mga tauhan niya para hindi nila mapansin ang pag-alis ko.Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay mabilis akong dumapa nang pagbabarilin ako nang mga tauhan ni James. Agad akong gumanti sa kanila kaya sapol ang dalawa.Tumayo ako at tinungo ang hagdan pababa pero napatalon ako nang muli akong barilin. Nag-slide ako sa hagdan habang pinagbaba
WMS#38 C33 PAUL VINCENT POV“Son!!” Agad niyakap ni Mommy si Donie.“What happened to your face?” tanong ni Mommy habang umiiyak kaya napayuko ako.“Thank you Paul.” Napatingin ako sa aking balikat nang tapikin ito ni Daddy, at nag-angat nang mukha.“Thank you for saving your brother. I though you can’t save him,”“Hindi ako ganu’n kasama para hindi siya iligtas.” Balewala kong sagot sa kanya at umusog.“Hindi kayo safe rito, kaya mas mabuting pumunta muna kayo sa isang safe house.” Masama akong tiningnan ni Donie dahil sa sinabi ko.“It’s all your fault!”“Stop shouting?! Dapat pa nga magpasalamat ka sa akin, dahil kung hindi dahil sa ‘kin hindi mo malalamang isang sindikato pala ang magiging biyenan mo.”“What?!” Nilingon ko si Mommy dahil nagulat siya sa aking sinabi.“A-anong ibig mong sabihin Paul?”“Ang magulang ni Ligaya ang kumid-.”“Shut up!! Pwede ba ‘wag ka nang mangingi-alam pa!”“At bakit hindi?”“Enough!!” umalingaw-ngaw ang boses ni Daddy kaya tumigil kami.“Donie, you
WMS#38 C34 PAUL VINCENT POV“Major!” Sumasaludo sa akin si Alma kaya ganu’n din ako sa kanya. “Upo ka.” Ani ko at agad niya namang sinunod.“Bakit n’yo po ako pina-patawag Major?” tanong niya sa akin habang tumingin siya sa juice na nasa harapan niya.“Gusto ko lang kumustahin ang misyon n’yo,” Ani ko habang sumimsim ng kape.“Wala kaming maayos na plano ngayon Major, dahil wala pa si Captain Sevilla. Nakakapagtaka nga po, nandito na kayo tapos siya wala pa?”“I am with her don’t worry,”“Talaga Major? Nasa’n po siya?”“’Wag kang mag-alala dadalhin kita sa kanya, ‘yon kasi ang bilin niya isasama kita.”“Wala pong problema Major. Kailangan ko rin kasing makausap si Kapitan.” Napatitig ako sa kanya habang iniinom ang juice. Pa-simple akong ngumisi dahil alam kong ilang minuto lang ang lilipas at makakatulog na siya.“You’re here?” Nag-angat ako nang mukha at gulat na tumingin kay Clyde kasama si Indigo.Damn! Ano bang ginagawa nila rito? Baka mahalata ni Alma na hindi ako si Donie.“S