"May class pa kaming tatlo," sagot agad ni Cristel. Iba ang school ni Althea sa amin, do'n ba sa school ng mga magpipiloto, FA at kung ano anong may kinalaman sa lintek na eroplano na ’yan.
"Ikaw, Joyce?" I asked, raising an eyebrow.
"May kailangan pa akonh ipasa," she answered.
Since ’di ko pa rin nahahanap yung phone ko, pinuntahan ko pa si Jinx sa room niya. Nadatnan kong tutok na tutok siya sa professor. Sa desk niya ay may makapal na librong paminsan-minsan ay sinusulyapan niya. Naghintay akong matapos ang klase niya at nang matapos ay nagulat siya nang makita ako.
"Woah! Miss mo ’ko?" salubong niya sabay akbay sa akin.
"Miss ka riyan! Ibalik mo ’to sa pinsan mo. Nakalimutan ko kasing ibalik, eh hindi ko mamam alam kung saan amg school niya." Inabot ko sa kaniya ang ziplock na siyang pinaglalagyan ng panyo ni Levi.
Tumaas ang kilay niya at ngumisi. "Dami mo pang sinasabi, gusto mo lang malaman kung saan siya nag-aaral, eh."
Inabot ko siya para mabatukan. "Tanga. Edi sana tinanong na lang kita, duh?
"Sus. Puwede mo naman siya i-message. Alam mo naman ’yung contact number at i*******m niya, ah!"
"Nawala phone ko nung isang gabi sa bar, eh--"
"Sa yaman mong ’yan, ’di ka makagawa ng paraan? May iPad ka, may laptop ka, may pera ka pambili ng bago--"
"Puwede bang ibigay mo na lang ’to? Dami mong sinasabi, eh," inis na saad ko at pinagsiksikan sa dibdib niya ang ziplock pero tiningnan niya lang ito habang tumatawa.
"May pupuntahan pa ako, eh." Napakamot siya sa ulo niya.
"I didn’t ask you to give this to him now. Edi itabi mo lang at ibigay mo ’pag nagkita kayo. You’re so bobo." Umirap pa ako at tinanggal ang kamay niyang naka-akbay sa akin pero ibinalik niya iyon.
"Sabihin mo na lang kasi na gusto mo siyang makita. Pagbibigyan naman kita." Tumawa siya.
Kumunot ang noo ko. Tiningala ko siya at napatingin naman siya sa akin. Kita kong pinagtitinginan kami ng ibang college students; nanghuhusga ang tingin. Malamang ma-i-issue na namam kami ni Jinx at aakalain ng karamihan na may relasyon kami.
"What? Bait mo ako itinutulak sa pinsan mo? May girlfriend siya, right?"
Napatitig siya sa akin bago muling umiwas ng tingin. Ginulo niya ang buhok at itinangay ako palakad sa hallway.
"Basta. Puntahan mo na lang ang school niya. Tanungin mo lang sa guard ang pangalan no’n. Sabihin mo 4th year. Kalbo rin ’yung guard ro’n."
4th year? Seryoso? Kung ganoon, tatlong taon ang tanda niya sa akin? Kaya ba young lady ang tawag niya sa akin? Corny.
"Hindi ka.mabbuhay nang kaunti lang ang sinasabi mo, ’no?"
Ngumuso siya. "Ikaw na nga ang tinutulungan!"
"Ayoko nga! May girlfriend ’yung tao, okay? Saka na-gwapu-han lang ako pero hindi ko siya gusto. Ayoko sa masungit!"
"Scam ’yan! Sinabi rin ’yan ni Hailey dati na ayaw niya sa masungt pero tingnan mo at patay na patay sa pinsan ko."
"Sino si Hailey?" kunot-noong tanong ko kahit alam ko naman talaga na girlfriend ni Levi ang tinutukoy niya.
"Girlfriend ni Lev. Dati kasi sabi niya sa akin, never niya magugustuhan si Lev kasi nga masungit tapos---"
"Sino?"
"Si Hailey?"
"Nagtanong?" pagsusungit ko.
Lalo siyang natawa. "Iyan ba ’yung walan gusto? Sinasabi ko sa ’yo, Gwy, hindi ka na makaka-ahon. Levi ’yan, eh."
Habang nag-da-drive ako papunta sa school na sinabi ni Jinx ay hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa sinabi niya. Hindi makakaahon? Asa naman. Hindi ko naman hahayaang malunod ang sarili ko, ’no.
Hindi naman kalayuan ang school nila sa school namin. Law school ’to, ah? Bakit kaya hindi rito nag-aral si Jinx? Bumaba agad ako ng sasakyan.
Napatingin pa ang iba sa akin na naririto sa labas ng school dahil hindi ako naka-uniform. Sa unibersidad kasi namin, you can wear whatever you want to wear. May mga pumapasok ngang naka-pantulog o kaya naka-short pero walang paki ang mga tao. Wala nang panahon o oras ang mga college student na kagaya ko na manghusga sa dami nang ginagawa.
Sinadya kong iwan sa sasakyan ang ziplock para medyo humaba ang usapan namin ni Levi. Hinarang ako ng guard na panot nang akmang papasok na ako.
"I.D?" masungit na tanong niya. Panot!
"Uh..." I gulped. "I’m here for Levincent Zyjan---"
Tinuro niya ang isang signboard kaya binasa ko ito sa isip ko.
Outsiders are not allowed.
Grabe naman ’tong school na ’to. Ang higpit masyado, ah? Nagpuppy eyes ako sa harap ni manong panot. Sana gumana!
"Miss, hindi gagana sa akin ’yan."
Advance naman nito mag-isip!
Umayos ako ng tayo at sumimangot. "Sige na, kuya. Importante lang talaga!"
"Anong year ba ’yan, miss? Kung gusto mo ay iwan mo na lang dito at ilista ang pangalan ng pagbibigyan mo. Puwede naman maghintay ka na matapos ang klase, mga isang oras," parang nauubusan na pasensyang aniya.
Bakit ba laging mainit ang ulo ng mga guard sa school?
"May sasabihin din kasi ako sa taong pagbibigyan ko nito, kuya! Sige na!"
Gusto ko rin siyempre makita si Levi! Baka ito na last kita namin, sayang din.
"Miss---"
"What’s happening here?"
Napatingin ako sa nagsalita at agad nagliwanag ang mukha ko. Namataan ko agad ang seryosong ekspresyon niya. Ang mga mata nito ay sa akin nakapukol. Hindi ko alam kung masama ang tingin o sadyang ganoon lang siya tumingin. Para bang hindi siya nasisiyahang makita ako rito.
"Hi!" nakangiting bati ko. "Tara!"
Hinila ko na lang bigla si Levi papunta sa sasakyan ko. Kunot lang ang noo niya habang tamad na nagpapahila sa akin. "What are you doing here?"
I smiled at him. "Hindi mo ba tatanungin kung paano ko nalaman ang school mo or... You’re expecting me na hahanapin ko talaga at pupuntaham kita anytime?"
"Kinda. You look like a stalker, though." He shrugged his shoulders.
Huminto ako at sinamaan siya ng tingin. "Grabe ka sa akin, ah! Hindi ako stalker, ’no. Your cousin told me about your school!"
He only sighed and jammed his hands to his pocket. "So, what now?"
I rolled my eyes. Ang sungit talaga!
"Well, ibabalik ko lang ang panyo mo," nakangiting sabi ko pa at binuksan ang front seat para makuha ang panyo. Pinasok ko ang kalahati ng katawan ko sa sasakyan para maabot ang panyo..
"You drove all the way here just to give this shit to me?" Kunot-noong aniya.
"Uhm... Yes." Kinagat ko ang labi ko at napaiwas ng tingin sa kaniya. Nakita kong napatingin siya roon pero agad ring ibinalik ang tingin sa akin.
"Why don’t you text my girlfriend again? Since destroying our relatinship was your only intention." Nag-igting ang kanyang panga.
"Eh?"
He sighed and looked away while biting his lower lip. I cleared my throat. "Do you want me to play with your nonsense game?"
"I don’t know what you’re saying," medyo inis na saad ko. Isa sa mga ayoko ay ’yung bigla na lang magagalit sa akin nang walang dahilan.
Text ang girlfriend niya? Ni hindi ko nga kilala ang girlfriend niya saka ano bang alam ko sa number no’n? Wala naman akong pake sa kanila!
"You know... We’re not in good terms right now and you still have the guts to show up in front of me?"
Kumunot ang noo ko. Eh, anong pakialam ko kung hindi sila okay? I pursed my lips, trying to analyze what he’s saying.
"Then?"
"Then?" parang di makapaniwalang aniya. "Ha!"
"Ano bang problema mo?" iritadong tanong ko.
"You. You are my problem, damn it!" Napatalon ako ng bahagya nang hampasin niya ang hood ng sasakyan ko. His jaw clenched and he’s having a hard time to breathe. He looks more handsome when he’s mad!
Shit, what’s wrong with me?
Tumayo ako ng ayos. Pinindot-pindot ko na naman ang ilong ko gamit ang magkabilang-index finger dahil sa kaba.
"W-what do you m-mean? W-what did I do?"
He heaved a deep sigh, trying to calm himself. He put his tongue inside his cheeks and avoided my gaze. "If you think you can ruin our relationship that easy, you’re wrong."He then looked at me with his dark eyes.
"Please, stop showing up in front of me. I’ll never like you. I’m not interested in you."
I stunned. Pakiramdam ko ay nabuhusan ng alcohol ang sugat sa puso ko dahil sa kakaibang hapdi na dumaloy rito. Pati ang pag-lunok ay hindi ko magawa ng maayos; parang may nakabara sa lalamunan ko.
Huminga ako ng malalim. No, hindi ako papayag na ganituhin ako nang kung sino man. Taas-noo ko siyang tiningnan at sarkastikong tumawa, pilit.
"Lakas din ng apog mo, ’no? Anong akala mo, gwapo ka? Tss, ni hindi nga ako pinagpawisan sa presensya mo, eh. Huwag na huwag mo akong pag-aakusaham sa bagay na hindi ko naman gina--"
Kusa akong natigilan at napasandal sa sasakyan ko nang mabilis niyang kinain ng hakbang ang pagitan naming dalawa. Napigil ko ang aking pag-hinga. Halos maduling na ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Sinalubong ko ang mga mata niyang nanlilisik. Taas-baba ang dibdib niya at ang pag-hinga niya ay malinaw na malinaw sa pandinig at pang-amoy ko.
Nakatukod ang kanang kamay sa sasakyan. Kaunting galaw na lang ay maaaring magtama ang mga labi namin.
Sana may magtakbuhan at aksidenteng maitulak si Levi.
"W-what is this?" Mabilis kong naitulak si Levi nang marinig ang pamilyar na boses.
Nilingon ko ito at hindi nga ako nagkamali sa hinala ko. It was Marga, Luis’ girlfriend. Nakatakip ang parehong palad sa bibig niya, nanlalaki ang mga mata. Problema niya?
"Shit," Levi hissed.
"So... Ikaw ’yung babaeng lumalandi kay Levi, huh?" nanggagalaiting aniya.
"Keep your nose out of it, Marga," he scowled at her.
"Stay out of it? Ha! Inaabuso mo na yata ’yung pagiging mabait ng kaibigan ko, Levi?"
"Ano bang pinagsasabi mo?" hindi napigilang pagsingit ko.
"At ikaw na babae ka!" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang sigawan niya ako. "Hilig mo talagang maki-kabit, ’no? Pati ba naman jowa ng bestfriend ko!"
"Ano? Hindi kita maintindihan!"
"Malandi ka kasi. Sulutera!"
"Ang basher mo, ’no? Puwede bang i-explain mo muna sa akin kung anong nangyayari? Huwag mong inuuna ang galit mo sa akin!" iritadong sigaw ko.
Sarkastiko siyang ngumiti. "Ang hilig mo pala talaga sa L, ano? Una, si Luis. Ngayon, si Levi. Para kang mauubusan ng lalaki parati!"
"Ano bang sinasabi mong tangina ka?" pigil ang inis na sigaw ko.
Kalma, self. Girlfriend ’yan ng kaibigan mo. Respetuhin mo si Luis, Gwy.
"Marga!" baritonong saad ni Levi. "Mind your own business, please!"
"Hindi ko hahayaan na ginagago mo ang kaibigan ko habang pinipilit niyang ayusin sarili niya para makipag-ayos sa ’yo!" Hinarap niya ako. "Kasalanan mong lahat ’to! May nalalaman ka pang text, ha? Sinadya mong kay Hailey i-send ’yun, ’no? Para ano? Para ipamukha na may relasyon kayo nitong gagong ’to?"
"Ano?" Kumunot ang noo ko. Text? Bakit ko naman i-te-text ang jowa niya? Ni hindi ko nga alam ang number--- wait.
Oh shit. Nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto. Cristel, pota ka!
Naalala ko ring hindi mapakali si Levi noong pauwi kami ng Batangas dahil hindi yata sila okay ng girlfriend niya. Shit, anong pinagsasabi ni Cristel?
At kung may t-in-ext nga talaga si Cristel, paanong napunta naman ang number ni Hailey sa phone ko? Ni wala akong pakialam sa relasyon nila! What the hell?
Jinx...
What if? What if hindi talaga kay Levi ’yung binigay niyang number sa akin? Baka pinag-trip-an ako at sa girlfriend ni Levi ang number na ibinigay niya sa akin! Gagong ’yon!
"Oh, ano? Naaalala mo na ang kagagahan mo? Alam mo bang matagal na akong nagtitiis sa ’yo? Pero hindi kita makanti dahil ayokong ibaba ang standards ko sa mga kagaya mo. Isa pa, nirerespeto kita dahil kapa--" Natigilan siya saglit. "D-dahil kaibigan ka ni Luis! Pero hindi ko mapapalampas ’to! Alam mo bang ayokong kinakanti ang kaibigan--"
"Alam mo rin bang wala akong pakialam sa iniiyak mo?" inis na pigil ko sa kaniya. "Kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang."
Napaawang ang labi niya. Humakbang siya papalapit sa akin. "Kakaiba ka rin talaga--"
"Marga!" gigil na sigaw ni Levi na siyang nakapagpatahimik sa kaniya. "I said stop meddling with my business! Not because you’re my girlfriend’s bestfriend, you have the rights to meddling with my problems! Stay fucking out of it!"
Naaawa akong napalingon kay Marga na ngayon ay nanunubig ang gilid ng mga mata. Nakaawang ang labi niya. Bahagya siyang napaatras habang napapahiyang nilalaro ang mga daliri niya.
"Levi--"
Napahinto kaagad ako nang linhunin niya ako.
"Leave."
I gasped. "But I’m not---"
"I said leave!" malakas na sabi niya kaya napayuko ako at nagmamadaling umalis.
Habang nag-da-drive ay biglang tumulo ang luha ko. Pinalis ko ito. Nang medyo nakalayo na sa school nila ay hininto ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Yumuko ako sa manibela at doon humagulgol. Ang OA ko naman, parang ’yun lang.
Ang bigat kasi sa dibdib kapag hindi mo man lang nasabi ’yung gusto mong sabihin. Iyong mag-e-explain ka pa lang at susubukan i6defend ang sarili mo, sisigawan ka na agad. Iyong para bang tinanggalan ka ng karapatan na magpaliwanag.
Hindi ko alam kung dahil ba sinigawan niya ako or ano kaya ako nakakaramdam ng ganito. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Pero sa lahat ng nangyari ngayong araw, isa lang ang tanong na paulit-ulit gumugulo sa isipan ko...
Why did he kiss me?
The following days, I busied myself doing my school works. Bumili na rin ako ng bagong cellphone. Nilibang at isinubsob ko ang sarili ko sa mga school works para hindi na pumasok sa isip ko ang mga nangyari noong nakaraan. Ayoko nang isipin ulit si Levi. Babalik na lang ako sa dating college life ko kung saan tamang pagsasabay lang ako ng acads at paglalandi.
Maaga akong nagising ngayon kahit late na akong natulog. It wasn’t a nice sleep, ofcourse. Sino ba namang makakatulog ng mahimbing pagkatapos ng napakahabang pakikipag-argumento sa sarili? Ewan ko ba, tuwing susubukan ko na lang matulog, biglang papasok ang mga ideya sa utak ko.
Noong elementary ako ay nakahiligan ko na ang pagsusulat ng mga tula. Nadiskubre ko ang kakayahan kong makagawa ng nobela noong 2nd year highschool ako. Wala pa akong kaalaman gaano noon sa pagsusulat at kung anong pumasok sa isip ko ay isusulat ko.
Pero nitong college lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsulat sa isang plataporma o app na w*****d. Maraming nagbabasa roon kaya naisipan ko na ring magsulat. I’m an anonymous writer. Ayokong muna kasing magpakilala, baka magulo ang tahimik kong buhay.
Naalala kong last na update ko nga pala ay noong bago pa kami pumuntang Batangas. Hindi ako nag-a-outline ng nobela na siyang importanteng gawin kaya madalas ay nagkaka-writer’s block ako.
Hindi ako maaaring mahibg writer dahil nakakapagsulat lang ako depende sa mood ko. Hindi ko rin gaanong p-in-opromote ang story ko dahil nga mabagal akong mag-update at hindi pa ako ganoon ka-confident sa mga naisusulat ko. Hindi ko nga alam kung bakit dumadagdag pa rin ang reads, votes, at followrs ko, eh.
Kumain muna ako ng sandwhich ko at uminom ng gatas bago naligo. Mas gusto kong inuuna ang breakfast bago maligo para deretso toothbrush na rin. Hindi ko kinalimutang dalhin ang macbook ko dahil kakailanganin namin ito ngayong araw. May schedule lang naman kami kung kailan namin kakailanganin ng gadgets sa school.
Nag-apply lang ako ng light makeup. High waisted maong pants ang suot ko at longsleeve croptop. Suot ko rin ang paborito kong boots na itim, iyong isinuot ko sa Batangas. Hindi gaanong kita ang tiyan ko dahil naka-high waist naman ako. Ayokong magsuot ng revealing na damit sa school kahit pa puwede naman.
Iyon ang isa sa mga bagay na nagustuhan namin nila Joyce sa school na pinapasukan namin ngayon. Maaari naming suotin ang kahit anong gusto naming suotin o kung anumang trip namin sa buhay.
Dumaan muna ako sa milktea shop; Umorder ako ng paborito kong Okinawa flavor at dumeretso na sa school. P-in-ark ko muna ang sasakyan ko at dumeretso na sa may gate.
Napatili ako nang bigla akong may makabunggo dahilan para matapon ang milktea ko. As in, tapon. Nasira ’yung sealed.
"Shit, sorry, miss!" natatarantang saad ng lalaki. Nanlaki ang mga mata namin pareho nang magtama ang paningin namin. "Gwy, ikaw pala."
"Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Aaron. Napansin ko kasing namumutla siya at hinihingal.
"Ha? O-oo. Sige, mauuna na ako. Pasensya na, papalitan ko na lang ’yung milktea mo. Emergency lang!" aniya at gumilid upang makadaan siya.
Agad kong hinawakan ang polo niya. "Saan ka pupunta?"
"Diyan lang. Saglit lang ako, importante lang talaga." Hinawakan niya ang kamay ko upang alisin ito at agad siyang tumakbo.
"Hoy, may klase tayo!" sigaw ko pero tuluyan na siyang nakalayo.
Bakit siya nagmamadali? May nangyari ba? Anong prolema no’n?
Magkaklase kasi kami ni Aaron, pareho kaming BFA ang course. Pareho kasi kaming mahilig sa Arts. Napabuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy na sa pagpasok. Namataan ko kaagad si Marga na nasa akin kaagad ang paningin, animo’y inaabangan ang pagdating ko.
Hindi ko siya pinansin at naupo na lamang. Sa ilang araw na pagpasok at hindi natahimik ang buhay ko. Maya’t maya nagpaparinig si Marga at dalawa niya pang kaibigan. Isang beses pa nila akong pinag-trip-an. Nilagyan nila ng lupa ’yung bag ko.
Tss, ’di ko alam kung paano pa sila nagkakaroon ng oras. Pero na-appreciate ko naman ay pinaglaanan pa nila ako ng oras nila.
Akalain mo nga namang, mararanasan ko ulit maging highschool. Hinanap si Aaron ng mga prof namin kaya pinagtakpan ko na lang at sinabing may emergency. Wait, hindi ko pinagtakpan. Sabi naman talaga niya sa akin, may emergency, eh. Sinubukan ko siyang tawagan noong may vacant pro cannot be reach.
Nakailang text na rin ako sa kaniya pero ni isa ay walang reply.
"Luis!" tawag ko sa lalaki nang madatnan siyang naglalakad sa corridor.
"Uy, Gwy! Busy ka?" Inakbayan niya ako.
"Aba, confident kang akbayan ako, ah? Baka makita tayo ng girlfriend mo, ano na namang isipin."
"Wala naman tayong ginagawang masama, eh."
"Kahit na, ’di ka dapat gumagawa ng bagay na alam mong ikaseselos niya."
Tinaasan niya ako ng kilay bago huminga ng malalim. "Nakakapagod rin kasi. Kahit anong gawin ko, lagi na lang niya akong pinagdududahan. Never pa akong nagloko sa babae. Tapos ’yung ex ko na may boyfriend na, pinagseselosan niya pa rin."
Napanguso naman ako sa sinabi niya. Halata ngang stress na siya. Architecture kasi ang course niya tapos stress pa siya sa jowa niya.
"Mahal mo, ’di ba?" Siniko ko siya ng mahina.
"Sobra." He sighed. "Pero hindi naman puwedeng ganoon lagi. Na porke mahal ko, papayag na akong ginaganoon niya ako. May damdamin din ako, ’no!"
Tumawa ako at kinurot ang dibdib niya. "Hay nako! Alam mo namang wala siyang kaibigan, ’di ba? Let’s say na may kaibigan dito pero alam nating lahat na hindi naman totoo sa kaniya ang mga ’yon. Alam mo... ’Yung mga babaeng kagaya ni Marga, for keeps ’yan. Kailangan lang ng atensyon niyan at dapat lagi mo siyang in-a-assure. ’Di ba, sabi mo, may nakita kang anti-depressants sa bag niya dati?"
Nilingon niya ako. "Woah, ikaw ba ’yan, Gwy? Himala at hindi ka nagrarant sa ’kin tungkol sa kabaliwan ng girlfriend ko."
Umirap ako. "Kahit naman ginagano’n ako ng girlfriend mo, naiintindihan ko siya."
"Thank you, Gwy."
Lumayo ako sa kaniya at binatukan siya kaya iritado niya akong tiningnan. "Tama na drama, kadiri ka!"
Napuno ng tawanan naming dalawa ang hallway. Nag-asaran pa muna kami bago naghiwalay dahil may aasikasuhin pa raw siya.
Naglalakad akonh patungong library nang may mapansin akong tumatakbo tungo rin sa direksyon ko. Naningkit ang mata ko nang mamukhaan siya. Hinihingal siyang huminto. Lumingon muna siya sa likod bago yumuko habang hawak ang tuhod at pilit pinapakalma ang sarili.
"Thea!" tawag ko at lumapit sa kaniya. "Why are you here?"
Ramdam ko ang pinaghalong kaba at gulat nang mag-angat siya ng tingin. Nag-alala kaagad ako sa itsura niya.
"G-gwy, ikaw pala..." Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "Uh... Wala, may dinaanan lang ako. Sige, una na ’ko, ah?"
Bago pa ako muling makapagsalita ay tumakbo na siya papalayo. Napatitig na lang ako sa kawalan. She was acting weird a while ago. Is she okay?
Ano namang dadaanan niya rito gayong iba naman ang school niya sa amin?
Hay. Tatanungin ko na lang siguro siya kapag nagkita kami ulit. Gusto kong sa personal siya tanungin dahil iba talaga ang pakiramdam ko, eh. Dumeretso ako sa library saglit. Hindi pa ako nagtatagal, nakaramdam ako ng gutom. Naisipan ko kaagad na pumunta sa kainan ng street foods na siyang tambayan naming magkakaibigan.
Namilog ang mga mata ko nang makitang kumpleto sila bukod kay Zeus, Althea at Aaron. Wow, what a coincidence!
"Oh, ayan na pala ’yung kaibigan niyong rich kid!" parinig agad ni Jinx kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Gwy! I-te-text pa lang sana kita, buri at dumating ka na," si Denise.
"Kuya, 10 pesos nga pong fishball tapos 20 pesos na kwek-kwek," sabi ko sabay abot ng isang daan kay kuya nago bumaling ulit sa mga kaibigan ko. "Si Althea?"
"Huh?" Halos pare-pareho sila ng reaksiyon.
"Bobita, malamang nasa school niya!" Inirapan ako ni Cristel.
"Bobo, nandito siya kanina, ah? ’Di niyo nakita?" takang tanong ko.
Nagkatinginan naman sila.
"Huh? Ano namang ginagawa niya rito?" tanong ni Cristel.
"Tumatakbo siya, eh. Sabi niya may dinaanan lang pero ewan." I shrugged.
Hinampas ng mahina ni Nicole si Joyce. "Ikaw? Nakita mo si Althea? Halos magkasunod lang kayo ni Gwy dumating."
Tiningnan ko si Joyce at mukhang malalim ang iniisip niya. Tiningnan nita kami bago umiling.
"Hindi ko nakita." Tinitigan ko siya ng ilang segundo. Nagtama ang paningin namin at tinaasan niya ako ng kilay. Hindi ko talaga mabasa ang isip ng isang ’to.
Kinuha ko ang kwek-kwek at fishball. Yep, sa isang kamay lang, bale napipi ’yung plastic cup pero keri lang.
"Libre mo ’ko!" Naluwa ko kaagad ang kakasubo lang na kwek-kwek nang akbayan ako ni Jinx. Siniko ko siya kaya napadaing siya at lumayo.
"Bwisit ka, kita mong kumakain, eh!" inis kong sigaw at muling kinain iyong naluwa ko. Buti na-shoot pa rin sa baso.
"Kadiri, sinubo ulit amp!"
"Sarili ko namang laway ’yon, paki mo ba? Ikaw nga kinakain mo ulit ’yung tinga mo, eh, hmmp!" Inambaan ko siya na tutusukin ng stick.
"Luh, paano mo nalaman ’yun?"
I winkd at him. "Ako lang ’to, Jinx. Letse, bumili ka ng sa ’yo!"
"Okay. ’Di mo pa naman nakukuha sukli, ’di ba?" He smirked at lumingon kay kuya. "Kuya, apat na siomai tapos tig 10 pesos na buko juice! Dagdagan mo na rin ng limang calamares, salamat! Bawas mo sa isang daan ’yung bayad, kuya!"
Inirapan ko na lang siya at naupo sa tabi ni Adrian.
"Gwy, saan si Aaron?" tanong ni Luis.
Naalala ko tuloy bigla ang mokong na ’yon. Sabi niya sasaglit lang siya, hindi na bumalik.
"Hindi nga pumasok, eh. May problema ba, Adrian?"
He sighed. "Nag-aalala nga rin ako, eh. Kasi nagsasabi naman ’yon kapag hindi siya makakapasok. Ni hindi rin nagrereply sa akin."
Si Aaron at Adrian kasi talaga ang pinaka-close. Halos hindi sila mapaghiwalay. Para silang magjowa dahil lagi nilang alam kung nasaan ang isa’t isa kaya nakakapagtakang hindi alam ni Adrian ngayon.
Okay ka lang ba, Aaron?
"Gwy?" tawag ni Adrian matapos ng ilang segundong katahimikan.
"Hmm?" I looked at him.
"Do you still want to run?" seryosong tanong niya.
"Bakit siya tatakbo? Tapos na eleksiyon, ah!" singit ng kakarating lang na si Jinx.
Pero nanatili akong nakayingin kay Adrian. Alam kong may kahulugan ang tanong niya. I asked myself.
Do I still want to run away from this shit? Do I still want to escape and hide? Hindi lingid sa kaalaman ng mga kaibigan ko na ilang beses ko nang pinagtangkaan ang sariling buhay. I’m stuck between trying to live my life and trying to run from it.
Nginitian ko siya. "Don’t worry about me because I can turn my sadness into a joke. You know, I’m strong..." but pretending to be strong is exhausting.
Kahit anong pilit kong alisin sa utak ko si Levi, hindi ko magawa. Kusa na lamang siyang pumapasok sa isip ko at naiinis ako! It's already 7pm. Wala akong pasok ngayon kaya hindi ko pa rin makausap si Aaron kung ano na bang nangyari. Nag-aalala rin kasi kami sa kaniya at baka may problema siya. Hindi siya nag-o-online at hindi rin sumasagot sa mga tawag o texts namin. Nagsuot lang ako ng croptop na peach at high waisted maong shorts tapos peach flip flop slippers na Nike ang brand. Sa labas nalang ako kakain dahil tinatamad akong mag-luto. Agad kong kinuha ang susi, wallet at phone ko. Pagkarating ko sa malapit na mall ay agad akong bumaba. Meron namang convenient store sa baba ng condo pero mas prefer ko sa isang fast food nalang kumain. Um-order lang ako ng chicken fillet with fries and coke tapos naghanap na akong ma-uupuan. Napalinga-linga ako sa paligid pero ganoon na lamang ang panlulum
"Birthday na bukas ng bebe mo, ah?" sabi sa kin ni Althea na kumakain ng fries. Nandito ulit kami sa kainan ng street foods. "Oo nga. Invited ba kayo? Sa bar gaganapin," sagot ko. Nagtext kasi sa akin kahapon si Jinx at in-inform ako na sa bar nga gaganapin. Simabi niya rin kung saang bar. Buti naman at hindi ganoon kalayo iyon. "Nope. Hindi naman kami i-close para imbitahan niya. Pero sana naman i-invite niya kami, ’no? Ayaw niya ba i-close ’yung mga kaibigan ng future asawa niya?" tuloy-tuloy na sabi ni Cristel. Nabilaukan siya sa dami niyang sinasabi kaya inagawa niya ang ni Nicole. "Future asawa, ampota. May girlfriend ’yun, ’di ba?" takang tanong ni Nicole. Umirap ako. "They broke up. Nasabi ko na sa inyo last time, ah! Tska nung sila pa, umiiwas naman ako."
"H-huh?" takang tanong ko kay Aaron at humiwalay sa pagkakayakap niya sa akin. "I mean... You’re my friend and I am home when I’m with my friends." Ngumiti siya at pinunasan ang luha niya. "Pucha, nababading na naman ako." Tumingkayad naman ako para maakbayan ko siya. "Hindi nakababawas ng pagkalalaki ang pag-iyak. Basta here lang ako." "Drama natin, sis," sabi niya kaya natawa na lang din ako. Nilibre ko na lang siya ng street foods bago umuwi. Hinatid pa nga niya ako kahit pa may sasakyan naman akong dala. Pagkapasok ko ng room kinabukasan ay hindi ako pinansin ni Marga kaya hinayaan ko na lang siya. Pabor naman sa 'kin. Ilang araw ang dumaan at parang nabunutan kami lahat ng tinik nang matapos na ang exam. Na-kuwento pa sa amin ni Cristel na nahimatay si Joyce noong unang araw ng exam.
Magkasama kami ngayon ni Luis at kumakain kami ng street foods. Niyaya ko siya noong nakita ko siya kanina sa may soccer field. Mukha siyang malungkot, eh. "Hoy, ano? Okay ka pa ba?" Siniko ko siya ng mahina. Ngumiti siya. "Of course. Hindi lang talaga kami okay ngayon ni Marga. Nahihiya siguro siya sa akin dahil sa nangyari sa kaniya." Napatango naman ako sa sinabi niya. "Intindihin mo na lang. Alam mo nqmang conservative si Marga saka nakaka-trauma naman talaga kapag nabastos ka. Hindi ko talaga ma-gets kung bakit may nambabastos. Tigang na tigang ba sila?" Kanina pa ako napapabuntong-hininga dahil ang tahimik niya. Hindi ako sanay na tahimik siya, eh. Pabalik kami sa soccer field ngayon dahil nandoon ang bag namin pareho. Iniwan kasi namin nbago kami pumunta riro. Malakas ang loob namin dahil may cctv naman doon.
Bago ko pa mahatak sa buhok ’yong babae parabilayo siya ay naitulak na siya ni Levi. "What the hell, Pia?" Kunot na kunot ang noo ni Levi at panay ang mariing punas sa labi niya. Pakiramdam ko anytime mapupunit na, eh! "Sorry, dare lang," nakangising sabi ng babae tapos bigla siya napatingin sa akin. "Girlfriend? Sorry." "Dare?" Levi uttered and chuckled sarcastically. "You kissed me without my consent because of a fucking dare?" Pia laughed. "What? It’s just a kiss! As if you’re still a virgin." Umigting ang panga ni Levi. Tumingin siya sa gilid niya bago ibinalik ang seryosong tingin kay Pia. Huminga siya nang malalim. "It is considered as sexual assault. What kind of a woman are you?" He gulped. "When a girl kissed a man without his consent, it’s okay? But when a man kissed a woman without her consent, it’s sexual
Panay ang pagbuntong-hininga ko at pag-irap habang papunta ako sa mansion ng mga Gabriel. Tinawagan ako ni ate Mel, pinapupunta daw ako ni tita. Siguro kakausapin ako about sa pagditch ko ng class. Ilang araw na lumipas pero ngayon pa lang nila ako kakausapin. Sabagay, ngayon lang siguro sila nagkaroon ng oras para alamin kung nabubuhay pa ba ’ko. "Good afternoon, Miss Hope," magalang na bati sa akin ng mga maid pagkapasok ko. Kakatapos lang ng klase. As usual, hinatid ako rito ni Levi. Suot ko pa rin ang uniform ko. Si Aaron ay nang-asar pa kanina at g-in-oodluck pa ako. "Hi, Couz! Sino ’yong naghatid sa ’yo? Boyfriend?" Napairap ako nang bumungad sa akin si Paris. "Chismosa ka?" Inirapan ko siya. "Susumbong kita! Nagditch ka na nga ng class tapos may boyfriend ka pa! Siguro siya ang dahilan kung bakit ka nagcutting! Aral muna bago landi, oy!
I’m wearing a black halter top partnered with brown cargo pants and black high cut shoes. I also put black scarf on my hair. Maganda naman ang kulay ng buhok ko kaya bumagay siya sa black scarf. Nagtira rin ako ng iilang hibla sa harapan para mas maayos. Naglagay ako sa maliit kong bag ng black jacket crop top, extra crop tops and shirt, extra pants and flipflops. Nandoon na rin lahat ng kaartehan ko sa mukha. Napasimangot ako nang maalalang marami pa nga pala akong gawain na ipapasa next week. Whatever, it’s weekend kaya dapt pahinga muna. "Good morning!" nakangiting bati ko kay Levi pagkababa ko ng condo. Sinabihan ko kasi siya na ako na lang ang bababa. Well, magsho-shopping muna kami tapos deretso roadtrip na. "Morning," he greeted. Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya at may kung anong kiliti na naman akong naramdaman sa tiyan ko. Para kaming couple! Ang cute! He’s wearin
Isang linggo na ang dumaan noong nagdate kami ni Levi. Ginugol ko lang ang sarili ko sa pag-gawa ng mga school works. Naipasa ko na ang lahat ng gawain kaya nabawasan na ang pagka-stress ko. Wala namang ganap sa amin ni Levi. Normal pa rin naman ang turingan namin. Char! Para kaming mag M.U, I guess? Well, alam ko naman sa sarili kong mahal ko na siya. Yes, mahal. It’s just that... hindi ko pa sigurado kung ito na ba yung tamang oras para sagutin ko na siya. Seryoso ba talaga siya sa akin? Parang masiyadong mabilis. Magiging busy na naman kami this week dahil sinabi sa school namin ang tungkol sa foundation week. Stress na naman kami mga estudyante no’n sigurado. May mga booths doon. Ang saya ng college namin, ’di ba? Kila Althea kasi ay wala daw mga ganoon sa kanila.May mga events pero wala silang foundation week. Kaya nga nag-uusap na sila kung mag-di-ditch ba si Althea para makasama sa amin.&nbs
Napangiti ako habang pinagmamasdan sina Marga at Luis na magkahawak ang kamay habang kinakausap ang wedding planner nila. Tatlong buwan na ang lumipas at last week lang ay nag-propose na si Luis kay Marga. Kinuntsaba niya pa nga ako. Ngayon ay pinaghahandaan na nila kaagad ang kasal nila pero alam ko ay next year pa magaganap dahil gusto nila bongga. Marriage... Isa iyon sa pangarap ng mga babae. Hindi lahat, pero maraming babae ang nais maranasang ikasal. Ako? Isang tao lang naman ang nakikita ko noon na kasama ko palapit sa altar pero alam kong imposibleng mangyari ’yon dahil... Tapos na. Tapos na kami, dahilan kung bakit hindi ko na makita ang sarili kong nakasuot ng puting gown at naglalakad palapit sa taong mahal ko. "Thank you po," nakangiting sabi ni Marga sa wedding planner nila at hinatid ito sa labas dahil n
"Huy! Tulala ka na naman diyan!" panggugulat sa akin ni Cristel. Napabuntong-hininga ako at inilapag ang inumin sa may sink. Nandito ang mga kaibigan ko ngayon sa bahay. Hinayaan ko na lang din sila dahil nakokonsensya na ako sa ginagawa kong pag-iwas sa kanila. Kami lang ni Cristel ang nandito sa kusina dahil gumagawa kami ng nachos. As usual, hindi mawawala ang paggawa niya ng iced coffee. Si Nicole at Joyce na naman ang kulang. Si Joyce ay hindi raw nila alam kung nasaan. Magta-tatlong buwan na raw'ng wala si Joyce. Matagal na rin daw iyong pinahahanap pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Hanggang ngayon tuloy ay hindi ako mapakali kaiisip sa babaeng ’yon. Si Nicole ay nasa ibang bansa pa rin at hindi ko pa siya nakakausap ulit. Ilang years ba kasi ang kakailanganin bago maging Doctor? Mag-iilang taon na rin siya roon, ah? Wala rin kaming boys na kasama dahil hindi ako pumay
Nararamdaman ko nga na talagang may koneksiyon ako sa kaniya at tama ang hinala kong isa siya sa mga nakaraan ko. Pero bakit nakaraan ko na siya? Bakit hindi na kasalukuyan? "I want to know more about... us," halos pabulong na saad ko. Seryoso ang mga tingin niya sa akin. "What about us?" "Paano naging tayo?"" "Nanligaw ako at sinagot mo ako." Napairap ako sa agarang pagsagot niya na wala namang kwenta. "Ano nga?" Tamad niya akong tinitigan at sa huli ay tamad din siyang napabuntong-hininga. "Maghintay ka, Gwy," mataman niyang sinabi. "Ang hirap kasing maghintay sa bagay na wala pero parang meron," nawawalan ng pag-asa na wika ko. Hindi na siya sumagot pa. Matinding katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Tumingin a
Hope. My name’s already screaming that despite of all the darkness, there’s still a hope. At this point, I can only hope. And now, I’m deeply hoping for myself to remember my past. "But what if your answer is the only way for me to remember?" pagpupumilit ko. He lazily sighed and shifted his seat. "I would never risk it if answering you will just put you in danger." Hindi naman ako nakasagot. Ganoon niya ba kagustong masigurado ang kaligtasan ko? "But—" He groaned. "No more buts, Gwy. I’m here because I want you to know that I’ll court you again." Napaawang ang labi ko at gulat na napatingin sa kaniya. May kung anong kumiliti sa sikmura ko. Napatakip ako sa bibig ko nang bigla akong sinukin. Nang makabawi ay umayos ako ng tayo at tinaasan siya ng kilay. "Why would you court me?" H
"Kumain na ako," sabi ko at dumiretso sa sofa niya. Naalala ko na naman tuloy iyong si Architect Torres. She’s his cousin pala! Nakakahiya at nasabunutan ko pa! Buti hindi siya nagalit. "Uh... Si Honey, is she really your cousin?" Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin at naroon na naman ang mapaglarong ngisi sa kaniyang labi kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Oo nga." "Ah..." Tumango ako. "Eh, bakit bawal pumasok ang iba rito bukod sa inyong dalawa?" Lumawak ang ngisi niya. "Maarte ang pinsan kong iyon." Hindi ko na lang siya pinansin at namili ng panonoorin sa Netflix niya. Bahala siya kumain mag-isa. Busog pa ako at isa pa, bakit hindi na ang siya magpaakyat ng pagkain niya rito? At teka nga, bakit pa ba ako naririto? "Saan mo ba gustong ipalagay iyang painting mo at nang makaalis na ’ko?" tanong ko. Tumalim a
Natapos ang one week at napagpasyahan na ng lahat na umuwi na ako sa bahay. Noong una ay ayaw pumayag nina Sky pero wala naman na silang nagawa dahil kailangan kong bumalik sa mga pamilya ko. Napag-usapan nila na bibisitahin na lang nila ako sa bahay kapag may oras sila para bumisita. "Nahanap na ba si Joyce?" dinig kong tanong ni Denise sa mga kaibigan kong nasa likod. Pinaggigitnaan kasi ako ni Sky at Dane. Dito na sumabay sa amin ang tatlong kaibigan at ang iba ay sa isa pang van. "Hindi pa nga, eh. Nanghingi na rin ako ng tulong kina Mommy para mas mahanap natin ang babaeng ’yon," sagot ni Cristel. "Last time, ang sabi niya sa akin ay gusto niyang mag-hike," sabi ni Althea na mukhang hindi na nakatiis. Kanina pa kasi siya nananahimik. "Bundok? Ano namang gagawin niya ro’n?" nagtatakang tan
Bigla nalang akong umalis at iniwan ko siya roon sa mesa. Ayaw kumalma ng puso ko kaya bumalik muna ako sa cottage. Body shot? Paano kami nagkakilala nang dahil sa body shot? Ganito rin ba ang nangyari noon? Sa beach din ba? Kami ba talagang dalawa ’yong nakita ko kanina habang nakapikit ako? Pakiramdam ko ay nananaginip ako nang gising. Hindi rin sumasakit ang ulo ko gaya ng kadalasang nangyayari sa akin. Siguro dahil hindi ko pinipilit na makaalala ako. Tama nga si Levi, ako lang ang dapat makatuklas ng bagay na ito dahil kung pipilitin ko, baka sa hospital o clinic ako pulutin. Naramdaman kong sumunod sa akin si Levi pero hindi ko siya pinansin. Tahimik lang kami at walang nagbabalak na bumasag ng katahimikan. Nang hindi makatiis ay nagsalita na rin siya. "Is your head aching?" he asked. I shook my head. "Nope." "Well, uh... That
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ang pananakit nito. Nakapikit akong umupo sa kama at sumandal sa headboard ng kama. Nang muli akong magmulat ay napasigaw ako nang makita si Levi na nakaupo sa gilid ng kama ko. "You scared me to death, you dumbass!" sigaw ko habang nakahawak pa rin sa dibdib ko. "I’m sorry," he apologized. "Ayaw mo bang lumabas?" Huminga ako ng malalim at napatingin sa veranda ng hotel. Nakabukas ang sliding door doon kaya ramdam ko ang sariwang hangin at alam kong hapon na. Anong oras na rin kasi kami nakabalik sa room namin kaya siguro late na ako nagising. Nananakit ang ulo ko dahil pata bang kulang pa ako sa tulog kahit hindi naman. "What are you doing here?" I asked him. Hindi siya sumagot at sa halip ay tumayo siya bago ako tinalikuran upang pumunta s
Nang magising ako ay napansin ko ang madilim na kalangitan. Naramdaman ko rin ang lamig ng buong kuwarto kahit pa balot na balot ako sa makapal na comforter. Dahan-dahan akong tumayo at pinatay ang aircon. I turned on the lights. Dumiretso ako sa maleta ko at kumuha roon ng cardigan. I was wearing a sando, so I needed something that could make me feel warm. Pinihit ko ang doorknob at lumabas ng kuwarto. I’m starving. I also bring my phone with me. Nakita kong 4 am na. I almost scream when I saw someone sitting on a couch. May mumunting liwanag na nagmumula sa laptop niya kaya nakilala ko siya agad. Okay, it’s Sky. Nakita kong naka-hang lang ang laptop at kinakalikot niya ang kung ano sa vape. "You didn’t sleep?" I asked and sat beside him. Napatalon siya sa gulat kaya natawa ako. Umusog siya kaunti upang bigyan ako ng espasyo. "Hindi pa ako inaantok," he answered. "Bakit ka nagising?" "Because