||FOUR YEARS LATER||
"Inez!" Malakas kong tawag sa kanya. "Bumalik ka ritong bata ka!" Nakapameywang kong sinabi.
"Hindi! Yoko uwi! Hindi kita lab!" Aniya at malditang pinagkrus ang maliliit na braso sa dibdib. Masama ang kanyang tingin sa akin. "Hanapin ko papa ko! Alis ako! Iwan kita! Di kita lab!"
Tumalikod siya at hirap na hirap na isinabit sa maliit na balikat ang shoulder bag. Ano naman kaya ang laman niyan bakit parang bigat na bigat siya? Nasampal ko ang aking noo nang makita siyang madapa matapos matisod ng bato. Ngunit bilang siya ay isang strong and independent malditang Inez Isabelle, tumayo siya at parang walang nangyaring lumakad ulit. Napa-iling akong sinundan siya.
"Sige, aalis ka? May pamasahe ka ba?" Nanliit ang mata ko nang mapatigil siya. "Paano mo hahanapin ang tatay mo kung wala kang pamasahe? Hindi ka naman pwedeng maglakad dahil aabutin ka ng limang taon. Sige ka, baka may mga masasamang loob makakita sa'yo sa daan tapos gawin kang vetsin, paano mo pa makikita ang tatay mo kung naging vetsin ka na?"
Tuluyan na siyang humarap sa akin. Malditang ipinagkrus ang mga braso sa dibdib.
"Bigyan mo 'ko pamasahe, Sandra." Ma-awtoridad niyang utos. Nanlilisik ang matang nakatingin sa akin.
"Hindi, ayoko." Pagmamatigas ko at matapang din siyang tinitigan. "Umuwi ka muna at hinahanap ka na ni Nanay. Nagluto pa naman ng pancit at fried chicken 'yon."
Nakita ko kung paanong nanlaki ang kanyang bilugang mata at pumormang bilog ang manipis na mga labi. Akala ko ay mapapayag ko na ulit siya nang biglang sinaniban na naman ng kanyang devil guardian angel.
"Hindi! Yoko! Hanapin ko Papa ko!" Inirapan niya ako. "Hmp! Hindi mo ako lab, Sandra." Ipinadyak pa niya ang kanyang kanang paa. Namumula na ang tungki ng kanyang ilong at sa wari ko'y ilang kalabit na lang ay aatungal na ito. "Hindi tayo bati, Sandra. Nisasakit puso ko kasi bad ka. Hindi na kita ilalab. Sungaling ka sakin. Akala ko ba bad 'yun? Ba't mo nigagawa?" Kumibot ang kanyang maninipis na nguso hanggang sa tuluyan na ngang umatungal ang malditang bata.
Nagbuntong-hininga ako at nilapitan siya. Iwinaksi pa niya ako at ayaw magpahawak. Nakagat ko ang loob ng aking pisngi at naupo na lamang sa damuhan.
Sa isang tatlong taong gulang, napakahusay na niyang sumagot-sagot. Hindi puwedeng walang side comments sa lahat ng sasabihin mo. Sobrang liit din niya kumpara sa isang karaniwang tatlong taong gulang. Premature baby kasi siya kaya siya ganito. Matakaw naman pero hindi pa rin tumataba nang husto.
"Halika, mag-uusap tayo." Mahinahon kong sinabi. "Maupo ka, Inez Isabelle." Seryoso kong sinabi, nagpapakita na ng awtoridad.
Sumunod naman siya pero masama pa rin ang tingin sa akin.
Tinanaw ko ang bilog na buwan na nagsilbing liwanag namin sa gabing ito. Alas otso na kanina nang manggaling kami ng bahay. Kagagaling ko lang sa duty at nang dumating ako nagulat na lang ako dahil sinabi ng nanay na lumayas daw itong maliit na batang ito. May dalang bag daw. Hahabulin na sana niya kaso nagpresenta ako.
"Bakit ka lumayas?" Mahinahon kong tanong nang makaupo na siya. "Alam mo bang delikadong magpagala-gala sa gabi?" Nakatingala lamang ako sa buwan.
"Alis kasi ako, Sandra. Hanapin ko papa ko. Kasi, sabi ni Roda hindi daw ako anak ni Nanay. Anak mo ako daw." Maliit ang boses niyang sinabi.
Nang tingnan ko siya ay halos madurog ang puso ko nang makita ang inosente niyang mukha. Anak ko 'to, sa akin nanggaling. Ako ang nagbuntis, ako ang nagluwal. Ngunit nang magka-isip ay mas pinili kong huwag niya akong kilalaning ina. Si Nanay ang kinagisnan niyang nanay. Iyon ang napag-usapan namin ni Nanay at Tatay dahil ayaw kong lumaki siyang walang makagisnang kumpletong pamilya. Ayaw kong kutyain siya ng mga kalaro niyang bata dahil wala siyang tatay. Ayaw kong masabihan siya ng pakawala ang nanay niya kung sino na lang ang kasama.
Ngayong alam na niya ang katotohanan, wala na akong dahilan pa para huwag sabihin sa kanya.
"A-Ayaw mo bang maging m-mama ako?" May kung anong bumara sa aking lalamunan.
Sa isiping ayaw niya sa akin ay tuluyang magpapadurog sa puso ko. Hindi ako naging ina sa kanya noong mga panahong nakakaunawa na siya. Kaya hindi ko na aasahang magugustuhan niya ako bilang ina niya. Maiintindihan ko siya, karapatan niyang magkaroon ng sama ng loob sa akin dahil masama naman talaga ako.
"Bakit kita naging mama, Sandra?" Ang inosenteng tanong na iyon ay tumagos sa aking dibdib. "Bakit mo sabi si Nanay Consie nanay natin? Di ba, Sandra, nisasabi mo sa akin lagi na bad mag lie? Bakit ni-lie ka sa akin?" Ngumuso siya, kumibot ang kanyang labi.
Tila ay nawalan ako ng abilidad magsalita. Bigla ay nawalan ako ng lakas. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nawalan ako ng boses.
Humugot ako ng malalim na hininga at saka iyon dahan-dahang ibinuga.
"K-kasi... May mga bagay akong dapat gawin para sa'yo," pagsasabi ko ng katotohanan. Tuluyan ko siyang hinarap at hinawakan ang maliit niyang mukha. "Kasi, ayaw kitang lumaking walang Papa. Natatakot ako, Inez, natatakot akong kutyain ka ng mga kalaro mo. Ayaw ko ng ganoon, masasaktan ako." Tinuro ko ang aking puso, tuluyan ng tumulo ang aking luha. "Kasi, kapag sinabi kong ako ang mama mo, maghahanap ka ng papa."
"Eh, asan po ba papa ko?" Kuryoso niyang tanong.
"H-hindi ko alam, eh." Pagsisinungaling ko.
"E, 'di, hanapin natin, Sandra! Hanapin natin papa ko! Gusto ko siya makita!" Ang kanyang lumuluhang mukha ay nagliwanag.
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Tinitigan ko siya, punong-puno ng pag-asa ang kayang mga mata.
"S-sige," sambit ko kahit hindi na ako sigurado sa sinasabi ko. "Pero kasi, wala akong pera, eh. Wala tayong pamasahe, malayo ang Maynila."
"Ay..." Bumagsak ang kanyang balikat. "Mag-iipon tayo, Sandra!" Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. "Pwede 'yon, diba? Ipon tayo!"
Pinakatitigan ko siya, bakas ang determinasyon sa kanyang mga mata. Gustong-gusto niya talagang makita ang ama niya. Hindi ko alam kung paano siyang ipakikilala rito. Ni hindi ko nga alam kung interesado ba iyon na makilala siya ngayong mas hindi ko na siya maabot sa tagumpay na tinatamasa niya?
At may long time girlfriend siya. Balita ko nga ay magpapakasal na sila. Engagement party na nga lang ang kulang para sa pormalidad. Ilang buwan o taon siguro ang lilipas ay magpapakasal din ang mga iyon. Matanggap kaya ng mapapangasawa niya ang Inez Isabelle ko? Matatanggap kaya niya ang kasalanan ng magiging asawa niya?
"Siguro ka ba riyan sa desisyon mo, Sandra, anak?" Si Mama pagkatapos kong sabihin na gusto kong pumuntang Maynila para ipakilala si Inez sa tatay niya. "Paano kung hindi tanggapin ang apo ko? Paano kung ipagtabuyan siya? O kaya naman, baka may pamilya na iyon at ayaw ng kasamang magkaroon ng bastarda?" Punong-puno ng pag-aalala niyang sinabi. Nagbuntong-hininga ako. Hanggang ngayon ay wala pa ring kaalam-alam si Mama na ang tinutukoy ko rito ay walang iba kundi ang iniidolo niyang si Elias Damian Villacaza. Ewan ko na lang talaga kapag nalaman niya. On the other hand. Kinakabahan ako, ayaw kong itakwil niya ang anak niya sa akin ngunit ayaw ko namang ipagkait kay Inez ang karapatan niyang makilala ang ama niya. Kahit anong mangyari, tatanggapin ko pa rin ang anak ko. Kung ayaw niya rito, edi huwag. Ako ang nagpapakahirap mabuhay 'yan kaya sa akin pa rin siya. Ako lang ang magmamahal sa kanya. "Talaga ba, Sandra? Punta tayo sa Papa ko?" Anang maliit at matinis na boses.Nakatingal
"Hello? Cassandra! Omg! Is this really you?!" Hysterical na sigaw ng aking kaibigan sa kabilang linya na kinailangan kong ilayo sa aking tainga ang cellphone dahil sa sobrang tinis ng kanyang boses.Nakangiti akong ibinalik ang cellphone sa aking tainga. "Oo Danice, ako ito. Si Cassandra." Tumili na naman ang nasa kabilang linya. "Pasensya na ha kung ngayon lang ulit ako nakatawag, busy rin kasi sa trabaho at kay Inez." Paliwanag ko. "Hoy! Ano ka ba! Don't worry about it! Kahit ilang taon ka pang hindi magparamdam, you are still friends, 'no! Ikaw lang kaya ang true friend ko since college dahil iyong iba pero kaplastikan!" Sa tono ng pananalita niya ngayon ay nasisiguro kong nakapameywang itong nakaharap sa salamin. "Oh, kumusta? Kumusta ang bulilit na carbon copy ng masungit na may six packs abs?" Umirap ako. Oo, alam ni Danice ang tungkol kay Inez at sa totoong tatay niya. Sa lahat naman ng naging kaibigan ko at nakasama sa gabing iyon ay siya lang ang nangumusta sa akin tungkol
"INEZ..." Tawag ko sa atensyon niya. Agad naman siyang lumingon sa akin bago bumaba sa inuupuang couch. "Alis ka, Sandra?" Tanong niya. "Hindi ako kasama?" Nag-squat ako upang magtagpo ang aming mga mata. Inilagay ko sa likod ng kanyang tainga ang ilang buhok na nahuhulog sa kanyang noo. Ang ganda-ganda ng batang maldita ngayon. Naka-pigtails ang kanyang mahabang buhok na bilagyan ng kanyang Tita Danice ng ilang maliliit na puting bulaklak. Nilagayan din siya ng mga hair pins na may glitters at pinasuot ng sunflower dress. Kulang na lang maging paso itong bata. Hinaplos ko ang kanyang matabang pisngi. Tumitig din siya sa mga mata ko. Ngumiti ako. "Hindi ba, sabi ko sa'yo hahanapin ko ang papa mo?" Iyon pa lang ang sinasabi ko nagliwanag na agad sa tuwa ang kanyang mga mata. "Hindi pa kasi ako sigurado kung saan siya nakatira, eh. Kaya hindi muna kita maisasama." Paliwanag ko. "Ayos lang ba sa'yong dito ka muna kasama si Tita Danice habang hinahanap ko address ng papa mo?" Kumurap
HINDI ko na maramdaman kung dumidikit pa ba sa semento ang mga paa ko dahil sa sobrang bilis ng pagtakbo ko palayo sa lugar na iyon. Takot na takot na mahuli niya. Hindi, hindi ko ibibigay si Inez Isabelle sa kanya! Hindi siya karapatan-dapat maging tatay ng anak ko dahil isa siyang gago at aroganteng tao! Ano na lang ang ituturo niya sa anak namin kung puro siya galit sa akin?Anong ikinagagalit niya? Na sinabihan ko siyang 'unsatisfying' sa kama? Ha! Hindi ba siya pinatutulog ng litanya kong iyon? Kung ganoon, edi deserve pala ng hayop. Nang makita ko na ang labasan ng subdivision ay nabunutan ako ng tinik at tumigil sa pagtakbo. Sigurado naman ay hindi na niya ako maaabutan. Takot pa naman no'n tumakbo ng ganitong kainit lalo na dahil baka may makakita sa kanyang 'fans' kuno niya. Pasipol-sipol ako habang naglalakad ngunit kalaunan ay napangiwi rin nang maramdaman ang init sa kaliwang paa, roon ko napagtantong wala na palang sapin ang kaliwang paa ko. Siguro sa sobrang pagtakbo
ISANG nakabibinging katahimikan muli ang namayani sa loob ng sasakyan. Umayos ako ng upo at nakatuon ang tingin sa labas, nagbabakasakaling makita ko ang kapares ng sapatos ko. Para hindi naman ako mapagkamalang nawawalang bata kapag umuwi akong walang isang tsenilas. "What does she likes?" Tanong ni Elias makalipas ang ilang sandali. "Uhm... Like, toys, foods, dresses or whatsoever?" Ramdam na ramdam ko ang bahagyang pagnginig ng kanyang boses. "A-Are you sure she wants to see me? Doesn't she hate me for being not present in her life earlier?" Doon na ako napatingin sa kanya. Nang mapansing nakatingin ako ay agad siyang nag-iwas ng tingin, pilit itinatago sa akin ang pamumula ng kanyang mukha. Hindi ko tuloy mapigilang matawa nang palihim, biruin mo 'yon, ang isang Elias Damian Villacaza, emosyonal na malamang may anak siya? The almighty and freaking hot multi-millionaire Elias Damian Villacaza is being this soft towards his daughter. Our daughter. Gosh, ilalagay ko 'to sa journal
"SANDRA! Sandra!" Nagulat pa ako sa biglang pagtawag ni Inez kaya napatingin ako sa kanyang malalaki ang ngiti. Kumikislap ang mga mata at punong-puno ng tsokolate ang mukha, ang ngipin ay hindi na masyadong makita dahil sa kulay ng kanyang kinakain. "Ibinili ako ni Tita Danice ng tsokoleyt! Bumaba din kami doon sa may malaki at malamig na tindahan! Grabe Sandra, ang ganda!" Punong-puno ng energy niyang sinabi. Ibinaba ko muna ang dala ko para madaluhan siya dahil muntik pang masubsob dahil sa sobrang ligalig. Dahil abala siya sa pagkukwento sa "Ang lamig-lamig, Sandra! May hagdan na umaandar! May malalaking maynika! May malaking penguin! Mas malaki pa sa'kin—ay, ellow po!" Bigla niyang ibinaluktot ang kanyang ulo sa aking gilid upang masilip ang kung sino mang lalaki sa aking likod. "Gandang gabi, po!" Halos hindi na makita ang kanyang mga mata dahil sa sobrang laki ng kanyang ngiti. "Kaybigan ka ni Sandra po?" Tanong niya at muling ibinalik sa akin ang tingin, "kaybigan mo, Sandra
"SANDRA, may malaking bahay raw si Papa! Alam mo ba 'yun?" Excited na kwento ni Inez habang kumakain na kami. Napatingin ako kay Elias. "Gusto ko ring pumunta roon, Sandra! Gusto ko makita ang bahay ni Papa!" Nangunot ang aking noo, mas dumiin ang aking titig sa lalaking patay-malisyang ngumunguya. Ang kanyang tingin ay nasa pagkain at sa anak lamang."Yes, baby. My house is your house as well." Ani Elias at pinunasan ang gilid ng labi ni Inez nang kumalat ang sauce ng spaghetti roon. "Eat slowly, love... wala kang kalaban..." He chuckled. Tuwang-tuwa sa anak niya. Ay, hindi ba siya natutuwa sa akin? Ako nagluwal niyan, hoy! Sperm lang ambag mo! "Dito ka po matutulog kasama ko, Papa?" Tanong ng bata, matamis ang ipinukol niyang ngiti sa kanyang ama. Halos hindi na kita ang mga mata nito sa sobrang pagkakangiti, iyong tipo ng ngiti na hindi ka makahihindi. Mula kay Inez ay bumaling ang tingin ko kay Elias—na siyang pagbaling din pala niya sa akin kaya biglaan ang naging tagpo ng a
"BILISAN natin, Danice baka kung ano ng nangyari kay Inez!" Hindi magkandamayaw kong paalala sa kaibigan. Nasa loob na kami ngayon ng elevator at kasalukuyan akong nakaupo sa sahig. "Kasalanan ko 'to, eh. Kasalanan ko lahat 'to. Kung hindi ko lang sana hinayaang magkita ang dalawa edi sana hindi niya nakuha si Inez sa akin..." Gusto kong ihampas ang ulo ko sa pader dahil sa katangahan. Walang ibang sisisihin kundi ako. Hinayaan kong makuha niya ang anak ko. Kung sana, kung sana ay hindi na lang ako natulog at binantayan ko sila buong magdamag, hindi sana nangyari ito. "Stop blaming yourself, Cassandra." Anang tinig ni Danice. "Ginawa mo lang ang sa tingin mong deserve ng anak mo. Hindi mo kasalanang hindi tumupad sa pangako si Elias at basta na lang itinakas ang bata." "Hindi Danice, eh. Kasalanan ko ito. Kasalanan ko lahat." Patuloy kong sisi sa aking sarili. Hinding-hindi ko mapapatawad ang lalaking iyon kapag may hindi magandang nangyari kay Inez. Nang makarating kami sa mism
“NAKU, pasensya na po at iyan ang inabot ninyo kay sir!” Anang babaeng sa tingin ko’y nasa mid-twenties na. Hindi gaanong katangkaran, medyo malaman at morena beauty. “Ako nga pala si Ria. Magtatatlong taon na ako rito mula nang magkasakit ang inay ko. Kailangan ko kasi ng pera tsaka mabait si sir, malaki pa magpasahod. Hihi.” Matunog siyang humagikhik at tinanaw pa ang entrada ng hagdanan na para bang nakikita niya pa ang lalaking iyon. “Ikaw? Anong pangalan mo?” Humugot ako ng malalim na hininga bago sumagot. “Sandra, ako si Sandra.” Tipid ko siyang nginitian. Trienta minutos na ang nakalilipas nang maganap ang katarantaduhan ng gagong Elias na iyon, hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako sa pinaghalong takot at galit sa kanya. Kapag talaga nagtagpo kami ng lalaking iyon hindi ako magdadalawang isip na bigyan siya ng black eye. Wala akong pakialam kung sesantehin niya ako ngayon din, makaganti lang ako sa ginawa niya. Trienta minutos akong naupo at umiyak sa hagdan nang datnan
MY NOSE scrunch as I roamed my eyes outside of the van. Parang napapalayo na kami sa kabihasnan. Parang hindi naman ito ang ini-imagine kong bahay ng artista! Ang alam kong bahay ng artista ay nasa syudad, iyong nagtataasang building at maraming guards na subdivision! Pero ito, hindi! Sobrang layo! O baka naman kaya malayo kasi hindi talaga mayaman si Elias at palabas lang lahat! Oo palabas lang para magustuhan siya ng mga tao! “Nandito na po tayo, ma'am…” anang driver at saka bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Kumunot ang noo ko at napalingon nang tuluyang makababa. Bumungad sa akin ang pilak na malaking gate. Gate pa lang iyon at wala pa akong nakikitang bahay! “Maghintay lamang po kayo ng kaunti ma'am at parating na ho ang golf cart na maghahatid sa inyo sa mansion ni sir.” Anang driver na siguro ay napansin ang paglulumikot ng mata ko. Napatango-tango ako at hindi na rin nagsalita. Masyadong malayo ang lugar na ito sa kabihasnan ngunit bahagyang gumaan ang pakiramdam ko
"I JUST want to remind you that once you start working with him, you are not allowed to mention it to anyone. And that, as well, was stated in your contract. Nagkakaintindihan ba tayo?" Allison said in a stern, professional voice. Lumunok ako at saka tuwid na umupo saka siya magaang nginitian. "Noted, Ma'am. I won't do anything that can harm Mr. Villacaza..." Kahit pa man gusto kong masuka sa kapangitan ng ugali ng hinayupak na iyon pero hindi naman sa puntong kaya ko siyang ipahamak. Lalo pa at siya na ngayon ang trabaho ko. Wait, parang ang laswa pakinggan. Sa kanya na ako magtatrabaho, siya na ang magpapasahod sa akin. "Alright, that's nice to hear, then. Starting tomorrow, you'll be with him wherever he is." Aniya na ikinanlaki ng mata ako! "Pagod na pagod na ako sa pagiging gala ng lalaking 'yon." Dagdag ni Ma'am Allison at minasahe pa ang sentido na para bang isang malaking batang pasaway ang tinutukoy niya.Wait... Kung simula bukas ay naroon ako kung nasaan siya, paano ang
TATLONG araw na ang nakalilipas simula nang mangyari ang kahindik-hindik na araw na iyon. Oo, matatawag kong kahindik-hindik ang mga iyon dahil sa damuhong 'yon!"Alam mo, Sandra. Sa tuwing nakikita ko ang videos ni Theo James, si Elias na ang nakikita ko! Oh My God! He's just so freaking good looking! Hindi ko talaga masisisi ang ibang babae na niluluhuran siya at halos hagkan na ang mga paa because I, too, would do that!" Anang talanding babaitang kumakain ng chicken sandwich. She was scrolling on her phone and everytime there's a video of Theo James appearing on a certain application, she'll shreik and showed it to me.Jusko, kulang na lang malaglag ang panty niya!"Tsk. Tigilan mo mga iyang pagkilig-kilig mo sa lalaking iyon, yes maybe he's freaking hot pero sobrang bastos naman! Tss. Aanhin naman niya ang kaguwapuhan niya gago naman?" Simangot ko, umaasang kakampihan ng kaibigan but the brute even screamed more!"Ahhh! Gustong-gusto ko 'yon! If he'd do that to me, luluhod pa ako
"WILL you please calm down?" Anang babaeng tinawag ni Elias na Ally kanina. Napahawak siya sa kanyang noo na para bang hindi ito ang unang beses na ginawa iyon ng lalaking 'to. "Please have a seat, Miss Cariño let's review your documents—" "What?!" Pagtututol ni Elias, ewan ko ba sa lalaking ito at parang pinaglihi yata sa lamang lupa. "No! I don't want her to work with me! I don't like her to be near me!" Aniya na para bang mayroon akong nakakadiring sakit. Kinuha ni Miss Ally ang folder ko at hindi pinansin si Elias. Umismid ako. "Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sayo, ah! At ikaw lang din naman na ipinaglihi sa diablo, ay huwag na!" Umirap ako. I heard gasps. "Huh! How dare say that to me! Alam mo bang ako si Elias Damian Villacaza?! I am the highest paid actor in the country!" Pagmamayabang niya. My forehead creased. I rolled my tongue on my lips and stared at him from head to toe kahit pa ang kalahati ng kanyang katawan ay nasa likod ng lamesa. Yes, alright. He's gwap
HANGGANG sa makarating sa eskwelahan ay iyon ang bumabagabag sa akin. Gusto ko, gustong-gusto kong makahanap ng trabaho o kaya kahit part time para sa pang-araw-araw kong gastusin. Kaya lang ay parang too-good-to-be true naman ang sahod. Baka naman tactics lang nila iyon para maraming mag-a-apply at kapag natanggap na ay roon biglang sasabihin kaya ganoon na lang kalaki ang sahod dahil all around? Hindi lang P.A kundi katulong din maging sa paglilinis ng kung ano-ano? O baka masyadong pasaway ang artistang iyon kaya ganoon? Bumabawi na lang sa pera?Nahilot ko ang aking sentido. Tsk, masyado na akong nadala sa ipinakita ng aking Tiya kaya ganito na lamang ako kung mag-isip. Nakakatakot, nakakatakot magtiwala ulit. Pero kailangan ko ng trabaho. "Hey, province girl! Do this for me!" Anang maarteng tinig sa aking harapan, walang pakialam na ibinagsak ang mga papel sa arm chair ko. Kasalukuyan na kaming nasa classroom at wala ang Prof dahil nagka-emergency raw. Kaya ngayon ay nakatung
"WHAT the hell, happened to you?!" Danice blurted out in horror as she scans my whole being.Nasa labas ako ng apartment niya. Ilang minuto nang makarating ako rito ay saka ko pa lamang siya tinext. Ang akala ko ay wala siya rito ngayon kaya naisip ko ng maupo muna sa labas ng apartment niya at maghintay hanggang sa makarating siya. "A-ano..." Nilunok ko ang bikig sa aking lalamunan nang maalala na naman ang sinapit ko. Gustuhin ko mang ngumawa at isumbong sa kanya ang lahat, ayaw ko na siyang gambalain pa. Pinaglaruan ko ang aking mga daliri at kinagat ang pang-ibabang labi. "L-Lumayas na ako kila Tiya, eh... Pwede bang dito na muna ako? Pangako, makikihati ako sa lahat ng bayad! Hindi rin ako burara! Marunong akong maglinis, maglaba, pati sa research mo kung gusto mo ay gagawin ko libre na—" "Wait, wait, wait! Hold up, Cassandra!" Kunot noo niyang sinabi at itinapat ang kanyang palad sa aking mukha. "You're talking too much. There's something wrong with you!" Aniya. Nag-iwas ako
TRIGGER WARNING: RAPE*****"BITAWAN mo ako, hayop ka!" Marahas akong nagpumiglas sa marahas niyang pagkakahawak sa akin. "Tulong! Tulungan ninyo ako! Ate Irine, tulong!" Pagsisisigaw ko kahit na mas malabo pa sa tubig baha na marinig ako dahil sa sobrang lakas ng pagdagungdong ng tugtog sa buong bahay. "Stupid woman! Kahit ano pang sigaw mo, no one will ever hear you! No one!" Malakas niyang sigaw sabay angat ng kanyang kamay at malakas akong sinampal dahilan upang bumagsak ako sa sahig. "Matagal na akong nagtitimpi sa'yo, malandi ka! You're so hard to get na parang hindi ka isang bayarang babae!" Nagtatagis ng kanyang mga bagang at nanlilisik ang mga matang nakadungaw sa akin. Hindi alintana ang hapdi sa aking pisngi, sinikap ko ang sariling gumapang palayo sa halimaw na ito. Kailangan kong makalayo sa kanya, kailangan kong makaalis sa lugar na ito! Mala-halimaw siyang nagpakawala ng halakhak nang makita ang ginagawa ko. "What?! You're trying to escape?! Do you think you can? Dre
"WOAH! Jollibee chicken is the best! Kahit yata aaraw-arawin ko ito ay hindi ako magsasawa!" Saad ko na may pagpikit pa ng mga mata habang ninanamnam ang lasa ng manok."Same here! Hinding-hindi ako magsasawang kumain rito!" Malawak ang ngiting sinabi ni Danice. "Dadalhin ko si Albert dito! I'm sure he'll love what I love!" Umismid ako sa sinabi niya at sandaling tumigil sa pagnguya. Did I just heard her mentioned a name of a man? Albert... Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya na kalaunan ay ganoon din siya nang para bang may napagtanto. Tuluyan ko ng ibinaba ang manok sa aking plato at saka pinanliitan ng mata ang kaibigan. "Oh my gosh! Goodness! Sorry, sorry, sorry! I forgot to tell you!" Natataranta niyang sinabi sa akin, nagpalingon-lingon pa siya sa palagid at tinakpan ang kanyang bibig. "Oh my god! Sorry, Sandra-dear... I got carried away! It slipped out of my mind! Promise, hindi ko intensyong hindi sabihin sa'yo, but I always tell him about you naman so maybe... I am