Share

KABANATA 3

Author: itsarilecyoj
last update Huling Na-update: 2020-07-31 00:39:29

"Hmm.. magpapa-deliver ka ba or drive thru?" litong tanong ko. Eh kasi he asked me what I want, ’di ba?

Nangunot ang noo niya bago nag-iwas ng tingin. Mahina siyang tumawa at umiling. Tila ba musika sa aking tenga pati ang kaniyang pag-tawa.

"Damn, ang tanga," dinig kong bulong niya kaya nanlaki ang mata ko. Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas siya sa braso na ikinagulat niya.

"Sinong tanga, huh? Ako ba? Sinong tanga!" malakas na sambit ko.

Iritado siyang tumingin sa akin. "So noisy."

"Hoy, Nicholas! Huwag ko nga akong matawag-tawag na tanga riyan! Malay ko ba sa ibig mong sabihin? Pakilinaw, please!" inis na sigaw ko pa sa kaniya pero hindi na niya ako pinansin.

Nakasimangot kong sinabi sa kaniya ang address ng condo ko nang hingiin niya ito para doon niya ako i-drop. Kinulit ko pa siya tungkol sa tinanong niya pero hindi niya na ako pinansin. Panay ang tunog ng phone niya pero hindi niya ito sinasagot, siguro kasi nandito ako. Kunot na kunot din ang noo niya sa byahe namin at naiilang ako dahil pakiramdam ko ay nagagalit siya sa akin.

Bwiset, ano ba kasing meron doon sa nagtext sa kaniya at bigla siyang naging ganito?

Nagpasalamat ako nang maibaba na niya ako sa condo ko. Pagkababa ko ay bigla nalang niya pinaharurot ang sasakyan niya.

Atat na atat umuwi, ’te?

Sumalampak nalang ako sa kama ko pagkapasok sa unit ko. Nagpahinga lang ako saglit bago inayos ang mga gamit ko. Naligo na rin ako at nagbihis lang ng pantulog.

Gusto ko nang magpahinga. Habang buhay, chos.

Nilagay ko na rin sa notes ko ang mga nangyari kahapon at kanina. Nagchat ako sa gc namin na kararating ko lang bago ako natulog...

Iyon nga lang at binulabog na naman ako ng mga 'what if’s' sa utak ko. Isa talaga ’to sa problema ko tuwing gabi— ang pag-tulog. Iyong tipong kahit pagod na pagod at antok na antok na ako, hindi ko talaga magawang matulog nang maaga. Kailangan ko munang mapuyat bago ako makatulog.

Nagising ako nang magring ang phone ko. Tumingin ako sa orasan ng phone ko at nakitang sobrang aga pa! Putek, umaga na? Parang kakapikit ko pa lang, eh!

Kumalam ang tiyan ko at doon ko lamang naalalang hindi ako nakapagdinner kagabi..

"Ate Mel?"

Napahikab ako dahil medyo inaantok pa ’ko.

She just told me to go the mansion because Tita's waiting for me. She also asked their bodyguard to fetch me but I coldly told her I have my car.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Now, I’m wearing a white strapless crop top partnered with my cream cargo pants and white high-cut adidas. I also pulled my hair into a large messy bun. Black scarf ang ginamit kong panali at nagtira ng kaunting hibla ng buhok sa unahan.

Bakit ba kasi ako kaagad pinauwi nila Tita? May problema ba? Naku! Baka mamaya ipakasal nila ako sa anak ng business partner nila. Ganoon ang ibang mayayaman, ’di ba?

Pagkapasok ko sa sasakyan ko ay huminga muna ako ng malalim bago ito pinaandar. Huminto muna ako sa isang coffee shop para magbreakfast. Umorder lang ako ng tatlong garlic bread at water. I don't drink coffee. I mean... umiinom naman pero hindi lang ako mahilig.

"Good morning, Miss hope," nakangiting bati sa akin ng maid sa mansion ng mga Gabriel. Nagbow pa sila sa akin. Nginitian ko lang sila pabalik at binati rin.

Taas-noo akong naglakad papasok sa mansion. Pagkapasok ay nadatnan ko kaagad si Tita at Tito na nakaupo sa sofa at umiinom ng kape habang nanonood ng TV.

"Good morning," I greeted.

"Have a seat." Nilahad ni Tita ang upuan sa tapat niya. Ganito pa rin talaga, pormal. Parating akala ko tungkol sa business ang pinag-uusapan dahil masiyadong pormal. Kung hindi lang kami medyo magkamukha ni Tita, hindi mo aakalain na magkamag-anak kami..

"Thank you," pormal kong saad.

Humigop si tita sa kape niya bago nag-angat ng tingin sa akin at tumikhim. "I invited you here to inform you that we’re having a welcome party tomorrow."

Nagtaka ako. "Welcome Party? For whom?"

"For Paris," kalmadong sabi ni Tita sa ’kin.

Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. Buti pa sa pinsan ko ay nagagawa nila ito. Sa akin? Ni minsan nga hindi sila nagthrow ng birthday party para sa ’kin. Hindi na raw kasi ako bata. Pero bakit si Paris? Isang taon lang naman ang tanda ko sa kaniya! Nagsembreak lang naman, ah? Welcome party agad? Napaka-arte!

"Is that important?" kaswal na tanong ko. Sinamaan ako ng tingin ni tita.

"Ofcourse, Hope! You must invite your friends, too,"  seryosong sabi niya. Ano ba naman ’yan, bored na bored na ako rito. Wala man lang bang mas exciting na mangyayari sa buhay ko? Tss. Nakakatawa naman. Inistorbo nila ang pagtulog at pag-eenjoy ko para lang dito?

Kinausap pa nila ako na bukas daw ang welcome party. As if naman welcome siya rito. That Paris bitch. I hate her so much! Hate din siya ng mga kaibigan ko dahil sa ugali niyang napaka-arte at spoiled brat pa. Tapos puro luho pa. Well, kaaway ko na siya noon pa. Sila tita ang nag-alaga sa kaniya mula bata dahil parehong wala na ang parents niya. Lagi kaming magka-away at magka-agaw sa lahat ng bagay hanggang sa kalakihan na namin.

Umakyat muna ako sa kwarto ko. Simple lang ang style ng kwarto ko rito sa mansion ng mga Gabriel. Pinaghalong pink at purple ang theme ng kwarto ko dahil favorite color ko ang purple. May isa lang akong king size bed. Gusto ko kasi iyong malaki ang kama at kumportable akong gumalaw.

May dalawa rin akong side table na pink ang kulay. May sarili rin akong CR dito at may isa pang kwarto sa loob ng kwarto ko kung saan nandoon ang mga art materials ko at mga books and notebooks. Mahilig kasi ako magcollect ng mga notebooks kahit wala naman akong gagawin dito. Kasama na rin doon ang walk-in closet ko pero separated naman siya.

Nang maglunch na ay dinalhan lang nila ako ng pagkain. Sila tita ay umalis na, malamang para sa trabaho nila. Sobrang boring ng buhay ko kaya nakipagvideo call nalang ako kila Nicole.

["Oo, girl! Urat ako! Galit daw sa ’kin pero ang bait naman kapag kaharap ako?"] panchichismis ni Joyce sa pinsan niyang pinaplastik daw siya.

"'Yung puso mo, ’te!" Tumawa ako.

["Kaurat kasi! Ganda ganda ng mood ko!"] halatang inis na inis siya.

["Basher ngang tunay!"] sigaw ni Nicole sa kabilang linya.

"Hayaan mo na. Hindi talaga mawawalan ng basher sa buhay natin," natatawang sabi ko dahil ang panget ng itsura ni Joyce.

["Ang akin lang naman... Huwag niya sa iba sinasabi ’yung galit niya sa ’kin. Paano ko siya masasampal kung ganoon?"]

Kinabukasan ay maaga akong pumunta ulit sa mansyon ng mga Gabriel. Siyempre, nakabusangot ang mukha ko. Nadatnan kong lahat ay may kaniya-kaniyang ginagawa.

Malamang, dadating na ang special child. Este ang pinsan kong sobrang special kila tita.

Simple lang ang suot ko. Nude floral lace bodysuit na p-in-artner-an ko ng maong pants, nilagyan ko na rin ng black na belt kahit hindi naman maluwag para lang mas fit. Sandals ang suot ko na rose gold ang kulay. Ang buhok ko naman ay pinanatili kong nakaladlad.

Nakita ko rin si ate Mel na narito. Nginitian ko lang siya na sinuklian niya rin naman bago ako dumeretso sa kwarto ko para ilapag doon ang mini shoulder bag ko. Make-ups, charger, at wallet lang naman ang laman no’n. Pagkalabas ko ng kwarto ay saktong kakalabas lang din ng impakta.

"Oh... Hi, couz. Na-miss kita." Nakipagbeso siya sa akin kaya todo-iwas ako.

"Hindi kita na-miss, eh," pambabara ko sa kaniya.

Sumimangot siya.

"Aww. I have pasalubong pa naman for you." She sighed.

"Sa’yo na ’yan, hindi ko kailangan niyan."

Masisisi niyo ba ako kung bakit ako ganito sa kaniya? Punong-puno na ng inggit at selos ang katawan ko kapag siya na ang usapan.

"You’re so mean, Hope!"

Bakit biglang pumanget yata ang pangalan ko?

I only rolled my eyes and left her. Tumulong nalang ako sa pag-aayos. Maya maya pa ay dumating na ang iilang bisita. Nandito kami sa backyard namin dahil malawak dito. May mini stage pa, daming alam. Buti at hindi na enggrande ang pinagawa ni tita.

Umakyat na ako ulit para kunin ang phone ko at makipagchikahan sa mga kaibigan ko para siraan ang pinsan kong spoiled brat, char.

Pababa ako ng hagdan nang biglang magtama ang paningin namin...

Lev.

Bakit siya naririto? Invited siya? Iyong girlfriend niya kaya?

Pinanood ko ang pagbaba ng adams apple niya habang umiinom ng wine. Wala ako sa sarili habang pababa ng hagdan. May kausap siya pero nanatili ang tingin niya sa akin. Pakiramdam ko rin ay dinig ng lahat ang lakas ng pintig ng aking puso. Bahagya ring nanginginig ang mga daliri ko sa hindi malamang dahilan.

He's wearing a white button-down polo shirt. The first three buttons are opened and the sleeves are folded until his elbow partnered with black jeans and brown boots.

Shit.

Wala na, hulog na.

Hulog na hulog na.

At ang sakit ng pwet ko kasi nahulog ako sa hagdan!

Napangiwi ako habang hawak ang pwet-an ko ang paa kong natapilok pa yata.  Bakit ba kasi sila nandito? ’Di ba dapat nando’n sila sa backyard?

God, nakakahiya.

"Hindi rito ang swimming pool, miss!" Lumapit sa akin ang lalaking kausap ni Levi kanina.

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko tinanggap ang kamay niyang nakalahad at tumayo mag-isa.

"I know!" inis na sigaw ko sa kaniya.

Tumawa siya. "Eh, bakit ka lumalangoy riyan?"

Hahampasin ko sana siya kahit hindi kami close nang tumakbo siya sa likod ni Levi at parang batang nagtago. Napangiwi na naman ako nang maramdaman ang pagkirot ng puwet-an ko.

"Papa Lev, niaaway ako!" nakangusong sabi niya at nakaturo pa sa akin. Napanganga nalang ako sa inakto niya.

"Para kang bata! Sino ka ba and what are you doing here?" inis na sabi ko.

Napahiya na nga ako kanina tapos nang-asar pa siya!

Tiningnan siya ng masama ni Levi kaya umayos siya bago ako binalingan nito.

"So, that’s your way of welcoming your visitors," malamig na pahayag niya sa akin.

Umakyat ang dugo ko sa mukha dahil sa sinabi niya. Bahagya akong napaatras at napatingin sa ibaba. Umurong bigla ang tapang na ipinakita ko sa lalaking isip-bata. Nakakahiya talaga! Bakit sa harap niya pa? Bakit kasi ang gwapo ng isang ’to?

"Excuse me? You’re not my visitor. This is not my party, duh?" Lakas-loob na pahayag ko. Nag-angat ako ng tingin at tinaasan sila ng kilay.

"Luh! ’Di tayo visitor?" singit ng bata. "Hala! My mom will scold me because she taught me not to go to any parties when I wasn't invited! Let’s go home, Lev!"

He’s so annoying. Parang bata talaga! Hindi naman siya cute! Napairap ako sa inasta niya. Mapaglaro ang mga ngiti niya at unang tingin palang ay halatang maingay na.

"Baliw ka ba, ha, bata?" I stepped forward and tried to pull him closer hut he immediately hid himself behind Levi.

"Hindi ako baliw, ah! Baka ikaw?" Sumama ang mukha ko pero dinugtungan niya ang sasabihin niya. "Baliw na baliw kay boss Levi mapagmahal!"

"Shut up, Cedric," eryosong sabi ni Levi sa kaniya.

"Ano na namang ginawa ko? Totoo naman! Ikaw kasi, boss, ba’t mo naman tinitigan? Nailang tuloy at nahulog sa’yo--- sa hagdan pala hehe! Sige sibat na ’ko!" biglang sabi niya nang akmang hahablutin ni Levi ang kuwelyo niya tska mabilis na umalis.

Pinindot-pindot ko ng mahina ang ilong ko gamit ang dalawang hintuturo ko dahil kinakabahan ako. Ganiyan ang palagi kong ginagawa kapag kinakabahan ako. Palinga-linga rin ako kung saan.

Ano bang gagawin ko? Ang awkward! Dati, lagi naman ako may naiisip na topic kapag lumalandi ako! Tapos sa kaniya-- jusko. Tinanggalan na yata niya ako ng dila.

"Uhmm.." Tumaas ang kilay niya sa akin. Ano ba ’yan! Hindi man lang ba siya na-a-awkward-an?

"I have a girlfriend, young lady," deretsong aniya at napakurap naman ako.

C-in-a-reer masyado ang pagtawag ng young lady, ah?

j"I know." Iniwasan ko ang tingin niya. He put his wine glass on the table beside us without taking his gaze off of me. Napaatras ako ng bahagya dahil doon.

Sobrang lapit ng mukha niya kaya namoy ko ang hininga niyang pinaghalong mint at wine.

"W-what..." hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil lalo pa siyang lumapit. It made my knees tremble. Naramdaman ko ring nagpipigil pala ako ng hininga. Pakiramdam ko, kaunti nalang ay matutumba na ako.

"How did you know?" mahinang tanong niya na halos hininga nalang niya ang maririnig.

"J-jinx told m-me..." nahihirapan at utal-utal na ani ko.

Ano bang trip niya at bakit ganito siya kalapit sa akin?

"What are you planning?" Napalitan na ng galit ang mga mata niya at nag-iigting ang kaniyang panga.

Kumunot ang noo ko at humugot ng malalim na hininga bago siya lakas loob na tinulak ngunit inubos niya yata ang lakas ko dahil gumalaw lang ang balikat niya. Umayos ako ng tayo at tiningnan siya.

"Ano bang sinasabi mo?" nagtatakang tanong ko.

Tumingin siya sa kanan niya. Sarkastikong umangat ang labi niya at muli akong tiningnan.

"Don’t play innocent, young lady," Malalim ang boses na saad niya.

"Ano bang sinasabi mo, ha? Anong don'l’t play innocent? I don’t get it!" naiinis nang sabi ko.

Bakit ba hindi nalang niya ako deretsahin? Pa-suspense pa!

Lumayo siya ng kaunti at bumalik sa pwesto niya kanina. Nagsalin siya ng wine at deretso iyong ininom.

"Hoy! Ba’t ba ang dami mo pang paligoy-ligoy riyan?" tinapik ko pa ang balikat niya.

Kunot na kunot ang noo niyang nakatingin sa akin. Luh, ang gwapo pa rin? Parang anumang oras ay kakainin niya ako sa tingin niya.

Kakainin? Bet.

"I gotta go." ’Yun lang ang sinabi niya at bago pa ako makapagsalita ay nilayasan na niya ako.

Napabuntong-hininga nalang ako. Ano pa bang gagawin ko rito?

"Grabe, couz. Talagang sinadya mo pang mahulog sa hagdan para mapansin ka ng gwapong yun, ha?" napairap na naman ako sa kawalan. Tanga ba siya?

Hindi naman ako ganun ka-desperada para magpakahulog sa hagdan para lang mapansin nila ako! Kaya ko namang gumawa ng paraan para pansinin nila ako nang hindi nasasaktan ang puwet ko!

"Anong pakialam mo?"

Inirapan nalang niya ako at pakembot-kembot na umalis. Nairita din ako sa tunog ng heels niya na alam kong sinadya niyang lakasan. Mabali sana ’yan.

Ay oo nga pala! Nakalimutan ko nang makipagchikahan kila Nicole. Badtrip kasing hagdanan ’yan, hindi tumitingin sa dadaan!

Ilang araw ang dumaan at nakauwi na rin sila Nicole. May dalawang araw pa bago bumalik ulit sa klase kaya pagkauwi nila ay nagyaya kaagad sila ng inom.

Malakas ang sound system na sumalubong sa akin pagkapasok ko ng bar. Nandito na raw sila at kami nalang ni Althea ang wala. Nagsuot lang ako ng orange crop top at high waisted maong shorts tapos black boots.

"Asan na si Thea?" tanong ko pagkarating. Inabutan kaagad ako ni Joyce ng isang baso ng Bacardi. "Kalma, kakarating ko lang."

"Letseng ’yun! Kanina pa raw siya otw. Nakarating ka na’t lahat, wala pa rin," sabi ni Cristel.

Natawa naman ako. Na-scam na naman sila ng 'otw' na ’yan.

"Baka naman kasi on the water ang ibig-sabihin ni tanga?" natatawang sabi ko sabay tungga sa baso. Napangiwi pa ako nang maramdaman ang pag-guhit nito sa lalamunan ko.

"Hanap lang ako ng papabells!" sabi ni Nicole at hinatak si Cristel paalis. Nagkanda-tapon-tapon pa ang laman ng bote ni Cristel.

Nanatili lang muna kami sa table nila Denise at Joyce. Nakakailang shot na ako nang dumating si Althea. Agad siyang ginisa ng dalawa pero tinawanan niya lang sila at deretsong ininom ang inabot sa kaniya ni Denise. Kwentuhan lang kami nang kwentuhan habang umiinom.

Maya maya pa ay nakaramdam na ako ng hilo sa dami kong naiinom. Bwiset na Joyce ’yan! Sunod-sunod ang pag-abot sa akin ng baso. Hindi ko lang natatanggihan dahil nalilibang ako sa kuwentuhan namin.

Tumayo ako at agad umikot ang aking paningin dala ng pagkahilo.

"Gagi, p’re, nalindol." Pinakiramdaman ko pa kung lumilindol ba talaga.

"Tanga, shenglot ka lang!" nagtawanan sila Joyce.

"Oh." Inabutan ako ulit ni Joyce ng baso kaya deretso kong nilagok iyon.

"Dance floor!" yaya ko at hinatak silang tatlo pero nagpaiwan si Althea. Nagpunta kami sa dancefloor.

Natawa pa ako nang makita kong nagpapagalingang magtwerk si Nicole at Joyce. Mukha silang tanga, swear!

Naramdaman kong may sumasayaw sa likod kkkaya nilingon ko siya. Wow, heaven!

"Hi! I'm Eric."

May sinabi siya pero hindi ko siya marinig kaya lumapit ako.

"What!" sigaw ko.

"I‹m Eric! Ikaw?"

"Gwyneth! Call me Gwy!" sigaw ko pabalik. The next thing I knew ay nakikipag-makeout na ako sa kaniya. Sa kalagitnaan ng ginagawa namin ay may demonyong humatak ng buhok ko.

"Gaga ka! Mamaya ka na lumandi. Passed out na si Denise!" Aray! Letseng Nicole ’to! Nakitang nag-eenjoy ako tapos hahatakin buhok ko!

Lalo yata akong nahilo dahil sa paghatak niya sa akin at idagdag mo pa ang iba’t-ibang kulay ng ilaw sa loob ng bar.

Sakit sa ulo!

"Pre kashi. Ang hirap hirap na, gushto ko nalang mataposh toh.."

"Ba’t umiiyak na ’yan?" turo ni Nicole kay Althea na umiiyak habang nakasubsob ang mukha sa table.

"Napuwing lang veh," sarkastikong sabi ni Joyce.

"Tanga, ’di siya napuwing! Alam mo naman. Lasing na ’yan kaya nagdadrama." Tumawa pa si Cristel. Halatang hilo na rin siya.

Inabutan ako ni Joyce ng isang baso kaya ininom ko na. Biglang umikot ang sikmura ko at anytime, alam kong magsusuka ako!

Dali-dali akong tumakbo papuntang cr at wala na akong pakialam kung madumi ang sahig. Lumuhod ako para makasuka sa bowl. Nakailang suka ako bago ako tuluyang tumayo at nagpunas ng tissue. Pagkalabas ko ay muntik pa akong matumba pero napahawak ako sa dingding.

Pabalik na ako sa table namin nang may tumawag sa akin. Nanlalabo ang paningin ko kaya hindi ko siya masyadong makita pero pamilyar ang boses niya.

"Wasted ka na, ’tol!" sabi niya at tinapik ng mahina ang pisngi ko.

Si Aaron pala.

"Send water," sabi ko.

Tumawa siya bago umalis para kumuha ng water. Ugh, I need to sober up. Bumalik din siya kaagad at binigay sa akin yung tubig. Buti at hindi ako nakaramdam ng pagsusuka nang inumin ko ang tubig.

"Iuuwi na kita, Gwy," sabi niya at inakay ako pero napahinto ako nang may maalala.

"Wait! Sila Nics pala, hahanapin ako no’n!" sabi ko.

"I’ll just text them. Wala ka bang naiwang gamit sa table niyo?" tanong niya at napaisip naman ako. Wala naman akong dalang kahit ano bukod sa phone ko at wallet ko.

"Where’s my phone?" mahinang usal ko at hinanap sa bulsa ko pero wala ito. Nakapa ko ang wallet ko pero wala ang phone ko. Nanakawan pa yata ako!

"Tsk. Bumili ka na lang ng bago," sabi niya at tumawa.

Binatukan ko siya. "Importante ’yung laman nun, A!"

Napakamot siya sa ulo. "Eh, anong gagawin ko? ’Yan inom pa kasi. Ba’t pa kasi nagdadala--"

"Look, I don’t need your damn lecture right now. I need my phone, ugh!" Tumakbo na ako para maka-balik sa table. Muntik pa akong madapa pero inalalayan ako ni Aaron na nakasunod pala sa akin.

"Hinatid na ni Althea si Denise pero babalik daw siya--" napatigil si Joyce.

"Where’s my phone?" I asked.

"Eh? Ewan ko sa ’yo. Saan mo ba nilagay?"

"Idk either!"

Napahanap din siya. Grabe, ’di ba siya marunong malasing? Mapungay na ang mga mata niya kaya alam kong may tama na rin siya pero nasa katinuan pa rin naman siya.

"Wala, gaga ka!" sabi niya at mukhang nahilo dahil sa paghahanap. "Baka naisuksok mo sa dibdib mo!"

"Tanga, walang pagsusuksukan!" Tumawa siya pero hindi ko naman naintindihan ang sinabi ko. Focus ako masyado sa paghahanap ng phone. Bwiset!

Pinagpapawisan na ako nang biglang magsalita si Aaron na umiinom na pala ngayon.

"Contact-in ko lang." Napatigil ako sa sinabi niya at sinabunutan ko siya.

"Alam mo yung utak mo dapat binebenta na ’yan para naman may kwenta!" sigaw ko sa kaniya.

"Aray! Aray! Masakit, Gwy!" binitawan ko siya. "Wow, ah? Ikaw nga hindi mo naisip eh!"

Oo nga, ’no? Bumungisngis si Joyce sa aming dalawa. May kakaiba sa ngiti niya, ah? Binibigyan yata kami nito ng malisya, eh!

"Nagriring pero walang sumasagot," sabi ni Aaron. Napapadyak ako sa inis. Nagpaalam nalang kami kay Joyce. Gusto ko nang magpahinga eh, inaantok na ’ko.

Sa byahe ay patuloy ko pa rin tinatawagan ang phone ko pero wala talagang sumasagot. Tss, ka-badtrip! Importante sa akin ’yun!

May nadaanan kaming lugawan kaya hininto niya ang sasakyan at umorder ng dalawa. Nagpangalumbaba lang ako habang hinihintay ang lugaw. Nahihilo pa rin ako kaya kailangan ko talaga ng mainit ngayon. Mainit na sabaw, okay?

"Bakit ka pala nandoon? Who’s with you?" tanong ko kay Aaron na kino-contact pa rin ang phone ko.

"Mga pinsan ko sa side ni mama." Tumango lang ako sa kaniya. Bakit kaya hindi niya sinama sila Jinx?

Maingat niyang inabot sa akin ang lugaw. Tahimik lang kaming kumakain. Hindi naman kasi maingay na tao si Aaron. Maloko rin pero hindi kasing ingay ng bunganga nina Jinx, Zeus, Luis, Kyle at Kurt. Sa buong squad namin ay si Aaron at Adrian talaga ang behave.

Hinatid na ako ni Aaron sa condo. Bumalik na rin naman ako sa katinuan matapos kumain ng lugaw. Inayos niya ang kama ko. Hinalikan muna niya ako sa noo bago umalis. D-in-ouble check niya pa nga ang pinto kung naka-lock. Hindi kaagad ako nakatulog.

Bigla na lang akong natawa habang nakatulala. What am I doing with my life? I thought I was healed and already got out from the dark. I’m on the verge of losing my self again.

Ni hindi ko alam kung anong problema ko. I don’t feel anything but emptiness. Pero hindi ko maipagkakaila na kahit malungkot sa gitna ng dilim, nagagawa ako nitong pakalmahin.

Shhh... It’s okay, self. You’ll get through this. You’ll get better.

Naalala ko rin na parati akong tinatanong ng mga kaklase ko kung bakit ang hilig kong mag-inom. May iba’t ibang paraan kasi tayo kung paano dadalhin ang ating problema. May gustong mapag-isa, may gustong magpakasaya kasama ang mga kaibigan para malibang, may mag-aadik, may tinutuon na lang sa pag-aaral, may nagkekwento, at kung ano-ano pa.

Ako? Tumatakas at pinipilit maging masaya. Lagi kong sinasabi na nakawala na ako sa hawla, na masaya ako, na wala akong problema. Pero ang totoo... sinusubukan ko lang kumawala. At alak ang nakikita kong makakatulong sa akin.

Hindi masarap ang pakiramdam na nahihilo. Hindi rin masarap ang lasa ng alak pero... Masarap ang pakiramdam na malasing kapag may problema. Lalo na’t nalalasahan mo ang pait, hindi lang ng alak kundi pati na rin ng buhay.

Kapag lasing ka, lumalakas ang loob mo na gumawa ng kalokohan. Masarap malasing lalo na kapag may mga kaibigan solid kasama. Doon mo kasi malalabas ang problema... minsan ang tunay pang ikaw.

Siguro para sa iba, ang weird namin kasi marami namang puwedeng bagay na pagtuunan ng pansin para makatakas sa problema. Pero hindi kasi nila naiintindihan. Gaya ng sabi ko, may kaniya-kaniya tayong dahilan kung bakit natin ginagawa ang mga bagay.

Habang nakatulala sa kisame ay pumasok muli sa isip ko ang mga sinabi at ginawang kilos ni Levi.

Hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya. Feeling niya ba ay may plano akong agawin siya sa girlfriend niya? Hell, no! Mang-aagaw lang ako ng jowa ng iba kapag hindi na kumkislap ang mga bituin.

Napansin kong tahimik siya at hindi approachable. He’s so damn mysterious. Dahil doon ay mas lalo akong nagiging interesado sa buong pagkatao niya. Sa pananahimik niya ay mas nagugustuhan kong malaman pa ang nga bagay na hindi niya magawang ipakita sa iba. Levi, ikaw yata ang kauna-unahang libro na nahirapan akong basahin.

I silently prayed before closing my eyes...

Kaugnay na kabanata

  • Owner of a lonely heart   KABANATA 4

    "Moni oyats?" yaya ko sa mga kaibigan ko habang kumakain kami ng street foods. Kakatapos lang ng huling klase ko ngayong hapon. "May class pa kaming tatlo," sagot agad ni Cristel. Iba ang school ni Althea sa amin, do'n ba sa school ng mga magpipiloto, FA at kung ano anong may kinalaman sa lintek na eroplano na ’yan. "Ikaw, Joyce?" I asked, raising an eyebrow. "May kailangan pa akonh ipasa," she answered. Since ’di ko pa rin nahahanap yung phone ko, pinuntahan ko pa si Jinx sa room niya. Nadatnan kong tutok na tutok siya sa professor. Sa desk niya ay may makapal na librong paminsan-minsan ay sinusulyapan niya. Naghintay akong matapos ang klase niya at nang matapos ay nagulat siya nang makita ako. "Woah! Miss mo ’ko?" salubong niya sabay akbay sa akin.

    Huling Na-update : 2020-07-31
  • Owner of a lonely heart   KABANATA 5

    Kahit anong pilit kong alisin sa utak ko si Levi, hindi ko magawa. Kusa na lamang siyang pumapasok sa isip ko at naiinis ako! It's already 7pm. Wala akong pasok ngayon kaya hindi ko pa rin makausap si Aaron kung ano na bang nangyari. Nag-aalala rin kasi kami sa kaniya at baka may problema siya. Hindi siya nag-o-online at hindi rin sumasagot sa mga tawag o texts namin. Nagsuot lang ako ng croptop na peach at high waisted maong shorts tapos peach flip flop slippers na Nike ang brand. Sa labas nalang ako kakain dahil tinatamad akong mag-luto. Agad kong kinuha ang susi, wallet at phone ko. Pagkarating ko sa malapit na mall ay agad akong bumaba. Meron namang convenient store sa baba ng condo pero mas prefer ko sa isang fast food nalang kumain. Um-order lang ako ng chicken fillet with fries and coke tapos naghanap na akong ma-uupuan. Napalinga-linga ako sa paligid pero ganoon na lamang ang panlulum

    Huling Na-update : 2020-07-31
  • Owner of a lonely heart   KABANATA 6

    "Birthday na bukas ng bebe mo, ah?" sabi sa kin ni Althea na kumakain ng fries. Nandito ulit kami sa kainan ng street foods. "Oo nga. Invited ba kayo? Sa bar gaganapin," sagot ko. Nagtext kasi sa akin kahapon si Jinx at in-inform ako na sa bar nga gaganapin. Simabi niya rin kung saang bar. Buti naman at hindi ganoon kalayo iyon. "Nope. Hindi naman kami i-close para imbitahan niya. Pero sana naman i-invite niya kami, ’no? Ayaw niya ba i-close ’yung mga kaibigan ng future asawa niya?" tuloy-tuloy na sabi ni Cristel. Nabilaukan siya sa dami niyang sinasabi kaya inagawa niya ang ni Nicole. "Future asawa, ampota. May girlfriend ’yun, ’di ba?" takang tanong ni Nicole. Umirap ako. "They broke up. Nasabi ko na sa inyo last time, ah! Tska nung sila pa, umiiwas naman ako."

    Huling Na-update : 2020-07-31
  • Owner of a lonely heart   KABANATA 7

    "H-huh?" takang tanong ko kay Aaron at humiwalay sa pagkakayakap niya sa akin. "I mean... You’re my friend and I am home when I’m with my friends." Ngumiti siya at pinunasan ang luha niya. "Pucha, nababading na naman ako." Tumingkayad naman ako para maakbayan ko siya. "Hindi nakababawas ng pagkalalaki ang pag-iyak. Basta here lang ako." "Drama natin, sis," sabi niya kaya natawa na lang din ako. Nilibre ko na lang siya ng street foods bago umuwi. Hinatid pa nga niya ako kahit pa may sasakyan naman akong dala. Pagkapasok ko ng room kinabukasan ay hindi ako pinansin ni Marga kaya hinayaan ko na lang siya. Pabor naman sa 'kin. Ilang araw ang dumaan at parang nabunutan kami lahat ng tinik nang matapos na ang exam. Na-kuwento pa sa amin ni Cristel na nahimatay si Joyce noong unang araw ng exam.

    Huling Na-update : 2020-08-12
  • Owner of a lonely heart   KABANATA 8

    Magkasama kami ngayon ni Luis at kumakain kami ng street foods. Niyaya ko siya noong nakita ko siya kanina sa may soccer field. Mukha siyang malungkot, eh. "Hoy, ano? Okay ka pa ba?" Siniko ko siya ng mahina. Ngumiti siya. "Of course. Hindi lang talaga kami okay ngayon ni Marga. Nahihiya siguro siya sa akin dahil sa nangyari sa kaniya." Napatango naman ako sa sinabi niya. "Intindihin mo na lang. Alam mo nqmang conservative si Marga saka nakaka-trauma naman talaga kapag nabastos ka. Hindi ko talaga ma-gets kung bakit may nambabastos. Tigang na tigang ba sila?" Kanina pa ako napapabuntong-hininga dahil ang tahimik niya. Hindi ako sanay na tahimik siya, eh. Pabalik kami sa soccer field ngayon dahil nandoon ang bag namin pareho. Iniwan kasi namin nbago kami pumunta riro. Malakas ang loob namin dahil may cctv naman doon.

    Huling Na-update : 2020-08-12
  • Owner of a lonely heart   KABANATA 9

    Bago ko pa mahatak sa buhok ’yong babae parabilayo siya ay naitulak na siya ni Levi. "What the hell, Pia?" Kunot na kunot ang noo ni Levi at panay ang mariing punas sa labi niya. Pakiramdam ko anytime mapupunit na, eh! "Sorry, dare lang," nakangising sabi ng babae tapos bigla siya napatingin sa akin. "Girlfriend? Sorry." "Dare?" Levi uttered and chuckled sarcastically. "You kissed me without my consent because of a fucking dare?" Pia laughed. "What? It’s just a kiss! As if you’re still a virgin." Umigting ang panga ni Levi. Tumingin siya sa gilid niya bago ibinalik ang seryosong tingin kay Pia. Huminga siya nang malalim. "It is considered as sexual assault. What kind of a woman are you?" He gulped. "When a girl kissed a man without his consent, it’s okay? But when a man kissed a woman without her consent, it’s sexual

    Huling Na-update : 2020-08-14
  • Owner of a lonely heart   KABANATA 10

    Panay ang pagbuntong-hininga ko at pag-irap habang papunta ako sa mansion ng mga Gabriel. Tinawagan ako ni ate Mel, pinapupunta daw ako ni tita. Siguro kakausapin ako about sa pagditch ko ng class. Ilang araw na lumipas pero ngayon pa lang nila ako kakausapin. Sabagay, ngayon lang siguro sila nagkaroon ng oras para alamin kung nabubuhay pa ba ’ko. "Good afternoon, Miss Hope," magalang na bati sa akin ng mga maid pagkapasok ko. Kakatapos lang ng klase. As usual, hinatid ako rito ni Levi. Suot ko pa rin ang uniform ko. Si Aaron ay nang-asar pa kanina at g-in-oodluck pa ako. "Hi, Couz! Sino ’yong naghatid sa ’yo? Boyfriend?" Napairap ako nang bumungad sa akin si Paris. "Chismosa ka?" Inirapan ko siya. "Susumbong kita! Nagditch ka na nga ng class tapos may boyfriend ka pa! Siguro siya ang dahilan kung bakit ka nagcutting! Aral muna bago landi, oy!

    Huling Na-update : 2020-08-15
  • Owner of a lonely heart   KABANATA 11

    I’m wearing a black halter top partnered with brown cargo pants and black high cut shoes. I also put black scarf on my hair. Maganda naman ang kulay ng buhok ko kaya bumagay siya sa black scarf. Nagtira rin ako ng iilang hibla sa harapan para mas maayos. Naglagay ako sa maliit kong bag ng black jacket crop top, extra crop tops and shirt, extra pants and flipflops. Nandoon na rin lahat ng kaartehan ko sa mukha. Napasimangot ako nang maalalang marami pa nga pala akong gawain na ipapasa next week. Whatever, it’s weekend kaya dapt pahinga muna. "Good morning!" nakangiting bati ko kay Levi pagkababa ko ng condo. Sinabihan ko kasi siya na ako na lang ang bababa. Well, magsho-shopping muna kami tapos deretso roadtrip na. "Morning," he greeted. Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya at may kung anong kiliti na naman akong naramdaman sa tiyan ko. Para kaming couple! Ang cute! He’s wearin

    Huling Na-update : 2020-08-16

Pinakabagong kabanata

  • Owner of a lonely heart   KABANATA 33

    Napangiti ako habang pinagmamasdan sina Marga at Luis na magkahawak ang kamay habang kinakausap ang wedding planner nila. Tatlong buwan na ang lumipas at last week lang ay nag-propose na si Luis kay Marga. Kinuntsaba niya pa nga ako. Ngayon ay pinaghahandaan na nila kaagad ang kasal nila pero alam ko ay next year pa magaganap dahil gusto nila bongga. Marriage... Isa iyon sa pangarap ng mga babae. Hindi lahat, pero maraming babae ang nais maranasang ikasal. Ako? Isang tao lang naman ang nakikita ko noon na kasama ko palapit sa altar pero alam kong imposibleng mangyari ’yon dahil... Tapos na. Tapos na kami, dahilan kung bakit hindi ko na makita ang sarili kong nakasuot ng puting gown at naglalakad palapit sa taong mahal ko. "Thank you po," nakangiting sabi ni Marga sa wedding planner nila at hinatid ito sa labas dahil n

  • Owner of a lonely heart   KABANATA 32

    "Huy! Tulala ka na naman diyan!" panggugulat sa akin ni Cristel. Napabuntong-hininga ako at inilapag ang inumin sa may sink. Nandito ang mga kaibigan ko ngayon sa bahay. Hinayaan ko na lang din sila dahil nakokonsensya na ako sa ginagawa kong pag-iwas sa kanila. Kami lang ni Cristel ang nandito sa kusina dahil gumagawa kami ng nachos. As usual, hindi mawawala ang paggawa niya ng iced coffee. Si Nicole at Joyce na naman ang kulang. Si Joyce ay hindi raw nila alam kung nasaan. Magta-tatlong buwan na raw'ng wala si Joyce. Matagal na rin daw iyong pinahahanap pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Hanggang ngayon tuloy ay hindi ako mapakali kaiisip sa babaeng ’yon. Si Nicole ay nasa ibang bansa pa rin at hindi ko pa siya nakakausap ulit. Ilang years ba kasi ang kakailanganin bago maging Doctor? Mag-iilang taon na rin siya roon, ah? Wala rin kaming boys na kasama dahil hindi ako pumay

  • Owner of a lonely heart   Kabanata 31

    Nararamdaman ko nga na talagang may koneksiyon ako sa kaniya at tama ang hinala kong isa siya sa mga nakaraan ko. Pero bakit nakaraan ko na siya? Bakit hindi na kasalukuyan? "I want to know more about... us," halos pabulong na saad ko. Seryoso ang mga tingin niya sa akin. "What about us?" "Paano naging tayo?"" "Nanligaw ako at sinagot mo ako." Napairap ako sa agarang pagsagot niya na wala namang kwenta. "Ano nga?" Tamad niya akong tinitigan at sa huli ay tamad din siyang napabuntong-hininga. "Maghintay ka, Gwy," mataman niyang sinabi. "Ang hirap kasing maghintay sa bagay na wala pero parang meron," nawawalan ng pag-asa na wika ko. Hindi na siya sumagot pa. Matinding katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Tumingin a

  • Owner of a lonely heart   Kabanata 30

    Hope. My name’s already screaming that despite of all the darkness, there’s still a hope. At this point, I can only hope. And now, I’m deeply hoping for myself to remember my past. "But what if your answer is the only way for me to remember?" pagpupumilit ko. He lazily sighed and shifted his seat. "I would never risk it if answering you will just put you in danger." Hindi naman ako nakasagot. Ganoon niya ba kagustong masigurado ang kaligtasan ko? "But—" He groaned. "No more buts, Gwy. I’m here because I want you to know that I’ll court you again." Napaawang ang labi ko at gulat na napatingin sa kaniya. May kung anong kumiliti sa sikmura ko. Napatakip ako sa bibig ko nang bigla akong sinukin. Nang makabawi ay umayos ako ng tayo at tinaasan siya ng kilay. "Why would you court me?" H

  • Owner of a lonely heart   Kabanata 29

    "Kumain na ako," sabi ko at dumiretso sa sofa niya. Naalala ko na naman tuloy iyong si Architect Torres. She’s his cousin pala! Nakakahiya at nasabunutan ko pa! Buti hindi siya nagalit. "Uh... Si Honey, is she really your cousin?" Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin at naroon na naman ang mapaglarong ngisi sa kaniyang labi kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Oo nga." "Ah..." Tumango ako. "Eh, bakit bawal pumasok ang iba rito bukod sa inyong dalawa?" Lumawak ang ngisi niya. "Maarte ang pinsan kong iyon." Hindi ko na lang siya pinansin at namili ng panonoorin sa Netflix niya. Bahala siya kumain mag-isa. Busog pa ako at isa pa, bakit hindi na ang siya magpaakyat ng pagkain niya rito? At teka nga, bakit pa ba ako naririto? "Saan mo ba gustong ipalagay iyang painting mo at nang makaalis na ’ko?" tanong ko. Tumalim a

  • Owner of a lonely heart   Kabanata 28

    Natapos ang one week at napagpasyahan na ng lahat na umuwi na ako sa bahay. Noong una ay ayaw pumayag nina Sky pero wala naman na silang nagawa dahil kailangan kong bumalik sa mga pamilya ko. Napag-usapan nila na bibisitahin na lang nila ako sa bahay kapag may oras sila para bumisita. "Nahanap na ba si Joyce?" dinig kong tanong ni Denise sa mga kaibigan kong nasa likod. Pinaggigitnaan kasi ako ni Sky at Dane. Dito na sumabay sa amin ang tatlong kaibigan at ang iba ay sa isa pang van. "Hindi pa nga, eh. Nanghingi na rin ako ng tulong kina Mommy para mas mahanap natin ang babaeng ’yon," sagot ni Cristel. "Last time, ang sabi niya sa akin ay gusto niyang mag-hike," sabi ni Althea na mukhang hindi na nakatiis. Kanina pa kasi siya nananahimik. "Bundok? Ano namang gagawin niya ro’n?" nagtatakang tan

  • Owner of a lonely heart   Kabanata 27

    Bigla nalang akong umalis at iniwan ko siya roon sa mesa. Ayaw kumalma ng puso ko kaya bumalik muna ako sa cottage. Body shot? Paano kami nagkakilala nang dahil sa body shot? Ganito rin ba ang nangyari noon? Sa beach din ba? Kami ba talagang dalawa ’yong nakita ko kanina habang nakapikit ako? Pakiramdam ko ay nananaginip ako nang gising. Hindi rin sumasakit ang ulo ko gaya ng kadalasang nangyayari sa akin. Siguro dahil hindi ko pinipilit na makaalala ako. Tama nga si Levi, ako lang ang dapat makatuklas ng bagay na ito dahil kung pipilitin ko, baka sa hospital o clinic ako pulutin. Naramdaman kong sumunod sa akin si Levi pero hindi ko siya pinansin. Tahimik lang kami at walang nagbabalak na bumasag ng katahimikan. Nang hindi makatiis ay nagsalita na rin siya. "Is your head aching?" he asked. I shook my head. "Nope." "Well, uh... That

  • Owner of a lonely heart   Kabanata 26

    Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ang pananakit nito. Nakapikit akong umupo sa kama at sumandal sa headboard ng kama. Nang muli akong magmulat ay napasigaw ako nang makita si Levi na nakaupo sa gilid ng kama ko. "You scared me to death, you dumbass!" sigaw ko habang nakahawak pa rin sa dibdib ko. "I’m sorry," he apologized. "Ayaw mo bang lumabas?" Huminga ako ng malalim at napatingin sa veranda ng hotel. Nakabukas ang sliding door doon kaya ramdam ko ang sariwang hangin at alam kong hapon na. Anong oras na rin kasi kami nakabalik sa room namin kaya siguro late na ako nagising. Nananakit ang ulo ko dahil pata bang kulang pa ako sa tulog kahit hindi naman. "What are you doing here?" I asked him. Hindi siya sumagot at sa halip ay tumayo siya bago ako tinalikuran upang pumunta s

  • Owner of a lonely heart   KABANATA 25

    Nang magising ako ay napansin ko ang madilim na kalangitan. Naramdaman ko rin ang lamig ng buong kuwarto kahit pa balot na balot ako sa makapal na comforter. Dahan-dahan akong tumayo at pinatay ang aircon. I turned on the lights. Dumiretso ako sa maleta ko at kumuha roon ng cardigan. I was wearing a sando, so I needed something that could make me feel warm. Pinihit ko ang doorknob at lumabas ng kuwarto. I’m starving. I also bring my phone with me. Nakita kong 4 am na. I almost scream when I saw someone sitting on a couch. May mumunting liwanag na nagmumula sa laptop niya kaya nakilala ko siya agad. Okay, it’s Sky. Nakita kong naka-hang lang ang laptop at kinakalikot niya ang kung ano sa vape. "You didn’t sleep?" I asked and sat beside him. Napatalon siya sa gulat kaya natawa ako. Umusog siya kaunti upang bigyan ako ng espasyo. "Hindi pa ako inaantok," he answered. "Bakit ka nagising?" "Because

DMCA.com Protection Status