Kahit anong pilit kong alisin sa utak ko si Levi, hindi ko magawa. Kusa na lamang siyang pumapasok sa isip ko at naiinis ako!
It's already 7pm. Wala akong pasok ngayon kaya hindi ko pa rin makausap si Aaron kung ano na bang nangyari. Nag-aalala rin kasi kami sa kaniya at baka may problema siya. Hindi siya nag-o-online at hindi rin sumasagot sa mga tawag o texts namin.
Nagsuot lang ako ng croptop na peach at high waisted maong shorts tapos peach flip flop slippers na Nike ang brand. Sa labas nalang ako kakain dahil tinatamad akong mag-luto. Agad kong kinuha ang susi, wallet at phone ko. Pagkarating ko sa malapit na mall ay agad akong bumaba. Meron namang convenient store sa baba ng condo pero mas prefer ko sa isang fast food nalang kumain.
Um-order lang ako ng chicken fillet with fries and coke tapos naghanap na akong ma-uupuan. Napalinga-linga ako sa paligid pero ganoon na lamang ang panlulumo ko nang makitang wala nang bakante.
Badtrip. Dapat pala ay ch-in-eck ko muna kung may bakanteng puwesyo bago ako um-order.
"Gwy?" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nabuhayan ako ng loob nang makita si Jinx. "Wala kang ma-upuan, ’no? Tss. Sabagay, hirap na hirap din kami kanina. Buti na lang may silbi ’yung pagiging guwapo ko."
"Guwapo, my foot." Inirapan ko siya.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Sayang, papa-upuin sana kita sa puwesto namin... Kaso nagtaray ka, huwag na lang. Una na ako, ah?"
Nang-aasar pa niyang tinapik ang balikat ko bago ako tuluyang tinalikuran. Napapikit naman ako at agad siyang sinundan. Nginisian niya ako nang makaupo siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Siya lang mag-isa sa apat-an na table.
"Yes, miss? Do you need anything?" he teasingly asked.
Umupo ako sa tapat niya. "Thank you for letting me sit here."
"Hoy! Umalis ka nga at may nakaupo riyan!" Tumayo siya at hinila ako patayo.
"Ayoko nga! Ang swapang mo naman. Isa ka lang naman dito, ah!"
"May kasama nga ako!"
"Mukha mo! Ayaw mo lang ako paupuin--"
"He’s right. May kasama siya," sabi ng kung sino. Naamoy ko ang pamilyar na amoy ng isang matapang na pabango.
Napataas ang kilay ko nang makitang si Carla pala iyon. Isa sa mga pinsan nila na nakasama rin namin sa Batangas. Don't tell me... nandito rin si Abby?
Someone cleared his throat and then I saw Levi who’s looking at me intensely. His eyes were telling me to moved out from my chair-- No, his chair.
"H-hi..." nahihiyang bati ko. Pinindot-pindot ko ulit ang ilong ko gamit ang makabilang index finger ko dahil sa kabang nararamdaman na hindi ko alam kung saan nanggaling. Duh? Hindi okay yung last na pag-uusap namin ni Levi, 'no!
"See? Ayaw mo kasing maniwala!" pang-aasar ni Jinx. Palibhasa ay alam niyang trip ko ang pinsan niya! Bigla kong naalala ang kasalanan niya sa akin. Ang dahilan kung bakit nagalit sa akin si Levi!
Gusto ko sana siyang kausapin tungkol do’n kaso kasama namin si Levi. Sa susunod na lang siguro kapag naalala ko.
Tumayo ako sa gilid ni Jinx. Tama nga ako dahil umupo si Levi sa kaninang inuupuan ko habang tumabi sa kaniya si Carla. Nakataas pa ang kilay nito sa akin.
I sighed. "C-can I join you? You still have a vacant."
"Sorry, pupunta si Cedric, wala nang bakante," nang-aasar pang sabi ni Jinx.
I glared at him. "Fine! I’ll just ask the guy over there!"
Tinawanan niya lang ako kaya sumimangot ako at tumalikod na. Kainis talaga ’to si Jinx! Talagang hahayaan niya akong makiupo sa lalaking hindi ko kakilala?
"Stop." Nang marinig ko ang boses ng nagsalita ay agad akong napatigil sa paghakbang pero hindi ako lumingon. "Y-you can join us."
"Ano? Levi naman!"
Napaharap ako at nanlalaki ang mga matang napatingin kay Levi. Seryoso lang ang ekspresyon niya habang nakatingin sa akin.
I gasped. "Y-you sure? How about Cedric?"
"He can find a seat himself," he told his cousin without looking at him. He then looked at the vacant chair and stared at me again as if he’s asking if I’m going to sit there.
"Oh... Thanks," I said and sat beside Jinx. I grinned at him while he’s rolling his eyes. I pressed my lips together and got my phone from my pocket.
To: Jinx bobo
Bobo ka. Itabi mo 'ko kay Levi.Tapos tinago ko na ulit at ngumiti kay Levi. Hindi siya ngumiti pabalik. Bagkus ay inirapan niya lang ako at pinagsalikop ang mga daliri niya. Nakita kong binuksan ni Jinx ang phone niya.
"Oh, bakit ka nagtex--" Agad kong kinurot si Jinx sa hita sa ilalim ng mesa. Ang tanga talaga niya p-umick-up!
Napataas ang kilay sa amin ni Levi kaya alanganin akong ngumiti sa kaniya. Tumawa si Jinx at tumingin kay Levi.
"Lev, palit tayo. Ayokong may katabi akong panget." Tumawa pa siya at agad tumayo nang akmang babatukan ko.
Nagtama ang tingin namin ni Levi. Si Carla ay halatang hindi nagugustuhan ang presensya ko. Tahimik lang siyang tumayo pero hindi nakatakas sa paningin ko ang multo ng ngiti sa labi niya. Nang makita akong nakatingin sa kaniya ay muling sumeryoso ang mukha niya, tinaasan pa ako ng kilay. Nag-iwas na lang ako at nagthumbs up kay Jinx.
Kahit papaano pala ay may silbi rin siya.
Narinig kong tinawag na ang number ko kaya agad akong tumayo para kuhanin ang order ko at nagulat ako nang tumayo rin si Levi para sundan ako.
"Why are you following me?" takang tanong ko.
"Am I?" malamig na aniya. Napatitig ako sa kaniya ng ilang segundo dahil parang ang lungkot ng mukha niya ngayon. I mean, lagi naman siyang seryoso pero iba talaga ’yung awra niya ngayon.
Kukuhanin ko na sana ang tray ko nang kuhanin na iyon ni levi at sa isang kamay ay ang isa pang tray.
"T-thanks."
Shit, why am I stuttering?
I felt butterflies in my stomach and my heart was raging like a wild tiger.
"Nakanang! Sweet naman boss Lev! By the way, Cedric is on his way," Jinx told him.
Tinanguan lang siya ni Levi. Nang mailapag nito ang tray ko ay agad kumuha si Jinx ng fries kaya tinampal ko ang kamay niya.
"Damot!" Inambaan niya ako.
"May pagkain ka naman, eh!" I hissed.
"Tinikman ko lang ’yung fries mo! Baka kasi... alam mo na, para ’di ikaw unang mamatay ’pag may lason."
"Whatever." I rolled my eyes and started eating my foods. Gusto ko sanang alukin ai Levi pero kumakain na rin siya.
"Do you want my food?" he asked me when he saw me looking at him.
Agad akong umiwas. "N-no... Uh... Thanks."
Tahimik lang akong kumakain habang yung tatlong mag-pipinsan ay panay ang pag-uusap. Halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil katabi ko si Levi.
"What are your plans for your birthday?" tanong ni Carla kay Lev. Oh, malapit na birthday niya?
"Nothing. Mom and dad would take care of it," he simply answered.
"For sure, formal party na naman ’yun! Request mo na lang magbar tayo, ano? Puwede, kain muna kayo sa labas nina tito tapos party tayo! Rent tayo mg bar. May kakilala naman ako!" pagbibida ni Jinx.
"Hmm... Not bad. I’ll think about it," sagot niya at napatingin sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. "Do you want to come?"
Nasamid ako bigla kaya agad niyang iniabot sa akin ang inumin ko. Mas lalo akong napaubo nang magtama ang mga balat namin. Mabilis akong uminom. Narinig ko ang pekeng pag-ubo ni Jinx.
"Sorry," saad ko nang mahimasmasan na. "Uhm... pag-iisipan ko muna. Busy kasi ako. Thanks for inviting me."
Gusto ko naman talagang sumama. Parang may kung anong tumusok sa puso ko nang may maisip. Hindi maman niya ako maaalalang imbitahan kung wala ako rito, ’di ba? Right. He just invited me because I was here.
"Busy," sarkastikong ulit niya. Kumunot ang noo ko sa kaniya at mag-sasalita na sana nang biglang may dumating.
"Yow, what’s up, madlang people! This is Cedente Ricci Velasquez! A.K.A Cedric! My bestfriend is sitting over there with his future girlfriend in the future!"
Hindi ko napigilang matawa sa huling sinabi. Future girlfriend in the future? Tf. Napapatingin tuloy sa kaniya ang ibang kumakain dito sa lakas ng boses niya.
"Sa sobrang aga mo, par, patapos na kami!" salubong ni Jinx sa kaniya.
Maangas na humila ng upuan si Cedric sa kung saan at umupo sa tabi ni Levi at Jinx.
"Talaga? Buti in-order niyo na ako! Thank you!" parang bata na sabi na naman niya. "Pucha, kanina pa ako umalis ng bahay kaso nakita ko ’yung bestfriend ni Hailey! Pinag-trip-an yata ng tatlong lalaki kaya ayon, napa-away pa ’ko... Pero dahil ako ang pinakamalakas sa buong mundo, wala akong galos. Baka future lawyer ’to."
Napatingin ako sa kaniya. Bestfriend ni Hailey? Si Marga 'yun, ’di ba?
"Si Marga? Anyare?" tanong ni Jinx at inilabas kaagad ang phone. Siguro ibabalita niya kay Luis.
"Oo, Marga! Iyak nga nang iyak, eh. Sabi niya kung saan saan siya hinawakan nung tatlo kaya ayun, sinuntok ko sa mukha, mukha silang tanga! Wow, rhyme!" Halos mandiri ang mukha ko hahabg nakatingin sa kaniya dahil tumatalsik pa ang mga pagkaing nasa bunganga niya.
"Can you please slow down? Tumatalsik na ang kinakain mo," saway ko. I really hate it when someone’s talking while their mouth is full.
"Waaah! Papa Lev, niaaway ako!" sumbong niya sa kaibigan.
Akala ko ay sasawayin niya si Cedric pero nadismaya ako nang gatungan niya pa.
"Stop fighting with him," saway niya sa akin.
"Psh. Isip-bata."
"You’re Gwy, right?" aniya at nanlalaki ang mga matang tumingin kay Levi. "Woah! Gwy? ’Di ba, sabi mo crush mo si Gwy? Yiiee, katabi niya si cru---" hindi naituloy ni Cedric ang sasabihin dahil sinalpakan ni Levi ng burger ang bunganga niya.
Hindi ako nakapagsalita at gulat lang na nakatingin kay Levi. Crush? Shet. Bakit ako kinikilig?
"Luh, may kinikilig!" pang-aasar ni Jinx. "Naniwala ka naman! ’Kala mo kumain ng sili sa sobrang pula, eh. Naku, aasa na ’yan, Ced."
Sinamaan ko ng tingin si Levi. Tumikhim si Levi kaya nagpigil siya ng tawa. Napahugot ako ng hininga nang mariin akong tinginan ni Levi at bigla siyang ngumisi.
"He was just joking. Always note the sarcasm," he told me and winked at me.
Mommy huhuhuhu!!
Ay, wala nga pala akong mommy.
Nang matapos kaming kumain ay agad na akong tumayo para umuwi na kahit gusto ko pa makasama sila Lev. Pero pass na talaga, may girlfriend, eh! Bigla ay naisip ko kung okay na ba sila ng girlfriend niya.
"Lev, uwi na kami ni Carla. Pinapauwi na ni Carl." Bumaling siya sa akin. "Ikaw? May kasama ka bang umuwi? Anong oras na, eh.."
Namilog ang mga mata ko. "Naks, bait, ah?"
Sinamaan niya ako ng tingin. "Ano nga? Dalian mo, sayang oras ko."
Ngumiti ako. "Uuwi na rin siguro ako. I’m with my baby naman."
"Baby?" Levi repeated with his baritone voice. I gasped. Damn, I almost thought that he’s calling me!
"Awts, may baby! Baka bukas, magwala na naman--"
"Shut up," seryoso at nag-iigting ang panga na sabi ni Levi. Napatakip si Cedric sa bibig niya at nagpigil ng tawa.
"Sige, una na kami, may kotse ka naman pala," sabi ni Jinx at nakipagfist bump sa dalawa habang binatukan lang ako at tumakbo palayo
"Oh, so baby is your car?" tanong ni Levi.
Napaatras ako ng bahagya dahil napagtanto kong masiyado siyang malapit. "Uh... Yep."
"Ayun naman pala! Sama ka muna sa amin ni Lev, manonood kami sine!"
"What?" Levi’s brows furrowed.
"Trust me." Cedric winked at his bestftiend.
Napatingin ako kay Levi at mukhang hinihintay niya rin ang sagot ko. "Hindi na... nakakahiya naman."
"Sus! Huwag ka nang mahiya, libre ni Levi!" sabi ni Cesric at binunggo si Levi na para bang inuutusan itong alukin ako na sumama.
Tila hinihigop ako ng titig ni Levi. Pakiramdam ko rin ay hindi naman niya ako gustong kasama kaya nahihiya akong ngumiti.
"H-hindi na... May gagawin din kasi ako at... Ayon, salamat na lang." Ngumiti ako.
"Sumama ka na," saad ni Levi kaya natigilan ako at nagugulat na tumingin sa kaniya. Huminga ako ng malalim bago tumango..
"S-sige..."
"Yown! Tara!" Naunang maglakad si Cedric at sumunod naman si Levi na nakapamulsa kaya wala akong nagawa kung hindi ang sabayan siya. Napatingin ako sa phone ko nang may magtext.
From: Jinx bobo
Tandaan, wag mag-a-assume para hindi masaktan! Wag papahuli sa jowa! hahahahaNapairap nalang ako sa nabasa. Ang dami niyang alam.
"Stop using your phone when we’re together." Napatingin ako kay Levi at agad binaba ang phone ko.
"Ano papanoorin?" excited na tanong ni Cedric. "Ay, eto! End game na lang kahit napanood ko na! Hindi pa kasi napapanood ’to ni Levi. Puro about law ’yung pinapanood niya, eh! Nakakasawa na kaya."
Tinanong niya pa si Levi, siya rin pala ang pipili. Nag-agree nalang kami ni Levi dahil baka umiyak siya kapag hindi kami pumayag. 20 minutes pa bago mag-i-start ang palabas. Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Levi.
"Saan kayo? Hoy, huwag niyo akong iwan! Mas masarap magcheck-in kapag midnight---" Hindi na namin gaanong narinig ang boses ni Cedric dahil nakalayo na kami at nangibabaw na ang boses ibang tao.
"Huy! Saan tayo pupunta?" tanong ko pero hindi siya nagsalita. "Oy, saan ba tayo pupunta? Iiwan natin si Cedric? Kawawa naman ’yung bata mo, walang kasama---"
"How about me? Kung babalik ka sa kaniya, sinong kasama ko?"
Natigilan ako sa tanong niya at napatitig sa kaniya pero nag-iwas siya ng tingin. Kumabog ang dibdib ko.
"M-malaki ka naman na..." mahinang sabi ko, nag-iingat.
"So as Cedric. Isip-bata lang ’yon pero matanda na ’yon." Tinulak niya ako ng mahina at huminto kami sa department store. Bakit kami nandito? Nandito na kami sa may tapat ng mga jackets, hoodies, longsleeves, leggins, pants.
"What are we doing here?" I asked.
"Too short. You’ll catch a cold." Nginuso niya ang damit ko kaya napatingin ako ngunit agad ring napangisi. Protective much, Levi?
"I didn’t know na protective ka pala," I commented.
Tumikhim siya at inirapan ako pero ngumisi lang ako at kumuha na ng peach na longsleeves at skinny jeans para bumagay sa flipflops ko.
"Baka lang lamigin ka."
Ngumti lang ako. Whatever your reasons are, Levi, papaniwalaan ko ang gusto kong paniwalaan.
"I’m not forcing you to wear it. I was just worried you might get cold," he told me.
Nilabas ko ang wallet ko para magbayad pero binigay na niya agad ang card niya sa babaeng nasa counter.
"Wear it," aniya at tinulak pa ako sa may fitting room. Tinanggal ko muna ang tag bago isinuot iyon. Pinasadahan niya ako ng tingin nago ngumisi. "Let’s go."
"So... How do I look?" nakangiting tanong ko.
He crossed his arms and observed me. Naniningkit ang mga mata niya habang sinusurin ako. "You look nice."
"Thanks!" I smiled and went beside him as we started walking.
"Levi?" I called when I remember something.
"Hmm?"
"Do you mind if I ask you about your relationship with Hailey? Uh... Okay na ba kayo? You don’t look okay today," maingat pa rin na sambit ko.
Naghanda na ako sa galit niyang boses pero mahina lang siyang tumawa.
"We broke up," maikling sagot niya kaya napalingon ako agad sa kaniya.
"What? Why?" gulat pa ring tanong ko. Wala na sila?
Sa sinabi niyang iyon ay hindi ko maintindihan kung ano ang dapat kong maramdaman. Kung dapat ba akong maging masaya o maging malungkot. Sa kabila no’n ay nakaramdam ako ng guilt. Baka lalong nasira ang relasyon nila dahil sa akin.
"I told you, it’s because of you." Magsasalita sana ako pero itinapat niya ang index fingr niya sa labi ko. Naitikom ko ang aking labi at hindi na lang nagsalita.
Pagkarating namin ay bumili muna kami ng popcorn bago hinanap ang upuan namin. Hindi pa nag-i-start pero madilim na. Sinusundan ko ang maliit na ilaw sa may hagdan nang biglang....
"Fuck!" bulalas ko nang matisod ako sa hagdan at madapa. Ba't lagi ako nahuhulog sa hagdan? Ang masaklap pa ay parating sa harap ni Levi!
Dinig ko ang tawanan ng iba na
malapit sa amin. Lalo akong napasimangot nang marinig ang tawa ni Levi habang tinutulungan akong tumayo."Clumsy," puna niya. Nagpagpag naman ako ng puwetan ko.
"Nakakainis ’yung hagdan!" Hinihimas ko pa rin ang tuhod ko at siko.
"Buti at nandito na kayo! Hmmp! Puwede naman kayong magsabi sa akin kung gusto niyong magdate. I don’t mind nama--"
"Ingay," sabi ni Levi sabay lagay sa bunganga ni Cedric ng maraming popcorn. Kawawang Cedric, kung ano-ano na ang natatanggap ng bunganga niyang maingay.
Pinag-gigitnaan ako ni Cedric at Levi. Sa kanan, maingay at sa kaliwa ay puro paghinga lang ni Levi ang naririnig ko. Ilang sandali lang ay nakasundo ko rin si Cedric dahil nagku-kuwentu-han kami.
"Ay, oo! Iyak ako nang iyak diyan kasi namatay si Iron man! Badtrip ’yun. Halos sapakin ko pinsan ko nung nanood kami!" kuwento ni Cedric.
"Shh!" saway ng ibang nakarinig na masama na ang tingin sa amin.
"Gagi, huwag kang maingay!" Binatukan ko pa siya. Oh, 'di ba, close na kami?
Ilang beses pa nga kaming nasaway pero hindi namin pinapansin.
Kinapa ko ang popcorn na sa gitna ng hita ni Levi nakalagay habang nakikipag-usap ako kay Cedric.
"Baka iba ang makapa mo, tumingin ka."
Pakiramdam ko ay ang init ng buong mukha ko at pulang pula ako dahil sa sinabi ni Levi! Tiningnan ko si Cedric pero mukhang wala siyang narinig.
Nang matapos ay nauna na si Cedric dahil pinapauwi na raw siya ng mama niya.
"Uh... Thank for tonight. Nag-enjoy ako," nakangiting sabi ko. "Uuwi na ako."
"Hatid na kita," aniya.
"Eh? I have my car," pagdadahilan ko. Ayoko kasing mahirapan siya, malayo rito ang school niya at ang school niya ay sigurado akong malapit lang din sa bahay nila.
"Hindi ka ba puwedeng ihatid kahit may kotse ka?"
Sabi ko nga, hindi ako mananalo sa kaniya. Mag-aabogado 'yan, eh, anong laban ko?
Ako ang naunang magmaneho at nakasunod lang siya sa akin. Naiilang akong magdrive nito, eh! Na-co-conscious kasi ako and I don't fucking know why. Sakto lang ang bilis ng pagpapatakbo ko para makasunod siya sa akin.
Nang makarating na sa tapat ng condo ko ay bumaba ako at hinintay siyang bumaba. Pinanood ko siyang maglakad papalapit sa akin habang nasa bulsa ang parehong mga kamay.
"Thank you. Ingat pauwi," sabi ko at kinawayan siya.
Tumingin lang siya sa akin ng matagal bago nagsalita. "It’s always because of you, Gwy."
At naiwan akong tulala sa kawalan.
Ilang araw na akong napupuyat kaka-pinta para sa nalalapit na birthday ni Levi. Ewan ko! Wala kasi akong ibang maisip na regalo kaya eto ako at sinusubukang ipinta ang itsura niya noon sa Batangas. Sobrang stress ako dahil malapit na rin ang exams. Bakit kasi nagsabay pa ang birthday niya at exams?
Magaganap ang birthday niya dalawang araw bago ang exam ayon kay Jinx pabida. Next next week pa naman ang exam kaya marami akong oras para magreview.
Ni wala na akong oras para makapag-online sa sobrang busy ko. Sa school ay hindi ko na rin halos makausap ang mga tropa ko dahil palagi akong patagong natutulog habang nagdi-discuss ang prof. Busy rin masyado sila Denise at hindi ko alam kung anong pinagkakaabahalan nila. Hindi ko pa nga natatanong si Aaron kung bakit siya nagmamadali at um-absent nung nakaraang araw.
Bakit ko nga ba pinaghahandaan 'to? Shet, nababaliw na ako. Simula nung nagsine kami ay mas lalo yata akong hindi tinigilan ni Levi. Palagi niyang pinapasok ang isip ko nang walang paalam.
Tinitigan ko ang natapos kong pinta. Perfect! Pwede na siguro ’to? Napangiti ako dahil kaparehong-kapareho nito ang nangyari sa Batangas. Kamukhang-kamukha niya ang ipininta kong lalaki na nakahiga sa isang table habang may lemon sa bibig at ako ay nakatalikod at ninanamnam ang abs niya.
Sana magustuhan niya!
Maingat ko itong itinabi at nilagyan ng plastic cover. P-in-icture-an ko rin muna bago ako naglinis ng mga kalat ko at naglampaso dahil ang daming nag-kalat na paint sa floor.
"Stress na stress, ah? Tumabi sa akin si Luis habang nakaupo ako rito sa may bench at nagbabasa ng reviewer ko.
"Sobra. Hell week, p’re." Napailing pa ako. Naalala ko yung sinabi ni Levi sa akin nung pagtapos naming manood ng sine. "Luis... Paano kapag... uhm... Kasi ganito, t-in-ext nila Cristel ’yung number nung pinsan ni Jinx--'
"Si Levi?"
"Oo," I answered. "Tapos ano... Akala namin number ni Levi ’yung binigay ni Jinx pero sa gf pala ni Levi! Kaya ayun, nagalita sa akin tapos naghiwalay yata sila because of me."
Mahina siyang tumawa. "Lagot ka! Paano na ’yan? Tss. Alam kong malandi ka pero huwag naman sa may jowa, Gwy."
Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas. "Alam mo, pareho kayo ni Jinx na walang kuwenta. Ano ka? Iniwasan ko namam nung nalaman kong may jowa. Tsaka sinabi ko naman na hindi ko alam na sa gf niya ’yung number and sila Cristel ang nagtext, hindi ako!"
"Sure ka bang ayun lang dahilan?" makahulugang tanong niya kaya kumunot ang noo ko.
"Of course. Sabi niya kasi it’s always because of me raw. So it means, sinisisi niya ako sa paghihiwalay nila." Napanguso ako..
Ginulo niya ang buhok at tumayo. "Mamamatay ka na sa tingin ni Marga."
Tumawa siya bago umalis at lumapit kay Marga na masama ang tingin sa akin. Nag-iwas na lang ako ng tingin para wala ng gulo.
Pumunta na lang ako sa kainan ng street foods at nakitang nandoon ang mga kaibigan ko. Binati nila ako at agad akong bumili ng pagkain ko.
"Mukhang stress na stress, ah?" bungad ni Adrian. Grabe, kanina pa nila ako napupuna. Halata bang stress ako?
"Stress talaga. ’Nga pala, nakausap mo na ba si Aaron? Baka bumagsak na siya dahil ilang araw na siyang hindi pumapasok."
"Oo. May problema lang si Aaron kaya hindi makapasok." Nginitian niya ako at ginulo ang aking buhok. "Huwag ka nang mag-alala, everything will be okay."
Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa katagang "Everything will be okay." Parang nawalan na akong ganang maniwala dahil sa ilang beses kong narinig ’yan, parang wala pa ring nangyayari.
Alam kong magiging okay amg lahat pero kailan pa? I need a fucking exact date.
"Anyway, kamusta na pala ’yung lalaking sumundo sa ’yo sa bahay last week?" tanong ni Cristel kay Nicole.
"Wala na! Gh-in-ost ko na ’yung panget na ’yon!"
"Laiterang ghoster!" sigaw namin kay Nicole pero inirapan niya lang kami at nagptuloy sa pag-kain.
Laiterang ghoster talaga!
"Oh, ikaw, Denise? Sino ’yung kasama mo nung kailan sa Hospital?" tanong ni Joyce.
"Hoy, issue ka?" nakasimangot na pahayag sa kaniya ni Denise.
"Bet tayo ulit!" pauso ni Nicole.
"Ano na naman ’yan, Nics?" tanong ni Denise.
Agad akong tumanggi. "Pass ’pag paramihan. May lalandiin ako."
"May jowa ’yun, eh!" Sinabunutan ako ni Joyce kaya hinampas ko ang kamay niya.
"Bobo, wala na! Break na sila!"
Inayos ko ang buhok ko."Gan’to... Kung sino unang pumasok sa atin sa serious relationship, manlilibre samgyup!" walang kwentang pauso na naman ni Nicole.
"Ay, talo na agad si Gwy niyan, sure ako!" nakangising sabi ni Jinx. "Mukhang hulog na hulog na, eh! Simpleng gesture ni pinsan, tulo na laway niyan! Sabi ko nga magwork out muna siyabtapos magpaganda. Ang pangit kasi-- Aray ko, puta!" Binato ko sa kaniya ’yung stick ng kinakain ko at tumama sa pisngi niya.
Akmang babatuhin niya ako ng maliit na bato kaya agad akong tumakbo at nagpaalam na sa mga kaibigan ko. Mabilis dumaan ang mga araw at namalayan ko na lang na October na.
Sa mga araw na dumaan ay ang dami kong ginawa. Bumili ako ng mga bagong gamit sa condo at nag-grocery na rin ako.
Kasalukuyang tumutugtog ngayon ang kanta ng LANY na Super far habang naglilinis ako ng kwarto ko. Na-trip-an kong maglinis ng kwarto dahil kakatapos ko lang magreview. Second week ng October ang start ng exam namin. Sa pagkakatanda ko ay October 12 ang birthday ni Levi. Mas trip kong maglinis ng gabi para deretso linis ng katawan at tulog.
Humiga ako sa kama ko nang matapos. Ito na naman. Nanginginig na naman ako at hindi na naman maayos ang pag-hinga ko. Para rin akong nagpa-palpitate sa lakas ng tibok ng puso ko. I reached my side table and get my bottle of anxiety medication that my therapist had prescribed me.
Namalayan ko nalang na umiiyak na naman ako. Ugh, I hate this feeling. Hindi ko maintindihan ang ganitong pakiramdam. Like, okay naman lahat pero yung utak ko mismo, sinasabing hindi okay. Kailangan kong libangin ang sarili ko.
Nagpalit lang ako ng simpleng t-shirt at jersey shorts bago lumabas para pumunta sa isang coffee shop. Gusto ko kasi ang ambiance sa coffee shop na malapit dito sa may condo ko.
"Good evening, ma’am! What’s your order?"
It's already 12AM pero ganadong-ganado pa rin ang boses niya kaya nahawa na lang din ako sa ngiti niya.
"One slice of red velvet cake and uhm... Just water," nakangiting sagot ko at naghanap na ng mauupuan.
Nag-online ako ng i*******m nang may magpop up na message sa messenger.
empi (Nicole): Hi, guys. Wala ba tayong lalaitin?
gin (Denise): HAHAHAHAHAHAHAHA wala pa @Cristel Javier wala bang tea
alfonso (Althea): #source
Natawa ako sa mga pinag-cha-chat nila. Okay yung nickname, 'di ba? Ang co-corny. Ewan ko ba kung ba't ganiyan mga nicknames namin.
Nagreply ako.
bacardi (Ako): Mga tanga. Ba't gising pa kayo?
empi: Kasi di pa kami tulog?
bacardi: Corny mo.
alfonso: ’Di na kayo busy?
gin: May ginagawa pa ako. Pinapahinga ko lang saglit utak ko.
bacardi: Wow, may utak. Sana all!
alfonso: Tulog na 'ko, guys. Kayo rin mga tanga! Malapit na exams namin, kayo ba?
gin: Next week na.
Luh? Weh? Seryoso? Ba’t ’di ko alam? Psh, badtrip naman!
empi: Where’s joyce? Tulog na? Balita ko ’di uso tulog sa kaniya.
Magre-reply na sana ako nang dumating na ang order ko kaya nilapag ko ang phone ko. Nanlaki ang mata ko at nawala naman ang ngiti niya nang magtama ang paningin namin.
"Gwy? Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong niya at parang kinakabahan. Nagugulat kong pinasadahan ng tingin ang suot niya. Nakasuot siya ng itim na apron at puting t-shirt ang panloob. Mayroon din siyang suot na hairnet.
"Hindi ba’t dapat ako ang magtanong niyan? What are you doing here?" balik na tanong ko sa kaniya kahit pa gulat pa rin ako.
"Working?" sarkastikong sabi niya.
Binatukan ko siya. "I thought you were busy sa school works mo? And kailan ka pa nahkatrabaho? Bakit hindi ka nagsasabi? O sadyang ’di lang ako madalas mag-open sa gc? Hindi mo naman kailamgang magtrabaho. You know, we can help you."
Nilapag niya muna ang order ko. "Ang daldal mong letse ka."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Gaga! Tara nga rito at maupo ka. Magkuwentu-han muna tayo."
Umiling siya. "Nandito ako para magtrabaho, Gwy... Hindi para makipagkuwentu-han sa customer."
Inirapan ko siya. "Customer, huh? Wala naman masiyadong tao... Is it not allowed? Or do you want me to talk to your manager?"
"Fine. Saglit lang." She sighed at umupo na sa harap ko. Halata sa mukha niya na hindi niya gustong makita ako rito. Wow! ’Yung ganito kagandang mukha, ayaw niyang makita? Anong klaseng kaibigan siya? "Ano na?"
"Bakit ka nag-ta-trabaho?" tanong ko.
"Para may pera?" sarkastikong sabi niya ulit sa akin kaya binatukan ko siya ng malakas. "Aray!"
"Umayos ka nga, babatukan kita!" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Binatukan mo na nga, ’di ba?" sarkastikong sabi niya pa rin.
Geez, kahit talaga ilang years ko na siyang kaibigan, ang hirap pa rin niyang basahin. She's a secretive type of person.
"Hindi ka ba napapagod? Stressed ka na sa school tapos you’re working pa. Next week na rin ang exams sabi ni Denise," nag-aalalang saad ko.
Nag-aalala kasi ako sa puwedeng mangyari sa kaniya. Baka mamaya ay magakasakit pa siya sa sobrang stress at pagod. Somehow, nakakaproud siya. Feeling ko, hindi ko kakayaning magtrabaho habang nag-aaral tapos naaapektuhan pa ’yung mental health ko.
Mapait siyang natawa. "Napapagod, siyempre. Pero wala naman akong choice, eh."
Napabuntong-hininga ako. Ilang beses na kaming nag-offer sa kaniya ng tulong pero ayaw niyang tanggapin dahil masyado na raw kaming maraming natutulong sa kan'iya.
Nakita kong ibinuka niya ang bibig niya, mukhang may itatanong nang sabay kaming mapalingon ni Joyce sa lalaking kakapasok lang. He seems drunk because of his expression. Mapungay din ang mga mata niya.
"Good morning, peoples!"
Huh? Peoples? May word ba na peoples? People lang, 'di ba?
Napatingin ako kay Joyce nang bumuntong-hininga siya. "Eto na naman siya."
"You known him?" I asked at naglaro ang mapanlokong ngisi sa labi ko.
"No," sagot niya at tumayo na. "Usap na lang tayo mamaya."
Akmang tatalikod na siya nang muli siyang magsalita. "Uh... Gwy."
Mukhang may gusto siyang sabihin kaya itinaas ko ang kilay ko sa kaniya para iparating na ituloy niya ang nais niyang sambitin.
"Puwedeng huwag mo munang ipaalam sa iba ang trabaho ko rito? Sa atin na lang muna," pakiusap niya.
"Why?"
"Alam mong magagalit sila Nicole sa akin kapag nalaman nilang nag-ta-trabaho ako. Alam mo namang ayaw nilang in-i-stres ko ang sarili ko. Sa ngayon, sa atin na lang muna."
"All right, but promise ma na sasabihin mo rin sa kanila, okay? I don’t want them to get mad at me, too." Tumango siya at nagpasalamat bago nilapitan iyong lalaking maingay.
Napangisi na lang ako. Ilang minuto kong tinapos ang pagkain ko. Mabuti na lang at medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil nalibang na ako.
Nakakatawang kailangan pa nating libangin ang sarili natin para lang makatakas sa lungkot.
Tumayo na ako at nagpaalam muna kay Joyce na kausap iyong lalaking maingay. Lumabas na ako at akmang sasakay na sa sasakyan ko nang may mapansin ako.
Jinx!
Anong oras na, ah? Bakit nandito pa siya at anong ginagawa niya riyan sa may poste? Tatawagin ko sana siya nang makita ko ang isang babae na naglakad palapit sa kaniya. Hindi sila ganoon kalayo sa akin kaya nakita ko ang itsura ng babae. Namilog ang mga mata ko nang hawakan ni Jinx ang babae sa baywang nito.
Ay, lumalandi sa dis oras ng gabi, ah? Sana all!
Bukas ko na nga lang siya kakausapin tungkol sa number ni Hailey. Umalis na lang ako roon at pagkarating sa condo ay agad akong nakatulog.
Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya nakapagprepare ako ng breakfast ko. Naligo muna ako at pagkatapos ay kinain ko na ang breakfast ko. Matapos kumain ay nagtoothbrush ako. Ch-in-eck ko muna ang bag ko kung nandoon na ang mga reviewer ko.
Nang makitang nandoon nga ay umalis na ako. Nang maka-park ay huminga muna ako ng malalim bago lumabas. Pumasok na kaya si Aaron? Sana.
Matalas na tingin agad ni Marga ang bumati sa akin nang makapasok sa room. Inilibot ko ang aking paningin at napangiti nang makita si Aaron na nakayuko sa desk niya. Agad akong umupo sa tabi niya at kinalabit siya.
"Hey," I called him.
Nag-angat siya ng tingin. Nakita ko kaagad ang itim sa ilalim ng mga mata niya.
"You know that I’m always here whenever you’re feeling down, right?" I told him.
He gave me a small smile. There’s something in his eyes. "Thank you."
"I’m not gonna ask you about your problems but don’t be shy to hit me up!" Tinapik ko ang balikat niya.
"Ako rin, Gwy. Nandito lang ako para sa ’yo." Seryoso lang siyan nakatingin sa akin habang sinasabi ’yon kaya medyo nailang ako. Ngumiti na lang ako at tumingin na sa harap.
Hay, Aaron... Naguguluhan ako sa mga ikinikilos mo nitong mga nakaraan.
Akala ko ay tapos na ang pag-uusap namin nang magsalita siya.
"I wonder why... Why do you always feel lonely even if you’re not?"
I stared at him and smiled. "Because there are monsters I tried to drown. Sadly, they know how to swim. But somehow... being alone doesn’t make me sad because in isolation, sometimes, I found peace."
"Birthday na bukas ng bebe mo, ah?" sabi sa kin ni Althea na kumakain ng fries. Nandito ulit kami sa kainan ng street foods. "Oo nga. Invited ba kayo? Sa bar gaganapin," sagot ko. Nagtext kasi sa akin kahapon si Jinx at in-inform ako na sa bar nga gaganapin. Simabi niya rin kung saang bar. Buti naman at hindi ganoon kalayo iyon. "Nope. Hindi naman kami i-close para imbitahan niya. Pero sana naman i-invite niya kami, ’no? Ayaw niya ba i-close ’yung mga kaibigan ng future asawa niya?" tuloy-tuloy na sabi ni Cristel. Nabilaukan siya sa dami niyang sinasabi kaya inagawa niya ang ni Nicole. "Future asawa, ampota. May girlfriend ’yun, ’di ba?" takang tanong ni Nicole. Umirap ako. "They broke up. Nasabi ko na sa inyo last time, ah! Tska nung sila pa, umiiwas naman ako."
"H-huh?" takang tanong ko kay Aaron at humiwalay sa pagkakayakap niya sa akin. "I mean... You’re my friend and I am home when I’m with my friends." Ngumiti siya at pinunasan ang luha niya. "Pucha, nababading na naman ako." Tumingkayad naman ako para maakbayan ko siya. "Hindi nakababawas ng pagkalalaki ang pag-iyak. Basta here lang ako." "Drama natin, sis," sabi niya kaya natawa na lang din ako. Nilibre ko na lang siya ng street foods bago umuwi. Hinatid pa nga niya ako kahit pa may sasakyan naman akong dala. Pagkapasok ko ng room kinabukasan ay hindi ako pinansin ni Marga kaya hinayaan ko na lang siya. Pabor naman sa 'kin. Ilang araw ang dumaan at parang nabunutan kami lahat ng tinik nang matapos na ang exam. Na-kuwento pa sa amin ni Cristel na nahimatay si Joyce noong unang araw ng exam.
Magkasama kami ngayon ni Luis at kumakain kami ng street foods. Niyaya ko siya noong nakita ko siya kanina sa may soccer field. Mukha siyang malungkot, eh. "Hoy, ano? Okay ka pa ba?" Siniko ko siya ng mahina. Ngumiti siya. "Of course. Hindi lang talaga kami okay ngayon ni Marga. Nahihiya siguro siya sa akin dahil sa nangyari sa kaniya." Napatango naman ako sa sinabi niya. "Intindihin mo na lang. Alam mo nqmang conservative si Marga saka nakaka-trauma naman talaga kapag nabastos ka. Hindi ko talaga ma-gets kung bakit may nambabastos. Tigang na tigang ba sila?" Kanina pa ako napapabuntong-hininga dahil ang tahimik niya. Hindi ako sanay na tahimik siya, eh. Pabalik kami sa soccer field ngayon dahil nandoon ang bag namin pareho. Iniwan kasi namin nbago kami pumunta riro. Malakas ang loob namin dahil may cctv naman doon.
Bago ko pa mahatak sa buhok ’yong babae parabilayo siya ay naitulak na siya ni Levi. "What the hell, Pia?" Kunot na kunot ang noo ni Levi at panay ang mariing punas sa labi niya. Pakiramdam ko anytime mapupunit na, eh! "Sorry, dare lang," nakangising sabi ng babae tapos bigla siya napatingin sa akin. "Girlfriend? Sorry." "Dare?" Levi uttered and chuckled sarcastically. "You kissed me without my consent because of a fucking dare?" Pia laughed. "What? It’s just a kiss! As if you’re still a virgin." Umigting ang panga ni Levi. Tumingin siya sa gilid niya bago ibinalik ang seryosong tingin kay Pia. Huminga siya nang malalim. "It is considered as sexual assault. What kind of a woman are you?" He gulped. "When a girl kissed a man without his consent, it’s okay? But when a man kissed a woman without her consent, it’s sexual
Panay ang pagbuntong-hininga ko at pag-irap habang papunta ako sa mansion ng mga Gabriel. Tinawagan ako ni ate Mel, pinapupunta daw ako ni tita. Siguro kakausapin ako about sa pagditch ko ng class. Ilang araw na lumipas pero ngayon pa lang nila ako kakausapin. Sabagay, ngayon lang siguro sila nagkaroon ng oras para alamin kung nabubuhay pa ba ’ko. "Good afternoon, Miss Hope," magalang na bati sa akin ng mga maid pagkapasok ko. Kakatapos lang ng klase. As usual, hinatid ako rito ni Levi. Suot ko pa rin ang uniform ko. Si Aaron ay nang-asar pa kanina at g-in-oodluck pa ako. "Hi, Couz! Sino ’yong naghatid sa ’yo? Boyfriend?" Napairap ako nang bumungad sa akin si Paris. "Chismosa ka?" Inirapan ko siya. "Susumbong kita! Nagditch ka na nga ng class tapos may boyfriend ka pa! Siguro siya ang dahilan kung bakit ka nagcutting! Aral muna bago landi, oy!
I’m wearing a black halter top partnered with brown cargo pants and black high cut shoes. I also put black scarf on my hair. Maganda naman ang kulay ng buhok ko kaya bumagay siya sa black scarf. Nagtira rin ako ng iilang hibla sa harapan para mas maayos. Naglagay ako sa maliit kong bag ng black jacket crop top, extra crop tops and shirt, extra pants and flipflops. Nandoon na rin lahat ng kaartehan ko sa mukha. Napasimangot ako nang maalalang marami pa nga pala akong gawain na ipapasa next week. Whatever, it’s weekend kaya dapt pahinga muna. "Good morning!" nakangiting bati ko kay Levi pagkababa ko ng condo. Sinabihan ko kasi siya na ako na lang ang bababa. Well, magsho-shopping muna kami tapos deretso roadtrip na. "Morning," he greeted. Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya at may kung anong kiliti na naman akong naramdaman sa tiyan ko. Para kaming couple! Ang cute! He’s wearin
Isang linggo na ang dumaan noong nagdate kami ni Levi. Ginugol ko lang ang sarili ko sa pag-gawa ng mga school works. Naipasa ko na ang lahat ng gawain kaya nabawasan na ang pagka-stress ko. Wala namang ganap sa amin ni Levi. Normal pa rin naman ang turingan namin. Char! Para kaming mag M.U, I guess? Well, alam ko naman sa sarili kong mahal ko na siya. Yes, mahal. It’s just that... hindi ko pa sigurado kung ito na ba yung tamang oras para sagutin ko na siya. Seryoso ba talaga siya sa akin? Parang masiyadong mabilis. Magiging busy na naman kami this week dahil sinabi sa school namin ang tungkol sa foundation week. Stress na naman kami mga estudyante no’n sigurado. May mga booths doon. Ang saya ng college namin, ’di ba? Kila Althea kasi ay wala daw mga ganoon sa kanila.May mga events pero wala silang foundation week. Kaya nga nag-uusap na sila kung mag-di-ditch ba si Althea para makasama sa amin.&nbs
"Usog mo pa kaunti," sabi ko na agad namang sinunod ni Aaron. "Ayan, ayan. Okay na!" Nagpagpag siya at bumaba sa upuan. Namumuo ang butil ng pawis sa noo nito kaya binigyan ko siya ng panyo. Agad naman niyang kinuha iyon at ipinunas sa pawis niya. Nakapamaywang kong pinagmasdan ang buong paligid. "Parang may kulang pa, eh..." I sighed. "Huh? Maganda naman na, eh? Parang wala nang kulang." Sinuri rin ni Aaron ang paligid. Inaayos namin ngayon ang mini museum booth namin. Ito kasi ang naisip ko. May mga artworks din na puwede nilang bilhin sa murang halaga lang. Kasama ko si Aaron sa pag-de-design ng booth dahil ang iba naming ka-grupo ay tapos na sa mga inatas kong gawain nila. "Okay na ’yan, bahala na. Napapagod na ako, eh." I shrugged. He pursed his lips. "Ang perfectionist mo. By the way, sabay na tayo pumunta kina Luis mamaya." Tumango ako. "Sige. Sun
Napangiti ako habang pinagmamasdan sina Marga at Luis na magkahawak ang kamay habang kinakausap ang wedding planner nila. Tatlong buwan na ang lumipas at last week lang ay nag-propose na si Luis kay Marga. Kinuntsaba niya pa nga ako. Ngayon ay pinaghahandaan na nila kaagad ang kasal nila pero alam ko ay next year pa magaganap dahil gusto nila bongga. Marriage... Isa iyon sa pangarap ng mga babae. Hindi lahat, pero maraming babae ang nais maranasang ikasal. Ako? Isang tao lang naman ang nakikita ko noon na kasama ko palapit sa altar pero alam kong imposibleng mangyari ’yon dahil... Tapos na. Tapos na kami, dahilan kung bakit hindi ko na makita ang sarili kong nakasuot ng puting gown at naglalakad palapit sa taong mahal ko. "Thank you po," nakangiting sabi ni Marga sa wedding planner nila at hinatid ito sa labas dahil n
"Huy! Tulala ka na naman diyan!" panggugulat sa akin ni Cristel. Napabuntong-hininga ako at inilapag ang inumin sa may sink. Nandito ang mga kaibigan ko ngayon sa bahay. Hinayaan ko na lang din sila dahil nakokonsensya na ako sa ginagawa kong pag-iwas sa kanila. Kami lang ni Cristel ang nandito sa kusina dahil gumagawa kami ng nachos. As usual, hindi mawawala ang paggawa niya ng iced coffee. Si Nicole at Joyce na naman ang kulang. Si Joyce ay hindi raw nila alam kung nasaan. Magta-tatlong buwan na raw'ng wala si Joyce. Matagal na rin daw iyong pinahahanap pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Hanggang ngayon tuloy ay hindi ako mapakali kaiisip sa babaeng ’yon. Si Nicole ay nasa ibang bansa pa rin at hindi ko pa siya nakakausap ulit. Ilang years ba kasi ang kakailanganin bago maging Doctor? Mag-iilang taon na rin siya roon, ah? Wala rin kaming boys na kasama dahil hindi ako pumay
Nararamdaman ko nga na talagang may koneksiyon ako sa kaniya at tama ang hinala kong isa siya sa mga nakaraan ko. Pero bakit nakaraan ko na siya? Bakit hindi na kasalukuyan? "I want to know more about... us," halos pabulong na saad ko. Seryoso ang mga tingin niya sa akin. "What about us?" "Paano naging tayo?"" "Nanligaw ako at sinagot mo ako." Napairap ako sa agarang pagsagot niya na wala namang kwenta. "Ano nga?" Tamad niya akong tinitigan at sa huli ay tamad din siyang napabuntong-hininga. "Maghintay ka, Gwy," mataman niyang sinabi. "Ang hirap kasing maghintay sa bagay na wala pero parang meron," nawawalan ng pag-asa na wika ko. Hindi na siya sumagot pa. Matinding katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Tumingin a
Hope. My name’s already screaming that despite of all the darkness, there’s still a hope. At this point, I can only hope. And now, I’m deeply hoping for myself to remember my past. "But what if your answer is the only way for me to remember?" pagpupumilit ko. He lazily sighed and shifted his seat. "I would never risk it if answering you will just put you in danger." Hindi naman ako nakasagot. Ganoon niya ba kagustong masigurado ang kaligtasan ko? "But—" He groaned. "No more buts, Gwy. I’m here because I want you to know that I’ll court you again." Napaawang ang labi ko at gulat na napatingin sa kaniya. May kung anong kumiliti sa sikmura ko. Napatakip ako sa bibig ko nang bigla akong sinukin. Nang makabawi ay umayos ako ng tayo at tinaasan siya ng kilay. "Why would you court me?" H
"Kumain na ako," sabi ko at dumiretso sa sofa niya. Naalala ko na naman tuloy iyong si Architect Torres. She’s his cousin pala! Nakakahiya at nasabunutan ko pa! Buti hindi siya nagalit. "Uh... Si Honey, is she really your cousin?" Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin at naroon na naman ang mapaglarong ngisi sa kaniyang labi kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Oo nga." "Ah..." Tumango ako. "Eh, bakit bawal pumasok ang iba rito bukod sa inyong dalawa?" Lumawak ang ngisi niya. "Maarte ang pinsan kong iyon." Hindi ko na lang siya pinansin at namili ng panonoorin sa Netflix niya. Bahala siya kumain mag-isa. Busog pa ako at isa pa, bakit hindi na ang siya magpaakyat ng pagkain niya rito? At teka nga, bakit pa ba ako naririto? "Saan mo ba gustong ipalagay iyang painting mo at nang makaalis na ’ko?" tanong ko. Tumalim a
Natapos ang one week at napagpasyahan na ng lahat na umuwi na ako sa bahay. Noong una ay ayaw pumayag nina Sky pero wala naman na silang nagawa dahil kailangan kong bumalik sa mga pamilya ko. Napag-usapan nila na bibisitahin na lang nila ako sa bahay kapag may oras sila para bumisita. "Nahanap na ba si Joyce?" dinig kong tanong ni Denise sa mga kaibigan kong nasa likod. Pinaggigitnaan kasi ako ni Sky at Dane. Dito na sumabay sa amin ang tatlong kaibigan at ang iba ay sa isa pang van. "Hindi pa nga, eh. Nanghingi na rin ako ng tulong kina Mommy para mas mahanap natin ang babaeng ’yon," sagot ni Cristel. "Last time, ang sabi niya sa akin ay gusto niyang mag-hike," sabi ni Althea na mukhang hindi na nakatiis. Kanina pa kasi siya nananahimik. "Bundok? Ano namang gagawin niya ro’n?" nagtatakang tan
Bigla nalang akong umalis at iniwan ko siya roon sa mesa. Ayaw kumalma ng puso ko kaya bumalik muna ako sa cottage. Body shot? Paano kami nagkakilala nang dahil sa body shot? Ganito rin ba ang nangyari noon? Sa beach din ba? Kami ba talagang dalawa ’yong nakita ko kanina habang nakapikit ako? Pakiramdam ko ay nananaginip ako nang gising. Hindi rin sumasakit ang ulo ko gaya ng kadalasang nangyayari sa akin. Siguro dahil hindi ko pinipilit na makaalala ako. Tama nga si Levi, ako lang ang dapat makatuklas ng bagay na ito dahil kung pipilitin ko, baka sa hospital o clinic ako pulutin. Naramdaman kong sumunod sa akin si Levi pero hindi ko siya pinansin. Tahimik lang kami at walang nagbabalak na bumasag ng katahimikan. Nang hindi makatiis ay nagsalita na rin siya. "Is your head aching?" he asked. I shook my head. "Nope." "Well, uh... That
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ang pananakit nito. Nakapikit akong umupo sa kama at sumandal sa headboard ng kama. Nang muli akong magmulat ay napasigaw ako nang makita si Levi na nakaupo sa gilid ng kama ko. "You scared me to death, you dumbass!" sigaw ko habang nakahawak pa rin sa dibdib ko. "I’m sorry," he apologized. "Ayaw mo bang lumabas?" Huminga ako ng malalim at napatingin sa veranda ng hotel. Nakabukas ang sliding door doon kaya ramdam ko ang sariwang hangin at alam kong hapon na. Anong oras na rin kasi kami nakabalik sa room namin kaya siguro late na ako nagising. Nananakit ang ulo ko dahil pata bang kulang pa ako sa tulog kahit hindi naman. "What are you doing here?" I asked him. Hindi siya sumagot at sa halip ay tumayo siya bago ako tinalikuran upang pumunta s
Nang magising ako ay napansin ko ang madilim na kalangitan. Naramdaman ko rin ang lamig ng buong kuwarto kahit pa balot na balot ako sa makapal na comforter. Dahan-dahan akong tumayo at pinatay ang aircon. I turned on the lights. Dumiretso ako sa maleta ko at kumuha roon ng cardigan. I was wearing a sando, so I needed something that could make me feel warm. Pinihit ko ang doorknob at lumabas ng kuwarto. I’m starving. I also bring my phone with me. Nakita kong 4 am na. I almost scream when I saw someone sitting on a couch. May mumunting liwanag na nagmumula sa laptop niya kaya nakilala ko siya agad. Okay, it’s Sky. Nakita kong naka-hang lang ang laptop at kinakalikot niya ang kung ano sa vape. "You didn’t sleep?" I asked and sat beside him. Napatalon siya sa gulat kaya natawa ako. Umusog siya kaunti upang bigyan ako ng espasyo. "Hindi pa ako inaantok," he answered. "Bakit ka nagising?" "Because