||PAST||"MAG-IINGAT ka roon Sandra, anak, ha? Huwag magpapasaway, huwag kung saan-saan pupunta dahil ang mga taga-Maynila ay hindi katulad dito sa atin..." Ani Nanay habang tinutulungan akong mag-impake ng mga damit ko. Sa katunayan ay panglimang beses na niyang sinabi ang mga katagang iyon. "Ang tukso ay kaliwa't kanan lamang, parang awa mo na ay lumubay ka kapag pakiramdam mo'y kakaiba na. Ikaw lang ang nag-iisa naming anak kaya pinaka-iingatan ka namin." Itinigil ko ang aking ginagawa at hinarap si Nanay. Ngumiti ako upang ipakitang ayos lamang ako ngunit nanginig ang aking mga labi. "Naku, Nanay ko... Hinding-hindi ako papadala sa tuksong iyan, 'no!" Mayabang kong saad at umirap pa. "Pag-aaral ang ipinunta ko roon at hanggang doon lamang po iyon, Nanay. Para po sa inyo ng Tatay ay magpupursige ho ako. Mahal na mahal ko po kayong dalawa at talagang mamimiss ko kayo!" Bahagyang nanginig ang aking boses, nagiging emosyonal. "At kapag nakatapos na ako, hindi ninyo na kailangang mag
NAPABUGA na lamang ako ng hangin at walang magawang sinundan siya. Bitbit ang naglalakihang maleta at bag, dagdag pa ang aking mga gamit. Tuloy ay hindi na halos ako makakita ng maayos sa dinadaanan ko dahilan upang makabunggo ako ng kung sino. "Ouch! How stupid could you be to just crash into me?" Anang antipatikong boses ng lalaki. "Pasensya na po pasensya na," sinabi ko habang hindi man lang siya tinitingnan. Wala na akong panahon pang intindihin ang taong ito dahil maiiwanan na ako ni Tiffany! "What the hell..." Anang boses ng lalaki na para bang sinusundan ako. "Hey, hey stupid girl!" Malakas niyang pagtawag dahilan upang mapatigil ako at harapin siya.Agad na umusok ang ilong ko sa narinig. Pambihira, tinawag lang ba niya akong stupid?! Sa ganda kong 'to, tatawagin lang stupid ng isang bakulaw?! Ibinaba ko ang mga bag na dala at ipinatayo ang mga maleta upang harapin ang talipandas na nang insulto sa akin. "Teka, teka, anong karapatan mong tawagin akong stupid, ha? Ikaw ba
UMAWANG ang aking labi sa pagkamangha sa laki ng bahay ng Tiya Liza... Nasa labas pa lang kami ng gate ay kitang-kita na sa labas kung gaano kaganda ang kanilang bahay. Pero nang makapasok ako ay hindi ko mapigilang pumalibot ang tingin sa labis na pagkamangha. Balang araw ay mapagagawan ko rin ang Nanay at Tatay ng ganitong kagandang bahay. Iyong hindi na nila kailangang magtrabahon at ang tanging iintindihin na lamang nila ay ang kanilang mga sarili. Balang araw, magagawa ko rin iyan. Sa ngayon ay mag-aaral muna ako. "Huwag kang kukupad-kupad, Sandra! Bilisan mo!" Bumalik ang katawang lupa ko sa reyalidad nang bulyawan ako ni Tifanny. Hila-hila ko pa rin ang kanyang mga maleta at gamit kahit pa sinabi ng kanilang driver na ito na raw ang magdadala ng mga ito papasok ngunit pinigilan siya ito ni Tifanny dahil kaya ko naman na raw. Ay, talaga ba? Kaya ko ang mga 'yo eh halos matae na nga ako sa kakahila sa mga bagahe niyang parang may lamang hollow blocks sa sobrang bigat! "Opo, h
"PAGKATAPOS mong mag-enroll ay umuwi ka kaagad, ha?" Ani Tiya Liza nang magpaalam akong pupunta ng eskwelahan para mag-enroll. "Hindi na kita sasamahan, ipahahatid na lang kita sa driver at may gagawin kami ni Tifanny. Ito ang enrollment fee mo, ingatan mo ha?"Nakangiti kong tinanggap ang inabot ni Tiya. "Salamat po, Tiya. Ingat po kayo ni Miss Tifanny." Tanging tango lang ang isinagot niya. Nakakakaba pero kakayanin ko 'to. Malaki na ako kaya dapat ay kaya ko na ang mga bagay-bagay. Sinasabi ko iyon sa aking sarili pero ang totoo ay naiiyak na ako. "Ayos lang po ba kayo, Ma'am?" Tanong ni ng family driver nilang si Manong Dante. "Opo, ayos lang ako. Medyo kinakabahan po kasi ako." Pagsasabi ko ng totoo. "First time ko po kasing pumunta ng eskwelahan mag-isa," napalabi pa ako at bahagyang nag-init ang mukha. Tumawa si Manong Dante. "Naku, ayos lang iyan! Iyong isa ko ngang anak noong unang araw niya sa kolehiyo ay umiyak kasi gusto niya kami kasama ng Mama niya at natatakot nga
"MAGANDANG umaga po, Tiya!" Magiliw kong bati sa Tiyahin kong pababa ng hagdan, suot-suot pa nito ang mahabang bestidang pantulog habang humihikab. Alas kwatro y media pa lang ng umaga ay nasabihan na ako ni Ate Irine na madalas daw na nagigising ng ganitong oras si Tiya kaya naman mas maaga akong gumising. Maaga naman na akong nagigising nitong mga nakaraang araw pero mas maaga ako ngayon dahil nga unang araw sa klase. Excited ako."Oh, gising ka na, Sandra?" Bahagya pang nanlaki ang kanyang mata. "Opo, Tiya. Unang araw na po kasi ng pasukan ngayon kaya maaga po ako," sambit ko. "Gusto ninyo po ng kape? Ipagtitimpla ko po kayo!" "Naku, halata ngang excited kang pumasok, huh..." Natatawang ani Tiya. "Gusto ko iyang ganyan ka, maganda kapag maaga kang nagigising at paminsan-minsa'y tutulong sa gawaing bahay." "Opo, walang problema, Tiya. Maaga po talaga akong nagigising!" Sanay na ako sa probinsyang nagigising ng madaling araw dahil bukod sa tilaok ng mga manok ay ang bunganga ri
TATLONG oras ang makalipas bago ako tuluyang natapos sa pinapagawa ni Tifanny sa akin. Hindi naman iyon ganoon karami pero sa tuwing sumisilip siya at nakikitang malapit na akong matapos ay papasok saka guguluhin lahat.Mariin na lamang akong napapapikit sa kawalang magagawa. Gustuhin ko mang magalit at maglabas ng sama ng loob sa kanya pero alam kong wala naman akong karapatan at nasisiguro akong mas malupit pa ang gagawin niya sa akin. "Oh, you're done?" Nanunuyang tanong ni Tifanny nang Tifanny nang matapos ako sa mga damitan niya, ganoon din pati ang kanyang sahig na ilang beses kong minop. Isinarado ko ng maayos ang kanyang kabinet bago siya hinarap. "Opo, Miss... Pwede na po ba akong umalis?" Magalang kong sinabi. Naningkit ang kanyang mga mata at ipinalibot ang tingin sa kabuoan ng kanyang kwarto, nakalapat pa ang kanyang hintuturo sa kanyang baba na animong nag-iisip ng malalim.Diyos ko... Sana ay huwag na siyang mag-isip pa ng sunod na ipagagawa sa akin dahil marami pa ako
TAHIMIK ako sa buong byahe pa-eskwelahan. Abala ang isipan ko sa kaiisip sa mga katagang sinabi ni ate Irine. Maaari ko naman sana iyong huwag ng pansinin dahil baka pinagtitripan lamang ako ngunit sa nakita kong takot sa kanyang mga mata at sa panginginig ng kanyang kamay ay natitiyak kong hindi lamang ito isang biro. Bakit naman magbibiro ng ganoon si ate Irine? Hindi naman magandang biro iyon gayong ang nakatira sa bahay na iyon ang tinutukoy niya. Mas mabuting sundin na nga lang ang sinabi niyang dobleng pag-iingat...Nang makarating ako sa aming classroom ay may iilan ng tao roon, lumingon-lingon ako upang hanapin si Danice ngunit nang mapansing wala pa siya ay naupo na lamang ako sa kinauupuan namin kaninang umaga. "You're really an early bird, Cassandra!" Anang boses sa aking likod sabay sundot sa aking braso. Napalingon ako roon at gumuhit ang ngiti sa labi nang makitang si Danice iyon. May hawak siyang plastic cups sa kanyang isang kamay na may logo ng isang kilalang coff
"WOAH! Jollibee chicken is the best! Kahit yata aaraw-arawin ko ito ay hindi ako magsasawa!" Saad ko na may pagpikit pa ng mga mata habang ninanamnam ang lasa ng manok."Same here! Hinding-hindi ako magsasawang kumain rito!" Malawak ang ngiting sinabi ni Danice. "Dadalhin ko si Albert dito! I'm sure he'll love what I love!" Umismid ako sa sinabi niya at sandaling tumigil sa pagnguya. Did I just heard her mentioned a name of a man? Albert... Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya na kalaunan ay ganoon din siya nang para bang may napagtanto. Tuluyan ko ng ibinaba ang manok sa aking plato at saka pinanliitan ng mata ang kaibigan. "Oh my gosh! Goodness! Sorry, sorry, sorry! I forgot to tell you!" Natataranta niyang sinabi sa akin, nagpalingon-lingon pa siya sa palagid at tinakpan ang kanyang bibig. "Oh my god! Sorry, Sandra-dear... I got carried away! It slipped out of my mind! Promise, hindi ko intensyong hindi sabihin sa'yo, but I always tell him about you naman so maybe... I am
“NAKU, pasensya na po at iyan ang inabot ninyo kay sir!” Anang babaeng sa tingin ko’y nasa mid-twenties na. Hindi gaanong katangkaran, medyo malaman at morena beauty. “Ako nga pala si Ria. Magtatatlong taon na ako rito mula nang magkasakit ang inay ko. Kailangan ko kasi ng pera tsaka mabait si sir, malaki pa magpasahod. Hihi.” Matunog siyang humagikhik at tinanaw pa ang entrada ng hagdanan na para bang nakikita niya pa ang lalaking iyon. “Ikaw? Anong pangalan mo?” Humugot ako ng malalim na hininga bago sumagot. “Sandra, ako si Sandra.” Tipid ko siyang nginitian. Trienta minutos na ang nakalilipas nang maganap ang katarantaduhan ng gagong Elias na iyon, hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako sa pinaghalong takot at galit sa kanya. Kapag talaga nagtagpo kami ng lalaking iyon hindi ako magdadalawang isip na bigyan siya ng black eye. Wala akong pakialam kung sesantehin niya ako ngayon din, makaganti lang ako sa ginawa niya. Trienta minutos akong naupo at umiyak sa hagdan nang datnan
MY NOSE scrunch as I roamed my eyes outside of the van. Parang napapalayo na kami sa kabihasnan. Parang hindi naman ito ang ini-imagine kong bahay ng artista! Ang alam kong bahay ng artista ay nasa syudad, iyong nagtataasang building at maraming guards na subdivision! Pero ito, hindi! Sobrang layo! O baka naman kaya malayo kasi hindi talaga mayaman si Elias at palabas lang lahat! Oo palabas lang para magustuhan siya ng mga tao! “Nandito na po tayo, ma'am…” anang driver at saka bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Kumunot ang noo ko at napalingon nang tuluyang makababa. Bumungad sa akin ang pilak na malaking gate. Gate pa lang iyon at wala pa akong nakikitang bahay! “Maghintay lamang po kayo ng kaunti ma'am at parating na ho ang golf cart na maghahatid sa inyo sa mansion ni sir.” Anang driver na siguro ay napansin ang paglulumikot ng mata ko. Napatango-tango ako at hindi na rin nagsalita. Masyadong malayo ang lugar na ito sa kabihasnan ngunit bahagyang gumaan ang pakiramdam ko
"I JUST want to remind you that once you start working with him, you are not allowed to mention it to anyone. And that, as well, was stated in your contract. Nagkakaintindihan ba tayo?" Allison said in a stern, professional voice. Lumunok ako at saka tuwid na umupo saka siya magaang nginitian. "Noted, Ma'am. I won't do anything that can harm Mr. Villacaza..." Kahit pa man gusto kong masuka sa kapangitan ng ugali ng hinayupak na iyon pero hindi naman sa puntong kaya ko siyang ipahamak. Lalo pa at siya na ngayon ang trabaho ko. Wait, parang ang laswa pakinggan. Sa kanya na ako magtatrabaho, siya na ang magpapasahod sa akin. "Alright, that's nice to hear, then. Starting tomorrow, you'll be with him wherever he is." Aniya na ikinanlaki ng mata ako! "Pagod na pagod na ako sa pagiging gala ng lalaking 'yon." Dagdag ni Ma'am Allison at minasahe pa ang sentido na para bang isang malaking batang pasaway ang tinutukoy niya.Wait... Kung simula bukas ay naroon ako kung nasaan siya, paano ang
TATLONG araw na ang nakalilipas simula nang mangyari ang kahindik-hindik na araw na iyon. Oo, matatawag kong kahindik-hindik ang mga iyon dahil sa damuhong 'yon!"Alam mo, Sandra. Sa tuwing nakikita ko ang videos ni Theo James, si Elias na ang nakikita ko! Oh My God! He's just so freaking good looking! Hindi ko talaga masisisi ang ibang babae na niluluhuran siya at halos hagkan na ang mga paa because I, too, would do that!" Anang talanding babaitang kumakain ng chicken sandwich. She was scrolling on her phone and everytime there's a video of Theo James appearing on a certain application, she'll shreik and showed it to me.Jusko, kulang na lang malaglag ang panty niya!"Tsk. Tigilan mo mga iyang pagkilig-kilig mo sa lalaking iyon, yes maybe he's freaking hot pero sobrang bastos naman! Tss. Aanhin naman niya ang kaguwapuhan niya gago naman?" Simangot ko, umaasang kakampihan ng kaibigan but the brute even screamed more!"Ahhh! Gustong-gusto ko 'yon! If he'd do that to me, luluhod pa ako
"WILL you please calm down?" Anang babaeng tinawag ni Elias na Ally kanina. Napahawak siya sa kanyang noo na para bang hindi ito ang unang beses na ginawa iyon ng lalaking 'to. "Please have a seat, Miss Cariño let's review your documents—" "What?!" Pagtututol ni Elias, ewan ko ba sa lalaking ito at parang pinaglihi yata sa lamang lupa. "No! I don't want her to work with me! I don't like her to be near me!" Aniya na para bang mayroon akong nakakadiring sakit. Kinuha ni Miss Ally ang folder ko at hindi pinansin si Elias. Umismid ako. "Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sayo, ah! At ikaw lang din naman na ipinaglihi sa diablo, ay huwag na!" Umirap ako. I heard gasps. "Huh! How dare say that to me! Alam mo bang ako si Elias Damian Villacaza?! I am the highest paid actor in the country!" Pagmamayabang niya. My forehead creased. I rolled my tongue on my lips and stared at him from head to toe kahit pa ang kalahati ng kanyang katawan ay nasa likod ng lamesa. Yes, alright. He's gwap
HANGGANG sa makarating sa eskwelahan ay iyon ang bumabagabag sa akin. Gusto ko, gustong-gusto kong makahanap ng trabaho o kaya kahit part time para sa pang-araw-araw kong gastusin. Kaya lang ay parang too-good-to-be true naman ang sahod. Baka naman tactics lang nila iyon para maraming mag-a-apply at kapag natanggap na ay roon biglang sasabihin kaya ganoon na lang kalaki ang sahod dahil all around? Hindi lang P.A kundi katulong din maging sa paglilinis ng kung ano-ano? O baka masyadong pasaway ang artistang iyon kaya ganoon? Bumabawi na lang sa pera?Nahilot ko ang aking sentido. Tsk, masyado na akong nadala sa ipinakita ng aking Tiya kaya ganito na lamang ako kung mag-isip. Nakakatakot, nakakatakot magtiwala ulit. Pero kailangan ko ng trabaho. "Hey, province girl! Do this for me!" Anang maarteng tinig sa aking harapan, walang pakialam na ibinagsak ang mga papel sa arm chair ko. Kasalukuyan na kaming nasa classroom at wala ang Prof dahil nagka-emergency raw. Kaya ngayon ay nakatung
"WHAT the hell, happened to you?!" Danice blurted out in horror as she scans my whole being.Nasa labas ako ng apartment niya. Ilang minuto nang makarating ako rito ay saka ko pa lamang siya tinext. Ang akala ko ay wala siya rito ngayon kaya naisip ko ng maupo muna sa labas ng apartment niya at maghintay hanggang sa makarating siya. "A-ano..." Nilunok ko ang bikig sa aking lalamunan nang maalala na naman ang sinapit ko. Gustuhin ko mang ngumawa at isumbong sa kanya ang lahat, ayaw ko na siyang gambalain pa. Pinaglaruan ko ang aking mga daliri at kinagat ang pang-ibabang labi. "L-Lumayas na ako kila Tiya, eh... Pwede bang dito na muna ako? Pangako, makikihati ako sa lahat ng bayad! Hindi rin ako burara! Marunong akong maglinis, maglaba, pati sa research mo kung gusto mo ay gagawin ko libre na—" "Wait, wait, wait! Hold up, Cassandra!" Kunot noo niyang sinabi at itinapat ang kanyang palad sa aking mukha. "You're talking too much. There's something wrong with you!" Aniya. Nag-iwas ako
TRIGGER WARNING: RAPE*****"BITAWAN mo ako, hayop ka!" Marahas akong nagpumiglas sa marahas niyang pagkakahawak sa akin. "Tulong! Tulungan ninyo ako! Ate Irine, tulong!" Pagsisisigaw ko kahit na mas malabo pa sa tubig baha na marinig ako dahil sa sobrang lakas ng pagdagungdong ng tugtog sa buong bahay. "Stupid woman! Kahit ano pang sigaw mo, no one will ever hear you! No one!" Malakas niyang sigaw sabay angat ng kanyang kamay at malakas akong sinampal dahilan upang bumagsak ako sa sahig. "Matagal na akong nagtitimpi sa'yo, malandi ka! You're so hard to get na parang hindi ka isang bayarang babae!" Nagtatagis ng kanyang mga bagang at nanlilisik ang mga matang nakadungaw sa akin. Hindi alintana ang hapdi sa aking pisngi, sinikap ko ang sariling gumapang palayo sa halimaw na ito. Kailangan kong makalayo sa kanya, kailangan kong makaalis sa lugar na ito! Mala-halimaw siyang nagpakawala ng halakhak nang makita ang ginagawa ko. "What?! You're trying to escape?! Do you think you can? Dre
"WOAH! Jollibee chicken is the best! Kahit yata aaraw-arawin ko ito ay hindi ako magsasawa!" Saad ko na may pagpikit pa ng mga mata habang ninanamnam ang lasa ng manok."Same here! Hinding-hindi ako magsasawang kumain rito!" Malawak ang ngiting sinabi ni Danice. "Dadalhin ko si Albert dito! I'm sure he'll love what I love!" Umismid ako sa sinabi niya at sandaling tumigil sa pagnguya. Did I just heard her mentioned a name of a man? Albert... Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya na kalaunan ay ganoon din siya nang para bang may napagtanto. Tuluyan ko ng ibinaba ang manok sa aking plato at saka pinanliitan ng mata ang kaibigan. "Oh my gosh! Goodness! Sorry, sorry, sorry! I forgot to tell you!" Natataranta niyang sinabi sa akin, nagpalingon-lingon pa siya sa palagid at tinakpan ang kanyang bibig. "Oh my god! Sorry, Sandra-dear... I got carried away! It slipped out of my mind! Promise, hindi ko intensyong hindi sabihin sa'yo, but I always tell him about you naman so maybe... I am