Kinuha ni Carmela ang kulay pulang body con dress na naka lapag sa ibabaw ng kama. Hindi sya ang pumili ng kanyang isusuot ngayong family dinner. Actually, super late na nga nya nang i-text si Tristan na kailangan nya ng susuotin, nawala kasi sa kanyang isip na ngayon pala 'yon gaganapin.Ngayong gabi ang dating nila Tito Ortiz, Tita Regina, at Veronica galing Europe. Pupunta rin ang ibang kasapi ng pamilya Mostrales. Kaya inaasahan nang madaming sosyal at bigatin na tao ngayong gabi dito sa Mansion. "Masyadong revealing naman kung tignan ang napili ni Tristan!" Anas nya habang sinusuot ang dress. Hapit na hapit kasi ito sa kanyang katawan, mas lalong na defined tuloy ang hubog ng katawan nya. Mukha syang dalaga kung tignan, parang hindi nagkaroon ng dalawang anak. Bata pa naman naman sya, ang kaso lang ay hindi sya sanay sa ganito. "Maikli na nga, sabog na sabog pa kung tignan ang hinaharap..." Reklamo nya, "Baka mamaya may masabi nanaman sila tungkol sa suot ko!" Wala naman syang
MATAPOS silang kumain ay pupunta sana ng comfort room si Carmela para mag ayos nang bumagal ang kanyang paglakad ng makita sa kanyang patutunguhan ang Ina-inahan at si Pearlyn. Mahina silang nag tatawanan habang inaasuyan ni Mama Precious ang buhok ng kapatid. Hindi nya maiwasan makaramdam ng pagka inggit sa kanyang napapanood. Napa kagat sya sa kanyang pang ibabang labi ng makaramdam ng sakit sa kanyang puso, ito ang isa sa mga hindi nya naramdaman. Ang pag mamahal ng isang magulang. "Sabihin mo kay Axcel na ulitin ka nyang pakasalanan, redo your wedding... para naman maranasan kong ilakad ka sa harapan ng altar...""H'wag ka pong mag alala, Ma. I'll make sure po na hindi na po mauulit ang nangyari from the past at mararanasan nyo ang mga gusto ninyo.""That's good to hear, anak... I can't wait for that day to come" Napabaling ang atensyon ng dalawa sa kanya nang makita sya. Sa mukha palang ani mo'y pinag sakluban ng langit at lupa ang mukha ng kanyang Ina ng makita sya. Si Pearly
"Anong ginawa mo rito?" Tanong nya kay Jaren. Pataas sila ngayon sa Terris ng Mansion kung saan walang makaka rinig sa usapan nilang dalawa. "Renz invited me last minute...""Why?" Ano naman ang rason ni Renz para papuntahin dito si Jaren? Knowing na hindi rin sila in good terms noong naka confine pa sya sa hospital.Ano kayang hangin ang nalanghap non? para ipalanghap nya rin kay Axcel. "Sinabi nyang meron ang mga magulang mo ngayon dito at nag kaka initan kayo..." Napa lingon sya sa sagot ng lalaki, "Hindi ka daw nya kasing magawang ipag tanggol ngayong gabi dahil may alitan din sila ng kanyang Ina. He's afraid that something bad might happened tonight..." Napakagat sya sa kanyang pang ibabang labi. Actually, tama lang ang pag dating ni Jaren kanina para ipag tanggol sya sa kanyang magulang, kung siguro hindi dumating ang lalaki ay nakagawa na sila ng eksena sa loob ng Mansion. Tumango sya, "But you don't have to go if you're kinda busy... Alam ko namang punong puno ang schedule
Umiling si Axcel, "H-hindi pa ako nakaka alala... But I can feel that I have a deep connection with Gramps... Sometimes I always dream about him... Ang sabi ay scattered memories ko ito from my past. Naalala ko na ang ibang bagay nong kabataan natin na sya ang nag aruga sa ating dalawa... I can now remembe-r some things... Bumabali-k na ang iba kong ala-ala"Lumipad ang palad ni Carmela sa kanyang bibig sa narinig. Ibig sabihin sa bawat araw na lumipas na nakaka panaginip ang lalaki ay bumabalik ang kanyang memorya? Tumingin sa kanya si Axcel, nakiki usap ang kanyang mga mata sa kanya, "Kilala mo ba ang pumatay kay G-gramps?" Sasagotin nya sana 'yon ng unahan sya ni Renz, "We are still not sure kung ano ang ikinamatay ni Gramps given na sinabi ng kanyang Doctor na may taning talaga ang kanyang buhay..."Nag tatakang tumingin sya kay Renz, alam nilang dalawa na may pumatay talaga sa matanda pero bakit ganito ang sagot ni Renz kay Axcel? "T-then what's the meaning of what I've heard
announcement: regarding po sa Chapter 92 sa huling part, hindi po si Jaren ang tumulak kay Carmela, si Javin po ang kanyang ex, huhu pasensya na po, lutang ako habang nag susulat since pinilit ko lang may sulat kahapon ng madaling araw para hindi ako matambakan ng update, pero yes po, si Javin po ang may gawa non dahil busy si Jaren (nag absent muna sya sa duty nya para bantayan ako ngayon dahil medjo mataas lagnat ko hehe joke pang po) pasensya na ulit! Happy reading! ***Flashbacks: Palinga-linga si Pearlyn habang bumababa sa taxi. Naka takip ang kanyang ulo ng kulay itim na scarf upang matakpan ang kanyang mukha. Balot na balot din sya ngayon na para bang may tinataguan. Mahirap na at baka mamaya ay palihim syang pinasundan ni Axcel sa kanyang mga kaibigan. Nang mapansin nyang walang kakaiba sa kanyang paligid ay pumasok na sya sa isang bahay. May kalumaan na ito pero maayos pa naman ang kabuuan, pwedeng tirahan. Ang maganda rin dito ay walang masyadong kabahayan, kaya naman mal
"Axcel! Dito ka lang!" Pag uutos sa kanya ng kanyang Ina. Pinipigilan ang kanyang pag baba sa Yate. Pagod nyang binalingan ng tingin ang kanyang Ina, "P-paano ako mananatili rito kung alam kong nasa peligro ang buhay ni Carmela, Ma..." Nanghihina nyang ani. Nag salubong ang kilay ng kanyang Ina, "pero hindi ibig sabihin non na bababa ka at magpapaka super hero! Tignan mo nga kung gaano ka bayolente ang dagat ngayon! Sa isang hampas ng malaking alon maaari kang maanod kasama ang lintik na bangka na yan!" Hindi kalmado ang dagat, galit na galit ito na mukhang lalamunin ang kanilang gagamitin na bangka. Nauna nang pumalaot si Renz kahit binawalan sya ni Tita Regina. Hindi nya pinakinggan ang Ina at basta nalang syang umalis. Muntikan na ngang tumaob ang bangka nya sa lakas ng hangin at hampas ng alon. "Hintayin mong kumalma ang dagat at ang pag sikat ng araw Axcel!" Si Papa Murphy na galit. "Kumalm-a? Pa... Paano nyo nasasabi ang mga salitang 'yan ngayon?" Hindi makapaniwala nyang t
"Mukhang hindi nila tayo mahahanap ngayong gabi" panimula ni Axcel. Kababalik lang nito sa kanilang pwesto matapos mag hanap ng mga tuyong kahoy sa ilalim ng mga matutulis na bato. Kapag kasi ang mga basang kahoy ang kanilang kinuha ay tiyak na hindi ito masisindihan. Balak kasing gumawa ng apoy si Axcel. Ibinaba nya ang mga kahoy na kanyang nakuha at nag simula na nyang painitin ang dalawang bato sa pamamagitan ng pagkiskis sa isa't isa. Ilang minuto ang tinagal non bago tuluyang magkaroon ng apoy. Manghang mangha naman sya habang pinapanood ang mga ginagawa ni Axcel. Kita mo nga naman ang isang 'yon. Halatang kaya nyang maka survive sa mga ganitong uri ng sitwasyon. At kahit wala itong maalala ay kayang kaya nya ang kanyang sarili. Hindi nya namalayan na malalim na pala ang tingin nya kay Axcel kaya naman nang hinarap sya ng lalaki ay bigla syang umiwas. Napahawak sya sa kanyang batok, hindi nya pa rin magalaw ang kanyang mga paa kaya nananatili pa rin sya malapit sa tubig. "Are
Naalimpungatan si Carmela sa gitna ng kanilang tulog nang marinig nya ang nahihirapang boses ni Axcel. Agad syang napa upo dahil sa pag aalala. Pinakatitigan nya ng maayos ang lalaki. Namumuo ang mga pawis sa nuo ng dating asawa at nahihirapan itong huminga. Nabitin sa ere ang kanyang kamay sa pag haplos sa mukha ni Axcel para gisingin ito ng bigla syang mag salita, "C-carmela... Si Cody..." Palinga linga sya sa kanyang pagkaka higa at makikita ang takot sa kanyang pananalita.Nanigas ang kanyang kamay at parang hindi nya kayang ituloy na gisingin si Axcel. Tila may tumusok sa kanyang puso nang marinig ang pangalan ng kanilang anak na mang gagaling mismo sa lalaki. "Ang anak natin..." May luhang kumawala sa mata ni Axcel kahit na naka pikit ito. Now it all make sense. Ngayon na re realize nya na kung bakit gusto nitong may kayakap sa gabi, dahil ba sya ay binabangungot ng kanyang mga panaginip? Ibig sabihin totoo ngang nakaka alala sya sa pamamagitan ng pananaginip? At kaya ba gus
Pansamantalang itinigil ang pag ku-kwestyon kay Murphy dahil kahit anong pilit nilang sumagot ito ay mukhang wala itong balak mag salita, nawalan na ata nang boses ang G4ga! Hindi naman pwedeng mag tutuloy-tuloy ang lahat, buti nalang talaga at naibigay na nila ang ebidensya sa mga awtoridad. Laking tulong din talaga ang boses nang nga mamamayan nang mapanood ang balita. Hindi lang sya ang humihingi ng hustisya — marami sila. Si Axcel ay nasa loob ng investigation room para mag bigay nang kanyang panayam tungkol sa sitwasyon na kanilang kinakaharap ngayon. Pinapanood nya ang nang hihinang mukha ni Axcel sa one way mirror. Dinudurog sya habang pinapakinggan ang mga sagot nang lalaki. "Sigurado ka bang wala kang planong pagaanin ang kaso nang iyong Ama?"Umiling ito, "He deserves it..." Hindi nya na narinig ang mga sumusunod nitong sasabihin dahil...Nawala ang atensyon nya sa pinapanood nang tumunog ang kanyang cellphone. Number ito nang isa sa mga tauhan ni Bruce. Matapos nya kasin
NANGINGINIG ang kamay ni Regina habang inilalagay sa kanyang maleta ang kanyang ibang mga gamit. Halos lahat sila sa loob ng Mansion ay nag kakagulo, gusto na nilang umalis sa Pilipinas sa lalong madaling panahon bago pa tuluyang lumalin ang mga imbestigasyon at mag sama-sama pa silang lahat bumagsak sa loob ng kulungan. Kaliwa't kanan ang kanilang pagiging aligaga at panay ang tingin nila sa orasan. May flight kasi sila na kailangan nilang habulin na ka bo-book lang din nila. Salamat nalang talaga sa kanilang attorney na matalino't magaling dahil naka alis sila ng presinto kanina! Si Murphy lang ang naiwan duon dahil mas mabigat ang ebidensya na naka turo sa kanya. Hindi na nila alam ang mga nangyayari dahil wala silang koneksyon sa loob, baka mamaya ay nilalaglag na rin sila ni Murphy sa iba pang mga kasalanan! Ang Loko na 'yon! Tama lang na pinahiya sya ni Carmela sa public para si Murphy lang ang pag tuunan nang pansin nang lahat! Pumasok si Aegin sa kwarto ni Regina. Hanggang
Naunang nakadalo sa kumpanya si Ronald at Precious. Ilang minuto na silang nasa loob nang kanilang sasakyan. Dinudumog kasi sila ng mga reporter ngayon, panay ang pag flash nang kanilang mga camera at ang iba naman ay sabik nang maka kuha ng kanilang panayam sa nangyari. Hawak ni Ronald ang lagayan. Mabigat ang kanyang nararamdaman ngayon sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi ito hinahawakan ni Precious dahil para sa kanya ay nandidiri sya. Isasama sana nila ngayon si Pearlyn pero kailangan nilang ipakitang na kay Carmela lang ang atensyon. "I think we should go outside bago pa dumating ang mga Mostrales..." Hindi sumagot si Ronald duon. Nakatulala lang syang pinapanood ang mga tao sa labas habang mahigpit ang pagkaka kapit sa inaakalang abo ng katawan ni Carmela. "Do you think this is really an ambush against my political run?" Iyon lang kasi ang nakikita nilang rason kung bakit nila kinabitan ng Bomba ang sasakyan ni Carmela. Iyon din kasi ang sinabi sa kanila ng mga Mostrale
"Cheers?" Itinaas ni Murphy ang kanyang wine glass sa ere. Anong oras na ng gabi at natanggap na nila ang report na sumabog na ang bombang inilagay nila sa sasakyan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakauwi si Manong Gab at Axcel. Iniisip nila na paniguradong nag luluksa na ang dalawa sa pagkawala ni Carmela. Ngayon, panahon naman na upang mag saya sila dahil sa wakas ay nagawa na nilang pabagsakin si Carmela dahil alam naman nilang makakapasok na sila kapag si Axcel na ang naupo sa pinakamataas na posisyon. Ipinag lapit nila ang kanilang mga baso dahilan nang malakas na tunog nito na umalingawngaw sa buong Mansion. Lahat sila ay may ngiting tagumpay sa kanilang mga labi. Ang karamihan ay dahil sa pera, kapangyarihan, at kumpanya. Habang si Pearlyn naman ay masosolo nya na si Axcel at hindi na kailan man malalaman ng kanyang magulang ang katotohanan. Ininom na nila ang kani-kanilang baso ng wine, "What a wonderful night..." Bulong ni Pearlyn. KINUHA ni Axcel ang kumot sa lo
Matapos ang usapan at mamatay ang tawag ni Jenny sa kanya ay bigla syang may natanggap na text na nang gagaling kay Manong Gab. Hindi nya na sana 'yon babasahin dahil pabalik na sya sa kanilang pinag parking-an nang mahagip nang kanyang mata ang salitang 'patawad' sa screen. Pinindot nya nalang ang text dahil sa pag tataka kung bakit ito humihingi ng tawad sa kanya kung pwede namang mamaya nalang sa loob ng sasakyan, hindi ba? "Carmela, sana mapatawad mo ako sa aking nagawa... lalo na sa pagka sira nang pamilyang binuo n'yo ni Axcel. Kasalanan ko kung bakit ito nasira... At sana mapatawad mo rin ako kung bakit hindi ko kayang harapin ang mga kabayaran sa aking nagawa." Nag sisimula nang bumilis ang tibok nang kanyang puso sa kanyang binabasa, "Ako ang naka patay kay Cody... ako ang salarin, ako ang truck driver..." parang nahulog ang kanyang puso. Si Manong Gab? Paano nya ito nagawa? At bakit?....Para syang pinag taksilan... Hindi... literal na pinag taksilan talaga sya. Namuo a
Naalimpungatan si Carmela ng makaramdam sya ng pagka lamig. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman nyang naka sandal sya sa balikat ni Axcel. Kaagad syang umayos nang upo at tinanggal ang jacket na naka patong sa kanya. Alam nyang kagaya nya ay nilalamig na ngayon si Axcel. Inilagay nya rin ito sa lalaki. Napa buntong hininga sya. Anong oras na pero mukhang wala pa atang balak rumesponde ang mga empleyado. Pinakatitigan nya si Axcel na mahimbing na natutulog. Malumanay at puno ng rahan nyang inayos ang buhok nito para hindi sya magising. "Ano ba Carmela!" Wika nya sa kanyang sa loobin. Bumaba kasi ang kanyang tingin sa mapulang labi ng lalaki. Hindi nya maipaliwag ang kanyang nararamdaman na para bang gusto nya itong halikan na hindi. Ilang dangkal nalang ang lapit nang kanilang mukha at mukhang nananalo na ang sigaw ng kanyang puso. Unti-unti na syang napapalapit sa lalaki nang biglang mabilis na nag bukas ang pintuan ng elevator. Napa tingin sya duon, "Shit!" Utas nya nang
"I really can't believe what's happening right now!" Si Tita Regina na kanina pa pabalik balik sa kanyang nilalakadan. Matapos ang mga pangyayari kanina sa opisina ay kaagad silang umuwi. Lahat sila ay wala sa katinuan at kapwa lumilipad ang mga utak—kung paano patalsikin si Carmela sa pwesto. "Hindi naman natin sya basta bastang matatanggal kung sya ang napiling taga pag mana ni Papang..." Muling humithit sa sigarilyo si Ortiz, "Besides, mukhang pinag isipan pa ito ng mabuti ng matanda bago sya pumanaw... Sa lahat pa talaga nang tao na pwede nyang pamanahan, bakit pa ang Babaeng p0kp0k na 'yon?" Niyupos nya ang sigarilyo sa isang Ashtray. Napa ngisi si Pearlyn nang may pumasok na ideya sa kanyang utak. Hindi nya na kasi kayang pigilan pa ang gigil nya kay Carmela. Nakaka asiwa lang isipin na pinapaburan nanaman si Carmela nang mga mahahalagang bagay ng Tadhana. Paniguradong magugustuhan ng pamilya ang kanyang plano. "Why don't we came out a plan?" Lahat sila ay napa baling sa kany
Aalis na sana ang mga Investors at ang mga mahahalagang tao nang biglang mag salita si Axcel na ikina tigil nilang lahat. "Since you're already the CEO of this company... Can I ask you personally?"Nagulat din sya sa biglang tanong ni Axcel. "Go on..." sumimsim sya sa wine na kanyang iniinom, pilit tinatago ang nararamdamang kaba. Paano ba naman ay seryoso kung makatingin sa kanya ang lalaki sa kanya ngayon. "I want to work here..." Nahulog ang panga nilang lahat sa kanyang sinabi. Maging si Carmela ay hindi nakapag salita ng ilang segundo. Tumayo ito mula sa pagkaka upo at humakbang papalapit sa kanya. Nakatayo na ang lalaki ngayon sa kanyang harapan, mata sa mata, lahat ng atensyon ay nasa kanilang dalawa. Ilang pulgada lang ang layo ng kanilang mukha sa isa't isa at nang susukat ang kanilang mga tingin "with a greater position in this company..." Nagsimula nang mag bulung bulungan ang mga tao sa kanilang narinig. Naiilang syang napa ngiti ng pilit, "What do you mean?" Grab
Tumingin si Carmela sa kanyang repleksyon sa harap ng salamin. Kanina nya pa kinakausap ang kanyang sarili. Hindi nya na nakayanan ang kanyang emosyon at nasabunutan nya na ang kanyang sarili. Paano ba naman kasi ay sasabihin nya na sana ang totoo kanina kay Axcel pero nong nakita nya ang lalaki ay bigla nalang syang napa takbo papalayo. "Come on Carmela!" Pang babawi nya sa kanyang tunay na huwisyo, "Come to think of it!" Tumaas ang tono ng kanyang boses, "If you accept the position of the company... hindi na nila pag iinitan si Axcel..." gaya nalang ng naabutan nya kaninang umaga na kinakawawa nila ang walang kalaban-laban na si Axcel at nang mas lalo nya pa itong ma pro-protektahan. "Hindi nga nila pag iinitan si Axcel, pero pano naman ako?" Tinuro nya ang sarili, "Siguro ay mas maganda na rin 'yon dahil kaya kong mang laban kahit papaano at nasa tamang pag iisip ako..." Napalunok sya nang maalala ang mga pag babago ni Axcel at ang akusa sa kanya nang kanyang mga magulang na na