When we arrived at my parents' home in the Philippines, we were greeted by a beautiful two-story house nestled amidst lush greenery. The house was painted in a soft, welcoming shade of white, with dark wooden accents that perfectly complemented the surrounding nature. May kunting pagbabago kumpara noong umalis ako pero ito pa rin naman ang bahay na tinirahan ko simula high school. As we stepped through the front door, we entered a spacious, open-plan living area. The room was bathed in natural light thanks to the large windows that offered a stunning view of the garden. The furniture was a mix of modern and traditional Filipino design, with comfortable sofas, a large flat-screen TV, and a beautiful glass coffee table.To the right was a state-of-the-art kitchen, equipped with all the modern appliances one could need. The countertops were made of polished granite, and there was a large island in the middle, perfect for family breakfasts.Nandatnan namin si mama na nasa kusina at abala
"P*tangina! Seryoso ba ito?" Hindi makapaniwalang reaction ni Rhian. Napatayo pa siya sa pagkakaupo niya at salitan kaming tiningnan ni JM. "Bunganga mo! May bata tayong kasama." Hinila ni Kenneth si Rhian paupo sa tabi niya. Inimbitahan namin sila rito sa bahay, eksakto naman na pumunta si mama sa shop niya at si papa sa Hospital kaya i grab this chance to invite my friends. Matagal-tagal na rin simula noong huli ko silang nakasama, kung hindi ako nagkakamali ay ang huli naming usap ay ang pagpapaalam ko sa kanila na hiwalay na kami ni Gemar at pupunta akong Canada. Simula noon ay hindi ko na sila nakausap. "I just can't believe it," ani Rhian na hindi pa rin naniniwala sa revelation ko. "And, this is Ava, our daughter," pakilala ko sa anak ko na nakaupo sa gitna namin ni JM. Kenneth and Rhian exchanged glances, bago bumaling sa amin. "Anak?" sabay nilang turan. "Hello po, tita and tito." Lumapit sa kanilang dalawa si Ava at yinakap sila. "Hi, Ava. I'm your tito Kenneth. Ang g
"Anak, hindi mo ba e-enroll si Ava? Sa isang linggo na ang pasukan," ani mama. Nagtitiklop siya ng mga damit ko sa kwarto, iyong mga dapat na pina-laundry niya kahapon. "Mamaya na po, mama. Tulog pa po si Ava." Pasadong alas otso palang nang umaga, nangangalampag na si mama sa kwarto. May sarili na akong pamilya pero parang teenager pa rin ang turing niya sa akin. Isa ito sa mga na-miss ko noong pumuna ako sa Canada. "Si JM pala saan pumunta? Nagpaalam iyon sa akin kanina habang nagluluto ako ng breakfast, aalis daw siya. Hindi na tuloy siya nakakain ng breakfast.""May meeting po with his clients. Ni-refer po kasi siya doon sa kakilala ni Kenneth kaya mukhang magiging busy na po iyon," turan. "Sayang, hindi niya kayo masasamahan ni Ava sa enrollment." "Okay lang iyon. Pupunta rin siya sa parents house niya after ng meeting, his mom invited him." Umayos na ako ng upo at tinulungan si mama sa pagtitiklop ng mga damit. "Hindi ka kasama? Hindi ka pa rin ba tanggap ng parents niya?"
Lumipas ang mga araw na hindi ko na ulit nakita si Gemar, siguro dahil bahay at clothing shop lang ni mama ang madalas kong puntahan. Sinabi ko na rin kay JM ang hindi inaasahang pagkikita namin ng dati kong asawa, ayaw ko rin naman kasi magtago ng mga bagay-bagay sa kanya kahit gaano pa ito kaliit. Aam ko na rin naman kasi ang hindi maganda dulot ng pagsesekreto dahil muntik na masira ang relasyon namin nina mama dahil doon dati. "Ano sabi niya sa iyo? Kamusta naman siya? Is he want you back? Ano sabi niya tungkol kay Ava?" sunod-sunod niyang naging tanong. "He's with his daughter. Nagkwento ko sa iyo dati na noong umalis ako ng Pilipinas ay buntis si Herisha, iyon malaki na ang bata at same school sila ni Ava," pagkwento ko. "Gusto mo, e-enroll natin sa ibang school si Ava. Ayaw ko rin na umaaligid siya sa pamilya natin," aniya. "JM, baka magtaka ang bata. Ang dami na nga tanong sa akin kung bakit kilala ko si Gemar e. Hayaan mo na, mukhang naka-move on na rin naman siya at nak
Unang araw ng pasukan nina Ava, tulad ng pinangako ko ay kaming dalawa ni JM ang maghahatid sa kanya sa paaralan. Alam kong busy ang asawa ko at kaya ko naman na ihatid mag-isa ang anak namin, ngunit nang i-open up ko sa kanya kagabi ang request ni Ava ay agad siyang pumayag. Ihahatid na raw muna namin si Ava sa paaralan bago siya pumasok sa trabaho. Siya na raw bahala ang umayos sa schedule niya dahil ang mas mahalaga sa kanya ay ang nais ni Ava. May bata na naman tuloy na tuwang-tuwa. Ako naman ang nagluwal sa kanya pero minsan napapansin ko na mas Daddy's girl siya e'. Nakakatuwa silang mag-ama. "Daddy, i'm excited to meet my teachers and classmates. I'm excited to see Issa again," masiglang turan ni Ava nang makarating kaming school parking at makababa sa sasakyan. Halos buong byahe ay iyon ang naging bukang-bibig niya, kung gaano siya ka-excited. Napag-usapan na naming mag-asawa ang pakikipagkaibigan ni Ava sa anak ng ex-husband ko, napagdesisyonan namin na hayaan na lang muna
Hindi na namin muling napag-usapin ni JM ang ex ko hanggang maihatid niya ako sa shop ni mama. Hindi na rin ako magtataka kung bakit dahil kitang-kita naman sa mukha niya ang inis. Buong byahe na nakakunot ang noo niya at deritsong nakatingin sa kalsada, hindi ko na nga rin siya inabalang kausapin. "Dito na rin kita dadaanan para tayo na rin ang susundo kay Ava mamaya," aniya nang pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. "Galit ka ba sa akin?" Hindi ko na napigilang itanong dahil napakatahimik niya kasi simula pa kanina. Hindi ako komportable na ganito kaming dalawa. "Hindi ako galit sa 'yo. Masyado kitang mahal para magalit ako sayo dahil lang nakita natin ang ex mo. Naiinis lang ako kay Gemar na masyadong makapal ang mukha pagkatapos ng mga ginawa niya sa iyo. Kung kinakailangan nga lang ay iisa-isahin ko ang dulot ng panloloko niya sa iyo. Hindi ko rin nagustuhan na parang inaangkin niya ang anak natin. Baliktarin man ang mundo ay anak ko si Ava."Okay, hindi pa rin talaga humuhupa
"Mom! Dad!" Umiiyak si Ava na lumapit sa amin, pasadong alas otso na ng gabi at dapat ay tulog na siya kaya naman nagtataka ko siyang yinakap. Masayang-masaya siya kanina nang sunduin namin siya sa paaralan kaya hindi ko mawari kung anong minamaktol niya ngayon. "Anong nangyari, anak? Did you have a bad dream?" malumanay na tanong ni JM habang marahang hinahaplos ang likod nito. Kumalas mula sa pagkakayakap sa akin si Ava at hinarap ang Daddy niya. "I called Issa to asked if she wants me to bring her some cookie tomorrow kasi kanina sa canteen napansin ko na mahilig siya sa cookie. Gusto ko sana ipatikim sa kanya ang baked cookies ni mommy." "Then, anong sabi niya?" tanong ko. Oo, nagawa ko pang itanong kahit may ideya na rin naman ako kung anong sagot ni Issa. Sigurado akong nakausap na siya ng mommy niya. "She's not interested with cookies and she doesn't want to be friends with me. Huwag ko raw siyang lalapitan bukas," pasinghot-singhot pang turan ng anak ko. "It's oka
Nang sumunod na araw ay mag-isa akong naghatid kay Ava sa school, hindi dahil ayaw kong isama si JM kundi dahil busy siya. Masyadong hassle kung sasamahan niya pa akong ihatid si Ava imbes na dumeritso na siya sa trabaho. Ang paghatid at pagsundo rin naman sa anak ko ay hindi mahirap na trabaho para kailanganin ko pa ang tulong, hindi sa ayaw ko na tulungan niya ako but he's been there for me ever since. Sa ngayon ay siya ang tumatayong head ng family, so I think I should do my job as a mother too, tama na ang pagiging pabigat kay JM. Anyway, inagahan ko na ang pahatid sa anak ko kasi madalas punuan ang parking, at masyadong mahirap maghanap ng pwesto. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin na-e-expand ng eskwelahan ang parking area gayong halos mayayaman ang mga estudyante at faculty staff nila, kaliwa't kanan ang may sasakyan. Isang bagay na hindi na nakapagtataka kaya masyadong polluted ang hangin sa bansang ito. "Mom, I am still sad because of what Issa told me last night. If