Bukas ang PART TWO then sunday ang PART THREE hinati ko sa tatlo. If ever baka madagdagan pa ng isa pero pag-iisipan ko pa. Thank you sa mga nagbabasa!
Lumingon ako sa kaniya at pinukulan siya ng masamang tingin pero nagulat ako ng mas masama ang tingin niya saakin. “Pagsisisihan mo ang desisyon mo na ito Tanner Grimes! Pagsisisihan mo na hinayaan mong lumayo sa’yo si Anastasia!” pagkasabi niya niyon ay umalis na siya. Mukang natanggal na siya dahil hindi na siya nakasoot ng pangkatulong na damit kaya na ‘rin malakas ang loob niya na kausapin ako. Pero ang mas ikinatataka ko ay ang tungkol kay Anastasia. Limang buwan na ang nakakalipas at wala na akong balita sa kaniya tapos bigla bigla nalamang magsasalita ng ganon si Rian na pagsisisihan ko? As if naman magsisisi ako. Tsk, such a waste of time. DITO ako natulog sa bahay nila Daisy para na ‘rin mabantayan ko siya. Ayaw niyang tumabi ako sa kaniya kapag natutulog kaya hinayaan ko nalang baka kung ano pang mangyari sa baby namin, mukang dahil iyon sa pagbubuntis niya. Nakaramdam ako ng uhaw at wala ng tubig sa kwarto ni Daisy kaya naisipan kong bumaba pero nagulat ako ng makita a
Simula ng makita ko siya sa news ay hindi na ako makatulog ng maayos. I know kabaliwan pero hinanap ko siya, isa na siyang sikat na Designer at sobrang proud ako sa narating ni Anastasia. Kaya nga ng malaman ko tungkol sa inaalok ni Ms.Valine na kasama siya at talaga pumayag ako agad. Walang alam si Daisy tungkol dito basta ang alam niya lang ay simpleng business trip lang. After all, nag-iba na ‘din si Daisy. Hindi na siya ‘yung babaeng una kong nakilala six years ago. She’s obssessed with me, lahat pinagseselosan niya even my business partners at palagi kaming nag-aaway dahil doon. Simula ng mangyari ang gulo sa kasal ni Brandon ay nag-iba siya, ngayon na alam ko na ang lahat ay naiintindihan ko na kung bakit siya ganon. Napabuntong hininga nalang ako at pinahid ang luha ko pagkatapos ay hinalikan ang noo ni Anastasia na mahimbing na natutulog sa tabi ko. After six years… hindi ko akalain na sa ganitong paraan ulit kami magkikita. Although hindi naman ito ang una naming pagkikita
ANASTASIA NAGISING ako ng wala ng katabi kung kaya napahawak ako kumot na nakatabing sa aking katawan at naupo sa aking hinihigaan. Inilibot ko ang aking paningin at hinanap si Tanner ngunit wala siya doon. Naisip ko na nasa CR siya kung kaya tumayo ako habang nakabalot pa ‘rin ang kumot sa aking katawan. “Tanner?” tawag ko sa kaniya ngunit nagulat ako ng bukas ang pintuan at pagbukas ko ay walang tao doon. Nagsimula na akong kabahan at nangigilid ang luha sa aking mga mata. Pagkatapos ng nangyari saamin iiwan niya ako? Napailing ako sa isipin na iyon at kinuha ang damit na nakakalat sa sahig pagkatapos ay lumabas ng kwarto niya dahil baka nasa kusina ito at nagluluto. Ngunit tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko ng makitang walang Tanner Grimes sa silid na iyon. Kahit saang sulok ay wala akong makitang Tanner. “T-Tanner… Nasaan ka na?” LUMABAS ako ng unit ni Tanner at dumeretyo saamin upang magtanong kay Brandon kung nakita niya si Tanner. Pagdating ko doon ay sinalubong ako ng k
MASYADONG mabilis ang mga nangyari at namalayan ko nalang na nandito ako sa unit ni ate Rian kung saan ako naisipang dalhin ni Serene at doon ay nagpakalulong ako sa alak. Hindi na ‘rin ako pinigilan pa nila Serene at ate Rian, dumating ‘din si Kathy kasama si Brandon ngunit hindi ko pinukulan ng tingin si Brandon dahil masama pa ‘rin ang loob ko sa kaniya. Kung ayaw niyang magkaroon ng ibang babae sa buhay ni Tanner bakit kay Daisy ay hindi siya nagreklamo? Todo support pa nga siya at pumunta sa bahay namin tapos ngayon na ako ang nalalapit kay Tanner ayaw niya? Patawa siya. Hindi naman nagtagal si Brandon doon at iniwan lang si Kathy. Siya na daw ang bahalang magpaliwanag at magbantay sa kambal. Pinasalamatan ko siya ng hindi manlang tinatapunan ng tingin at narinig ko pa ang buntong hininga niya bago umalis. Matapos iyon ay pinaulanan na ako ng tanong ni Kathy. Kilala ko ang kaibigan ko na ‘to, hindi ako nito titigilan hangga’t hindi niya nakukuha ang sagot ngunit matigas ako. Ay
ANASTASIA “KAYO po ang totoo naming lolo’t, lola?!” Napangiti ako sa nakita kong reaction ng kambal matapos kong ipakilala ang magulang ni Tanner sa kanila. Tapos na kaming mag-usap at nag-decide ako na ipakilala na ito sa kambal. “Yes, Amari. Say hi to your lolo and lola.” Hinawakan ko ang kamay niya upang ihatid siya papunta sa dalawa ngunit binitawan niya ‘din agad ang kamay ko at tumakbo papunta kay Asher na nakatulala lang sa magulang ni Tanner. Alam ko na nabigla si Asher dahil sa nalaman pero alam ko ‘din na masaya ‘yan. Napangiti ako sa inasta ni Amari at siya na mismo ang naghila kay Asher papunta kila tita Tanaya at tito David. “Kuya nandito na sina lolo at lola!” masayang sabi ni Amari at humarap kila tito at tita. “Hello po!” yumuko naman si tito David upang mapantayan sa Amari at nakangiti niyang niyakap ang bata. Si tita Tanaya naman ay lumuhod ‘din pagkatapos ay ibinuka ang kaniyang braso kay Asher na ikinatalima naman nito sa kaniyang pwesto at tumakbo ito papunta
“Hindi talaga namin alam noong una Tanner. Nalaman lang namin noong wala na si Anastasia sa puder namin. Ang buong akala namin ay buntis siya’t inaahas ka niya kaya nagalit kami at ikinulong namin siya sa budega sa loob ng limang buwan.” “You what?!” napatayo ako dahil sa aking narinig at pinigilan naman ako ni Lawrence at pinaupo pabalik sa pagkakaupo ko. “I know. Mali kami Tanner, noong nakita mo siya’t itinulak ay tumatakas siya noon. Masyado kaming bulag sa katotohanan Tanner at ganoon ka din. Hindi ba’t ilang beses ka niyang sinabihan na sa’yo ang dinadala niya pero dika naniwala.” “Dahil pinapaikot niyo ako!” angal ko sa sinabi nito na ikinatango niya. “We know. Nang makatakas siya ay nagpasya si Daisy na magpanggap na nakunan dahil wala ng batang makukuha kay Anastasia. After that bago ang kasal at magkagulo ay nalaman namin ang totoo. Kay Daisy mismo nanggaling na plinano niya ang lahat. Sobrang nagsisisi kami Tanner alam mo ba ‘yon? Sinubukan naming aminin sa kasal pero
“MOMMY congratulations po!” Napangiti si Anastasia ng salubungin siya ng kambal pagkalabas nila sa backstage. Hinihintay sila doon nila Kathy at ng kanilang mga tito at tita. Pawang mga nakangiti at masaya para sa natapos na bagong proyekto ng dalaga. “Thank you twins, nag-enjoy ba kayo? Did you eat already?” Nakangiti niyang tanong sa dalawa na ikinatango naman ng mga ito. “Yes mommy. May pag kain po kasing binigay saamin kaya full na po kami!” Masiglang sabi ni Amari habang si Asher naman ay nakangiti lang sa kaniyang ina. Wala doon ngayon ang kanilang lolo at lola dahil nag paalam ito at pupuntahan ‘daw ang anak. “Kaya naman pala magaganda ang design. Inspired.” Mapanloko na sabi ni Kathy na ikinatingin ni Anastasia dito at pinanlakihan niya ng mata ang kaibigan. “Why? Nagsasabi lang ako ng totoo, diba baby?” dagdag pa ni Kathy na ikinairap niya. “Pasalamat ka buntis ka. Brandon ‘yang asawa mo baka makalbo ko.” Natawa sila sa pabirong sabi ni Anastasia at naglakad na sila
KATULAD ng naaalala ko sa sinabi ni Tanner ay pumunta kami sa 10th floor ng kambal. Kaya pala andoon sila tito at tita para siguraduhin na wala na akong hangover at si Tanner daw ang nag-utos sa kanila. Kala mo naman kung sino kung makapag-utos sa mga magulang. Pero malaking tulong ang soup ni Kevin at nawala ang sakit ng ulo ko. Hawak ko sa aking magkabilang kamay ang kambal habang hinahanap ng aking mata si Tanner. Nakita ko siya sa may dulo at biglang napatayo ng makita kami. Napangiti ako at inaya na ang kambal papunta doon. “Hi!” medyo nahihiya kong sabi sa kaniya. Diko pa rin kasi maalala kung anong pinagsasabi ko kagabi. “Twins, I want you to meet your daddy Tanner. Tanner, mga anak mo. Si Asher ang panganay at si Amari.” Lumuhod si Tanner upang harapin ang kambal na tahimik lang sa tabi ko. Si Amari ay medyo nakatago pa saakin at parang natatakot. Alam ko na nasasaktan siya doon pero nakangiti pa ‘rin siyang nakaharap sa kambal. “H-Hi...” ngayon ko lang nakitang kinak