OMG! Bakit kinikilig akesh?! Hahaha
TUMAYO si Ms.Valine upang salubungin si Tanner na taimtim lang ‘din na nakatingin saakin. “Siya ang sinasabi ko sa’yo na katulong mo hija, si Tanner kasi ang mas nakaka-alam ng lugar dito sa Cebu dahil na ‘rin dito siya nanirahan dati.” Dati? Hindi ko ata alam ang part na ‘yan ah? Mukang hindi ako ganon kagaling na stalker. Umiling nalamang ako dahil sa isiping iyon at nagpaskil ng malaking ngiti sa aking labi at tumayo upang salubungin ‘din ito. “Ikaw pala ang makakasama ko kuya Tanner,” nakita ko ang pagtalim ng tingin niya saakin ngunit hindi ko ‘yun pinansin at malaking ngiti pa ‘rin ang ibinibigay ko sa kaniya. “’Kuya Tanner’? Wait, magkakilala ba kayong dalawa?” hindi makapaniwalang tanong ni Ms.Valine na ikinatigil ko. Bakit nga ba hindi ko naisip na maaaring tanungin saakin ‘yun? Sh*t! Anong sasabihin ko? “Yes, she’s my girlfriend little sister.” Gulat na napatingin ako kay Tanner sa sinabi nito. Ramdam ko ang libo-libong mga karayom ang tumarak sa puso ko ng marinig
NGAYON ang oras kung kailan kami babyahe papunta sa lugar na tanging si Tanner lang ang nakaka-alam. Nagkita-kita kami sa lobby gaya na ‘rin ng sabi nito ng nasa loob pa kami ng conference room. Isang van ang sasakyan namin, malaki ito at sa harapan nakaupo si Tanner kaya mas okay. Nasa likuran kaming dalawa ni Serene at ang daming bakanteng upuan sa likuran kaya natatakot ako. “P-Pwede bang buhay nalang ang ilaw dito? Takot ako sa dilim.” Naramdaman ko ang kapit ni Serene sa kamay ko kaya binigyan ko siya ng ngiti na nagsasabing okay lang ako. Nagkaroon na kasi ako ng trauma sa dilim at masikip. Nagwawala talaga ako at hindi makakahinga sa ganoong scenario, naaalala ko ang nakaraan. Kusang bumukas ang ilaw sa itaas namin kaya napangiti ako kay Tanner na nakakunot ang noong nakatingin sa rearview mirror. Lagi nalang talaga nakakunot ang noo niya, ‘di pa ‘rin siya nagbabago. Mayroon kaming driver kaya sumandal na ako sa upuan ko dahil na ‘rin two hours ang byahe. “Did you call them
KINABUKASAN ay anong oras na ako nagising dahil hindi ako nakatulog ng maayos matapos ang pag-uusap namin na iyon ni Tanner. I’m thinking kung tama ba ang ginawa ko or am I being selfish? Kapag naiisip ko ang nakaraan ay malakas ang sigaw ng isip ko na tama lang ang ginawa ko dahil sa mga pinaggagagawa nila saakin. Hay! Sobrang complicated talaga. Kunot noo kong itinapon ang pinilas na papel mula sa aking sketchpad at nilamukos iyon. Nakakailang ulit na ba ako sa pag-sketch ng mga designs ko? Wala dito ngayon si Serene dahil kasama ito ni inang Ica sa bayan, nabanggit niya ‘daw kasi kay Serene na pa-bayan ito para mamili at dahil wala naman gagawin si Serene ay sumama na. Okay lang naman saakin para makapag-focus ako sa pag-sketch kaso wala! Hindi ako makatapos kahit isang damit. “Nakakainis naman!” nailapag ko sa center table ang hawak kong sketch pad at lapis dahil sa frustration. Kanina pa ako dito pero hindi pa ‘rin nagana ang utak ko, kaya nga ako pumwesto sa labas ng verand
Kaso biglang kumulo ang tiyan ko na ikinahawak ko doon. Sana hindi niya narinig! “I knew it. Sabi ko na nga ba at gutom ka na. Come, I cooked our dinner.” Iniwan niya ako sa terrace at gutso kong sumigaw dahil sa kahihiyan. Nakakahiya ka Anastasia! Ako na ang nag-ayos ng hapagkainan at dito kami kakain sa terrace kung saan ako gumuhit kanina. Naka sampu ‘din pala akong damit kanina pero wala pa siyang colors, siguro kapag nasa kabilang isla nalang kami tyaka ko lalagyan. “Hindi talaga ako makapaniwala na marunong kang magluto,” sabi ko habang nakatingin sa pagkain na nasa harapan namin. See foods ang mga nakahain lalo na ang alimango na halos ikalaway ko na dahil mukang masarap sa amoy palang. “You underestimate me, Anastasia. Mom, teach me how to cook when I was young. Kung wala siguro akong mamanahing negosyo ay chef ako ngayon.” “Seryoso?” hindi makapaniwala kong sabi na ikinatawa niyang muli ng mahina at tumango. “Tama na ang tanong, here. Taste it and tell me how it
“NASAAN si Serene, Anastasia?” Napapitlag ako ng biglang may magsalita sa aking likuran. Andito na kasi ako ngayon sa sala at inaabangan si Tanner, matapos kong malaman na andito na pala sila Brandon sa Cebu kasama ang mga anak ko ay pinapunta ko agad si Serene doon upang siya na ang magdahilan na may lakad pa ako. Hindi nila kami pwedeng makita na magkasama ni Tanner, pero hindi ‘rin naman pwede na magtaka si Tanner kung bakit balisa ako. “A-Ah nauna na, mayroon kasing kailangan gawin si Serene sa kumpanya nasa hotel ang kagamitan namin. Let’s go?” ngiting pilit na sabi ko sa kaniya kahit pa na nautal ako. Tumango naman siya saakin at naglakad na kami palabas. Naghihintay na saamin ang van na sinakyan namin noong papunta dito. Nakalagay na sa loob ang mga gamit maging ang mga tela at si Inang Ica ang nag mando sa mga tauhan sa pagbubuhat niyon kaya nakangiti niya kaming sinalubong sa labas ng rest house. “Mag-iingat kayo sa inyong byahe, dalawin mo ako hijo bago ka bumalik ng
“At pinagtatanggol mo na siya ngayon?!” pasigaw na sabi ni Kathy na ikinasuway ng magulang niya sa kaniya pero hindi naman ito pinatulan ni Brandon bagkus ay nakatingin lang ito saakin. “Siguro kung nakakatunaw lang ang tingin ay kanina pa tunaw si Anastasia.” Natatawang sabi ni Serene na nasa tabi ko na tila pinapagaan ang atmosphere. “Brandon hijo, bakit ganiyan ka makatingin kay Anastasia?” hindi na naiwasang tanong ni tito Kenneth pero gaya kay Kathy ay hindi siya pinansin ng lalaki at ang sumunod na sinabi niya ang nagpataka saakin. “Sigurdo ka ba na dinala ka ni Tanner sa private island?” napakurap ako sa tanong niya dahil sa gulat ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pagsihap ni tita Sanity. “P-Private Island dito sa Cebu? Dinala ka doon ni Tanner Anastasia?” hindi makapaniwalang tanong ni tita na siyang ikinataka naming lahat. Hindi nalang ako ang nagtataka ngayon maging sila Kathy, Serene at ang magulang ni Kathy. “Opo. May problema po ba doon?” napatingin si tita San
HINDI ako makakilos sa aking kinatatayuan dahil sa pagkabigla ngunit mabuti nalang ay tinawag ako ng anak kong si Amari na siyang ikinatauhan ko at ikinabalik sa wisyo. “T-They are you twins Anastasia?” Napatingin ako kay Tanner nang magtanong siya. Kitang-kita ko ang gulat at pagtataka sa kaniyang muka. Habang ako naman ay napatayo ng maayos at hinawakan sa balikat si Amari na nag-aalang nakatingin saakin. Binigyan ko ng ngiti si Amari na nagsasabing ayos lang ako. “Yes we are! Got a problem with that?!” Napapikit ako ng mariin ng sumagot si Asher sa pabalang na paraan kung kaya hinawakan ko ito sa balikat at inilapit saamin ni Amari. “Asher, stop that. You’re being rude.” Nakita ko ang pagkunot ng noo niya kahit pa na may shades itong soot. Mukang pinaghandaan ng kambal ang paglabas at pagsunod na ito saakin dahil naka shades sila pareho. Umiling nalamang ako at matapang na hinarap si Tanner. “They are Tanner. If you’ll excuse us, may gagawin pa kasi kami.” Hinawakan ko na an
MAAGA kaming gumising dahil na ‘rin ngayon ko ipapakilala ang kambal kay Ms.Valine. Nag pasya ako na unahing ipakita kay Ms.Valine ang kambal bago kay Tanner para naman kahit papaano ay makapaghanda ako. “Tandaan mo hija, hindi ka nag-iisa. Hindi mo kailangan sarilihin ang lahat.” Seryosong sabi saakin ni tita Sanity kung kaya ngumiti ako sa kaniya at tumango. Napansin ko ‘din na naging medyo weird sila simula nang mag-usap kami noong nakaraang araw. Nagtataka nga kami, kahit si Kathy ay naging kakaiba na ewan. Si Serene nga ay natatakot na sa mga ito, para silang puzzle na hindi mabuo-buo kaya sinabi ko nalang na hayaan namin sila. “Don’t worry tita, hindi ko po kalilimutan ang sinabi mo.” Hinawakan niya ang magkabila kong kamay at marahang pinisil iyon. Papaalis na kami ngayon ng kambal na muli ay nakasoot ng shades. Lumapit na saakin ang dalawa at hinawakan ko sila sa magkabila nilang kamay. “Ready na kayo twins?” nakangiti kong tanong na ikinatango naman nila. “Serene, let’s