WMS#38 C35LIGAYA POV“Mendoza, ayos ka lang ba?” tanong ko sa kanya nang lumabas ang Jeffrey Santos na ‘yon. Tama nga ako sa hinala ko na hindi siya ang nagligtas sa amin ni Daddy kun’di si Paul. Baka rin mga tauhan niya ang nag-ambush kay Daddy nu’n.“Ayo slang ako Captain, ano ba ang nangyari? Naguguluhan ako? bakit ginawa sa atin ‘to ni Major?”“Hindi siya si Donie. Siya ang kakambal niya.”“Kakambal? Akala ko ba walang kapatid si Major?”“’Yon din ang akala ko.”“Pero nasa’n si Major? Bakit niya hinayaan ang kambal niya na gawin sa sa ‘yo ‘to?” “Hindi ko alam kung totoo ang sinabi niya, p-pero sabi niya na nakidnap si Donie.”“Ano? At sino naman ang gagawa nu’n? mga rebelde ba? at bakit ka naman niya dinukot? Kung dinukot pala ang kapatid niya?”“’Yan din ang hindi ko alam Mendoza. Pero ang sabi niya si Daddy ang dumukot kay Donie.”“Ano?! Bakit naman gagawin ‘yon nang Daddy mo? Alam niya naman na nobyo mo si Major ‘di ba?”“Oo Mendoza, kaya nga gulong-gulo ako. gusto kong imbe
WMS#38 C36PAUL VINCENT POV“Welcome back Dude!!” Nilampasan ko si Jeffrey dahil mukhang nababakla na ito. sino ba naman ang tangang yayakap sa akin.“Nasa’n na ang inutos ko sa ‘yo?” tanong ko nang maka-upo na ako sa sofa.“Parating na rito. Nailista ko na rin na ako ang best man mo at si Alma Baby ang bride maid.”“Bakit ikaw lang?” Wika ni John John habang papalapit ito sa amin.“Hindi naman pwede na dalawa ang best man! Kaya mas maganda kung ako na lang!”“Tsk,” Iling na wika ni John John habang lumapit sa akin.“May nagpapasakit na naman nang ulo sa ‘tin.”“Lagi namang masakit ‘yang ulo mo?” natatawang wika ni Jeffrey kaya sinamaan siya nang tingin si John John.“Tumigil nga kayo!” awat ko sa kanila.“Sino ‘yon?” tanong ko kay John John.“’Yong isang tauhan natin, itinakbo ‘yong pera natin.”“What? Fvck! Kailan pa? bakit hindi n’yo kaagad sinabi?”“Paano namin sasabihin sa ‘yo? Masyado kang busy sa Kapitan na ‘yon?” Napahawak ako sa aking batok dahil sa sinabi ni John John. Tama
WMS#38 C37PAUL VINCENT POV“Mukhang naghahanda talaga ang g*go sa pagsalakay natin.” Wika ni John John habang tinitingnan o ang paligid. Masyado ngang maraming tauhan ito.“Siguro ang ibang tauhan niya ay galing kay James.”“Pwede rin, halatang pinaghahandaan tayo!”“Bakit hindi ka rin humingi nang tulong sa mga kaibigan mo sa Foedus Dude?” “’Wag na! ano ba ang tingin n’yo sa akin mahina? Isa pa busy sila ngayon,” “’Yong mga tauhan natin nakahanda na hinihintay na lang nila ang go signal mo.” Wika ni Jeffrey habang kinasa ang hawak niyang baril.“Bakit pala ang tagal nating sumugod Dude? Ano pala ang hinihintay natin dito?” Napapikit ako habang nakahawak sa aking noo. Ang sarap talagang batukan nang l*ko.“Hindi ka ba marunong mahintay?” “Nilalamok na nga tayo rito sa kakahintay.”“Mabuti at nakakapasok pala ang mga lamok sa walang kwenta mong sasakyan!” ngumisi naman ang g*go dahil sa sinabi ko sa kanya.“Gusto mong mauna ro’n?” Nilingon niya si John John dahil sa sinabi nito sa
WMS#38 C38LIGAYA POV“Captain, ano ang gagawin natin para makatakas tayo rito?” Nilingon ko si Mendoza dahil sa tanong niya sa akin.“Nakuha ba nila kahit ang phone mo?”“Oo Captain, sadyang matalino ang Paul na ‘yon.” Bumuntong hininga ako dahil sa sinabi niya at muling napatingin sa aking mga kamay na may kadena. Kailangan talaga naming makatakas dito para matigil na ang kahayupan ni Paul.Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. kumunot ang aking noo nang makita si Paul na papalapit sa akin. buhay pa pala ang g*gong ‘to?“Anong gagawin mo?” Tanong ko habang nakitang may kinuha siya sa kanyang bulsa.“Ano ‘yan?” Kunot-noo kong tanong habang bigla na lang niya itong nilagay sa aking ilong.“Anong ginawa mo sa kanya? Captain!!” dinig kong wika ni Alma bago ako kinain ng dilim.Nagmulat ako nang aking mga mata at tumitingin sa paligid. Ipinikit kong muli ang aking mga mata at muling dumilat. Mukha kasing nasa ibang room ako at hindi ito ang nilagyan nila sa akin.“Mendoza!” sambit ko
WMS#38 C39LIGAYA POVKahit tapos na akong maligo ay hindi ko pa rin maiwasang mandiri sa sarili. Wala na talaga akong mukhang maiharap kay Donie. Muli kong pinunasan ang aking mga mata nang pumatak muli ang aking luha. Napatingin ako sa lamisita nang makita ko ang isang baril na nakalagay rito. Napatingin rin ako kay Paul na mukhang mahimbing na natutulog.Mabilis ko itong kinuha at tinutukan si Paul habang natutulog. Habang hawak ko ito at itinutok sa kanya ay hindi ko maiwasang manginig dahil sa labis na galit na nararamdaman ko.“Hindi na ako papayag na makakapayag na masasaktan mo pa ako lalo na ang pamilya ko Paul.” Wika ko at kinalabit ang gatilyo ng baril. Pero natigilan ako dahil hindi ito pumutok. Napatingin ako kay Paul habang malakas itong humalakhak. “Akalain mo? Bobo ka pala?”“H*yop ka!!” sa tingin mo ba, hahayaan kung maglagay ng baril kahit saan? Tsk, alam kung galit na galit ka sa akin at kaya mo akong patayin!”“Talagang papatayin kita h*yop ka!!” Ngumisi siya hab
WMS#38 C40PAUL VINCENT POV“Sigurado ka na ba?” tanong sa akin ni Jeffrey .“Baka takasan ka niya.” Tiningnan ko si John John, dahil sa kanyang sinabi.“Hindi na niya magagawa pa ‘yon. Alam niya ang mangyayari sa pamilya niya kapag gagawin niya ‘yon!” “Pero ‘wag kang maging kampante, alam mong isa ‘yang Kapitan.”“Alam ko ‘yon! Hindi ako b*bo.” Wika ko at tinalikuran sila.Kailangan ayusin ko muna ang magiging bahay namin ni Ligaya. NANG makasakay ako sa kotse ay tinawagan ko si Clyde. Baka matulongan niya akong makahanap ng magandang lugar para sa itatayo kong mansion namin ni Ligaya.Pero naka-ilang dial na ako sa kanyang number ay wala pa ring sumasagot. ‘Tsk, mukhang busy ang isang ‘yon!’ naisipan ko namang tawagan si Indigo. “Bakit?” sagot niya sa kabilang linya.“Nasa’n ka?” tanong ko rito.“Bakit mo ako hinahanap?” napangisi ako dahil sa kanyang sinabi.“Na-miss kita, bawal ba?” natatawa kong tanong sa kanya.“Ano bang kailangan mo?” “Basta! Nasa’n ka ba?” ulit kong tano
WMS#38 C41PAUL VINCENT POV“Bakit nandito ka pa?” Tanong ko kay Jeffrey habang papalapit ako sa kanya.“Bukas na!”“Bakit bukas pa? gusto ko ngang ngayon na, para makalipat na kami!” “Ikaw naman, Dude, alam mo naman na hindi ko maiwan-iwan si Alma Baby ko,” sinamaan ko siya nang tingin dahil sa sinabi niya.“Bakit hindi kayo do’n tumira sa Isla?” Napatingin ako kay John John dahil sa sinabi niya.“May bahay ka naman do’n.”“Bawal kami magdala o magpasok nang mga taong hindi member ng Foedus.” “Oo, nga pala,”“Kaya ikaw!” Dinuru naman ni Jeffrey ang kanyang sarili.“Bakit ako? si John John nalang!” “Ba’t ako? ikaw naman lagi ang gumag-.”“Tumigil na kayo! Kung ayaw niyong sumunod sa akin, mas mabuti pang tikman ko na lang si Alma at Isabella,”“G*go!!” sabay na sigaw nang dalawa.“Ayaw niyo akong sundin ‘di ba? isa pa akin naman talaga si Isabella, at si Alma, ako ang dumukot sa kanya!”“Pupunta na! hindi ka naman makapaghintay!” lihim akong napangisi habang nakatingin kay Jeffrey
WMS#38 C42PAUL VINCENT POV“Dude! Hindi natin sila kaya! Konti lang ang balang dala ko!” sigaw sa akin ni John John habang patuloy nila kaming pinaputukan.Damn! Hindi ko rin na-paghandaan ang gagawin nila. Kinuha ko ang aking phone at tinawagan si Diego. ‘Fvck! Sumagot ka!!’ “What?!”“Dude I need your help! Puntahan mo ako sa opisina ko, pinagbabaril ako wala pa naman akong dalang bala!” “What?! Fvck! Wait! Pupuntahan ka namin d’yan!”“Namin?”“’Wag ka nang magtanong basta! Papunta na kami!” Mabilis niyang pinatay ang tawag kaya ibinaba ko na rin ang aking phone.“Bakit hindi mo tinawagan ang mga tauhan natin?” “Ikaw na ang tumawag sa kanila.” Wika ko habang hindi kami makakalabas sa pader na pinagtataguan namin dahil patuloy pa rin nila kaming pinagbabaril.Pero napatingin ako sa aming likuran nang marinig ang mga putok ng baril. Ang akala ko ay dumating na si Diego pero hindi pala. Napatitig ako kay Donie at sa isa niyang kasama habang nakipagpalitan ito ng putok sa mga lalak