“Kevin is so perfect for me Serene. Hindi kami pwedeng dalawa,” wala sa sarili kong sabi. “Hindi ba talaga pwede o sadyang may iba pang tinitibok ang puso mo?” Gulat akong napatingin sa kaniya sa sinabi niyang iyon at natatawa niya akong tinuro. “You should see you face right now! Hahaha parang ako si Tanner na gulat kang makita dahil sa itsura mo!” nakatanggap siya saakin ng malakas na hampas pero hindi na niya ako tinigilan. Hindi nalang ako pumatol dahil baka lumaki pa. Pero tama nga kaya ang sinabi niya? What?! No, Anastaisa! Bakit mo iniisip ang ganiyang bagay! Erase, erase! ~AFTER 19 HOURS~ “Ladies and gentlemen, welcome to ***. Local time is 3 o’clock in the afternoon and the temperature is ***. For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign…” Naramdaman ko ang pagkapit ni Serene sa kamay kong hindi ko manlang namalayan na mahigpit na pala ang kapit sa kinauupuan namin. Nginitian ko siya
“NICE to finally meet the owner of Blue Moon Clothing,” Wala sa sarili akong napatayo dahil na ‘rin sa pagtulak saakin ni Serene. Malamang dahil nakatitig lang ako kay Tanner. Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad na saakin ngayon at napipilitang iniangat ko ang kamay ko’t nakipag shake-hands sa kaniya. Sana hindi niya ramdam ang panlalamig ng kamay ko! Walang emosyon lang siyang nakatingin saakin kaya napapaso kong inalis ang kamay ko sa kamay niya lalo na ng pisilin niya iyon. Nakaramdam na ‘din kasi ako ng kakaiba—parang may spark. Teka! Anong spark ang sinasabi mo jan Anastasia! “Nice to meet you.” Ginawa ko ang lahat upang hindi ako mautal at agad na bumalik sa pagkakaupo ko upang hindi na humaba ang usapan. “Finally we are complete! We can now have our lunch.” Rinig kong sabi ni Ms.Valine ngunit mas naririnig ko pa ‘rin ang sobrang lakas ng tibok ng puso ko lalo na ng aksidenteng magtagpo ang mata namin ni Tanner na siyang nakaupo pala sa katapat ko! “Are you okay
Pagkarating namin sa silid ay nagkulong ako sa kwarto at doon nag-iiyak. Hinayaan naman ako ni Serene dahil alam kong alam niya na kailangan ko ng space. I really need a space, unang araw ko palang dito sa Cebu pero ang dami nang nangyari. Sobrang layo nga ng Cebu sa Manila pero eto kami ngayon pinagtatagpo. Napakamapagbiro mo naman saakin tadhana? Baka naman may mas malala ka pang ibibigay saakin ah? Siguraduhin mo lang na kakayanin ko lahat ng yan. I don’t want to cry in front of him—in front of them. NAGISING ako dahil sa gutom. Nakita ko na gabi na pala ng magising ako kaya pala kumukulo na ang tiyan ko. Ang tagal ko palang nakatulog dahil kakaiyak? Paglabas ko ng aking silid ay walang Serene na sumalubong saakin. Nakita ko lang ang note niya na nagsasabing lumabas ‘daw siya para magliwaliw muna. Nilutuan niya ‘daw ako ng pagkain kaya hindi ako nagdalawang isip na initin iyon at kainin. Matapos kong kumain ay nag-ayos ako upang bumaba. Susundan ko si Serene, siguradong nasa tab
TUMAYO si Ms.Valine upang salubungin si Tanner na taimtim lang ‘din na nakatingin saakin. “Siya ang sinasabi ko sa’yo na katulong mo hija, si Tanner kasi ang mas nakaka-alam ng lugar dito sa Cebu dahil na ‘rin dito siya nanirahan dati.” Dati? Hindi ko ata alam ang part na ‘yan ah? Mukang hindi ako ganon kagaling na stalker. Umiling nalamang ako dahil sa isiping iyon at nagpaskil ng malaking ngiti sa aking labi at tumayo upang salubungin ‘din ito. “Ikaw pala ang makakasama ko kuya Tanner,” nakita ko ang pagtalim ng tingin niya saakin ngunit hindi ko ‘yun pinansin at malaking ngiti pa ‘rin ang ibinibigay ko sa kaniya. “’Kuya Tanner’? Wait, magkakilala ba kayong dalawa?” hindi makapaniwalang tanong ni Ms.Valine na ikinatigil ko. Bakit nga ba hindi ko naisip na maaaring tanungin saakin ‘yun? Sh*t! Anong sasabihin ko? “Yes, she’s my girlfriend little sister.” Gulat na napatingin ako kay Tanner sa sinabi nito. Ramdam ko ang libo-libong mga karayom ang tumarak sa puso ko ng marinig
NGAYON ang oras kung kailan kami babyahe papunta sa lugar na tanging si Tanner lang ang nakaka-alam. Nagkita-kita kami sa lobby gaya na ‘rin ng sabi nito ng nasa loob pa kami ng conference room. Isang van ang sasakyan namin, malaki ito at sa harapan nakaupo si Tanner kaya mas okay. Nasa likuran kaming dalawa ni Serene at ang daming bakanteng upuan sa likuran kaya natatakot ako. “P-Pwede bang buhay nalang ang ilaw dito? Takot ako sa dilim.” Naramdaman ko ang kapit ni Serene sa kamay ko kaya binigyan ko siya ng ngiti na nagsasabing okay lang ako. Nagkaroon na kasi ako ng trauma sa dilim at masikip. Nagwawala talaga ako at hindi makakahinga sa ganoong scenario, naaalala ko ang nakaraan. Kusang bumukas ang ilaw sa itaas namin kaya napangiti ako kay Tanner na nakakunot ang noong nakatingin sa rearview mirror. Lagi nalang talaga nakakunot ang noo niya, ‘di pa ‘rin siya nagbabago. Mayroon kaming driver kaya sumandal na ako sa upuan ko dahil na ‘rin two hours ang byahe. “Did you call them
KINABUKASAN ay anong oras na ako nagising dahil hindi ako nakatulog ng maayos matapos ang pag-uusap namin na iyon ni Tanner. I’m thinking kung tama ba ang ginawa ko or am I being selfish? Kapag naiisip ko ang nakaraan ay malakas ang sigaw ng isip ko na tama lang ang ginawa ko dahil sa mga pinaggagagawa nila saakin. Hay! Sobrang complicated talaga. Kunot noo kong itinapon ang pinilas na papel mula sa aking sketchpad at nilamukos iyon. Nakakailang ulit na ba ako sa pag-sketch ng mga designs ko? Wala dito ngayon si Serene dahil kasama ito ni inang Ica sa bayan, nabanggit niya ‘daw kasi kay Serene na pa-bayan ito para mamili at dahil wala naman gagawin si Serene ay sumama na. Okay lang naman saakin para makapag-focus ako sa pag-sketch kaso wala! Hindi ako makatapos kahit isang damit. “Nakakainis naman!” nailapag ko sa center table ang hawak kong sketch pad at lapis dahil sa frustration. Kanina pa ako dito pero hindi pa ‘rin nagana ang utak ko, kaya nga ako pumwesto sa labas ng verand
Kaso biglang kumulo ang tiyan ko na ikinahawak ko doon. Sana hindi niya narinig! “I knew it. Sabi ko na nga ba at gutom ka na. Come, I cooked our dinner.” Iniwan niya ako sa terrace at gutso kong sumigaw dahil sa kahihiyan. Nakakahiya ka Anastasia! Ako na ang nag-ayos ng hapagkainan at dito kami kakain sa terrace kung saan ako gumuhit kanina. Naka sampu ‘din pala akong damit kanina pero wala pa siyang colors, siguro kapag nasa kabilang isla nalang kami tyaka ko lalagyan. “Hindi talaga ako makapaniwala na marunong kang magluto,” sabi ko habang nakatingin sa pagkain na nasa harapan namin. See foods ang mga nakahain lalo na ang alimango na halos ikalaway ko na dahil mukang masarap sa amoy palang. “You underestimate me, Anastasia. Mom, teach me how to cook when I was young. Kung wala siguro akong mamanahing negosyo ay chef ako ngayon.” “Seryoso?” hindi makapaniwala kong sabi na ikinatawa niyang muli ng mahina at tumango. “Tama na ang tanong, here. Taste it and tell me how it
“NASAAN si Serene, Anastasia?” Napapitlag ako ng biglang may magsalita sa aking likuran. Andito na kasi ako ngayon sa sala at inaabangan si Tanner, matapos kong malaman na andito na pala sila Brandon sa Cebu kasama ang mga anak ko ay pinapunta ko agad si Serene doon upang siya na ang magdahilan na may lakad pa ako. Hindi nila kami pwedeng makita na magkasama ni Tanner, pero hindi ‘rin naman pwede na magtaka si Tanner kung bakit balisa ako. “A-Ah nauna na, mayroon kasing kailangan gawin si Serene sa kumpanya nasa hotel ang kagamitan namin. Let’s go?” ngiting pilit na sabi ko sa kaniya kahit pa na nautal ako. Tumango naman siya saakin at naglakad na kami palabas. Naghihintay na saamin ang van na sinakyan namin noong papunta dito. Nakalagay na sa loob ang mga gamit maging ang mga tela at si Inang Ica ang nag mando sa mga tauhan sa pagbubuhat niyon kaya nakangiti niya kaming sinalubong sa labas ng rest house. “Mag-iingat kayo sa inyong byahe, dalawin mo ako hijo bago ka bumalik ng