แชร์

😱 Chapter 96

ผู้เขียน: SKYGOODNOVEL
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-01-09 12:17:01

Chapter 96

Jimmie POV

Nasa loob kami ng hospital, at habang nag-aalala si Claire sa kalagayan ng kanyang ama, ako naman ay pilit na pinipigilan ang sarili na mag-alala. Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat ng ito, pero nararamdaman ko ang bigat ng responsibilidad na iniatang sa aming dalawa—lalo na kay Claire. Ang desisyon na ginawa namin ay hindi biro. Hindi ko alam kung paano magiging magaan ang mga susunod na araw, pero kinakailangan namin itong gawin. Para sa kanya, at para sa akin.

Habang nakaupo ako sa lobby ng hospital, naaalala ko ang mga sinabi ni Jammie kanina. Nang marinig ko mula sa kanya na kung ito ang paraan para matulungan si Claire at ang kanyang ama, gagawin niya, hindi ko maiwasang magtaka. Wala siyang kalaban-laban. Gusto niyang tumulong, at ang hirap noon. Paano nga ba ito magiging tamang desisyon para sa lahat ng taong sangkot?

Kahit na magkaiba kami ng landas, pareho naming alam na may kailangan kaming gawin para sa pamilya. Kung kaya naming magtrabaho b
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทที่เกี่ยวข้อง

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)     👉🤭👈 Chapter 97

    Chapter 98"Salamat po, tita," sabi ni Claire, habang ipinapakita ang magaan na ngiti sa mukha.Si Mom, na tumayo at iniabot ang kamay kay Claire, ay ngumiti at tinapik ang balikat nito. "Mula ngayon, Mommy, Mommy ang tawag mo sa akin," sagot ni Mom, na may kagalakan sa mga mata.Si Claire ay nagulat at medyo nagkibit-balikat bago sumulyap kay Mom. "Ah... Okay po, Mommy," sagot niya, kahit na halatang kinakabahan pa rin siya sa bagong sitwasyon.Hindi ko inaasahan na magiging ganoon ka-init ang pagtanggap ni Mom kay Claire. Hindi ko akalain na magiging ganito kabilis ang lahat. Para bang bigla akong nadoble sa pagiging anak at si Claire ay naging bahagi ng pamilya sa isang iglap.Habang tinatanggap ni Claire ang bagong papel bilang bahagi ng pamilya, hindi ko maiwasang mag-isip kung hanggang kailan namin kayang mapanatili ang kasinungalingang ito. Ang masaklap, kasabay nito ay ang unti-unting pagbabago sa relasyon namin ni Claire—isang relasyon na nagsimula sa simpleng tulungan, pero

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-09
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    😱 marriage contract 😱 Chapter 98

    Chapter 98 Agad akong nagpagawa ng isang marriage contract para sa aming dalawa. Alam ko na pareho naming hindi gusto ang sitwasyong ito, pero kailangang makinabang kaming dalawa sa kasunduan. Ayaw kong may alinlangan si Claire sa akin, kaya’t nais kong tiyakin na malinaw ang lahat bago pa kami ipakasal ni Mommy. Ang unang hakbang ay ang paglatag ng malinaw na kasunduan sa pagitan namin. Tumawag ako sa abogado ng pamilya upang maihanda ang dokumento. Kailangang malinaw na ito ay peke lamang—isang kasal na magtatagal lamang hangga’t kinakailangan para sa mga plano ni Mommy at sa kalagayan ng tatay ni Claire. Ang pagpopondo sa operasyon ng kanyang ama ay bahagi ng kasunduan. Naupo si Claire sa harap ko, halatang pagod at puno ng emosyon. "Jimmie, sigurado ka ba sa lahat ng ito? Alam kong mahirap para sa atin pareho, pero parang sobrang bilis ng mga bagay," tanong niya sa akin. Tumango ako, pilit na hinahagod ang kanyang mga kamay upang pakalmahin siya. "Claire, wala tayong ibang op

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-09
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    🥰 Jimmie and Claire 🥰 Chapter 99

    Chapter 99 Pagdating namin sa sala, abala pa rin ang isip ko sa mga sinabi ni Mom kanina. Hindi ko akalaing magiging ganito kabigat ang bawat hakbang na gagawin namin ni Claire. Ngunit sa gitna ng aking pag-iisip, bumukas ang pintuan, at pumasok ang kakambal kong si Jammie, na may malaking ngiti sa kanyang labi. "Jammie, anong meron at parang ang saya-saya mo?" tanong ko habang nakakunot ang noo, nagtataka sa kinikilos niya. Lumapit siya sa amin at masiglang sinabi, "Jimmie, Claire, successful ang operasyon ng tatay ni Claire! Nakipag-usap ako sa doktor kanina, at sinabi nilang maayos na ang lahat. Wala na kayong dapat alalahanin." Napatingin ako kay Claire, na biglang nanlaki ang mga mata sa narinig. Hindi pa niya naproseso ang balita nang bigla siyang lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap. "Jimmie!" bulalas niya, halos nanginginig sa saya. "Ang tatay ko... maayos na siya. Salamat. Salamat talaga!" Hindi ko alam kung paano magre-react sa bigla niyang pagyakap, pero naramdam

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-09
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    🥰Kasal 🥰 Chapter 100

    Chapter 100Jammie POVHabang papalapit na ang gabi, hindi ko maiwasang mapaisip sa nangyayari sa paligid. Simula nang magsimula ang pagpapanggap nina Jimmie at Claire bilang mag kabl relasyon, pakiramdam ko'y nagiging mas kumplikado ang lahat. Hindi ko rin maiwasang matawa tuwing naiisip ko ang itsura ni Jimmie—laging nagkukunwaring kontrolado ang sitwasyon pero halatang nahuhulog na siya kay Claire.Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ko, biglang sumagi sa isip ko ang isang plano. Kung tutuusin, mahalaga kay Mommy at Daddy ang pagbubuo ng pamilya. Pero paano kung gamitin ko ang sitwasyong ito para tulungan si Jimmie na mapagtanto ang tunay niyang nararamdaman para kay Claire?Naglakad ako pabalik sa sala at nakita ko siyang nakatingin sa labas ng bintana, parang malalim ang iniisip. Ang tahimik ng paligid, pero alam kong hindi rin maayos ang utak ni Jimmie."Bro," tawag ko sa kanya habang umupo sa sofa. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo, ah!" tanong ko dito. Lumingon siya sa aki

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-10
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    😞 Isang peke na kasal 😞 Chapter 101

    Chapter 101Claire POVHabang naglalakad ako sa aisle, halos hindi ko maramdaman ang bigat ng bawat hakbang. Ang lahat ay perpekto—mula sa mga bulaklak hanggang sa musika. Ngunit sa likod ng lahat ng ito, ramdam ko ang kabang bumabalot sa akin.Alam kong pekeng kasal lang ito, pero hindi ko maipaliwanag ang kaba at excitement sa puso ko. Nang tignan ko si Jimmie na nakatayo sa altar, tila nawala ang lahat ng tao sa paligid. Nakatingin siya sa akin, at ang ngiti niya ay para bang hindi ito isang biro—kundi totoo."Relax, Claire. Hindi ito totoo," bulong ko sa sarili ko. Pero ang puso ko, tila hindi naniniwala.Nang makarating ako sa altar, iniabot ni Jimmie ang kanyang kamay. Mainit ang kanyang palad, at nang hawakan niya ako, ramdam ko ang pag-aalala at pag-aalaga sa kilos niya."Ready?" bulong niya sa akin, may bahagyang ngiti sa labi."Ready," sagot ko, kahit ang totoo'y hindi ako sigurado.Habang nag-uumpisa ang seremonya, parang bumagal ang oras. Ramdam ko ang bigat ng bawat salit

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-10
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    😊 Nighties 😊 Chapter 102

    Nanlamig ako sa sinabi niya. Ang dami nang emosyon ang nararamdaman ko ngayong araw na ito, pero parang naiba ang lahat dahil sa pahayag na iyon. Napatingin ako kay Jimmie na halatang hindi inaasahan ang sinabi ng kanyang ina."Mom," mahina niyang sabi, pero narinig ko ang bahagyang kaba sa kanyang boses. "Hindi ba parang—""Hoy, Jimmie, huwag mo akong bigyan ng dahilan," sabat ni Mommy Heart, sabay tawa. "Nakapagpakasal ka na, kaya dapat lang na sundan niyo na ito ng apo. Alam mo naman, matagal ko nang hinihintay iyon."Ang buong audience ay natawa at nagpalakpakan, pero ako, gusto kong maglaho sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila na ang lahat ng ito ay peke lang.Napatingin ako kay Jimmie, na ngayon ay pilit na ngumiti. Lumapit siya sa akin at marahang hinawakan ang aking kamay. "Relax, Claire," bulong niya. "Alam kong nakakailang, pero huwag kang mag-alala. Ako ang bahala."Ang problema, hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi niyang iyon.Habang nagpatuloy

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-10
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    🥰Sarah and Emer 🥰 Chapter 103

    Chapter 103Sarah POVPagkatapos ng kasal sa aking nakakatandang kapatid na si Jimmie ay agad akong umalis at umuwi sa mansyon. Sa totoo lang ay iniiwasan ko talaga si Emer hindi dahil sa ayaw ko sa kanya. Naiinis lang ako dahil hanggang ngayon ay puro ligaw lanv ang alam. Hinihintay ko ang kanyang pangako na paglaki naming ay papakasalan niya ako. Sa edad kong 24 at ito naman ay 30 ay pwede na kami mag-asawa. Hindi ko makalilimutan ang kanyang pangako noong 5 years old pa ako na hinalikan niya ako tanda ng pangako na papakasalan niya ako. Pero hanggang ngayon ay hindi ginawa. Habang nakaupo ako sa terrace ng mansyon, tahimik kong pinagmamasdan ang malawak na hardin. Malamig ang simoy ng hangin at tila binabalot ng nostalgia ang buong paligid. Hindi ko maiwasang maalala ang araw na iyon, ang araw na binitiwan ni Emer ang pangakong iyon sa akin."Promise, Sarah, paglaki natin, ikaw ang pakakasalan ko." Seryoso ang kanyang mukha noon habang hawak ang munting kamay ko. Sa murang edad k

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-10
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    👉Sarah ❤ Emer 👈 Chapter 104

    Chapter 104Biglang tumigil ang tawanan sa mesa. Lahat ay napatingin kay Jammie, na tila hindi napagtanto ang sinabi niya. Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas bago sumabog ang tawanan ng lahat."Jammie!" sigaw ni Dad, habang hawak ang tiyan sa kakatawa. "Anak, grabe ka naman! Parang masyado kang honest diyan, ah!"Halos mapuno ng tubig ang aking ilong dahil sa biglaang pagtawa ko habang iniinom ang aking juice. "Oh my gosh, Jammie! Hindi ko kinaya 'yan. Ikaw na ang safe na safe!" sabi ko dito. Si Mommy, bagama’t natatawa, pilit na pinipigilan ang sarili. "Anak, hindi naman namin kailangan ng ganyang detalye! Ang tanong lang namin, may girlfriend ka ba? Hindi kung anong... ano!" sabi niya dito. Nahihiya ang kapatid ko sa kanyang sinabi, pero pilit na nagpapaliwanag. "Eh kasi naman, Mom, Dad, ang dami niyong iniisip. Ayoko lang ng ganyang eksena. Wala akong girlfriend, okay? Safe ako sa lahat ng aspeto!" proud pa itong sinabi. Natahimik si Dad saglit, pero pagkatapos ay tumawa u

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-10

บทล่าสุด

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Last Chapter

    Author’s Note Maraming salamat sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa kwentong ito. Isa itong kwento ng pagmamahal, pamilya, at tunay na pagkakaibigan—mga bagay na hindi nasusukat ng panahon o distansya. Sa kabila ng mga pagsubok, sa dulo ng lahat, ang mahalaga ay ang mga taong nananatili sa ating tabi, anuman ang mangyari. Ang pagsusulat ng kwentong ito ay isang magandang paglalakbay, at umaasa akong naiparamdam ko sa inyo ang tamis ng pag-ibig at ang halaga ng matibay na samahan. Hanggang sa susunod nating kwento! — INDAY STORIES Sana sabay-sabay ang kwento ni Althea qt Angie ang dalawang pa nilang magkaibigan sa Book #2 at suportahan po ninyo ang bago kong story upang makapasok man lang sa ranking pamamagitan pag vote po ninyo ang THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE. Maraming salamat po....

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 293

    Chapter 293 The Last Chapter. Kinabukasan Habang abala ako sa pag-aayos ng mesa para sa almusal, biglang nag-ring ang aking phone. Agad kong sinagot ito nang makita ang pangalan ng tumatawag. "Bruha! Guess what?!" sigaw sa kabilang linya. Napangiti ako. "Angie?! Diyos ko, ang aga-aga, sigaw ka agad!" sagot ko, pero hindi ko maitago ang excitement sa boses ko. "Alam mo bang andito na ako sa bansa? At hindi lang ako—kasama ko si Heart!" Halos mabitiwan ko ang phone sa sobrang tuwa. "What?! Totoo ba ‘yan?! Kailan pa?! Nasaan kayo ngayon?!" "Surprise! Nasa harap na kami ng bahay mo!" Napamura ako sa gulat at dali-daling tumakbo palabas. Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin sina Angie at Heart, parehong nakangiti nang malapad habang kumakaway. "Bruhaaaaaa!!!" sigaw ko sabay takbo at niyakap silang dalawa ng mahigpit. "Althea, dahan-dahan naman! Para kang toro!" natatawang reklamo ni Heart pero niyakap niya rin ako pabalik. "Grabe, ang tagal nating ‘di nagkita! Parang kailan

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 292

    Back to Present “Oh my gosh, Mommy. Nakakilig naman ang love life ninyo ni Dad!” sabi ni Elena habang nakangiti at yakap-yakap ang unan niya. “Parang sa pelikula lang! Ang daming eksena, tapos may action, comedy, at super sweet na moments!” Napatawa ako sa reaksyon ng anak ko. “Talaga, anak?” “Oo naman! Grabe, Mommy, hindi ko in-expect na si Daddy pala ‘yung laging napag-tripan ni Tito Brandon at Tito Kurt noon! Tapos ikaw pa ‘yung strong and independent woman na kinatatakutan nila dati? Wow! Goals!” Napangiti ako at tinignan ang asawa kong nakaupo sa tabi ko. Nakangiti rin ito habang nakikinig sa amin. “Pero Mommy, ang pinaka-nakakatawa talaga—‘yung kay Tito Brandon at kay Nurse Heart! Ano kaya nangyari sa kanila after no’n? Diba parang may something?” tanong ni Elena, sabik na malaman ang sumunod na kwento. Napatingin ako sa asawa ko, at kita ko ang pag-iling niya na may halong tawa. “Huwag mong sabihin sa’kin na gusto mong marinig ang love story ni Brandon?” “Yes, Mom

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 291

    Chapter 291Final ChapterTahimik ang silid nang biglang marinig ko ang boses ni Kurt—pero parang may halong boses ni Brandon habang nagsasalita siya.“Ilang views na ba ‘yan?” tanong ni Kurt, kaya nagtataka ako. Hindi muna ako nagpahalata na kanina pa akong gising.“Walang hiya, bro! Malapit nang maabutan ang sayo! Hahaha!” sagot ni Brandon. Napilitang akong bumangon sa kama.“Views? Ano na namang pinag-uusapan n’yo, Kurt?”“Oh, gising ka na pala, Jay,” sagot niya. “Akalain mo ‘yon, isang bully ni Kurt noon, hinimatay sa delivery room? Hahaha!” sabat ni Althea, may halong panunukso.“Ang pangit ng mukha mo, bro, nung lumabas ka sa delivery room! Mukha kang takot na takot! Hahaha!” dagdag pa ni Brandon, lalong ginagatungan ang asaran.“Hoy, Brandon! Baka mas malala pa sayo ‘yan kapag nag-asawa ka,” sagot ko.“No, no, no! Hindi mangyayari ‘yon, bro!” mabilis niyang tanggi.Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang nurse. “Hello, everyone! Andito na ang mga cute-cute na babies!”Do

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 290

    Chapter 290 Jayson POV Four Years Later “Mom, good morning!” sabay tawag ng tatlong taong gulang na kambal naming sina Emerson at Esmerald habang masiglang tumatakbo papunta kay Janeth. “Good morning, babies!” Masayang sinalubong ni Janeth ang dalawa at hinalikan sa pisngi. “Good morning din, Hubby…” malambing niyang bati sa akin. “Good morning too, Wife…” sagot ko naman, sabay halik sa kanyang labi. “Ewww! Nakakadiri ka, Dad! Hindi pa nga nagbabrush si Mommy ng teeth,” reklamo ni Eme habang patawa-tawang sumampa sa kama at tumatalon-talon pa. “Careful, Eme, baka madaganan mo ang tummy ni Mommy…” paalala ni Emer sa kapatid niya. “Ups… sorry, Kuya! Halika na, Mommy, let’s eat na! I’m so hungry na…” “Let’s go, Wife…” Akmang tatayo na ito nang bigla itong napangiwi sa sakit na naramdaman niya sa kanyang tiyan. “Hubby, parang manganganak na ata ako… Ahhh! Ang sakit!” Napamura ako sa gulat. “F**k! Emer, tawagin mo ang driver! Kunin mo ang cellphone ko at tawagan si Daddylo mo

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 289

    Chapter 289Jayson POVFlashback Pagkalabas ni Janeth sa library, hindi ko maiwasang mapangiti habang sinusundan siya ng tingin. Hindi pa rin ako makapaniwala—ang babaeng bumuhay muli sa matagal nang natutulog kong puso ay siya rin palang aking napangasawa. At hindi lang basta asawa, kundi ang sekretaryang ilang gabi ko nang pinapantasya.Shit. Ramdam ko ang paninigas ng alaga ko sa loob ng suot kong slacks. Ilang minuto akong nanatili sa library, pinapakalma ang sarili, bago ako lumabas. Sakto namang pababa sina Mom at Dad mula sa hagdan."Mom, Dad, saan kayo pupunta?" tanong ko, bahagyang nag-aalangan sa kanilang malalawak na ngiti."Aalis muna kami ng daddy mo, son," sagot ni Mom, may kasamang pilyang kindat. "Para may pagkakataon kayong makabuo ng apo ko. Sana babae, para may maisasama akong mag-shopping at mag-ayos ng buhok!""Mom… apo agad?" Napakamot ako sa batok, hindi makapaniwala sa diretsahan niyang sagot."Why not?" singit naman ni Dad. "Matanda na kami, gusto naming may

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 288

    Chapter 288Janeth’s POV"Sa sandali lang ha, maliligo muna ako," sabi ko dito upang makaiwas sa kanyang mapanuksong tingin sa akin. Habang nasa loob pa din ako sa kanyang silid ay hindi mo maiwasang mag-isip kong totoo ba itong lahat. "Totoo ba ‘to? As in real?" Yan ang paulit-ulit na tanong sa isip ko habang nakatayo sa loob ng kwarto ni Jayson. Kung panaginip lang ito, sana ‘wag na akong magising.Napatingin ako sa kama, at doon ko napansin ang isang neatly folded na damit pang-babae—may kasamang underwear at bra. Hmmm... kanino kaya ‘to?Lumapit ako at napansin ang isang maliit na note sa ibabaw. Agad ko itong binasa.To: JanethWear this, honey.From: MommyNapangiti ako nang makita ang sulat. Talaga si Mommy, ha? Ang bilis akong tanggapin bilang asawa ng anak niya.Wala na akong sinayang na oras at dumiretso na ako sa banyo para maligo.Ahhhh, ang sarap ng tubig.Habang sinasabon ang katawan, napatingin ako sa lagayan ng shampoo at sabon. Napangiti ako nang makita ang panglal

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 287

    Chapter 287 Jayson POV "By the way, hindi tayo papasok ngayon," sabi ko habang nakasandal sa upuan, pinagmamasdan ang reaksyon ni Janeth. Napakunot ang noo niya. "Bakit, boss? May pupuntahan ho ba kayo? Kung gano'n, pwede na ho ba akong mag-mall? Pawala lang ng stress, hehehe." Napailing ako. "Yes and no." "H-ho?" nagtatakang tanong niya. "Yes, dahil may pupuntahan tayo. No, dahil honeymoon natin ngayon." Halos mapatalon siya sa kinatatayuan niya. "A-ano ho? H-honeymoon natin?" Ngumiti ako at tumayo mula sa aking upuan, dahan-dahang lumapit sa kanya. "Yes. And stop calling me boss. Just call me hubby." "Pe-pero, boss—" "Shhh..." Pinatigil ko siya, sabay taas ng kilay. Napalunok siya. "H-hubby..." Ngumiti ako sa narinig ko, pero halatang labag sa loob niya kaya masama ang tingin niya sa akin. "Bakit parang napipilitan ka?" tanong ko, nakataas ang isang kilay. "Gusto mo ba dito na lang tayo mag-honeymoon?" Bigla siyang napailing nang mabilis. "Sabi ko nga, hubby ang tawag

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 286

    Chapter 286Janeth POV"Shit! Ang sakit ng ulo ko..." Napaungol ako habang marahang hinawakan ang aking noo. Ngunit natigilan ako nang mapansin kong hindi ito ang kwarto ko. Napabangon ako at napatingin sa paligid, nagtataka.Napako ang tingin ko sa isang picture frame."Shit! Shit! Bakit ako nandito sa kwarto ni boss?" Mabilis akong bumangon, sinikap kong hindi gumawa ng ingay habang dahan-dahang binuksan ang pinto. Ngunit halos mabangga ko si boss nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko, nakakunot ang noo.Napalunok ako at pilit na ngumiti. "Hehehe… G-good morning, boss!""Follow me to the library.""Y-yes, boss..."Kinakabahan akong sumunod sa kanya. Ang daming tumatakbo sa isip ko—baka may nagawa akong mali? Baka tanggalin niya ako sa trabaho? Wag naman sana, Lord!Nang makarating ako sa harap ng library, nanlalamig na ang kamay ko sa kaba. Wala akong choice kundi kumatok.Tok! Tok! Tok!"Come in."Dahan-dahan akong pumasok at agad na nagmakaawa. "B-boss, kung ano man ang kasalana

สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status