Naalimpungatan si Carmela sa gitna ng kanilang tulog nang marinig nya ang nahihirapang boses ni Axcel. Agad syang napa upo dahil sa pag aalala. Pinakatitigan nya ng maayos ang lalaki. Namumuo ang mga pawis sa nuo ng dating asawa at nahihirapan itong huminga. Nabitin sa ere ang kanyang kamay sa pag haplos sa mukha ni Axcel para gisingin ito ng bigla syang mag salita, "C-carmela... Si Cody..." Palinga linga sya sa kanyang pagkaka higa at makikita ang takot sa kanyang pananalita.Nanigas ang kanyang kamay at parang hindi nya kayang ituloy na gisingin si Axcel. Tila may tumusok sa kanyang puso nang marinig ang pangalan ng kanilang anak na mang gagaling mismo sa lalaki. "Ang anak natin..." May luhang kumawala sa mata ni Axcel kahit na naka pikit ito. Now it all make sense. Ngayon na re realize nya na kung bakit gusto nitong may kayakap sa gabi, dahil ba sya ay binabangungot ng kanyang mga panaginip? Ibig sabihin totoo ngang nakaka alala sya sa pamamagitan ng pananaginip? At kaya ba gus
Napa hawak sa ulo si Axcel sa sinagot ni Carmela. May kung ano sa kanyang utak na para bang tumutusok, para na syang masisiraan ng ulo ngayon. Tumingin sa malayo si Carmela habang pinapahid ang kanyang mga luha, "Hindi ko alam kung ano ang mga nasabi sayo ni Pearlyn para magka ganyan ka... Hindi ko alam kung anong mga kasinungalingan ang pinakain nila sa'yo habang nag dudusa ka sa kalagayan na yan..."Sapo pa rin ni Axcel ang kanyang ulo habang pinapakinggan ang sinasabi ni Carmela. Mariin syang naka pikit habang nag flu-flush sa kanyang utak ang sarit-saring mga memorya na hindi nya gaanong makita. Memorya na malabo, pero halos sa lahat ng 'yon ay ang mukha ni Carmela na naka ngiti, galit, at higit sa lahat ay umiiyak. Ano pa ba ang mga pinag daanan ni Carmela sa kanyang mga kamay noong araw na nag sasama sila? Handa syang harapin ang lahat pero parang hindi nya kakayanin na maalala ang lahat... "At hindi ko na rin alam ang gagawin ko Axcel para tulungan ka..." Kahit na masakit
Namangha si Carmela at Axcel habang pinag mamasdan ang mga bahay sa Isla. Akala nila ay minalas sila dahil napadpad sila sa Islang silang dalawa lang ang tao. Hindi nila inaakalang sa kalagitnaan ng puso ng Isla ay may isang maliit na komunidad. Si Manong Crisanto pala ang pinuno rito sa Isla kung kaya naiintindihan nya na ngayon kung bakit mukhang mangangain ito ng tao kanina. Sabi pa nga nila ay merong mahigit sampong libong katao ang naninirahan dito. Ang mga ka bahayan ay gawa sa pinag sama-samang bato at mga tuyong dahon. Typical na Bahay Kubo noong unang panahon. Habang nag lalakad sila kanina ay napapatingin sa kanila ang mga tao, mahahalata sa mga mukha nila ang takot at pangamba na baka may magawa silang hindi kaaya-aya."Matanong nga Hija, kayo ba ay mag asawa o mag nobyo't nobya pa lang?"Nagkatinginan silang dalawa ni Axcel sa tanong na 'yon ni Geneva, pangalan ng Asawa ni Datu Crisanto. "Ahh..." Napakamot sya sa kanyang batok, hindi nya alam ang kanyang isasagot. "Tign
Nagising nalang si Carmela at Axcel sa papag nang makarinig sila ng mga taong nag tatawanan. Aksidenteng naitulak ni Carmela si Axcel na naka yakap sa kanya sa gulat, parehong nanlalaki ang kanilang mga mata. "Anong meron? May salo-salo nanaman ba ngayong umaga?" Takang wika nya. Bumangon silang dalawa ni Axcel upang tignan ang nangyayari. Sabay nilang ikinusot ang kanilang mga mata upang tignan kung tama ba ang kanilang nakikita ngayon. "Am I d-dreaming?" Utas ni Axcel. "Hindi ata... Hindi tayo nananaginip ngayon..."Nag mamadali silang umalis sa papag at patakbong lumapit sa mga taong nag kukumpulan. Lahat sila ay may mga bagong gamit gaya nalang ng mga lutuan, plato, at kung ano-ano pang mga gamit na hindi masyadong ginagamit rito sa Isla. Nahulog ang panga ng dalawa ng makita ang mga solar na naka sabit sa bawat kubo na kanilang dinadaanan. Hindi lang 'yon dahil mukhang may 1 year supply of food ang mga tao sa dami ng pagkain. May kabundok din na mga damit na branded na pinag
Madaling araw na nang maka daong ang kanilang sinasakyan. Napag desisyonan kasi nilang bumaba sa isang probinsya ng bansa upang walang makapansin sa kanila lalo na't madami ang nag hahanap sa kanilang dalawa ngayon. Agad silang sinalubong ng kulay itim na Van . Si JR sana ang magiging katabi ni Carmela ang kaso ay bigla syang inunahan ni Axcel na makapasok sa van at itinulak nya ang kanyang kaibigan sa pinaka gilid. Napahinto sya dahil sa ginawa ng lalaki, "Get in." Pag uutos nito na sinunod na lang nya. Nag simula nang umandar ang sasakyan. Mahaba-haba pa ang kanilang magiging byahe dahil malayo sila sa syudad. "Buti nalang at wala masyadong nag hahanap ngayon..." Pag babasag ni Erwin sa bumabalot na katahimikan. "Mamaya madadaanan natin ang mga taong tumutulong sa pag hahanap. Hindi rin kasi biro ang reward na binigay sa makakahanap sa inyo" sabat ng Driver. "Magkano po ba?" Tanong nya. "10 million sayo tapos kay Axcel naman ay 20 million kaya aligaga silang lahat sa pag haha
AXCEL'S POINT OF VIEW: Nang hihinang napa tingin si Carmela sa kanya pagkatapos nitong kausapin ang tumawag sa kanya. "Is there a proble-m?" Nag aalala nyang tanong. Umiling ang Babae sa kanya at tipid lang na ngumiti pero makikita sa mata nito ang takot at pag aalala, "Mauna kana palang bumalik sa hotel... may kailangan lang akong gawin."Kumunot ang kanyang nuo, hindi pa sya nakakapag salita ay bigla na syang tinalikuran ni Carmela at nag madaling umalis sa kanyang pwesto. Sinundan nya ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. "Ano nama-n kaya ang kailangan nyang gawin? Hindi nya ba naisip na nasa bingwit pa rin sya ng kamataya-n..." Pati tuloy sya ay nag aalala na. Patakbo syang nag lakad upang sundan sana ang Babae pero tuluyan na talaga itong nawala at hindi nya na alam kung saan hahanapin. Palinga-linga sya sa parke, ngunit ni anino nito ay hindi nya na makita. Napahawak sya sa kanyang ulo, "Siguro naman ay walang makaka kita sa kany-a..." Baka nakakalimut
Bago pa mang tuluyang maka lapit sa kanya si Arkin ay kaagad itong hinarang ng katulong upang yakapin. Humahagulgol si Jenny habang mahigpit na yakap ang alaga, "Saan ka nanaman ba pumunta? Sa susunod h'wag mo nang uulitin 'yon ha!" Pangangaral nya habang humihikbi. Hindi nya pa rin pinapakawalan ang paslit sa kanyang pagkakayakap. "Sorry po..." Paumanhin ni Arkin. Hinaplos ng maliit na kamay ng Bata ang likudan ni Jenny para mapatahan ito. "Akala ko ay may nangyari nang masama sayo!" Nanginginig na pahayag ni Jenny. Ilang minuto ang tinagal nang malalim na tititigan ni Axcel at Carmela. Tumulo ang kanyang munting luha na kaagad nya ring pinahid. Hindi sila maka galaw mula sa kanilang kinatatayuan, ganoon din ang mga Promises na nabigla sa pang yayari. Sa isip ni Axcel ay anak ng Babaeng umiiyak ngayon ang paslit na nakilala nya, pero ang katanungan sa kanyang isip ay kung bakit sobrang nag aalala si Carmela at bakit mag kasama sila ng kanyang mga kaibigan. May tinatago ba sila
Walang laman ang mga Balita ngayon kundi silang dalawa ni Axcel. Tinagurian pa nga silang, "A dead that rise" ng mga tao sa internet. Nang matapos nyang panoorin at basahin ang balita sa kanilang dalawa ay pinatay nya ang kanyang cellphone at umayos ng pag kakahiga. Nakatingin sya sa kisame, "It feels nice to be back..." Mahina nyang bulong. Anong oras na pero hindi pa rin sya dinadalaw ng kanyang antok at hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa kanyang isipan ang nangyari kahapon. Napasabunot sya sa kanyang sarili, "that was so close... Paano nalang kapag tumakbo sa akin si Arkin tapos bigla nya akong yakapin at tawaging Mommy sa harapan ni Axcel?" Tanong nya sa sarili. Kung ganoon siguro ang nangyari kahapon, tiyak na 'yon ang hindi nila malulusutan. At paano pa nila ito ipapaliwanag kay Axcel? Eh hindi pa nito naaalala na muntikan syang makunan dahil sa kanya. Huminga sya ng malalim, "Pero kahit papaano ay nag papasalamat pa rin ako na nag kita silang dalawa kahit na hindi nila
Pansamantalang itinigil ang pag ku-kwestyon kay Murphy dahil kahit anong pilit nilang sumagot ito ay mukhang wala itong balak mag salita, nawalan na ata nang boses ang G4ga! Hindi naman pwedeng mag tutuloy-tuloy ang lahat, buti nalang talaga at naibigay na nila ang ebidensya sa mga awtoridad. Laking tulong din talaga ang boses nang nga mamamayan nang mapanood ang balita. Hindi lang sya ang humihingi ng hustisya — marami sila. Si Axcel ay nasa loob ng investigation room para mag bigay nang kanyang panayam tungkol sa sitwasyon na kanilang kinakaharap ngayon. Pinapanood nya ang nang hihinang mukha ni Axcel sa one way mirror. Dinudurog sya habang pinapakinggan ang mga sagot nang lalaki. "Sigurado ka bang wala kang planong pagaanin ang kaso nang iyong Ama?"Umiling ito, "He deserves it..." Hindi nya na narinig ang mga sumusunod nitong sasabihin dahil...Nawala ang atensyon nya sa pinapanood nang tumunog ang kanyang cellphone. Number ito nang isa sa mga tauhan ni Bruce. Matapos nya kasin
NANGINGINIG ang kamay ni Regina habang inilalagay sa kanyang maleta ang kanyang ibang mga gamit. Halos lahat sila sa loob ng Mansion ay nag kakagulo, gusto na nilang umalis sa Pilipinas sa lalong madaling panahon bago pa tuluyang lumalin ang mga imbestigasyon at mag sama-sama pa silang lahat bumagsak sa loob ng kulungan. Kaliwa't kanan ang kanilang pagiging aligaga at panay ang tingin nila sa orasan. May flight kasi sila na kailangan nilang habulin na ka bo-book lang din nila. Salamat nalang talaga sa kanilang attorney na matalino't magaling dahil naka alis sila ng presinto kanina! Si Murphy lang ang naiwan duon dahil mas mabigat ang ebidensya na naka turo sa kanya. Hindi na nila alam ang mga nangyayari dahil wala silang koneksyon sa loob, baka mamaya ay nilalaglag na rin sila ni Murphy sa iba pang mga kasalanan! Ang Loko na 'yon! Tama lang na pinahiya sya ni Carmela sa public para si Murphy lang ang pag tuunan nang pansin nang lahat! Pumasok si Aegin sa kwarto ni Regina. Hanggang
Naunang nakadalo sa kumpanya si Ronald at Precious. Ilang minuto na silang nasa loob nang kanilang sasakyan. Dinudumog kasi sila ng mga reporter ngayon, panay ang pag flash nang kanilang mga camera at ang iba naman ay sabik nang maka kuha ng kanilang panayam sa nangyari. Hawak ni Ronald ang lagayan. Mabigat ang kanyang nararamdaman ngayon sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi ito hinahawakan ni Precious dahil para sa kanya ay nandidiri sya. Isasama sana nila ngayon si Pearlyn pero kailangan nilang ipakitang na kay Carmela lang ang atensyon. "I think we should go outside bago pa dumating ang mga Mostrales..." Hindi sumagot si Ronald duon. Nakatulala lang syang pinapanood ang mga tao sa labas habang mahigpit ang pagkaka kapit sa inaakalang abo ng katawan ni Carmela. "Do you think this is really an ambush against my political run?" Iyon lang kasi ang nakikita nilang rason kung bakit nila kinabitan ng Bomba ang sasakyan ni Carmela. Iyon din kasi ang sinabi sa kanila ng mga Mostrale
"Cheers?" Itinaas ni Murphy ang kanyang wine glass sa ere. Anong oras na ng gabi at natanggap na nila ang report na sumabog na ang bombang inilagay nila sa sasakyan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakauwi si Manong Gab at Axcel. Iniisip nila na paniguradong nag luluksa na ang dalawa sa pagkawala ni Carmela. Ngayon, panahon naman na upang mag saya sila dahil sa wakas ay nagawa na nilang pabagsakin si Carmela dahil alam naman nilang makakapasok na sila kapag si Axcel na ang naupo sa pinakamataas na posisyon. Ipinag lapit nila ang kanilang mga baso dahilan nang malakas na tunog nito na umalingawngaw sa buong Mansion. Lahat sila ay may ngiting tagumpay sa kanilang mga labi. Ang karamihan ay dahil sa pera, kapangyarihan, at kumpanya. Habang si Pearlyn naman ay masosolo nya na si Axcel at hindi na kailan man malalaman ng kanyang magulang ang katotohanan. Ininom na nila ang kani-kanilang baso ng wine, "What a wonderful night..." Bulong ni Pearlyn. KINUHA ni Axcel ang kumot sa lo
Matapos ang usapan at mamatay ang tawag ni Jenny sa kanya ay bigla syang may natanggap na text na nang gagaling kay Manong Gab. Hindi nya na sana 'yon babasahin dahil pabalik na sya sa kanilang pinag parking-an nang mahagip nang kanyang mata ang salitang 'patawad' sa screen. Pinindot nya nalang ang text dahil sa pag tataka kung bakit ito humihingi ng tawad sa kanya kung pwede namang mamaya nalang sa loob ng sasakyan, hindi ba? "Carmela, sana mapatawad mo ako sa aking nagawa... lalo na sa pagka sira nang pamilyang binuo n'yo ni Axcel. Kasalanan ko kung bakit ito nasira... At sana mapatawad mo rin ako kung bakit hindi ko kayang harapin ang mga kabayaran sa aking nagawa." Nag sisimula nang bumilis ang tibok nang kanyang puso sa kanyang binabasa, "Ako ang naka patay kay Cody... ako ang salarin, ako ang truck driver..." parang nahulog ang kanyang puso. Si Manong Gab? Paano nya ito nagawa? At bakit?....Para syang pinag taksilan... Hindi... literal na pinag taksilan talaga sya. Namuo a
Naalimpungatan si Carmela ng makaramdam sya ng pagka lamig. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman nyang naka sandal sya sa balikat ni Axcel. Kaagad syang umayos nang upo at tinanggal ang jacket na naka patong sa kanya. Alam nyang kagaya nya ay nilalamig na ngayon si Axcel. Inilagay nya rin ito sa lalaki. Napa buntong hininga sya. Anong oras na pero mukhang wala pa atang balak rumesponde ang mga empleyado. Pinakatitigan nya si Axcel na mahimbing na natutulog. Malumanay at puno ng rahan nyang inayos ang buhok nito para hindi sya magising. "Ano ba Carmela!" Wika nya sa kanyang sa loobin. Bumaba kasi ang kanyang tingin sa mapulang labi ng lalaki. Hindi nya maipaliwag ang kanyang nararamdaman na para bang gusto nya itong halikan na hindi. Ilang dangkal nalang ang lapit nang kanilang mukha at mukhang nananalo na ang sigaw ng kanyang puso. Unti-unti na syang napapalapit sa lalaki nang biglang mabilis na nag bukas ang pintuan ng elevator. Napa tingin sya duon, "Shit!" Utas nya nang
"I really can't believe what's happening right now!" Si Tita Regina na kanina pa pabalik balik sa kanyang nilalakadan. Matapos ang mga pangyayari kanina sa opisina ay kaagad silang umuwi. Lahat sila ay wala sa katinuan at kapwa lumilipad ang mga utak—kung paano patalsikin si Carmela sa pwesto. "Hindi naman natin sya basta bastang matatanggal kung sya ang napiling taga pag mana ni Papang..." Muling humithit sa sigarilyo si Ortiz, "Besides, mukhang pinag isipan pa ito ng mabuti ng matanda bago sya pumanaw... Sa lahat pa talaga nang tao na pwede nyang pamanahan, bakit pa ang Babaeng p0kp0k na 'yon?" Niyupos nya ang sigarilyo sa isang Ashtray. Napa ngisi si Pearlyn nang may pumasok na ideya sa kanyang utak. Hindi nya na kasi kayang pigilan pa ang gigil nya kay Carmela. Nakaka asiwa lang isipin na pinapaburan nanaman si Carmela nang mga mahahalagang bagay ng Tadhana. Paniguradong magugustuhan ng pamilya ang kanyang plano. "Why don't we came out a plan?" Lahat sila ay napa baling sa kany
Aalis na sana ang mga Investors at ang mga mahahalagang tao nang biglang mag salita si Axcel na ikina tigil nilang lahat. "Since you're already the CEO of this company... Can I ask you personally?"Nagulat din sya sa biglang tanong ni Axcel. "Go on..." sumimsim sya sa wine na kanyang iniinom, pilit tinatago ang nararamdamang kaba. Paano ba naman ay seryoso kung makatingin sa kanya ang lalaki sa kanya ngayon. "I want to work here..." Nahulog ang panga nilang lahat sa kanyang sinabi. Maging si Carmela ay hindi nakapag salita ng ilang segundo. Tumayo ito mula sa pagkaka upo at humakbang papalapit sa kanya. Nakatayo na ang lalaki ngayon sa kanyang harapan, mata sa mata, lahat ng atensyon ay nasa kanilang dalawa. Ilang pulgada lang ang layo ng kanilang mukha sa isa't isa at nang susukat ang kanilang mga tingin "with a greater position in this company..." Nagsimula nang mag bulung bulungan ang mga tao sa kanilang narinig. Naiilang syang napa ngiti ng pilit, "What do you mean?" Grab
Tumingin si Carmela sa kanyang repleksyon sa harap ng salamin. Kanina nya pa kinakausap ang kanyang sarili. Hindi nya na nakayanan ang kanyang emosyon at nasabunutan nya na ang kanyang sarili. Paano ba naman kasi ay sasabihin nya na sana ang totoo kanina kay Axcel pero nong nakita nya ang lalaki ay bigla nalang syang napa takbo papalayo. "Come on Carmela!" Pang babawi nya sa kanyang tunay na huwisyo, "Come to think of it!" Tumaas ang tono ng kanyang boses, "If you accept the position of the company... hindi na nila pag iinitan si Axcel..." gaya nalang ng naabutan nya kaninang umaga na kinakawawa nila ang walang kalaban-laban na si Axcel at nang mas lalo nya pa itong ma pro-protektahan. "Hindi nga nila pag iinitan si Axcel, pero pano naman ako?" Tinuro nya ang sarili, "Siguro ay mas maganda na rin 'yon dahil kaya kong mang laban kahit papaano at nasa tamang pag iisip ako..." Napalunok sya nang maalala ang mga pag babago ni Axcel at ang akusa sa kanya nang kanyang mga magulang na na