"INEZ..." Tawag ko sa atensyon niya. Agad naman siyang lumingon sa akin bago bumaba sa inuupuang couch.
"Alis ka, Sandra?" Tanong niya. "Hindi ako kasama?"Nag-squat ako upang magtagpo ang aming mga mata. Inilagay ko sa likod ng kanyang tainga ang ilang buhok na nahuhulog sa kanyang noo. Ang ganda-ganda ng batang m*****a ngayon. Naka-pigtails ang kanyang mahabang buhok na bilagyan ng kanyang Tita Danice ng ilang maliliit na puting bulaklak.Nilagayan din siya ng mga hair pins na may glitters at pinasuot ng sunflower dress. Kulang na lang maging paso itong bata.Hinaplos ko ang kanyang matabang pisngi. Tumitig din siya sa mga mata ko. Ngumiti ako. "Hindi ba, sabi ko sa'yo hahanapin ko ang papa mo?" Iyon pa lang ang sinasabi ko nagliwanag na agad sa tuwa ang kanyang mga mata. "Hindi pa kasi ako sigurado kung saan siya nakatira, eh. Kaya hindi muna kita maisasama." Paliwanag ko. "Ayos lang ba sa'yong dito ka muna kasama si Tita Danice habang hinahanap ko address ng papa mo?"Kumurap-kurap siya. Medyo nalilito. Ngunit maya-maya pa ay tumango siya."Ikaw lang mag-isa, Sandra? Hindi ka nitatakot?" Hindi maipinta ang mukha niyang tanong.Nakangiti akong umiling."Hindi naman." Sagot ko. "Basta magpakabait ka rito kay Tita Danice, ha? Huwag kang pasaway." Bilin ko."Opo, Sandra." Aniya. "Iingat ka rin, Sandra, ha? Wala ikaw kasama." Paalala niya rin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko ng kanyang maliliit na kamay."Masusunod po, madam Inez Isabelle." I smiled sweetly at her before giving her the warm kiss on her forehead. "Pakabait ka rito, ha?"Sunud-sunod siyang tumango. Hindi mawala-wala ang excitement sa pagmumukha.Kinakabahan akong lumabas ng pinto. Nagtagal ako ng ilang minuto roon habang pabalik-balik sa paglalakad, nalilito kung itutuloy ba talaga ang balak na ito o hindi. Ngunit sa uli ay nanaig ang isiping magiging mas masaya ang anak ko sa gagawing ito.Tama, hindi ito tungkol sa akin. Tungkol ito kay Inez Isabelle. Ang anak namin.Pagkatapos kumbinsihin ang sarili ay naglakad ako patungo sa elevator at nang bumukas iyon ay agad na akong pumasok. Tulala akong nakatayo roon kaya naman nang tumunog ang elevator sa tamang palapag ay napatalon ako, tuloy ay gulat na napatingin sa akin ang mga kasama sa loob."Pasensya na po," nahihiyang paghingi ko ng paumanhin at nagmadaling umalis sa lugar na iyon.Pumara agad ako ng taxi nang may makitang walang lama. Sinabi ko ang address ng paroroonan ko at agad ng pumasok. Hindi magkamayaw ang aking mga mata sa pagtingin sa paligid. Ang daming mga nagtatayugang mga gusali. Mga sasakyan na pumupuno sa daan. At ang mga taong naglalakad.Ang tagal na rin simula nang huli ako rito, marami pa naman akong naaalalang napupuntahan namin noong nag-aaral kami at magkahalong pait at kasiyahang ngiti ang sumilay sa aking labi habang inaalala ang mga gawain noon.Inabot kami ng mahigit isang oras sa byahe dahil sobrang traffic. Nang makalabas ako ay sumalubong sa akin ang masakit sa balat na sikat ng araw."Ito na po ba iyon, ma'am?" Tanong ng driver na lumabas pa sa kanyang taxi. "Sigurado po kayo? Hindi ko na po kayo hihintayin? Alam ni'yo naman po ang panahon ngayon." Turan ni Manong driver na hindi ko alam kung totoong concern ba o may kung anong kakaiba."Ah, opo, ito na po iyon." Sagot ko at nag-doorbell na.Tumango siya at umalis na rin.Tatlong beses pa akong pumindot sa doorbell bago may nagbukas ng gate. Nangunot ang noo ko nang pagtaasan ako ng kilay ng nakaputing uniporming lalaki. Batid kong isa itong guard."Ano po ang kailangan ninyo, ma'am? Bakit po kayo katok nang katok?" Sunud-sunod at mabilis niyang tanong.Pinagkunutan ko siya ng noo at palihim na umirap. "Ako po si Cassandra Maxine Cariño, hinahanap ko po si E-Elias Damian Villacaza. Nandiyan po ba siya?" Marahan kong tanong, kinakabahan.Maging ang pagbanggit ng kanyang pangalan ay tila kay hirap gawin. Tila sa simpleng pagsambit lamang ng buong pangalang iyon ay nasusugatan na ang puso ko.Ganoon ka na ba talaga nasaktan, Cassandra? Tandaan mo, hindi para sa iyo ang lakad na ito. Hindi kailanman magiging para sa iyo. Ang gagawin mong ito ay para sa anak mo, para sa anak ninyo na ipinagkait mo sa kanya ng ilang taon. Kahit feeling mo na hindi niya deserve makilala ng malditang maliit na iyon ay deserve naman nito na makilala ang kanyang ama."Ah," sinipat pa ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa na para bang hinuhusgahan niya ang buong pagkatao ko. "Hindi po siya tumatanggap ng bisita ngayon, Miss. Busy po siya."Bakit? May masama ba sa pagsusuot ng skinny jeans at simpleng t-shirt? Dapat ba naka-gown lagi? Tsk. Mga taong 'to.Natango-tango ako, nagdadalawang isip kung aalis na ba ako o hihintayin ko kung kailan siya magiging available para naman hindi gaanong masayang ang oras ko sa pagpunta rito.Ngumiti ako ng tipid, "uhm, kailan po siya magiging available? Kailangan ko lang po talaga siyang makausap, importante lang." Pigil ang hiningang sambit ko. "P-Pakisabi po na si Cassandra Maxine Cariño."Muli pa akong sinipat ng tingin ni Manong guard bago pumasok at may sinabi sa kanyang kasama. Kapagkuwan ay lumabas siya sabay sabing."Ma'am, wala raw pong kilalang ganyang pangalan si sir, makakaalis na raw ho kayo." Imporma nito na medyo nailing pa na para bang iniisip niyang isa akong desperadang babae.Tangina talaga ng lalaking iyon! At ano? Wala raw siyang kilalang ganoong pangalan? Tsk. Kapag nakita ko talaga ang pagmumukha no'n talagang hahambalusin ko ng walis!"Nagsisinungaling ho siya, Manong guard! Sabihin ni'yo pong si Cassandra Maxine Cariño iyong naging personal assistant niya apat na taon na ang nakararaan! Please naman po, kahit sandali lang! Importanteng-importante po ito!" Desperada kong sinabi, marahas ang naging pataas baba ng aking dibdib dahil sa mabilis na pagsasalita.Nangunot ang noo ng guard ilang minuto pa niya akong pinanood bago siya muling pumasok sa loob. Narinig ko pa ang kanyang boses na kausap ang kung sino."Pasensya na po sir, nagpupumilit po, eh! Sinabi ko na po na wala kayong kilalang ganoong pangalan pero ayaw pa rin pong tumigil at sinabi pa niyang siya raw ho ang naging personal assistant ninyo apat na taon na ang nakararaan—po? Bababa na po kayo? Sige po, sir."Lumukob bigla ang kaba sa aking dibdib! Bakit parang bigla akong nakaramdam ng takot sa muli naming pagkikita? Alam kong galit siya sa akin at galit na galit din ako sa kanya kaya quits na kami! Pero dahil sa malditang maliit na iyon ay gagawin ko ito! Isasantabi ko na muna ang galit ko sa gago niyang ama at saka ko na siya isasako at igugulong kapag nakahanap na ako ng tiyempo!"Maghintay daw po kayo, ma'am." Anang guard.Tumango ako at tumalikod sa gate. Nagpalakad-lakad ako habang kinakalma ang sarili. Ugh! Hindi dapat ganito! Hindi dapat ako kakabahan dahil in the first place, gago siya! Bakit naman ako magiging affected sa isang katulad niyang gago? Naku, naku, naku, sana talaga ay hindi niya tanggapin ang anak ko para hindi na kami ulit magkita!Sana kung gusto niyang makita ang bata ay isang beses lang tapos hindi na ulit magpapakita dahil parang hindi ko kayang sikmurain makita ang gagong iyon! Bigla ay kinurot ko ang sariling pisngi, ang sama-sama ko naman sa bata! Excited na excited pa naman iyon makita ang ama niya tapos heto ako at pinanalangin pang sana hindi siya nito matanggap!Inhale... Exhale... Inhale... Exhale....Paulit-ulit ko iyong ginagawa nang biglang lumangitngit ang gate. Mabilis akong umikot paharap doon at ganoon na lamang ang pangangatog ng aking mga binte nang makita kung sino ang taong nasa harapan ko.In his v-neck black plain t-shirt and a board shorts with slippers, he looked at me with an emotionless eyes. Wala akong makitang kahit anong emosyon sa kanyang mukha maliban sa unting pagkunot ng kanyang noo na para bang iritadong-iritado na siyang makita ako kahit wala pa man akong sinasabi.Isinilid niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa at tinusok gamit ang dulo ng kanyang dila ang kanyang pisngi. Gawain niya ito kapag naiinis o hindi interesado sa kaharap."Elias..." Halos bulong iyon na lumabas sa aking labi."What are you doing here?" Walang kasing lamig niyang sinabi.Lumunok muli ako, collecting myself so that I could tell him the truth. Umayos ako ng tayo at taas noo siyang tiningnan."Kailangan nating mag-usap nang tayong dalawa lang. Importante itong pag-uusapan natin." I said calmly, or should I say, I am trying to be calm despite of the coldness that he gave me.Tumaas ang sulok ng kanyang labi na para bang nang-uuyam."Oh, the nerve of you to tell me that?" Naningkit ang mga mata niya. "Why would I? As much as I remembered, you're not one of my toys anymore so why would I waste my time and play with the bullshit of you?"Putangina mo."Unless you want to be one again?" Nagkibit siya ng balikat, puno ng panunuya ang mga mata. "But sorry to disappoint you, I don't accept expired toys anymore. So go somewhere else and try your luck bitch'n around."Sa isang iglap ay lumisan sa katawang lupa ko ang kaba sa muling pagkikita namin. Mabilis na umakyat ang galit sa mukha ko."Kahit kailan gago ka pa rin eh, 'no? Walang pinagbago? Walang character development? Kawawa ka naman," I heaved a sigh in disappointment. "Akala mo ba bumalik ako para riyan?" Ngumisi ako, nang-iinis. "Don't you remember my words the last time we met? Ano nga ulit iyon? Hmm..." I put my forefinger on my chin and looked up as if I am in the middle of recovering my memories of the past. Then a few seconds more, I snapped my finger. "Oh! I remembered it! You're the who is unsatisfying in bed! Oh my gosh! Tama! Yes, right!" Humagikhik ako lalo na nang makita ang panlalaki ng kanyang mga mata at unti-unting paglitaw ng galit at pagkamuhi sa kanyang mukha. "So how's your life? Kumusta naman ang mga babaeng naikakama mo? Satisfied ba? O baka naman pinipeke kasi guwapo ka? Mayaman ka?"Ngumiwi ako nang makita ang nagsusumigaw na galit sa kanyang mga mata. Nagkibit ako ng balikat at pinagkrus ang mga braso sa dibdib."Get out of here, you bitch!" He growl furiously.Suminghap ako. "Akala mo ba gusto kitang makita? Gusto kang makaharap at makausap? Hindi, Elias. Hinding-hindi. Sadyang kailangan lang kitang makausap dahil importante.""I don't care what important bullshit you're talking about, leave! Leave me alone! I don't need you and I don't wanna see your bullshit face in my house!!" Galit niyang iminuwestra ang malawak na kalsada. "Leave before I could make my guards drag you out of this subdivision!" Halos magsiputukan ang ugat sa kanyang leeg sa sobrang lakas ng pagsigaw niya na maging ang mga guards ay lumabas."Ano pong problema, sir?" Tanong ng isa sa mga ito."Palayasin ninyo iyang babaeng iyan dito at huwag na huwag ninyong hahayaang tumapak pa ang ganyang pagmumukha sa subdivision na ito!" Malakas niyang sigaw sa mga ito na siyang ikinatalima naman nila.Hinawakan nila ang kamay ko at pilit akong inaalis sa lugar na iyon. They even purposely hide Elias behind them na para bang isa akong baliw at gusto siyang harasin! Mga bobo!"Ano ba! Hindi ninyo ako kailangang hawakan! Kaya kong umalis sa lugar na ito dahil may mga paa ako!" Inis kong iwinaksi ang hawak nila sa akin. "Ang kapal ng mukha mong itaboy ako gago ka!" Sigaw ko dahil ilang metro na ang layo namin sa isa't isa. "Kung ako lang ang masusunod, hinding-hindi ako magpapakita sa'yo kahit pa man magunaw ang mundo at ikaw na lang ang natitirang lalaki sa mundong ibabaw! Pero dahil sa anak ko! Na anak mo ring tang ina ka! Ginawa ko ito!""What?!" Sigaw niya dahilan upang matigil ang mga guard sa pagtulak sa akin. "What did you fucking say?!" Sa lakas ng boses niya ay parang nagimbal pati mga kapitbahay niya.Tinampal ko ang kamay ng isang guard nang tangka nito akong hawakan. Umalis si Elias sa likod ng kanyang guard at dahan-dahang lumapit sa akin. Sa sobrang bilis ng hakbang niya na namalayan ko na lang nakahawak na siya sa braso ko."Anong sinabi mo?!" Mariin niyang tanong.Matalim ko siyang tiningnan at itinulak."Oo, may anak tayo." Matapang kong sinabi. "Umuwi akong probinsya ilang linggo matapos may mangyari sa atin at dalawang buwan din ang lumipas ay nalaman kong buntis ako. Anak mo siya at gusto ka niyang makilala. Kung ayaw mo sa kanya, edi huwag! Uuwi na rin kami agad ng probinsya." Pagkatapos ko iyong sabihin ay mabilis ko siyang tinalikuran at tumakbo palayo sa lugar na iyon.HINDI ko na maramdaman kung dumidikit pa ba sa semento ang mga paa ko dahil sa sobrang bilis ng pagtakbo ko palayo sa lugar na iyon. Takot na takot na mahuli niya. Hindi, hindi ko ibibigay si Inez Isabelle sa kanya! Hindi siya karapatan-dapat maging tatay ng anak ko dahil isa siyang gago at aroganteng tao! Ano na lang ang ituturo niya sa anak namin kung puro siya galit sa akin?Anong ikinagagalit niya? Na sinabihan ko siyang 'unsatisfying' sa kama? Ha! Hindi ba siya pinatutulog ng litanya kong iyon? Kung ganoon, edi deserve pala ng hayop. Nang makita ko na ang labasan ng subdivision ay nabunutan ako ng tinik at tumigil sa pagtakbo. Sigurado naman ay hindi na niya ako maaabutan. Takot pa naman no'n tumakbo ng ganitong kainit lalo na dahil baka may makakita sa kanyang 'fans' kuno niya. Pasipol-sipol ako habang naglalakad ngunit kalaunan ay napangiwi rin nang maramdaman ang init sa kaliwang paa, roon ko napagtantong wala na palang sapin ang kaliwang paa ko. Siguro sa sobrang pagtakbo
ISANG nakabibinging katahimikan muli ang namayani sa loob ng sasakyan. Umayos ako ng upo at nakatuon ang tingin sa labas, nagbabakasakaling makita ko ang kapares ng sapatos ko. Para hindi naman ako mapagkamalang nawawalang bata kapag umuwi akong walang isang tsenilas. "What does she likes?" Tanong ni Elias makalipas ang ilang sandali. "Uhm... Like, toys, foods, dresses or whatsoever?" Ramdam na ramdam ko ang bahagyang pagnginig ng kanyang boses. "A-Are you sure she wants to see me? Doesn't she hate me for being not present in her life earlier?" Doon na ako napatingin sa kanya. Nang mapansing nakatingin ako ay agad siyang nag-iwas ng tingin, pilit itinatago sa akin ang pamumula ng kanyang mukha. Hindi ko tuloy mapigilang matawa nang palihim, biruin mo 'yon, ang isang Elias Damian Villacaza, emosyonal na malamang may anak siya? The almighty and freaking hot multi-millionaire Elias Damian Villacaza is being this soft towards his daughter. Our daughter. Gosh, ilalagay ko 'to sa journal
"SANDRA! Sandra!" Nagulat pa ako sa biglang pagtawag ni Inez kaya napatingin ako sa kanyang malalaki ang ngiti. Kumikislap ang mga mata at punong-puno ng tsokolate ang mukha, ang ngipin ay hindi na masyadong makita dahil sa kulay ng kanyang kinakain. "Ibinili ako ni Tita Danice ng tsokoleyt! Bumaba din kami doon sa may malaki at malamig na tindahan! Grabe Sandra, ang ganda!" Punong-puno ng energy niyang sinabi. Ibinaba ko muna ang dala ko para madaluhan siya dahil muntik pang masubsob dahil sa sobrang ligalig. Dahil abala siya sa pagkukwento sa "Ang lamig-lamig, Sandra! May hagdan na umaandar! May malalaking maynika! May malaking penguin! Mas malaki pa sa'kin—ay, ellow po!" Bigla niyang ibinaluktot ang kanyang ulo sa aking gilid upang masilip ang kung sino mang lalaki sa aking likod. "Gandang gabi, po!" Halos hindi na makita ang kanyang mga mata dahil sa sobrang laki ng kanyang ngiti. "Kaybigan ka ni Sandra po?" Tanong niya at muling ibinalik sa akin ang tingin, "kaybigan mo, Sandra
"SANDRA, may malaking bahay raw si Papa! Alam mo ba 'yun?" Excited na kwento ni Inez habang kumakain na kami. Napatingin ako kay Elias. "Gusto ko ring pumunta roon, Sandra! Gusto ko makita ang bahay ni Papa!" Nangunot ang aking noo, mas dumiin ang aking titig sa lalaking patay-malisyang ngumunguya. Ang kanyang tingin ay nasa pagkain at sa anak lamang."Yes, baby. My house is your house as well." Ani Elias at pinunasan ang gilid ng labi ni Inez nang kumalat ang sauce ng spaghetti roon. "Eat slowly, love... wala kang kalaban..." He chuckled. Tuwang-tuwa sa anak niya. Ay, hindi ba siya natutuwa sa akin? Ako nagluwal niyan, hoy! Sperm lang ambag mo! "Dito ka po matutulog kasama ko, Papa?" Tanong ng bata, matamis ang ipinukol niyang ngiti sa kanyang ama. Halos hindi na kita ang mga mata nito sa sobrang pagkakangiti, iyong tipo ng ngiti na hindi ka makahihindi. Mula kay Inez ay bumaling ang tingin ko kay Elias—na siyang pagbaling din pala niya sa akin kaya biglaan ang naging tagpo ng a
"BILISAN natin, Danice baka kung ano ng nangyari kay Inez!" Hindi magkandamayaw kong paalala sa kaibigan. Nasa loob na kami ngayon ng elevator at kasalukuyan akong nakaupo sa sahig. "Kasalanan ko 'to, eh. Kasalanan ko lahat 'to. Kung hindi ko lang sana hinayaang magkita ang dalawa edi sana hindi niya nakuha si Inez sa akin..." Gusto kong ihampas ang ulo ko sa pader dahil sa katangahan. Walang ibang sisisihin kundi ako. Hinayaan kong makuha niya ang anak ko. Kung sana, kung sana ay hindi na lang ako natulog at binantayan ko sila buong magdamag, hindi sana nangyari ito. "Stop blaming yourself, Cassandra." Anang tinig ni Danice. "Ginawa mo lang ang sa tingin mong deserve ng anak mo. Hindi mo kasalanang hindi tumupad sa pangako si Elias at basta na lang itinakas ang bata." "Hindi Danice, eh. Kasalanan ko ito. Kasalanan ko lahat." Patuloy kong sisi sa aking sarili. Hinding-hindi ko mapapatawad ang lalaking iyon kapag may hindi magandang nangyari kay Inez. Nang makarating kami sa mism
MARAHAS akong nagpakawala ng buntong hininga nang basta na lang ako pinatayan ng antipatikong lalaking iyon. I am not yet done! Ang bastos niya para patayan ako ng tawag. Pigil ang inis kong ibinalik ang cellphone sa guwardiya.Sapo ko ang aking noong nagsimulang maglakad nang pabalik-balik. Malakas ang kalabog ng aking dibdib sa galit sa taong iyon. Galit na galit ako sa mga sandaling ito. Galit ako dahil hindi siya sumunod sa usapan. Ang linaw-linaw ng napagkasunduan namin tapos heto ang gagawin niya? I know that he is a fucking bastard but how could he do this to me?! To his daughter! Hindi ba niya alam na nagwawala ang malditang maliit na iyon kapag nagigising nang wala ako?! "Please, Sandra, calm down..." Tawag pansin ni Danice. "Kanina pa ako nahihilo sa kakaparoo't parito mo, eh." Tumigil ako at hinarap ang kaibigan. Nilapitan niya ako at hinawakan ang magkabilang kamay. "I know that you are worried about your daughter right now but don't you trust him this time? I'm sure nam
MALAKAS ko siyang itinulak nang magising ako sa katotohanan. Nanlalaki ang aking matang napatitig sa lalaking napahiga sa carpeted floor at muntik ng maumpog ang ulo sa babasaging center table kung hindi lang niya ginamit ang kanyang mga kamay upang itukod. Bahagyang gumapang ang kaba sa aking dibdib ng isang dangkal na lang ang layo ng kanyang ulo sa center table. At dahil wala namang disgrasyang nangyari, itinuloy ko ang panlilisik ng mata sa kanya. Nahigit ko ang aking paghinga dahil napigil ko iyon kanina nang halikan niya ako.Oo! Hinalikan niya ako! Naglapat ang mga labi namin! Mga labing hindi naman dapat na maglapat pero dahil sa tarantadong lalaking ito ay nangyari! "Hayop ka!" Iyon na lamang ang lumabas sa aking mga labi sa dami ng mga salitang gusto kong isumbat sa kanya. "Wala akong pakialam sa pesteng terms and conditions mo na iyan! Ibalik mo sa akin ang anak ko at magiging maayos tayo!" Mabilis akong tumayo at iniwanan siya upang magtungo sa mahabang hagdan. Hindi ma
"OH, ANO? Nasaan na ang inaanak ko?" Iyon kaagad ang salubong na tanong sa akin ni Danice nang makalabas ako sa bahay ni Elias nang hindi kasama ang anak ko. Walang buhay akong tumayo kanina mula sa pagkaka-upo at saka parang tinangay ang kaluluwa ko at muntik pang mapagulong sa hagdan kung hindi lang ako nakahawak sa railings. Ni hindi ko na nga alam kung gaano akong katagal na nakaupo lagi. Basta na lang akong tumayo at bumaba ng hagdan. Tiningnan ko lang ang kaibigan at isang beses na umiling. Umawang ang kanyang labi at agad na rumihestro sa kanyang mga mata ang kalituhan. Ngunit kahit gusto niyang magtanong ay hindi na lamang niya pinilit. Siya na rin ang pumara ng taxi dahil kung ako pa ang hihintayin niya, mas gusto kong maglakad. Hahayaan ko ang aking mga parang dalhin ako kahit saan. Mabawasan lang itong sakit na nararamdaman ko. Nang may tumigil na taxi sa harapan namin ay nagpatulak na lang ako basta kay Danice, gusto kong bumalik sa loob ng bahay at sugurin ulit si Eli
“NAKU, pasensya na po at iyan ang inabot ninyo kay sir!” Anang babaeng sa tingin ko’y nasa mid-twenties na. Hindi gaanong katangkaran, medyo malaman at morena beauty. “Ako nga pala si Ria. Magtatatlong taon na ako rito mula nang magkasakit ang inay ko. Kailangan ko kasi ng pera tsaka mabait si sir, malaki pa magpasahod. Hihi.” Matunog siyang humagikhik at tinanaw pa ang entrada ng hagdanan na para bang nakikita niya pa ang lalaking iyon. “Ikaw? Anong pangalan mo?” Humugot ako ng malalim na hininga bago sumagot. “Sandra, ako si Sandra.” Tipid ko siyang nginitian. Trienta minutos na ang nakalilipas nang maganap ang katarantaduhan ng gagong Elias na iyon, hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako sa pinaghalong takot at galit sa kanya. Kapag talaga nagtagpo kami ng lalaking iyon hindi ako magdadalawang isip na bigyan siya ng black eye. Wala akong pakialam kung sesantehin niya ako ngayon din, makaganti lang ako sa ginawa niya. Trienta minutos akong naupo at umiyak sa hagdan nang datnan
MY NOSE scrunch as I roamed my eyes outside of the van. Parang napapalayo na kami sa kabihasnan. Parang hindi naman ito ang ini-imagine kong bahay ng artista! Ang alam kong bahay ng artista ay nasa syudad, iyong nagtataasang building at maraming guards na subdivision! Pero ito, hindi! Sobrang layo! O baka naman kaya malayo kasi hindi talaga mayaman si Elias at palabas lang lahat! Oo palabas lang para magustuhan siya ng mga tao! “Nandito na po tayo, ma'am…” anang driver at saka bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Kumunot ang noo ko at napalingon nang tuluyang makababa. Bumungad sa akin ang pilak na malaking gate. Gate pa lang iyon at wala pa akong nakikitang bahay! “Maghintay lamang po kayo ng kaunti ma'am at parating na ho ang golf cart na maghahatid sa inyo sa mansion ni sir.” Anang driver na siguro ay napansin ang paglulumikot ng mata ko. Napatango-tango ako at hindi na rin nagsalita. Masyadong malayo ang lugar na ito sa kabihasnan ngunit bahagyang gumaan ang pakiramdam ko
"I JUST want to remind you that once you start working with him, you are not allowed to mention it to anyone. And that, as well, was stated in your contract. Nagkakaintindihan ba tayo?" Allison said in a stern, professional voice. Lumunok ako at saka tuwid na umupo saka siya magaang nginitian. "Noted, Ma'am. I won't do anything that can harm Mr. Villacaza..." Kahit pa man gusto kong masuka sa kapangitan ng ugali ng hinayupak na iyon pero hindi naman sa puntong kaya ko siyang ipahamak. Lalo pa at siya na ngayon ang trabaho ko. Wait, parang ang laswa pakinggan. Sa kanya na ako magtatrabaho, siya na ang magpapasahod sa akin. "Alright, that's nice to hear, then. Starting tomorrow, you'll be with him wherever he is." Aniya na ikinanlaki ng mata ako! "Pagod na pagod na ako sa pagiging gala ng lalaking 'yon." Dagdag ni Ma'am Allison at minasahe pa ang sentido na para bang isang malaking batang pasaway ang tinutukoy niya.Wait... Kung simula bukas ay naroon ako kung nasaan siya, paano ang
TATLONG araw na ang nakalilipas simula nang mangyari ang kahindik-hindik na araw na iyon. Oo, matatawag kong kahindik-hindik ang mga iyon dahil sa damuhong 'yon!"Alam mo, Sandra. Sa tuwing nakikita ko ang videos ni Theo James, si Elias na ang nakikita ko! Oh My God! He's just so freaking good looking! Hindi ko talaga masisisi ang ibang babae na niluluhuran siya at halos hagkan na ang mga paa because I, too, would do that!" Anang talanding babaitang kumakain ng chicken sandwich. She was scrolling on her phone and everytime there's a video of Theo James appearing on a certain application, she'll shreik and showed it to me.Jusko, kulang na lang malaglag ang panty niya!"Tsk. Tigilan mo mga iyang pagkilig-kilig mo sa lalaking iyon, yes maybe he's freaking hot pero sobrang bastos naman! Tss. Aanhin naman niya ang kaguwapuhan niya gago naman?" Simangot ko, umaasang kakampihan ng kaibigan but the brute even screamed more!"Ahhh! Gustong-gusto ko 'yon! If he'd do that to me, luluhod pa ako
"WILL you please calm down?" Anang babaeng tinawag ni Elias na Ally kanina. Napahawak siya sa kanyang noo na para bang hindi ito ang unang beses na ginawa iyon ng lalaking 'to. "Please have a seat, Miss Cariño let's review your documents—" "What?!" Pagtututol ni Elias, ewan ko ba sa lalaking ito at parang pinaglihi yata sa lamang lupa. "No! I don't want her to work with me! I don't like her to be near me!" Aniya na para bang mayroon akong nakakadiring sakit. Kinuha ni Miss Ally ang folder ko at hindi pinansin si Elias. Umismid ako. "Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sayo, ah! At ikaw lang din naman na ipinaglihi sa diablo, ay huwag na!" Umirap ako. I heard gasps. "Huh! How dare say that to me! Alam mo bang ako si Elias Damian Villacaza?! I am the highest paid actor in the country!" Pagmamayabang niya. My forehead creased. I rolled my tongue on my lips and stared at him from head to toe kahit pa ang kalahati ng kanyang katawan ay nasa likod ng lamesa. Yes, alright. He's gwap
HANGGANG sa makarating sa eskwelahan ay iyon ang bumabagabag sa akin. Gusto ko, gustong-gusto kong makahanap ng trabaho o kaya kahit part time para sa pang-araw-araw kong gastusin. Kaya lang ay parang too-good-to-be true naman ang sahod. Baka naman tactics lang nila iyon para maraming mag-a-apply at kapag natanggap na ay roon biglang sasabihin kaya ganoon na lang kalaki ang sahod dahil all around? Hindi lang P.A kundi katulong din maging sa paglilinis ng kung ano-ano? O baka masyadong pasaway ang artistang iyon kaya ganoon? Bumabawi na lang sa pera?Nahilot ko ang aking sentido. Tsk, masyado na akong nadala sa ipinakita ng aking Tiya kaya ganito na lamang ako kung mag-isip. Nakakatakot, nakakatakot magtiwala ulit. Pero kailangan ko ng trabaho. "Hey, province girl! Do this for me!" Anang maarteng tinig sa aking harapan, walang pakialam na ibinagsak ang mga papel sa arm chair ko. Kasalukuyan na kaming nasa classroom at wala ang Prof dahil nagka-emergency raw. Kaya ngayon ay nakatung
"WHAT the hell, happened to you?!" Danice blurted out in horror as she scans my whole being.Nasa labas ako ng apartment niya. Ilang minuto nang makarating ako rito ay saka ko pa lamang siya tinext. Ang akala ko ay wala siya rito ngayon kaya naisip ko ng maupo muna sa labas ng apartment niya at maghintay hanggang sa makarating siya. "A-ano..." Nilunok ko ang bikig sa aking lalamunan nang maalala na naman ang sinapit ko. Gustuhin ko mang ngumawa at isumbong sa kanya ang lahat, ayaw ko na siyang gambalain pa. Pinaglaruan ko ang aking mga daliri at kinagat ang pang-ibabang labi. "L-Lumayas na ako kila Tiya, eh... Pwede bang dito na muna ako? Pangako, makikihati ako sa lahat ng bayad! Hindi rin ako burara! Marunong akong maglinis, maglaba, pati sa research mo kung gusto mo ay gagawin ko libre na—" "Wait, wait, wait! Hold up, Cassandra!" Kunot noo niyang sinabi at itinapat ang kanyang palad sa aking mukha. "You're talking too much. There's something wrong with you!" Aniya. Nag-iwas ako
TRIGGER WARNING: RAPE*****"BITAWAN mo ako, hayop ka!" Marahas akong nagpumiglas sa marahas niyang pagkakahawak sa akin. "Tulong! Tulungan ninyo ako! Ate Irine, tulong!" Pagsisisigaw ko kahit na mas malabo pa sa tubig baha na marinig ako dahil sa sobrang lakas ng pagdagungdong ng tugtog sa buong bahay. "Stupid woman! Kahit ano pang sigaw mo, no one will ever hear you! No one!" Malakas niyang sigaw sabay angat ng kanyang kamay at malakas akong sinampal dahilan upang bumagsak ako sa sahig. "Matagal na akong nagtitimpi sa'yo, malandi ka! You're so hard to get na parang hindi ka isang bayarang babae!" Nagtatagis ng kanyang mga bagang at nanlilisik ang mga matang nakadungaw sa akin. Hindi alintana ang hapdi sa aking pisngi, sinikap ko ang sariling gumapang palayo sa halimaw na ito. Kailangan kong makalayo sa kanya, kailangan kong makaalis sa lugar na ito! Mala-halimaw siyang nagpakawala ng halakhak nang makita ang ginagawa ko. "What?! You're trying to escape?! Do you think you can? Dre
"WOAH! Jollibee chicken is the best! Kahit yata aaraw-arawin ko ito ay hindi ako magsasawa!" Saad ko na may pagpikit pa ng mga mata habang ninanamnam ang lasa ng manok."Same here! Hinding-hindi ako magsasawang kumain rito!" Malawak ang ngiting sinabi ni Danice. "Dadalhin ko si Albert dito! I'm sure he'll love what I love!" Umismid ako sa sinabi niya at sandaling tumigil sa pagnguya. Did I just heard her mentioned a name of a man? Albert... Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya na kalaunan ay ganoon din siya nang para bang may napagtanto. Tuluyan ko ng ibinaba ang manok sa aking plato at saka pinanliitan ng mata ang kaibigan. "Oh my gosh! Goodness! Sorry, sorry, sorry! I forgot to tell you!" Natataranta niyang sinabi sa akin, nagpalingon-lingon pa siya sa palagid at tinakpan ang kanyang bibig. "Oh my god! Sorry, Sandra-dear... I got carried away! It slipped out of my mind! Promise, hindi ko intensyong hindi sabihin sa'yo, but I always tell him about you naman so maybe... I am