C19 WMS#38 Nang makapasok kami sa isang bar dito sa Makati ay agad pumunta si Aiane at Alma sa dance. Napangiti na lang ako sa kanila habang umupo sa couch malapit sa dance floor. Luminga-linga ako sa paligid at kumunot ang aking noo nang makita ko ang kambal ni Donie.“Paul.” sambit ko. tatayo sana ako para lapitan siya pero namilog ang aking mga mata nang makitang lumapit sa kanya si Jeffrey.Mabilis akong tumayo at lihim na lumapit sa kanila para hindi nila ako mapansin.“Hey, Mr. Sohn,” Narinig kong wika ni Jeffrey habang inabot niya ang kanyang kamay kay Paul. Hindi ko naman mapigilang mailing dahil sa nakita ko. Hmmp, ano ba naman kasi ang nasa-isip mo Ligaya.“Ligaya!” Nilakihan ko naman ang aking mga mata nang makitang papalapit si Alma, pero huli na nang mapansin niya ako.“Hey!” Nilingon ko si Jeffrey ngunit wala na sa kanyang tabi si Paul.“Oh hi!” Bati sa kanya ni Alma, kaya ngumiti na lang ako sa kanya.“Hindi ko akalain na pupunta kayo sa bar ko,” Nagkatinginan kami n
C20 WMS#38 “Ibaba niyo ang mga baril niyo!”“Pero Boss,”“Ibaba niyo sabi!” Malakas na sigaw ni Jeffrey sa mga lalaking nakapalibot sa amin.Binaba naman nila ang kanilang mga baril. Habang hindi ko pa rin ibinaba ang hawak kong baril at nakatutok pa rin ito sa kanya.“Hindi mo ako kalaban kaya ibaba mo na ‘yan.” kunot-noo niyang wika. Medyo nakakapanibago rin ang kanyang ugali dahil biglang naglaho ang Jeffrey na nakilala namin na laging nakangiti.“Kung nagtataka ka, kung bakit kilala kita.” Umiling naman siya habang nakatingin pa rin sa akin.“Businessman ako, bawat taong lumalapit sa akin ay kini-kilala ko, higit sa lahat hindi ako bobo.” Sh!t baka totoo nga ang hinala ko na isang member ng Mafia ang lalaking ‘to.“Hindi ko sinabing bobo ka!” sagot ko naman sa kanya. lumingon naman siya sa akin at ngumisi.“Ito, ang ginagamit namin kaya kami yumaman nang husto, alam kung meron ka rin nito.” Aniya habang nakaturo sa kanyang noo malapit sa kanyang utak. Mukhang lasing na ito dahil
C21 WMS#38 “Kanina ko pa yata napapansin na hindi ka mapakali, ano ba ang problema?” Nag-angat ako nang tingin kay Alma dahil sa kanyang tanong.“Ilang araw ko na kasing hindi makontak si Donie,” sagot ko sa kanya.“Baka busy lang, kilala mo naman si Major,” “Hindi eh, iba talaga ang pakiramdam ko,”“’Wag mo na siyang isipin Captain, baka kasi busy lang talaga,” ngiting wika sa akin ni Aiane. “Siguro nga,” Ani ko habang nakatingin pa rin sa aking phone. Naisipan ko namang tawagan si Tita Adeline mamaya kapag nahuli na namin ang minamanmanan naming terrorist.“Mukhang maganda yata ang mood mo ngayon?” Napatingin naman ako kay Aiane dahil sa sinabi sa kanya ni Alma.“Oo nga Cruz, inlove ka ba?” ngiting tanong ko habang panay pa rin ang pagtingin ko sa babaeng nasa unahan namin. Ayon sa amig source ay asawa ito ng isang Kumander nang kilalang terrorist group.“Sa totoo lang, matagal ko na siyang gusto,” Nilingon ko si Aiane dahil sa kanyang sinabi.“Alam ba niya na gusto mo siya?” ta
C22 WMS#38 “Good morning Major,” Sumasaludo sila sa akin habang ganun din ang ginawa ko sa kanila. wala akong tulog kagabi dahil kinabisado ko ang mga pangalan nang mga taong madalas pumasok sa office ni Donie.“Bumalik ka na pala, hindi ka man lang nag-message.” Napalingon ako at nakita ko si Ligaya na kunot-noo akong tinitingnan. Simula noong pinasok ko ang mundo nang pagiging con-artist ay hindi ko pa naranasan na nakaramdam nang guilt sa mga ginagawa kong pagpapanggap, pero ngayon, bakit..bakit iba ang nararamdaman ko?“Hon,” Hindi ko pinapahata sa kanya ang kaba na nararamdaman ko habang nilapitan siya at hinalikan sa kanyang pisngi.Napatitig naman siya sa akin kaya muli akong humalik sa kanya pero sa labi na.“I’m sorry Hon, masyado kasi akong busy sa ginaw-.”“Busy?” Aniya habang hindi pa rin inaalis ang kanyang mga tingin sa akin.“Nakita ka ni Mommy kasama si Tita, dumating ka na pala, hindi ka man lang tumawag o nag-message man lang?”“As I said I’m busy.” Wika ko habang t
C23 WMS#38FLASHBACKNapatitig ako sa pitong founder na nasa aming harapan. Minsan naman ay nililingon ko ang dalawang lalaki na nasa tabi ko. seryoso lamang ang kanilang mga mukha at wala ring imik. Napatingin akong muli sa aking harapan at isa-isang tiningnan ang kanilang mga mukha. Na check ko na rin ang kanilang mga profile kaya kilala ko na sila.Trace Dimagiba, isa siyang architect at CEO. May-ari ng isang contraction company. Siya rin ang head ng Foedus. Ang katabi niya naman ay si Lev Petrov, isa rin itong CEO at founder nang Foedus. Sa tabi niya naman ay si Elliot James Hart, isa itong lawyer at CEO. Sa tabi niya ay si Jake Mondragon. Isa itong doctor at CEO. Si Jake rin ang ricruter ko para makapasok sa Foedus. Tiningnan ko rin ang nasa tabi niya na si Jerusalem Mcbride, sikat itong Artista kaya hindi ko akalain na isa ito sa mga founder nang Foedus. Sa amo at pogi nitong mukha hindi mo akalain na isa itong Mafia.Sa tabi niya naman ay si Daxon Mueller, isa rin itong CEO. H
C24 WMS#38LIGAYA POVHindi maalis sa aking labi ang ngiti habang nakahiga na ako sa kama. ngayon ko lang kasi naranasan na makasama si Donie nang matagal. Lagi kasi itong busy at halos wala na itong oras sa akin, pero naiintindihan ko naman siya. muli ko namang niyakap ang binili niya sa akin na stuff toys. ‘di ko maiwasang magtaka noong una dahil hindi naman siya mahilig bumili sa akin ng ganito. Dati kasi kung ituring niya ako ay para akong hindi babae. Para tuloy siyang si Paul minsan. Napatayo naman ako dahil sa naisip ko. sumandal ako sa head board ng kama at umiling, dahil imposible naman na si Paul ‘yong kasama ko. isa ba wala namang dahilan si Paul para magpanggap na si Donie. May asawa na rin at anak si Paul, kaya malabo na mangyari na siya ‘yon.“Ahh! Ano ka ba naman Ligaya! ano ba ‘yang iniisip mo?” Sigaw ko habang ginugulo ang aking buhok.Napatingin naman ako sa aking phone ng tumunog ito. Agad ko itong inabot at tiningnan kung sino ang tumawag.“Mom,” ani ko nang saguti
C25 WMS#38Lumayo ako nang konti kay Ligaya nang makita ko ang tawa ni Keros, agad ko itong sinagot habang nakatingin pa rin si Ligaya sa akin.“Yes,” mahinang sagot ko rito.“I already found who’s the kidnaper of your brother,” wika ni Keros sa kabilang linya. sinabi ko nga ba, na kapag siya ang lapitan ko ay mabilis niyang mahanap ang kapatid ko.“Who?” Tanong ko habang nakakuyom ang isa kong kamao. Pinapangako ko na sa oras na malaman ko kung sino ang gumawa nu’n ay uubusin ko ang kanilang pamilya.“It’s was Henry Sevilla and James Sevilla, they are also a Mafia.” James Sevilla, sa’n ko ba narinig ang pangalan na ‘yon?“Ito pa, James Sevilla is the brother of your brother’s girlfriend, Ligaya Sevilla.”“W-what?” Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Keros. Nilingon ko naman si Ligaya habang may ngiti pa rin ito sa kanyang mga labi na tumingin sa akin.Damn why her?“Hey Paul, are you still there?” Tumalikod ako kay Ligaya at muling sinagot si Keros.“Yes,”“Hindi ka yata nag-iingat,
C26 WMS#38Nang magising ako ay sinubukan ko ulit tumayo, pero masyadong mahigpit ang pagkatali nila ng kadina sa aking mga kamay.Namilog naman ang aking mga mata nang napansin na iba na ang suot kong damit at hindi na ang basa kong uniform.Sh!t! hindi kaya ako pinagsamantalahan nang hayop na ‘yon?Wala naman akong nararamdaman na kahit anong sakit sa aking gitnang hita kaya naging panatag ako na walang nangyari sa amin nang hayop na ‘yon. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya ako dinukot at bakit niya kausap si Daddy kanina. Hindi niya naman siguro ako ipatubos kay Daddy, dahil malalagot siya kay Donie kapag nalaman niya na ang walang hiya niyang kakambal ang dumukot sa akin. pero nasa’n siya? nasa’n na si Donie? Napatingin naman ako sa paligid at naghahanap nang pwede kong gamitin para makawala rito. Napahinto ako ng makita ang cctv camera sa dingding. Ang hayop pinapanood niya pala ako. tinitigan ko nang husto ang cctv dahil alam kong pinapanood n
WMS#38 C53 END PAUL POV“Paul!” Mahigpit akong niyakap ni Mommy, habang tumingin ako kay Donie. “I'm glad you're here son.” Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni Daddy sa akin. Ang sarap sanang pakinggan pero wala man lang akong nararamdaman na tuwa. “Nandito ako, para magpaalam sa inyo.”“M-magpaalam?”“Yes Mom,”“Pero Paul, akala ko ba uuwi kana rito?” “You know that will never happen Mom.” “Pero anak..”“Hayaan mo na natin siya.”“Pero Armand?”“I think he's not ready to come back.”“Sa’n mo balak pumunta?” Tanong sa akin ni Donie.“Hindi mo na kailangan malaman pa.”“Kasama mo ba siya?” Napatitig ako sa kanya, dahil sa kanyang tanong, at mabilis na umiling. Matalino ang kakambal ko at alam ko na alam niya na buhay si Ligaya. “Sana hayaan mo nalang siya.” Wika ko at tinalikuran sila. Wala na rin akong sasabihin pa, at ayaw ko na rin na marinig pa ang sasabihin ni Daddy at Mommy sa akin. Alam ko naman na hindi nila ako hahanapin. “Sigurado ka na ba?” Tanong sa akin ni Jo
WMS#38 C52PAUL POV“Sigurado ka na ba sa plano mo?” Hindi ko sinagot si John John at tinungga ko ang bote ng alak. “Alam kong mahalaga siya sa ‘yo,”“That’s why I make her free.”“Nang ganun-ganun nalang?” Lumingon ako sa kanya habang kunot noo ko siyang tinitigan. “Buo na ang desisyon ko.”“Akala ko pa naman, kaya mo siyang panindigan.” “I can’t, ayokong matulad sa akin ang anak ko.”“Sa tingin mo ba bubuhayin niya ang anak mo?” Napakuyom ang kamao ko, dahil sa kanyang sinabi. “I know her, alam kong hindi niya kayang patayin ang sarili niyang dugo.”“Hindi mo siya lubusang kilala.”“Enough! Buo na Ang desisyon ko, Isa pa, matagal ko nang binalak na ro’n na tumira sa Agrianthropos.” “Paano kami? Basta mo nalang ba kami iwanan dito?” Lumapit ako kay John John at tinapik ko ito sa kanyang balikat. “Kaya sa inyo ko muna iiwan ang mga negosyo ko. Hindi ko naman kayo tuluyang iiwan.”“Paano ka namin mapupuntahan do’n? Alam mo naman na bawal kaming pumunta sa lugar na ‘yon, lalo na a
WMS#38 C51PAUL POV“Anong nangyari?” Tanong ko habang binaybay na namin ang rest house.“Sorry Dude, akala ko kasi mahal niya ako.” Napatingin ako kay John John, dahil sa lakas ng pagtawa nito. “G*go! Paano mo naman naisip ‘yon?” “Paanong hindi?! Sa gwapo kung ‘to?” “Pwede bang tumahimik muna kayo?” I hold my head dahil nag-uumpisa na naman sila. “Tama si John John, bakit mo ba naisip na mamahalin ka ni Alma?” Tanong ko habang masama niya akong tiningnan. “Ikaw ba, hindi mo ba naisip na posibleng mahalin ka rin ni Ligaya?” “Magkaiba tayo ng sitwasyon!” I shouted to him. Hindi ko alam, kung anong nasa isip niya at basta niya nalang isinali si Ligaya sa usapan. Samantalang kasalanan niya kung bakit nakawala si Ligaya at Alma. “Fine, nong una akala ko, sincere siya. Hindi mo kasi alam kung gaano ako kasaya noong narinig ko sa kanya ang salitang Jeffrey Baby, I love you.” Hindi ko napigilan ang sarili ko na batukan siya. “Aray naman! Bakit ka ba nam-babatok Dude?” “Itanong mo ka
WMS#38 C50PAUL POV “‘Wag!!” Agad akong napalingon, habang mabilis akong hinila ni John John. Nasa tapat namin si Lucas at kita ko sa mukha niya ang gulat. Mabilis akong suminyas sa kanya para hindi niya galawin si Ligaya. Fvck! Paano ba siya makarating dito? “Who’s that girl?” Galit na tanong niya sa akin. “She’s mine! Don’t touch her!” Sigaw ko at tiningnan ang kinaroroonan ni Donie at Henry. Pero napalingon ako sa paligid ng hindi ko na sila nakita. “Nagtatago siya.” Napatingin ako sa kabila at nakita si Donie. Galit naman itong napatingin sa akin, kaya lalo ko itong inasar. “Damn!” Sigaw ko nang makita kong niligtas ni Ligaya ang kanyang ama. “Ako na!” Mabilis na sumunod si Lucas sa kanila kaya, agad ko siyang sinundan. Baka pati si Ligaya ay gagalawin niya. Sabay kaming napakubli nang paputukan kami ni Henry at Ligaya. “Sh!t! Why don’t you want us to reciprocate?” “Hindi pwede! Baka matamaan siya!” Wika ko habang inis na nakikinig sa mga putok ng baril. Malalagot ka ta
WMS#38 C49 PAUL POV“Anong plano mo?” Napatingin ako kay Jeffrey habang tumingin din si John John sa kanya. “‘Di alam mo na kung saan ang kinaroroonan nila?” Tumango ako dahil sinabi na sa akin ni Clyde ang pinag-dalhan nila sa kakambal ko. “Kailan natin pupuntahan?” I look Jeffrey again. “Hindi ka pwedeng sumama.” “Ano?! Pero bakit? Tsk, mukhang mahina naman ang tingin mo sa ‘kin?”“Hindi ibig sabihin na mahina ka, kaya gusto kitang iwan dito para bantayan sila.” Wika ko habang tiningnan si Ligaya Isabella at Alma. “Sa bagay, baka biglang makawala pa si Alma Baby ko.” Ngisi niyang wika kaya nailing ako. “Pinatay mo na ba ang pamilya niya?” I look John John dahil sa tanong niya. Ibang klase rin kasi si Jeffrey. Ginawa ba naman hostage ang pamilya ni Alma. “Tsk, ikaw talaga! Bakit ko naman ‘yon gagawin? Alam mo naman na mahal ko rin sila!” “Sira!” “Tumigil nga kayo. John John, ikaw na ang bahala mag huck sa lahat ng CCTV camera nila.” Wika ko at tumango si John John sa akin.
WMS#38 C48LIGAYA POV“Isabella,” Sambit ko sa pangalan niya, at nilingon niya ako. “Wala ka bang balak na tumakas dito?” Mahina kong tanong at nilingon ang paligid. Kita ko naman ang gulat sa mukha niya at takot. “W-wala akong balak.” Mahina na sagot niya sa akin. “Bakit? Alam ko na dinukot ka rin nila.”“H-hindi nila ako dinukot.” Napatitig ako sa kanya, dahil sa sinabi niya. Para kasing Hindi totoo ang kanyang sinabi. “Alam ko na nagsisinungaling ka lang, kung gusto mo matulungan tayo.”“‘Wag mong gawin ‘yon, alam mo bang delikado ang gagawin mo?” “Alam ko, pero kailangan ko ‘yong gawin.” Napatingin ako sa kamay niya nang hawakan niya ang kamay ko. “Kung ayaw mong mapahamak, sumunod ka nalang sa kanila. Isa pa, mabait naman si.”“Hindi sila mabait, at kailangan nilang pagbayaran ang ginawa nila. Lalo na si Paul.” Wika ko habang nai-kuyom ko ang aking isang kamay. “Bakit hindi ka pa sumunod sa akin?” Inis kong nilingon si Paul, habang nasa pinto siya. Naisipan ko kasi na mana
WMS#38 C47LIGAYA POVMabilis kong binaril ang mga kalaban na nasa harapan namin.“Paul! I-cover mo ako! kailangan nating makalayo rito! Mukhang hindi natin sila mauubos!”“Sinong may sabi? I can handle all of them!” “Makinig ka sa akin! oo! Kaya natin sila! Pero hindi mo ba nakikita na wala tayong sapat na armas para sa kanila? isa pa! may kasama tayong bata. We need to protect him!” Sigaw ko habang muling pinagbabaril ang mga kalaban.“Pero kailangan ko silang ubusin!!” Napapikit ako sa aking mga mata dahil sa inis sa kanya. hindi kasi siya nakikinig sa mga sinasabi ko sa kanya.“Pwede ba! makinig ka naman!!” Inis ko nang sigaw sa kanya, kaya napatingin siya sa akin.“Okay! Masusunod Captain!” Inis niyang wika sa akin, kaya hindi ko rin mapigilang maasar dahil sa sinabi niya.Habang papalayo kami ay patuloy na nakiki-pagpalitan ng putok ng baril si Paul sa kanila. tinatakpan ko naman ang tainga ni Xander para hindi niya maririnig nang malakas ang mga putok.Nang makarating kami sa
WMS#38 C46LIGAYA POV“Bakit ngayon ka lang?” Sinamaan ko siya nang tingin habang ibinaba ko si Xander.“Papa!” Napatingin ako kay Xander habang lumapit siya kay Paul at agad niya itong binuhat.‘Papa? Kung Papa ang tawag niya kay Paul. Ibig sabihin hindi siya ang Daddy na sinabi ni Xander kanina.“Papa, siya po ang bago kung Mama.” Turo sa akin ni Xander.“Of course, siya talaga ang Mama mo, kasi asawa siya ni Papa,” kumunot ang aking noo habang nakatingin sa kanya.“Magbihis na kayo, dahil mamasyal tayo,”“Mamasyal?”“Yes, Wife.” Sagot niya habang ibinaba si Xander. “Bihisan n’yo na siya.” Utos niya sa katulong habang kinuha nila si Xander. Nang maka-alis na sila ay lumapit sa akin si Paul.“’Wag kang mag-tangkang tumakas, naintindihan mo ba? kilala mo ako Ligaya, kaya kung patayin agad ang mga magulang mo.” “Sa tingin mo ba, tatakas pa ako? hindi ako bobo Paul. Kung tatakas man ako alam kong makukulong din lang naman ako, dahil sa binebentang nila sa akin.”“Good, mabuti naman at
WMS#38 C45LIGAYA POV“Bakit ka umupo d’yan? Sinabi ko bang kumain ka na?” Napatingin ako sa babaeng inakala ko noon ay asawa ni Paul na tumayo sa upuan.“Kailangan niya pa ba ng permission mo para kumain?” galit kong wika sa kanya.“Did I need your opinion too?”“Ayos lang naman po ako Ma’am, mamaya na lang po ako kakain,” nakayuko niyang wika. Alam kong napapahiya siya dahil sa sinabi nang walang hiyang kaibigan ni Paul. Nong una pa lang talagang mainit na ang dugo ko sa taong ‘to lalo na sa ginawa niyang pag-inject sa akin ng drugs.“Ang sama mong makatingin ah! Kung may masama kang binabalak, ‘wag mo nang ituloy.” Aniya habang itinuon sa pagkain ang kanyang atensyon.“Ang yabang mo? Alam mo? ‘yang kayabangan mo ay mawawala rin ‘yan sa oras na mahuli kayo!” lalo akong nakaramdam nang inis dahil sa lakas nang pag-halakhak nang h*yop.“Tsk, sa tingin mo ba, mahuhuli kami sa mga kasamahan mo? Hindi mangyayari ‘yon! Dahil bobo kayo!!” Napatayo ako dahil sa sinabi niya. hindi ko rin nap