MASYADONG mabilis ang mga nangyari at namalayan ko nalang na nandito ako sa unit ni ate Rian kung saan ako naisipang dalhin ni Serene at doon ay nagpakalulong ako sa alak. Hindi na ‘rin ako pinigilan pa nila Serene at ate Rian, dumating ‘din si Kathy kasama si Brandon ngunit hindi ko pinukulan ng tingin si Brandon dahil masama pa ‘rin ang loob ko sa kaniya. Kung ayaw niyang magkaroon ng ibang babae sa buhay ni Tanner bakit kay Daisy ay hindi siya nagreklamo? Todo support pa nga siya at pumunta sa bahay namin tapos ngayon na ako ang nalalapit kay Tanner ayaw niya? Patawa siya. Hindi naman nagtagal si Brandon doon at iniwan lang si Kathy. Siya na daw ang bahalang magpaliwanag at magbantay sa kambal. Pinasalamatan ko siya ng hindi manlang tinatapunan ng tingin at narinig ko pa ang buntong hininga niya bago umalis. Matapos iyon ay pinaulanan na ako ng tanong ni Kathy. Kilala ko ang kaibigan ko na ‘to, hindi ako nito titigilan hangga’t hindi niya nakukuha ang sagot ngunit matigas ako. Ay
ANASTASIA “KAYO po ang totoo naming lolo’t, lola?!” Napangiti ako sa nakita kong reaction ng kambal matapos kong ipakilala ang magulang ni Tanner sa kanila. Tapos na kaming mag-usap at nag-decide ako na ipakilala na ito sa kambal. “Yes, Amari. Say hi to your lolo and lola.” Hinawakan ko ang kamay niya upang ihatid siya papunta sa dalawa ngunit binitawan niya ‘din agad ang kamay ko at tumakbo papunta kay Asher na nakatulala lang sa magulang ni Tanner. Alam ko na nabigla si Asher dahil sa nalaman pero alam ko ‘din na masaya ‘yan. Napangiti ako sa inasta ni Amari at siya na mismo ang naghila kay Asher papunta kila tita Tanaya at tito David. “Kuya nandito na sina lolo at lola!” masayang sabi ni Amari at humarap kila tito at tita. “Hello po!” yumuko naman si tito David upang mapantayan sa Amari at nakangiti niyang niyakap ang bata. Si tita Tanaya naman ay lumuhod ‘din pagkatapos ay ibinuka ang kaniyang braso kay Asher na ikinatalima naman nito sa kaniyang pwesto at tumakbo ito papunta
“Hindi talaga namin alam noong una Tanner. Nalaman lang namin noong wala na si Anastasia sa puder namin. Ang buong akala namin ay buntis siya’t inaahas ka niya kaya nagalit kami at ikinulong namin siya sa budega sa loob ng limang buwan.” “You what?!” napatayo ako dahil sa aking narinig at pinigilan naman ako ni Lawrence at pinaupo pabalik sa pagkakaupo ko. “I know. Mali kami Tanner, noong nakita mo siya’t itinulak ay tumatakas siya noon. Masyado kaming bulag sa katotohanan Tanner at ganoon ka din. Hindi ba’t ilang beses ka niyang sinabihan na sa’yo ang dinadala niya pero dika naniwala.” “Dahil pinapaikot niyo ako!” angal ko sa sinabi nito na ikinatango niya. “We know. Nang makatakas siya ay nagpasya si Daisy na magpanggap na nakunan dahil wala ng batang makukuha kay Anastasia. After that bago ang kasal at magkagulo ay nalaman namin ang totoo. Kay Daisy mismo nanggaling na plinano niya ang lahat. Sobrang nagsisisi kami Tanner alam mo ba ‘yon? Sinubukan naming aminin sa kasal pero
“MOMMY congratulations po!” Napangiti si Anastasia ng salubungin siya ng kambal pagkalabas nila sa backstage. Hinihintay sila doon nila Kathy at ng kanilang mga tito at tita. Pawang mga nakangiti at masaya para sa natapos na bagong proyekto ng dalaga. “Thank you twins, nag-enjoy ba kayo? Did you eat already?” Nakangiti niyang tanong sa dalawa na ikinatango naman ng mga ito. “Yes mommy. May pag kain po kasing binigay saamin kaya full na po kami!” Masiglang sabi ni Amari habang si Asher naman ay nakangiti lang sa kaniyang ina. Wala doon ngayon ang kanilang lolo at lola dahil nag paalam ito at pupuntahan ‘daw ang anak. “Kaya naman pala magaganda ang design. Inspired.” Mapanloko na sabi ni Kathy na ikinatingin ni Anastasia dito at pinanlakihan niya ng mata ang kaibigan. “Why? Nagsasabi lang ako ng totoo, diba baby?” dagdag pa ni Kathy na ikinairap niya. “Pasalamat ka buntis ka. Brandon ‘yang asawa mo baka makalbo ko.” Natawa sila sa pabirong sabi ni Anastasia at naglakad na sila
KATULAD ng naaalala ko sa sinabi ni Tanner ay pumunta kami sa 10th floor ng kambal. Kaya pala andoon sila tito at tita para siguraduhin na wala na akong hangover at si Tanner daw ang nag-utos sa kanila. Kala mo naman kung sino kung makapag-utos sa mga magulang. Pero malaking tulong ang soup ni Kevin at nawala ang sakit ng ulo ko. Hawak ko sa aking magkabilang kamay ang kambal habang hinahanap ng aking mata si Tanner. Nakita ko siya sa may dulo at biglang napatayo ng makita kami. Napangiti ako at inaya na ang kambal papunta doon. “Hi!” medyo nahihiya kong sabi sa kaniya. Diko pa rin kasi maalala kung anong pinagsasabi ko kagabi. “Twins, I want you to meet your daddy Tanner. Tanner, mga anak mo. Si Asher ang panganay at si Amari.” Lumuhod si Tanner upang harapin ang kambal na tahimik lang sa tabi ko. Si Amari ay medyo nakatago pa saakin at parang natatakot. Alam ko na nasasaktan siya doon pero nakangiti pa ‘rin siyang nakaharap sa kambal. “H-Hi...” ngayon ko lang nakitang kinak
“ANO pong ginagawa niyo dito?!” Kusa akong napatayo ng sabihin iyon ni Kathy. Lumapit naman saakin ang si Kevin at sina tito at tita na tila pinoprotektahan ako. Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Kevin habang deretsyong nakatingin kila mommy at daddy. “Mr. and Mrs.Ocampo, ayaw namin ng gulo. Kung maaari lang ay umalis na kayo.” Kalmadong sabi ni tito Kenneth. “W-Wait… Hindi kami nandito para manggulo. Nandito kami para humingi ng tawad kay Anastasia.” Natahimik kaming lahat dahil sa sinabi ni mommy at ang mas ikinagulat namin ay ang pagluhod ng dalawa sa harapan namin. Hindi ako makapaniwala, sobrang hindi ako makapaniwala. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa aking mga mata habang nakatingin sa kanila na pawang umiiyak na habang nakaluhod. “P-Pakinggan mo kami anak. We are very sorry. Alam kong hindi sasapat ang salitang sorry sa ginawa namin sa’yo ng mommy mo. We hurt you, kayo ng apo namin. Sinaktan namin kayo dahil sa maling katotohanan.” Umiiyak na sabi ni daddy. “S-S
Narinig ko ang pagsinghap nila dahil sa sinabi ni Serene at kinuha ni Kevin ang cellphone na hawak ko. “This is now trending. Ang daming articles agad tungkol sa inyong dalawa.” Sabi niya kapag kuwan na lalo kong ikinabahala. Sigurado ako na sa mga oras na ito ay alam na ni Daisy ang lahat. “A-Anastasia, huwag ka munang umalis please? Can you attend to our wedding? It’s our golden wedding Anastasia, gusto sana namin na andoon ka.” Napatingin ako kay daddy dahil sa sinabi niya na tila nagmamaka-awa. Ngayon ko lang naalala, taon-taon ay pinagdiriwang ko ang anniversary nila mommy at daddy ng palihim. Kahit naman na ginawa nila ako ng kakaibang bagay ay minahal ko pa ‘rin sila at mas na miss ko sila sa taon na lumipas. Hindi magtatagal ang galit ko lalo na kung magulang ko pa. “Tama si daddy mo. Anak kahit ikaw lang, gusto ka naming makasama sa kasal namin. ‘Wag mo ng isama ang kambal kung nag-aalala ka sa kaligtasan nila, kahit kami ay nag-aalala ‘din kaya ‘wag mo na silang isama
“A-ANONG ginagawa mo dito?” Ngumiti lang siya saakin matapos ko iyong tanungin kung kaya agad akong nag-iwas ng tingin upang makahinga ng maayos. Anong ginagawa niya dito?! At talagang nakaupo pa siya sa tabi ko! Wait! Hindi kaya may kinalaman sila Serene dito? Pati sila mommy at daddy?! “Kasabwat mo sila mommy at daddy pati na ‘rin si Serene ano?!” mahina kong tanong sa kaniya na lalo niyang ikinangiti saakin. Oh! I hate that smile! “What do you think wife?” pinanliitan ko siya ng mata dahil sa itinawag saakin. “Wife mo muka mo! Ayoko dito!” tatayo na sana ako ngunit agad niyang hinawakan ang kamay ko na naging dahilan para mapabalik ako sa aking pagkakaupo. “Bitawan mo ako!” pagbabanta ko sa kaniya na ikinabitaw naman niya saakin at ngumisi. “Okay. Make a scene so that people would confirm about the trending issue right now.” Natigilan ako sa sinabi niya at mukang natutuwa siya sa nakita niyang reaction ko. “Hmm… Malalaman nila na totoo ang usap-usapan na tayo na.” nanlaki