Wearing a black tank top with black jacket crop top partnered with high waisted maong shorts and my favorite black leather chunky heels, I climbed in the van we're going to use on our trip.
My friends and I are going to a beach. Gumawa pa sila ng pangalan ng grupo namin which is... FOUREVER B'S. Sounds corny but I find it unique and solid. Since mahilig kami magbeach at siyempre hindi mawawala ang beers, beats, and boys. ’Yun ang dahilan kung bakit ganiyan ang name na naisip nila.
"Good morning, bitches! Are you ready for the trip?" ganadong-ganado na tanong ng isa sa mga kaibigan kong si Cristel. Siya ang pinaka-maingay sa amin.
"Sana may pogi!" nangangarap pang sabi ni Nicole, ang tinaguriang laiterang ghoster.
"Paramihan tayo mahahakot later, oh?" hamon ni Denise.
"Pass," tanggi kaagad ni Althea, ang mabait masyado sa grupo namin. Sasambahin ko na talaga ang isang ’to eh!
"Auto g!" Malawak ang ngiti ni Joyce, the observant and sometimes... weird.
Hindi ako nagsalita kaya napatingin sila sa akin and Nicole raised her left brow at me. "Napipe ka na, girl?"
I laughed and rolled my eyes. "I’m in!"
Tuwang-tuwa naman sila. Si Althea lang ang palaging hindi namin kasama sa kalandian, what a saint! But even if she’s an outdated person, we never titled her as KJ. Hindi naman kasi porket hindi namin siya kasabay sa mga ganap namin sa buhay, hindi na namin siya kaibigan.
"Manong, magkano po sa Batangas?" pagbibiro ni Kurt kay Zeus na driver namin.
"Ulol, penge pang-gas." Tumawa siya. Kapag gagala kami, si Zeus ang palagi naming driver at minsan ay nakikipagpalitan kay Kyle at Jinx.
"Tabi tayo, Gwy, ah?"
Gway is the right pronunciation of my name.
Luis sat beside me. He’s my closest guy friend and Jinx was next.
"Naka-upo ka na, ngayon ka pa magpapaalam?" pambabara ko sa kaniya kaya napanguso siya.
How cute.
"Hilig mo talaga mambara, ’no?" angil niya.
Inirapan ko nalang siya. Buong byahe ay wala yatang nakatulog sa amin sa sobrang pagka-excite. We ate and tease each other the whole ride like we used to. Malalakas ang trip ng mga tropa naming lalaki kaya sa byahe ay nakikipag-unahan pa si Zeus sa ibang sasakyan. He’s acting like he’s in a fucking race! We scolded him but he just laughed at us with the boys.
Pagkarating namin sa Batangas ay halos mag-unahan kami sa pagbaba. Inalalayan pa ako ni Luis. Nako, kung nandito lang ang girlfriend niya, siguro ako na naman ang yari nito. His girlfriend was jealous of me kaya kapag nasa school ay parati kong sinasabi sa kaniya na huwag niya akong lapitan.
Inalalayan kami ni manong bangkero na maka-sakay sa bangka. Malaki ang bangka na kinuha namin kaya nagkasya kaming lahat. Nagsuot na rin kami ng life vest bukod kay Althea dahil hindi raw siya kumportableng may suot na ganoon.
"Kuya, wala bang pating dito?"
Nagtawanan kami dahil halatang takot na takot si Jinx. Napansin kong tahimik lang na pinagmamasdan ni Joyce ang magandang tanawin. Parati naman siyang ganiyan, sinusulit ang moment. Sigurado akong mamaya ay ilalabas niya ang camera para kumuha ng mga litrato.
"Wow! Ang ganda!"
Abot tenga ang ngiti ni Cristel. Tumayo si Joyce at isinampa ang isang paa sa inuupuan niya kanina bago kumuha ng mga litrato.
Mga 30 minutes ay nakarating na kami sa Beach at bakas ang pagkamangha sa mata ng mga tropa ko dahil sa sobrang ganda.
White sand!
The cold and fresh wind hugged me. The sound of waves was calming. Swaying trees is like a music to my ears. Ang nostalgic ng feels.
Akala ko lang pala na kami lang ang nagbook ngayon. Agad kong namataan ang isang cottage na may iilang tao.
"Yown! Tara, doon tayo!"
Nagtaka ako nang dumeretso si Jinx doon sa may cottage na puno ng kalalakihan. "Mga pinsan!"
My jaw dropped. Pinsan niya 'yang mga ’yan? The hell? Akala ko kami kami lang ang narito? I mean, kaming mag-to-tropa.
I sighes. Okay na rin, baka may malandi pa ’ko, charot! Charot pero may harot.
Nahihirapan akong maglakad dahil sa takong ko na lumulubog sa sand. Aaron noticed it so he sat down in front of me.
"Pasan na. Hirap na hirap ka, eh." He chuckled. Natawa nalang ako at pumasan sa kaniya hanggang sa makarating kami sa cottage. Ako lang pala ang naka-heels sa amin.
"Ayan, kaartehan mo. Alam mong beach ang pupuntahan tapos nagheels ka," parang nanay na sermon ni Nicole.
"Sorry, ma," I mocked her.
She was about to pull my hair pero ibinaba na ako ni Aaron at tatawa-tawa akong lumayo. Binati ng mga boys ang mga pinsan ni Jinx at kaming girls ay nakatayo lang sa gilid. Napailing ako. Nagniningning na ang mga mata ng mga kaibigan ko dahil may itsura ang mga pinsan ng mokong.
"Hoy, ano nga pala mapapala natin sa paramihan?" I asked.
Tumaas ang kilay ni Nicole. "Hmm... sariling kaligayahan?"
"Alam ko na!" Malawak ang pagkakangiti ni Denise. "Kung sinong pinaka-marami, bibigyan namin siya ng kung anong gusto niyang bilhin, ano g?"
"Watsons na this!" Ngiting-ngiti si Cristel. She also clapped her hands like a kid.
Nagkatinginan kami at sabay-sabay na ngumisi bago tumango. Althea just shook her head. Naisip ko agad ang ipapabili kapag ako ang nanalo.
I love reading books and also creating an artwork. Mahilig akong magdrawing, magpaint at kung ano-ano pang may kinalaman sa Arts.
"Shet, daming ulam!" Kinurot ako ni Nicole sa tagiliran.
"Kanin nalang kulang!" si Cristel.
"Siya na yata ang icing sa ibabaw ng cupcake ko," natatawang sabi ni Denise.
"Kim Chiu, pasok!" Humagalpak kami ng tawa sa sinabi ni Joyce.
Nakipagkilala kami sa mga lalaking pinsan ni Jinx nang tawagin niya kami. At siyempre, nakipagplastikan kami sa tatlong babae na pinsan niya rin.
Kumain na kami dahil meron ng foods doon na ipinahanda pala ni Jinx. Siya ang maalam sa Resort na ito dahil ilang beses na siyang nakapunta rito kasama ang iba niya pang mga kaibigan. Si Jinx ang pinaka-friendly sa amin, hindi kasi siya mahirap pakisamahan.
I laughed when Jinx throw a bottle towards Kurt. That’s because he saw Kurt making a move to his cousin.
Nilabas ni Nicole ang speaker na dala niya. Si Joyce at Althea ay lumabas ng cottage, probably taking some pictures. Wow, hindi sumama si Denise. Si Cristel ay kausap si Drake.
"What kind of song is that? So cheap," kumento ni Abby, isa sa mga pinsan ni Jinx.
Cheap? It’s Lany’s songs for pete’s sake! Siya ang cheap. Hindi nalang namin siya pinatulan.
Nagpaalam kaming girls na aakyat muna sa hotel room. Tinawag namin si Cristel at yung dalawa na kumukuha ng mga litrato. Umakyat na kami sa hotel room namin. May balcony roon at jacuzzi. Mula sa balcony ay kitang-kita ang ganda ng tanawin. Nasa 12th floor kami kaya maganda ang view. Though, masyadong mataas pero ayos lang iyon at mula rito ay kita ang napakalinaw na tubig.
Malaki ang CR dito. Dim ang lights. May bilog na mirror sa tapat ng sink kung saan puwede kang mag-ayos. Sa ilalim ng sink ay may mga bagong towels at stock ng tissues. May nakahiwalay rin na bathtub at shower. Kita ko ang pagningning ng mata ng mga kaibigan ko nang makita ang isang mini bar malapit sa balcony.
"Mukhang mag-eenjoy ako sa one week na stay natin dito ah," namamanghang sabi ni Nicole na nakasalampak sa sofa.
"Paano tayo makakahakot ng boys? As you can see, parang iilan lang ang tao rito. Bakit kasi sa hindi ma-tao niyo pinili?" reklamo ni Denise.
I chuckled. "Alam ko, sabi ni Jinx last week, ’di ba may bar daw na malapit dito? Siguro, doon maraming turista."
Humikab si Althea. "Babalik na ba kayo sa cottage? Inaantok ako."
"Later. Pahinga muna oyats," sabi ni Joyce na sinang-ayunan naman naming lahat.
Nakatulog si Althea at Denise. Nag-iipon na ng energy si Denise para mamaya. Si Nicole ay umiinom ng kape habang kausap si Cristel. Pareho naman naming inaayos ni Joyce ang mga gamit namin.
Buti nalang talaga at one week kami rito. Pakiramdam ko nga ay nakalaya ako sa kulungan noong pagtapak namin dito.
"Chill now, stress later," dinig kong sabi ni Cristel.
"Hay, nako. Basta ako, hindi ko muna iisipin ang mga school works natin, enjoy muna!" si Nicole.
I sighed. Kung mag-enjoy kami rito ay parang wala kaming mga school works. Tama si Nicole. Hindi kami mag-eenjoy kung patuloy naming iisipin yung mga bagay na iniwan namin.
After ng ilang oras na pahinga ay bumaba kami para magswimming. Hapon na at hindi na gano'n katirik ang araw kaya masaya magpicture. I’m wearing a neon green two piece tapos pinatungan ko na rin muna ng white cardigan. Tumama sa balat ko ang sikat ng araw. I have tanned skin kaya bagay na bagay sa sikat ng araw ang kulay ng balat ko.
"Picture-an mo nga ’ko!" Hinila ko si Joyce.
"Isang daan, ah!" biro niya na. Nakailang take ako ng picture bago kami pumunta sa cottage.
Napangisi pa ako nang makita ang pagkamangha sa amin ng mga boys at ang pandidiri sa mukha ng mga babae. I really can’t understand other girls na dina-down ang kapwa nila babae. Ew, girl.
Naglagay muna kami ng sunblock bago kami dumeretso sa dagat para maligo. Nagtatakbuhan ang mga boys na sumunod sa amin. Tumawa pa ako nang biglang buhatin ni Kyle si Joyce at ibagsak sa tubig.
Nagtawan kami nang pagtulungang buhatin ni Zeus at Aaron si Luis na mukhang walang balak maligo pa. Panay ang mura niya nang ihagis siya sa tubig. Sumakit pa ang likod niya dahil sa mababaw siya bumagsak. Sa tubig ay naglaro kami ng chicken fight. Nakapasan ako kay Jinx at nakapasan naman si Nicole kay Aaron. Ayoko kay Luis dahil masyado siyang maliit hahaha. Si Cristel ay pumasan kay Zeus.
"Omygosh!" napatili ako nang muntik na akong malaglag at sinabunutan si Jinx. Tumawa naman siya at hinawakan ako sa hita.
"Pucha, ang bigat mo, Cristel," kunot-noong reklamo ni Zeus.
Sinabunutan siya ni Cristel. "Maka-bigat ka naman d’yan! Laki-laki ng katawan mo, eh."
Nakita kong nakatingin sa kanila si Althea at nang makitang nakatingin ako sa kaniya ay bumaling siya kina Denise.
Parehong matangkad si Denise at Althea kaya hindi sila sumali. Si Joyce ay vini-video-han kami gamit ang waterproof camera niya. Nagstay lang kami sa dagat hanggang sa mag-gabi na. Ang mga pinsan ni Jinx na babae ay hindi ko malaman kung nasaan at mga lalaking pinsan niya ay nasa cottage lang. Mas trip daw kasi nilang magswimming kapag madaling araw.
"Woah! Woah! Woah!" Malawak ang pagkakangiti ni Nicole nang makita ang napakaraming alak sa isang mahabang table. Marahil ay ang mga pinsan ni Jinx ang nag-ayos.
Nagbihis na rin ako ngayon ng orange croptop and black cycling.
"Let's the game begin!" sigaw pa ni Cristel na pumalakpak at lumapit na roon sa lalaki na kanina ay kausap niya.
Napailing nalang ako. "May rh?"
Nandidiri ang mukha ni Nicole na tumingin sa 'kin. "Yuck ka, girl! Red horse!"
I rolled my eyes pero naunahan ako ni Joyce na sumagot. "Anong yuck? Favorite ko ’yan, ’no!"
Nag-apir pa kami ni Joyce dahil pareho naming favorite ang red horse. May tequila, vodka, gin, whiskey at iba pa. Meron ding mga wine para sa gustong magchill.
"Wow, ano ’to? Halo-halo?" natatawang sabi ni Denise.
Nagsimula na kaming uminom ng alak. Kaniya-kaniya kami! Natawa pa ako nang makitang tinutungga na ngayon ni Nicole ang bote ng isang hard liquor. Malakas ang tugtog namin tapos 'yung mga pinapatugtog pa ni Nicole ay ’yung madalas na tugtugan sa bar! Mga pangtwerk!
Sobrang likot ni Nicole kaya ang bilis niyang tinamaan. Si Cristel ay nakikipaghalikan na sa pinsan ni Jinx. Si Joyce ay mukhang hindi man lang nahihilo. Si Althea ay namumula na ang mukha pero inom pa rin. Biglang tumayo si Denise at humablot ng plastic at biglang sumuka.
"Inom pa!" Tumawa si Adrian.
"Shenglot ka na, girl?" sigaw sa kaniya ni Jinx.
Si Aaron ang lumapit kay Denise para alalayan siya. Matapos ay inabutan ni Luis ng tubig si Denise.
"Magpahinga kana, Nise," sabi ni Kyle.
Umiling ito sa kaniya. Maputi siya kaya halatang lasing nga.
"Sumuka ka na, oh!" sabi naman ni Kurt.
"Susuka pero hindi susuko!" sigaw ni Denise sabay kuha na naman ng isang bote at nilapitan ang isa sa mga pinsan ni Jinx. Napahiyaw pa sila nang biglang hablutin ito ni Denise at halikan.
"Damn," mahinang mura ni Jinx at napailing. Sanay na rin sila sa amin kaya hinayaan nalang ang mga pinsan niya pero binantaan niya pa rin ito.
"Guys, body shot oh?" pagtawag ni Jinx sa atensyon namin. Hininaan ni Nicole ang speaker para magkarinigan.
Sumali kami lalo na’t may mga tama na rin kami. Si Althea ay go rin dahil may tama na pero si Joyce ang matibay! Deretso pa rin ang pagkakatayo at lakad niya! Sana all. Siya talaga ang pinakamalakas uminom sa amin, eh.
Pinapili kaming girls kung kanino namin gusto. Lahat sila ay agad nakapili at tanging ako nalang ang wala pang partner. Ang onti naman kasi ng choices! Ayoko magbody shot sa tropa at alam kong ganoon din ang mga kaibigan ko dahil puro pinsan ni Jinx ang kinuha nila.
"Ang tagal naman!" naiinip na reklamo ni Jinx.
"Si--" Iyong Keian sana ang pipiliin ko nang magsalita 'yung Carl.
"Bro, what’s up?"
Napalingon ako sa likod ko.
Napanganga ako nang makita ang isang lalaki na naglalakad palapit sa amin. Madilim ang kaniyang mga mata na siyang nakapagpataas sa akin ng balahibo. Pakiramdam ko ay kinilabutan ako nang magtama ang paningin namin dahil sa matagal na pagkakatitig ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko habang papalapit siya.
He’s wearing a white button-down polo with three first buttons open. Mahaba ang bagsak na buhok niya na halos takpan na ang kaniyang mga mata. Medyo maputi siya, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi.
"Kanina ka pa namin hinihintay!" Inakbayan siya ni Jinx.
"Fuck off, asshole. You smell bad," iritadong aniya at lumayo kay Jinx. I swallowed hard nang marinig ko ang malamig niyang boses.
"Ano na, Gwy?" singit ni Nicole na mukhang kating-kati nang tikman ang katawan ni Kevin.
Kinagat ko ang labi ko at napangisi. Tiningnan ko yung lalaki.
"I’ll choose..." Napatingin silang lahat sa akin at nag-abang sa sagot ko. "him."
Nakangisi kong tinuro ang lalaki at bakas ang pagkagulat sa mata niya ngunit agad naging iritado.
"What? I’m not joining." Iritado siyang umiling.
Sungit!
"Sasali ka!" sapilitang ani Jinx.
Tumanggi pa ’yung lalaki pero pinilit siya ng mga pinsan niya kaya wala siyang nagawa at sinamaan nalang ako ng tingin.
Ngumisi lang ako.
"Your turn, bishh!" sabi ni Nicole nanh matapos sila.
Napanganga na naman ako nang marahas na hinubad nung lalaki ang damit niya at humiga na sa isang table. Dinig na dinig ko ang tilian ng mga kaibigan kong malandi. Ang lakas ng loob ko kanina pero parang nawalan yata ako ng lakas bigla!
"Hoy girl, laway mo!" sigaw ni Joyce na kunwaring sinara ang bibig ko.
"Go! Go! Go!" tinulak ako ni Cristel at Nicole palapit sa lalaki.
Binigyan siya ni Jinx ng lemon at kinagat niya ito. Nilagyan na ni Jinx ng asin at binuhusan ng tequila ang katawan nung lalaki!
"Goodluck, Lev." Ngumisi si Jinx.
Lev. So that's his name. No, probably his nickname.
Oh my gosh! Six pack abs, yummy!
Nakatayo lang ako roon kaya chineer na naman ako ng mga kaibigan ko. Huminga ako ng malalim bago nagbend.
Sinimulan ko nang dilaan in a seductive way ang abs niya paakyat sa dibdib niya. Agad akong napangiwi nang malasahan ko ang pinaghalong asin at tequila. Nasa dibdib na niya ako nang narinig ko ang mahina niyang pagtawa na parang may kumikiliti sa kaniya kaya napatigil ako at nag-angat ng tingin.
Bakit pati pagtawa, sexy?
Saglit niyang inalis ang lemon sa bibig niya. "You look nervous."
Namula ako sa hiya bigla at ramdam ko ang init ng pisngi ko. Nagpatuloy nalang ako nang ibalik niya ang lemon sa bibig niya. Para bang hindi ko maintindihan ang sinisigaw ng mga kaibigan ko at sa kaniya lang ang buong atensyon ko.
Gosh! Hindi ito ang unang beses na ginawa ko ang body shot pero pakiramdam ko ay first time ko ito at grabe ang kaba na nararamdaman ko!
Napahinga ako nang maluwag at sumigaw nang maayos kong makuha ang lemon sa bibig niya gamit ang bibig ko. Tumama pa ang ilong ko sa kanyang ilong.
Malakas ang tibok ng puso ko nang tumalikod ako sa kaniya at nakita ang mga kaibigan kong patuloy pa rin ang pagcheer sa akin. Bago pa tuluyang maka-alis ay nanlamig ako sa kaniyang pahabol.
"Nice tongue, young lady..."
"Pucha, ang sakit ng ulo ko," sabi ni Nicole na kakalabas lang ng CR. Maarteng lumayo si Cristel sa kaniya nang tabihan siya nito. Kadiring babae. Guess what? Nakatulog lang naman siya sa CR! At ngayon ay kakagising niya lang. Natawa ako nang maalala kong pinic-ture-an siya ni Joyce na nakasalampak sa bathtub. "Arte ko, hindi ka pa nga nag-to-toothbrush," sabi sa kaniya ni Nicole. "Kaysa naman sa ’yo, sa CR natulog," pakikipagtalo ni Cristel. Ilang beses pa silang nagtalo ulit bago namin napagpasyahan na maligo na. Hinayaan naming mag-unahan ang tatlo dahil nag-aalmusal pa kami ni Althea. "Joyce, breakfast muna," paalala ni Althea. Maalalahanin na kaibigan si Althea; parati niya kaming kinakamusta at pinag-sasabihan tungkol sa health namin. "I don’t eat breakfa
"Hmm.. magpapa-deliver ka ba or drive thru?" litong tanong ko. Eh kasi he asked me what I want, ’di ba? Nangunot ang noo niya bago nag-iwas ng tingin. Mahina siyang tumawa at umiling. Tila ba musika sa aking tenga pati ang kaniyang pag-tawa. "Damn, ang tanga," dinig kong bulong niya kaya nanlaki ang mata ko. Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas siya sa braso na ikinagulat niya. "Sinong tanga, huh? Ako ba? Sinong tanga!" malakas na sambit ko. Iritado siyang tumingin sa akin. "So noisy." "Hoy, Nicholas! Huwag ko nga akong matawag-tawag na tanga riyan! Malay ko ba sa ibig mong sabihin? Pakilinaw, please!" inis na sigaw ko pa sa kaniya pero hindi na niya ako pinansin. Nakasimangot kong sinabi sa kaniya ang address ng condo ko nang hingiin niya ito para doon niya ako i-drop. Kinulit ko pa siya tu
"Moni oyats?" yaya ko sa mga kaibigan ko habang kumakain kami ng street foods. Kakatapos lang ng huling klase ko ngayong hapon. "May class pa kaming tatlo," sagot agad ni Cristel. Iba ang school ni Althea sa amin, do'n ba sa school ng mga magpipiloto, FA at kung ano anong may kinalaman sa lintek na eroplano na ’yan. "Ikaw, Joyce?" I asked, raising an eyebrow. "May kailangan pa akonh ipasa," she answered. Since ’di ko pa rin nahahanap yung phone ko, pinuntahan ko pa si Jinx sa room niya. Nadatnan kong tutok na tutok siya sa professor. Sa desk niya ay may makapal na librong paminsan-minsan ay sinusulyapan niya. Naghintay akong matapos ang klase niya at nang matapos ay nagulat siya nang makita ako. "Woah! Miss mo ’ko?" salubong niya sabay akbay sa akin.
Kahit anong pilit kong alisin sa utak ko si Levi, hindi ko magawa. Kusa na lamang siyang pumapasok sa isip ko at naiinis ako! It's already 7pm. Wala akong pasok ngayon kaya hindi ko pa rin makausap si Aaron kung ano na bang nangyari. Nag-aalala rin kasi kami sa kaniya at baka may problema siya. Hindi siya nag-o-online at hindi rin sumasagot sa mga tawag o texts namin. Nagsuot lang ako ng croptop na peach at high waisted maong shorts tapos peach flip flop slippers na Nike ang brand. Sa labas nalang ako kakain dahil tinatamad akong mag-luto. Agad kong kinuha ang susi, wallet at phone ko. Pagkarating ko sa malapit na mall ay agad akong bumaba. Meron namang convenient store sa baba ng condo pero mas prefer ko sa isang fast food nalang kumain. Um-order lang ako ng chicken fillet with fries and coke tapos naghanap na akong ma-uupuan. Napalinga-linga ako sa paligid pero ganoon na lamang ang panlulum
"Birthday na bukas ng bebe mo, ah?" sabi sa kin ni Althea na kumakain ng fries. Nandito ulit kami sa kainan ng street foods. "Oo nga. Invited ba kayo? Sa bar gaganapin," sagot ko. Nagtext kasi sa akin kahapon si Jinx at in-inform ako na sa bar nga gaganapin. Simabi niya rin kung saang bar. Buti naman at hindi ganoon kalayo iyon. "Nope. Hindi naman kami i-close para imbitahan niya. Pero sana naman i-invite niya kami, ’no? Ayaw niya ba i-close ’yung mga kaibigan ng future asawa niya?" tuloy-tuloy na sabi ni Cristel. Nabilaukan siya sa dami niyang sinasabi kaya inagawa niya ang ni Nicole. "Future asawa, ampota. May girlfriend ’yun, ’di ba?" takang tanong ni Nicole. Umirap ako. "They broke up. Nasabi ko na sa inyo last time, ah! Tska nung sila pa, umiiwas naman ako."
"H-huh?" takang tanong ko kay Aaron at humiwalay sa pagkakayakap niya sa akin. "I mean... You’re my friend and I am home when I’m with my friends." Ngumiti siya at pinunasan ang luha niya. "Pucha, nababading na naman ako." Tumingkayad naman ako para maakbayan ko siya. "Hindi nakababawas ng pagkalalaki ang pag-iyak. Basta here lang ako." "Drama natin, sis," sabi niya kaya natawa na lang din ako. Nilibre ko na lang siya ng street foods bago umuwi. Hinatid pa nga niya ako kahit pa may sasakyan naman akong dala. Pagkapasok ko ng room kinabukasan ay hindi ako pinansin ni Marga kaya hinayaan ko na lang siya. Pabor naman sa 'kin. Ilang araw ang dumaan at parang nabunutan kami lahat ng tinik nang matapos na ang exam. Na-kuwento pa sa amin ni Cristel na nahimatay si Joyce noong unang araw ng exam.
Magkasama kami ngayon ni Luis at kumakain kami ng street foods. Niyaya ko siya noong nakita ko siya kanina sa may soccer field. Mukha siyang malungkot, eh. "Hoy, ano? Okay ka pa ba?" Siniko ko siya ng mahina. Ngumiti siya. "Of course. Hindi lang talaga kami okay ngayon ni Marga. Nahihiya siguro siya sa akin dahil sa nangyari sa kaniya." Napatango naman ako sa sinabi niya. "Intindihin mo na lang. Alam mo nqmang conservative si Marga saka nakaka-trauma naman talaga kapag nabastos ka. Hindi ko talaga ma-gets kung bakit may nambabastos. Tigang na tigang ba sila?" Kanina pa ako napapabuntong-hininga dahil ang tahimik niya. Hindi ako sanay na tahimik siya, eh. Pabalik kami sa soccer field ngayon dahil nandoon ang bag namin pareho. Iniwan kasi namin nbago kami pumunta riro. Malakas ang loob namin dahil may cctv naman doon.
Bago ko pa mahatak sa buhok ’yong babae parabilayo siya ay naitulak na siya ni Levi. "What the hell, Pia?" Kunot na kunot ang noo ni Levi at panay ang mariing punas sa labi niya. Pakiramdam ko anytime mapupunit na, eh! "Sorry, dare lang," nakangising sabi ng babae tapos bigla siya napatingin sa akin. "Girlfriend? Sorry." "Dare?" Levi uttered and chuckled sarcastically. "You kissed me without my consent because of a fucking dare?" Pia laughed. "What? It’s just a kiss! As if you’re still a virgin." Umigting ang panga ni Levi. Tumingin siya sa gilid niya bago ibinalik ang seryosong tingin kay Pia. Huminga siya nang malalim. "It is considered as sexual assault. What kind of a woman are you?" He gulped. "When a girl kissed a man without his consent, it’s okay? But when a man kissed a woman without her consent, it’s sexual
Napangiti ako habang pinagmamasdan sina Marga at Luis na magkahawak ang kamay habang kinakausap ang wedding planner nila. Tatlong buwan na ang lumipas at last week lang ay nag-propose na si Luis kay Marga. Kinuntsaba niya pa nga ako. Ngayon ay pinaghahandaan na nila kaagad ang kasal nila pero alam ko ay next year pa magaganap dahil gusto nila bongga. Marriage... Isa iyon sa pangarap ng mga babae. Hindi lahat, pero maraming babae ang nais maranasang ikasal. Ako? Isang tao lang naman ang nakikita ko noon na kasama ko palapit sa altar pero alam kong imposibleng mangyari ’yon dahil... Tapos na. Tapos na kami, dahilan kung bakit hindi ko na makita ang sarili kong nakasuot ng puting gown at naglalakad palapit sa taong mahal ko. "Thank you po," nakangiting sabi ni Marga sa wedding planner nila at hinatid ito sa labas dahil n
"Huy! Tulala ka na naman diyan!" panggugulat sa akin ni Cristel. Napabuntong-hininga ako at inilapag ang inumin sa may sink. Nandito ang mga kaibigan ko ngayon sa bahay. Hinayaan ko na lang din sila dahil nakokonsensya na ako sa ginagawa kong pag-iwas sa kanila. Kami lang ni Cristel ang nandito sa kusina dahil gumagawa kami ng nachos. As usual, hindi mawawala ang paggawa niya ng iced coffee. Si Nicole at Joyce na naman ang kulang. Si Joyce ay hindi raw nila alam kung nasaan. Magta-tatlong buwan na raw'ng wala si Joyce. Matagal na rin daw iyong pinahahanap pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Hanggang ngayon tuloy ay hindi ako mapakali kaiisip sa babaeng ’yon. Si Nicole ay nasa ibang bansa pa rin at hindi ko pa siya nakakausap ulit. Ilang years ba kasi ang kakailanganin bago maging Doctor? Mag-iilang taon na rin siya roon, ah? Wala rin kaming boys na kasama dahil hindi ako pumay
Nararamdaman ko nga na talagang may koneksiyon ako sa kaniya at tama ang hinala kong isa siya sa mga nakaraan ko. Pero bakit nakaraan ko na siya? Bakit hindi na kasalukuyan? "I want to know more about... us," halos pabulong na saad ko. Seryoso ang mga tingin niya sa akin. "What about us?" "Paano naging tayo?"" "Nanligaw ako at sinagot mo ako." Napairap ako sa agarang pagsagot niya na wala namang kwenta. "Ano nga?" Tamad niya akong tinitigan at sa huli ay tamad din siyang napabuntong-hininga. "Maghintay ka, Gwy," mataman niyang sinabi. "Ang hirap kasing maghintay sa bagay na wala pero parang meron," nawawalan ng pag-asa na wika ko. Hindi na siya sumagot pa. Matinding katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Tumingin a
Hope. My name’s already screaming that despite of all the darkness, there’s still a hope. At this point, I can only hope. And now, I’m deeply hoping for myself to remember my past. "But what if your answer is the only way for me to remember?" pagpupumilit ko. He lazily sighed and shifted his seat. "I would never risk it if answering you will just put you in danger." Hindi naman ako nakasagot. Ganoon niya ba kagustong masigurado ang kaligtasan ko? "But—" He groaned. "No more buts, Gwy. I’m here because I want you to know that I’ll court you again." Napaawang ang labi ko at gulat na napatingin sa kaniya. May kung anong kumiliti sa sikmura ko. Napatakip ako sa bibig ko nang bigla akong sinukin. Nang makabawi ay umayos ako ng tayo at tinaasan siya ng kilay. "Why would you court me?" H
"Kumain na ako," sabi ko at dumiretso sa sofa niya. Naalala ko na naman tuloy iyong si Architect Torres. She’s his cousin pala! Nakakahiya at nasabunutan ko pa! Buti hindi siya nagalit. "Uh... Si Honey, is she really your cousin?" Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin at naroon na naman ang mapaglarong ngisi sa kaniyang labi kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Oo nga." "Ah..." Tumango ako. "Eh, bakit bawal pumasok ang iba rito bukod sa inyong dalawa?" Lumawak ang ngisi niya. "Maarte ang pinsan kong iyon." Hindi ko na lang siya pinansin at namili ng panonoorin sa Netflix niya. Bahala siya kumain mag-isa. Busog pa ako at isa pa, bakit hindi na ang siya magpaakyat ng pagkain niya rito? At teka nga, bakit pa ba ako naririto? "Saan mo ba gustong ipalagay iyang painting mo at nang makaalis na ’ko?" tanong ko. Tumalim a
Natapos ang one week at napagpasyahan na ng lahat na umuwi na ako sa bahay. Noong una ay ayaw pumayag nina Sky pero wala naman na silang nagawa dahil kailangan kong bumalik sa mga pamilya ko. Napag-usapan nila na bibisitahin na lang nila ako sa bahay kapag may oras sila para bumisita. "Nahanap na ba si Joyce?" dinig kong tanong ni Denise sa mga kaibigan kong nasa likod. Pinaggigitnaan kasi ako ni Sky at Dane. Dito na sumabay sa amin ang tatlong kaibigan at ang iba ay sa isa pang van. "Hindi pa nga, eh. Nanghingi na rin ako ng tulong kina Mommy para mas mahanap natin ang babaeng ’yon," sagot ni Cristel. "Last time, ang sabi niya sa akin ay gusto niyang mag-hike," sabi ni Althea na mukhang hindi na nakatiis. Kanina pa kasi siya nananahimik. "Bundok? Ano namang gagawin niya ro’n?" nagtatakang tan
Bigla nalang akong umalis at iniwan ko siya roon sa mesa. Ayaw kumalma ng puso ko kaya bumalik muna ako sa cottage. Body shot? Paano kami nagkakilala nang dahil sa body shot? Ganito rin ba ang nangyari noon? Sa beach din ba? Kami ba talagang dalawa ’yong nakita ko kanina habang nakapikit ako? Pakiramdam ko ay nananaginip ako nang gising. Hindi rin sumasakit ang ulo ko gaya ng kadalasang nangyayari sa akin. Siguro dahil hindi ko pinipilit na makaalala ako. Tama nga si Levi, ako lang ang dapat makatuklas ng bagay na ito dahil kung pipilitin ko, baka sa hospital o clinic ako pulutin. Naramdaman kong sumunod sa akin si Levi pero hindi ko siya pinansin. Tahimik lang kami at walang nagbabalak na bumasag ng katahimikan. Nang hindi makatiis ay nagsalita na rin siya. "Is your head aching?" he asked. I shook my head. "Nope." "Well, uh... That
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ang pananakit nito. Nakapikit akong umupo sa kama at sumandal sa headboard ng kama. Nang muli akong magmulat ay napasigaw ako nang makita si Levi na nakaupo sa gilid ng kama ko. "You scared me to death, you dumbass!" sigaw ko habang nakahawak pa rin sa dibdib ko. "I’m sorry," he apologized. "Ayaw mo bang lumabas?" Huminga ako ng malalim at napatingin sa veranda ng hotel. Nakabukas ang sliding door doon kaya ramdam ko ang sariwang hangin at alam kong hapon na. Anong oras na rin kasi kami nakabalik sa room namin kaya siguro late na ako nagising. Nananakit ang ulo ko dahil pata bang kulang pa ako sa tulog kahit hindi naman. "What are you doing here?" I asked him. Hindi siya sumagot at sa halip ay tumayo siya bago ako tinalikuran upang pumunta s
Nang magising ako ay napansin ko ang madilim na kalangitan. Naramdaman ko rin ang lamig ng buong kuwarto kahit pa balot na balot ako sa makapal na comforter. Dahan-dahan akong tumayo at pinatay ang aircon. I turned on the lights. Dumiretso ako sa maleta ko at kumuha roon ng cardigan. I was wearing a sando, so I needed something that could make me feel warm. Pinihit ko ang doorknob at lumabas ng kuwarto. I’m starving. I also bring my phone with me. Nakita kong 4 am na. I almost scream when I saw someone sitting on a couch. May mumunting liwanag na nagmumula sa laptop niya kaya nakilala ko siya agad. Okay, it’s Sky. Nakita kong naka-hang lang ang laptop at kinakalikot niya ang kung ano sa vape. "You didn’t sleep?" I asked and sat beside him. Napatalon siya sa gulat kaya natawa ako. Umusog siya kaunti upang bigyan ako ng espasyo. "Hindi pa ako inaantok," he answered. "Bakit ka nagising?" "Because