Napaaga update ko, kanina ko pa 'to sinusulat ngayon lang ako natapos hahaha sakit mo sa ulo Tanner! Hahaha pero seryoso akin ka nalang Kevin! Hahaha ano na kayang susunod na mangyayari guys? Anong tingin niyo? Comment kayo nagbabasa ako ng comments my dear readers ^_^
“MOMMY congratulations po!” Napangiti si Anastasia ng salubungin siya ng kambal pagkalabas nila sa backstage. Hinihintay sila doon nila Kathy at ng kanilang mga tito at tita. Pawang mga nakangiti at masaya para sa natapos na bagong proyekto ng dalaga. “Thank you twins, nag-enjoy ba kayo? Did you eat already?” Nakangiti niyang tanong sa dalawa na ikinatango naman ng mga ito. “Yes mommy. May pag kain po kasing binigay saamin kaya full na po kami!” Masiglang sabi ni Amari habang si Asher naman ay nakangiti lang sa kaniyang ina. Wala doon ngayon ang kanilang lolo at lola dahil nag paalam ito at pupuntahan ‘daw ang anak. “Kaya naman pala magaganda ang design. Inspired.” Mapanloko na sabi ni Kathy na ikinatingin ni Anastasia dito at pinanlakihan niya ng mata ang kaibigan. “Why? Nagsasabi lang ako ng totoo, diba baby?” dagdag pa ni Kathy na ikinairap niya. “Pasalamat ka buntis ka. Brandon ‘yang asawa mo baka makalbo ko.” Natawa sila sa pabirong sabi ni Anastasia at naglakad na sila
KATULAD ng naaalala ko sa sinabi ni Tanner ay pumunta kami sa 10th floor ng kambal. Kaya pala andoon sila tito at tita para siguraduhin na wala na akong hangover at si Tanner daw ang nag-utos sa kanila. Kala mo naman kung sino kung makapag-utos sa mga magulang. Pero malaking tulong ang soup ni Kevin at nawala ang sakit ng ulo ko. Hawak ko sa aking magkabilang kamay ang kambal habang hinahanap ng aking mata si Tanner. Nakita ko siya sa may dulo at biglang napatayo ng makita kami. Napangiti ako at inaya na ang kambal papunta doon. “Hi!” medyo nahihiya kong sabi sa kaniya. Diko pa rin kasi maalala kung anong pinagsasabi ko kagabi. “Twins, I want you to meet your daddy Tanner. Tanner, mga anak mo. Si Asher ang panganay at si Amari.” Lumuhod si Tanner upang harapin ang kambal na tahimik lang sa tabi ko. Si Amari ay medyo nakatago pa saakin at parang natatakot. Alam ko na nasasaktan siya doon pero nakangiti pa ‘rin siyang nakaharap sa kambal. “H-Hi...” ngayon ko lang nakitang kinak
“ANO pong ginagawa niyo dito?!” Kusa akong napatayo ng sabihin iyon ni Kathy. Lumapit naman saakin ang si Kevin at sina tito at tita na tila pinoprotektahan ako. Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Kevin habang deretsyong nakatingin kila mommy at daddy. “Mr. and Mrs.Ocampo, ayaw namin ng gulo. Kung maaari lang ay umalis na kayo.” Kalmadong sabi ni tito Kenneth. “W-Wait… Hindi kami nandito para manggulo. Nandito kami para humingi ng tawad kay Anastasia.” Natahimik kaming lahat dahil sa sinabi ni mommy at ang mas ikinagulat namin ay ang pagluhod ng dalawa sa harapan namin. Hindi ako makapaniwala, sobrang hindi ako makapaniwala. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa aking mga mata habang nakatingin sa kanila na pawang umiiyak na habang nakaluhod. “P-Pakinggan mo kami anak. We are very sorry. Alam kong hindi sasapat ang salitang sorry sa ginawa namin sa’yo ng mommy mo. We hurt you, kayo ng apo namin. Sinaktan namin kayo dahil sa maling katotohanan.” Umiiyak na sabi ni daddy. “S-S
Narinig ko ang pagsinghap nila dahil sa sinabi ni Serene at kinuha ni Kevin ang cellphone na hawak ko. “This is now trending. Ang daming articles agad tungkol sa inyong dalawa.” Sabi niya kapag kuwan na lalo kong ikinabahala. Sigurado ako na sa mga oras na ito ay alam na ni Daisy ang lahat. “A-Anastasia, huwag ka munang umalis please? Can you attend to our wedding? It’s our golden wedding Anastasia, gusto sana namin na andoon ka.” Napatingin ako kay daddy dahil sa sinabi niya na tila nagmamaka-awa. Ngayon ko lang naalala, taon-taon ay pinagdiriwang ko ang anniversary nila mommy at daddy ng palihim. Kahit naman na ginawa nila ako ng kakaibang bagay ay minahal ko pa ‘rin sila at mas na miss ko sila sa taon na lumipas. Hindi magtatagal ang galit ko lalo na kung magulang ko pa. “Tama si daddy mo. Anak kahit ikaw lang, gusto ka naming makasama sa kasal namin. ‘Wag mo ng isama ang kambal kung nag-aalala ka sa kaligtasan nila, kahit kami ay nag-aalala ‘din kaya ‘wag mo na silang isama
“A-ANONG ginagawa mo dito?” Ngumiti lang siya saakin matapos ko iyong tanungin kung kaya agad akong nag-iwas ng tingin upang makahinga ng maayos. Anong ginagawa niya dito?! At talagang nakaupo pa siya sa tabi ko! Wait! Hindi kaya may kinalaman sila Serene dito? Pati sila mommy at daddy?! “Kasabwat mo sila mommy at daddy pati na ‘rin si Serene ano?!” mahina kong tanong sa kaniya na lalo niyang ikinangiti saakin. Oh! I hate that smile! “What do you think wife?” pinanliitan ko siya ng mata dahil sa itinawag saakin. “Wife mo muka mo! Ayoko dito!” tatayo na sana ako ngunit agad niyang hinawakan ang kamay ko na naging dahilan para mapabalik ako sa aking pagkakaupo. “Bitawan mo ako!” pagbabanta ko sa kaniya na ikinabitaw naman niya saakin at ngumisi. “Okay. Make a scene so that people would confirm about the trending issue right now.” Natigilan ako sa sinabi niya at mukang natutuwa siya sa nakita niyang reaction ko. “Hmm… Malalaman nila na totoo ang usap-usapan na tayo na.” nanlaki
Pagkarating namin sa hotel ay ibinigay na saamin ang aming keys. “Hindi ka ba uuwi?” taka kong tanong kay Tanner ng sumabay ito saamin paakyat. “Nope, may condo ako dito.” Napatango ako sa sinagot niya. Naalala ko sa kanila nga pala itong hotel. “Paano nga pala sila mama at papa? Naiwan sila sa Cebu?” napangiti siya sa sinabi ko at agad akong pinamulahan ng maalala ang itinawag ko sa magulang niya. “A-Ah s-sabi kasi nila ‘yun nalang ‘daw ang itawag ko sa—” “No need to explain because sooner or later you will be a Grimes too.” “Wooh! Smooth ‘yun Tanner ah! Sure akong kinikilig na si Anastasia!” napaharap ako kay Serene dahil sa sinabi nito at pinalo siya ng malakas. “Aray naman! Ganiyan ka pala kiligin, nananakit! Hahaha!” tinignan ko siya ng masama dahil hindi pa talaga siya tumitigil. “Haha don’t worry about them my angel, gusto nilang mas makasama ang kambal.” Mabuti nalang talaga at bumukas na ang elevator at nagpaalam na kami sa isa’t-isa dahil sa itaas pa ang kaniya
“HEY! Are you okay?” Napakurap ako ng yugyugin ni Daisy ang balikat ko ngunit nagulat ako ng hilahin ako palapit ni Tanner sa kaniya at hinarang ang sarili sa harapan ko. “Don’t you dare touch her!” “S-Sandali, Tanner ‘wag kayong mag-away. Inaalam lang ni Daisy kung ayos lang ba si Anastasia.” Biglang singit ni mommy sa gitna nilang dalawa ni Daisy. “No, it is okay mommy. Naiintindihan ko si Tanner kung bakit over protective siya sa kapatid ko. Niloko ko siya, nagsinungaling ako, at alam ko na magiging ganito ang reaction niya. Pero Tanner, sana maniwala ka saakin na nagsisisi ako. Sorry sa nagawa ko.” Natahimik sila dahil sa sinabing iyon ni Daisy at humarap ito saakin. Nilampasan niya sina mommy at Tanner pagkatapos ay lumuhod ito sa harapan ko na ikinagulat namin.“D-Daisy…” “Anastasia, patawarin mo ako. Humihingi ako ng tawad mula sa kailaliman ng puso ko. Sorry sa nagawa ko, patawarin mo ako. Gusto ko ng mag bago. Gusto ko ng baguhin pagkakamali kong nagawa sa buhay Anastasi
NAABUTAN ko si Tanner sa may sala kung kaya agad kong itong nilapitan. “Tanner…” lumingon siya saakin at nakikita ko ang naiinis na emosyon sa kaniyang muka. “Bakit ganon mo nalang kadaling patawarin si Daisy, Anastasia?! Siya ang dahilan kung bakit muntik ng mamatay ang anak natin! Siya ang dahilan kung bakit inakala ko na siya ay ikaw! Siya ang puno’t dulo ng lahat ng ito!” Hinawakan ko ang kamay ni Tanner at deretsyong tumingin sa mga mata niya. “Naiintindihan ko ang kinagagalit mo Tanner… Pero nakita mo naman diba? Nagsisisi na siya? Lumuhod pa siya sa harapan ko—” ngunit hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sumingit siya. “Because she is expert on that part! She can pass as an actress!” Natigilan ako sa sinabi niya at bumalik sa ala-ala ko ang mga panahon na umaarte siya sa harapan nila mommy at daddy. Mga panahon na pinagmumuka niya akong masama na ang totoong dahilan ay siya naman talaga. “See? I told you.” Ngumiti ako kay Tanner at umiling sa kaniya. “Kung totoo man n