Nagising nalang si Carmela at Axcel sa papag nang makarinig sila ng mga taong nag tatawanan. Aksidenteng naitulak ni Carmela si Axcel na naka yakap sa kanya sa gulat, parehong nanlalaki ang kanilang mga mata. "Anong meron? May salo-salo nanaman ba ngayong umaga?" Takang wika nya. Bumangon silang dalawa ni Axcel upang tignan ang nangyayari. Sabay nilang ikinusot ang kanilang mga mata upang tignan kung tama ba ang kanilang nakikita ngayon. "Am I d-dreaming?" Utas ni Axcel. "Hindi ata... Hindi tayo nananaginip ngayon..."Nag mamadali silang umalis sa papag at patakbong lumapit sa mga taong nag kukumpulan. Lahat sila ay may mga bagong gamit gaya nalang ng mga lutuan, plato, at kung ano-ano pang mga gamit na hindi masyadong ginagamit rito sa Isla. Nahulog ang panga ng dalawa ng makita ang mga solar na naka sabit sa bawat kubo na kanilang dinadaanan. Hindi lang 'yon dahil mukhang may 1 year supply of food ang mga tao sa dami ng pagkain. May kabundok din na mga damit na branded na pinag
Madaling araw na nang maka daong ang kanilang sinasakyan. Napag desisyonan kasi nilang bumaba sa isang probinsya ng bansa upang walang makapansin sa kanila lalo na't madami ang nag hahanap sa kanilang dalawa ngayon. Agad silang sinalubong ng kulay itim na Van . Si JR sana ang magiging katabi ni Carmela ang kaso ay bigla syang inunahan ni Axcel na makapasok sa van at itinulak nya ang kanyang kaibigan sa pinaka gilid. Napahinto sya dahil sa ginawa ng lalaki, "Get in." Pag uutos nito na sinunod na lang nya. Nag simula nang umandar ang sasakyan. Mahaba-haba pa ang kanilang magiging byahe dahil malayo sila sa syudad. "Buti nalang at wala masyadong nag hahanap ngayon..." Pag babasag ni Erwin sa bumabalot na katahimikan. "Mamaya madadaanan natin ang mga taong tumutulong sa pag hahanap. Hindi rin kasi biro ang reward na binigay sa makakahanap sa inyo" sabat ng Driver. "Magkano po ba?" Tanong nya. "10 million sayo tapos kay Axcel naman ay 20 million kaya aligaga silang lahat sa pag haha
AXCEL'S POINT OF VIEW: Nang hihinang napa tingin si Carmela sa kanya pagkatapos nitong kausapin ang tumawag sa kanya. "Is there a proble-m?" Nag aalala nyang tanong. Umiling ang Babae sa kanya at tipid lang na ngumiti pero makikita sa mata nito ang takot at pag aalala, "Mauna kana palang bumalik sa hotel... may kailangan lang akong gawin."Kumunot ang kanyang nuo, hindi pa sya nakakapag salita ay bigla na syang tinalikuran ni Carmela at nag madaling umalis sa kanyang pwesto. Sinundan nya ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. "Ano nama-n kaya ang kailangan nyang gawin? Hindi nya ba naisip na nasa bingwit pa rin sya ng kamataya-n..." Pati tuloy sya ay nag aalala na. Patakbo syang nag lakad upang sundan sana ang Babae pero tuluyan na talaga itong nawala at hindi nya na alam kung saan hahanapin. Palinga-linga sya sa parke, ngunit ni anino nito ay hindi nya na makita. Napahawak sya sa kanyang ulo, "Siguro naman ay walang makaka kita sa kany-a..." Baka nakakalimut
Bago pa mang tuluyang maka lapit sa kanya si Arkin ay kaagad itong hinarang ng katulong upang yakapin. Humahagulgol si Jenny habang mahigpit na yakap ang alaga, "Saan ka nanaman ba pumunta? Sa susunod h'wag mo nang uulitin 'yon ha!" Pangangaral nya habang humihikbi. Hindi nya pa rin pinapakawalan ang paslit sa kanyang pagkakayakap. "Sorry po..." Paumanhin ni Arkin. Hinaplos ng maliit na kamay ng Bata ang likudan ni Jenny para mapatahan ito. "Akala ko ay may nangyari nang masama sayo!" Nanginginig na pahayag ni Jenny. Ilang minuto ang tinagal nang malalim na tititigan ni Axcel at Carmela. Tumulo ang kanyang munting luha na kaagad nya ring pinahid. Hindi sila maka galaw mula sa kanilang kinatatayuan, ganoon din ang mga Promises na nabigla sa pang yayari. Sa isip ni Axcel ay anak ng Babaeng umiiyak ngayon ang paslit na nakilala nya, pero ang katanungan sa kanyang isip ay kung bakit sobrang nag aalala si Carmela at bakit mag kasama sila ng kanyang mga kaibigan. May tinatago ba sila
Walang laman ang mga Balita ngayon kundi silang dalawa ni Axcel. Tinagurian pa nga silang, "A dead that rise" ng mga tao sa internet. Nang matapos nyang panoorin at basahin ang balita sa kanilang dalawa ay pinatay nya ang kanyang cellphone at umayos ng pag kakahiga. Nakatingin sya sa kisame, "It feels nice to be back..." Mahina nyang bulong. Anong oras na pero hindi pa rin sya dinadalaw ng kanyang antok at hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa kanyang isipan ang nangyari kahapon. Napasabunot sya sa kanyang sarili, "that was so close... Paano nalang kapag tumakbo sa akin si Arkin tapos bigla nya akong yakapin at tawaging Mommy sa harapan ni Axcel?" Tanong nya sa sarili. Kung ganoon siguro ang nangyari kahapon, tiyak na 'yon ang hindi nila malulusutan. At paano pa nila ito ipapaliwanag kay Axcel? Eh hindi pa nito naaalala na muntikan syang makunan dahil sa kanya. Huminga sya ng malalim, "Pero kahit papaano ay nag papasalamat pa rin ako na nag kita silang dalawa kahit na hindi nila
Flashback: "Ma... Hindi ko na po kayang itago pa ang lahat—"Hindi na nakapag pigil si Nanay Emilda sa kanyang sarili at muli nyang sinampal si Gab. Dinuro nya ito, "Wala kana talagang alam gawin kundi patayïn ako sa kahihiyan! Ganyan mo ba dapat ako suklian?! Tandaan mo! Wala ka sa mundong ito kung hindi dahil sa'kin! Kaya nararapat lang na ako ang dapat mong sundin—"Namumuo ang mga luha ni Manong Gab, "Hindi ko naman po hinihiling sa inyo na buhayin ninyo ako..." Paos nitong wika. "Alam kong gawa ako sa pag kakamali nang nag molesta sa inyo! pero sana naman po isipin ninyong tao rin ako! Ma... may emosyon din po ako!" punong puno ng sakit ang bawat diin ng kanyang salita. Napalunok si Nanay Emilda nang banggitin ng kanyang anak ang nangyaring insidente noon. Oo, noong na r4pe sya, nag bunga ang lahat ng 'yon at 'yon ay si Gab. At kahit pinarusahan ni Gramps ang may gawa non sa kanya ay araw-araw nya pa rin itong naalala. Walang may alam na anak nya si Gab dahil tinago nya ito.
Pumasok sa loob ng kwarto si Axcel, dala ang ibinigay na photo album sa kanya ng lalaki kanina. Umupo sya sa kama at binasa ang note na naka lagay sa cover page, "Sana makatulong ang mga ito sa pag balik ng iyong ala-ala, anak... at sana kahit sa ganitong pamamaraan ay mapatawad mo ako."Nagsalubong ang kanyang kilay sa huling salita. Sa pag kaka alam nya ay wala namang naging kasalanan sa kanya si Nanay? Ayon kasi sa kwento ng matanda sa kanya ay isa rin ito sa mga nag alaga sa kanya noong sya ay Bata palang. Lagi pa nitong kinu-kwento ang mga kalokohang ginagawa nilang dalawa ni Renz kay Gramps. Huminga sya ng malalim at binuksan na ang photo album. Nauna duon ang larawan nilang dalawa ni Carmela sa kanilang kasal. May humaplos sa kanyang puso. Hindi nya namalayan ang pag angat ng kanyang labi sa nakikita. Hinaplos nya ang mukha duon ni Carmela, "You look beautiful in whit-e..." kahit na mukhang napipilitan ito na ngumiti sa Carmela dahil sa pilit na kasal. Ang mga sumunod na l
"Sigurado ka bang wala nang masakit sayo?" Tanong sa kanya ni Carmela dahil gusto na nyang magpa discharge. Wala naman na syang nararamdaman na kahit anong sakit sa kanyang ulo. "Wala na" tuwid nyang sagot. "Are you sure?" Sabay-sabay na tanong sa kanya ng mga Promises. Tumango sya sa kanila. Paano nya ba sasabihin sa kanyang mga kaibigan na nakaka alala na sya? Gusto nyang sabihin sa mga ito ang totoo pero naisip nya na ring baka madulas sila kay Carmela at masabi nila ang katotohanan. Kaya sasarilihin nya nalang muna ang lahat. Inaalalayan sya ni Carmela habang nag lalakad papuntang elevator. Gusto nya na kasing umuwi dahil madami pa syang kailangang gawin. Ngayon na nag balik na ang kanyang ala-ala, aayosin nya ang lahat at itatama nya ang kanyang mga naging pag kakamali... mas lalo na kay Carmela. Babangon syang muli, ibabangon nya ang mga negosyong nalugmok dahil sa pagiging mukhang pera nang kanyang mga kapamilya. Habang palabas sila sa lobby ng Hospital ay natigilan sya
"MAY BALAK KA BANG PATAYIN AKO SA KABA!?" lumuluhang si Carmela. Ilang minuto na ang lumipas simula nang mangyari 'yon, pero heto, nanginginig pa rin ang kanyang kamay. Nag halo ang takot, pangamba, at pag aalala. "I'm sorry..." paos na paumanhin ni Axcel. Napa upo na si Carmela sa sahig dahil sa nang hihina nyang tuhod. Kanina pa ito nangangatog at salamat sa dyos makaka upo na sya! Umupo rin si Axcel upang mayakap sya. "Ang immature mo!" Pinag susuntok nya ang magkabilaang balikat ng dating asawa, "Pinapatay mo ako sa pagiging isip Bata mo!"Hinayaan nya lang na suntukin sya ni Carmela. Hindi naman 'yon masakit, sa katunayan pa nga nyan ay kinikilig sya sa pag mamaktol ni Carmela. "Ano bang pumasok jan sa utak mo at naisipin mong mag prank ng ganito?!"Kumawala si Axcel sa pagkakayakap nya kay Carmela upang punasan ang mga luha nito. Namumula ang mga mata ng Babae at hanggang ngayon ay bakas pa rin duon ang takot."Sorry na..." Namamaos nyang pag papasensya, pinipigilan ang sar
"Anong gusto mo? Tea? Coffee? Milk? Water? Soda? Or—" Aligaga nyang tanong. Tatayo na sana si Carmela mula sa pag kaka upo sa coach nang biglang hawakan ni Jaren ang kanyang kamay. Napatingin sya sa pag kakahawak duon ni Jaren at napa lunok. Mahigpit yon, pero mararamdaman mo ang pag iingat nang Binata na hindi sya masaktan. "I'm here to check on you... Hindi ako pumunta rito para mag pa asikaso sayo Carmela. I just want a minute today..." Tumango sya at umupo sa tabi nang lalaki. Malawak itong ngumiti sa kanya at tinignan sya mula ulo hanggang paa. Namawis tuloy ang kanyang kamay. Katulad nya, paniguradong hindi sanay si Jaren na makita syang ganito ang ayos. "It's been a month since we're a part... And wow! Look at you, you look like a grown woman..." Hindi makapaniwala nitong papuri sa kanya, "Mas lalo kang gumanda..." namula sya sa sinabi nito.Mahina nyang hinampas ang lalaki, "Ano ka ba! Nag bibiro ka nanaman eh!" Tumawa sya, "Hanggang ngayon ba iniisip mong nag bibiro ako?
Hindi malunok ni Carmela ang kinakain nyang kanin. Ang sarap ng kanilang gabihan pero parang wala itong lasa dahil lumilipad ang kanyang utak sa sinabi ni Jen kanina. Kahit kaharap nya si Axcel na malalim na nakatingin sa kanya na kanina pa sya pinapanood ay para lang itong hangin.Hindi nakikita, pero nararamdaman, o siguro multo? Hindi na nga pinapansin dahil hindi nakikita pero panay ang paramdam.Padabog nyang ibinaba ang kanyang kutsara na gumawa ng tunog, "Kilala mo ba kung sino ang nag pa kalat ng mga pictures na 'yon?" Nang gigigil nyang wika, "I'm pretty sure isa 'yon sa dumalo nang kasal natin!"Normal ba ang nararamdaman ni Axcel nang marinig galing kay Carmela ang salitang, 'kasal natin?' kasi kung hindi... Ibig bang sabihin nasisira na ang mga emosyon sa kanyang katawan? Umiling sya at sabay subo nang kanyang kinakain. Sinubukan nya namang tawagan si Tristan para mag tanong pero imbes na maka kuha ng sagot—responsibilidad ang kanyang nakuha dahil sa isang batang napag k
Napahinga nang maluwag si Axcel nang ibagsak nya ang kanyang katawan sa malambot na kama. Wala na silang naging choice kundi mag sabay ni Carmela sa loob nang taxi na kanyang pinara dahil pinag tulakan na ni Jen si Carmela papasok duon. Everyone assumes that they're together officially na tinatago lang nila ang kanilang relasyon due to work related and dahil na rin sa mga nangyari sa kanilang dalawa. How he wish na ganoon nga. Hinihiling nya na sana kagaya ng kanilang iniisip ang sitwasyon nila ngayon. He groans, "Who in the world spread those pictures!?" Iniisip nya kung sino ang magkakaroon nang mga larawan noong ikinasal silang dalawa ni Carmela but everytime he thinks of it. Una talagang pumapasok sa kanyang utak ang kanyang mga kaibigan. Imposible namang si Gramps ang gagawa no'n e wala na ang matanda sa mundong ibabaw.Kung ang kanyang pamilya naman ay ano pa't ikakalat nila ang mga litratong 'yon? ***Napa sulyap si Arkin sa cellphone ni Tristan na kanyang iniwan sa coffee
MATAPOS ang kanilang Photoshoot ay nag palit na sya nang kanyang damit. Habang nag huhubad sya sa fitting room ay hindi pa rin mag kamayaw ang pag tibok nang kanyang puso. Paano ba naman at nararamdaman nya pa rin ang haplos ni Axcel sa kanyang baywang, ibaba ng dibdib at sa kanyang braso at hanggang ngayon ay para pa rin syang kinu kuryente. "Nababaliw kana, Carmela!" Singhal nya sa kanyang sarili. Mas lalo nya pang ipinilig ang kanyang ulo nang maramdamang muli ang hininga ni Axcel na tumatama sa kanyang leeg. Bahaw syang natawa, "Parang awa mo na Axcel!" Inis nyang wika na para bang kaharap ngayon ang lalaki. Hindi pa ito patay, pero heto, mukhang minumulto na sya nang presensya nang lalaki gawa ng kanina, "Pwede bang lubayan ako ng letche mong kaluluwa! Nakaka bastos na! Kaunting respeto naman ohhh... Nag papalit ako!" Ngayon ay na kumpirma nya na talagang hibang na sya! She totally lost her mind because of Axcel!"AHHHHHH!" sigaw nya at nang gigigil na kinuha ang kanyang isusuo
Kasalukuyan silang nasa loob ng sasakyan. May sarili namang sasakyan si Axcel pero nagawa pa talaga nitong maki sabay sa kanya sa pag uwi. Naiinis sya ngayon at mabibigat ang kanyang pag hinga! Napapansin 'yon ni Axcel at alam nya ang dahilan at dahil 'yon sa Babaeng kasama nya kaninang pumasok sa hall. "I told you, she's one of our investors. Sinundo ko sya sa airport dahil hindi nya alam papunta sa venue. She doesn't know everyone... but me" humina ang boses ni Axcel sa kanyang pang huling sinabi. Mas lalo tuloy syang nilukob nang inis! Pwede namang mag tanong ang Babae na 'yon ah! Pipe ba yon? Hindi makapag salita? At kailangan pa talagang si Axcel?!Kunot ang nuo nyang binalingan ang lalaki, "Why? Is it your job to—" Hindi nya natuloy ang kanyang sasabihin nang sagutin na ni Axcel ang kanyang magiging katanungan. "It's part of my job... I'm the vice president after all..." She looked so pissed right now, "It's also part of my job na makipag kwentuhan kay Zaech. If you're allow
"WHAT?! THIS IS RIDICULOUS! ASAWA AKO NG BIKTIMA! ANONG IBIG MONG SABIHIN NA BAWAL AKO PUMASOK?! I NEED TO CHECK MY HUSBAND—HE NEEDS ME!!" Hindi makapaniwalang pag hihisterikal ni Aegin sa mga pulis na naka bantay sa pintuan nang hospital kung saan sinugod si Murphy. Mahigpit ang pag babantay ngayon sa hospital. Mahigit ding ipinag babawal na bawal bumisita ang kung sino mang myembro ng pamilya. Ang papasok lang sa loob ay ang may pinaka mataas na posisyon na pulis at ang mga Doctor at Nurses upang i-check ang kalagayan ng matandang lalaki. Nang malaman ni Aegin ang nangyari kay Murphy. She immediately run to the hospital, kulang na nga lang ay paliparin nya na ang kanyang sinasakyan kanina sa labis na pag aalala. "Ma'am with all due respect, hindi po talaga pwede—""GINAGAGO N'YO BA AKO?! GANYAN BA KAYO KA WALANG PUSO!? I NEED TO KNOW HIS CONDITION WITH MY OWN EYES! I WANT TO SEE HOW BAD IS IT AND HOW HE IS RIGHT NOW!!!" Mukha na syang lata na walang laman ngayon sa sobrang ingay
Padabog na itinapon Carmela ang kanyang shoulder bag sa kanyang lamesahan. Kasalukuyan syang nasa kompanya ngayon. Dumeretsyo na sya rito dahil wala naman syang ibang pupuntahan. Saan nga ba sya pupunta ngayon? Kung panay ang buntot sa kanya nang mga reporters sa nag iinit na Balita. Sabagay at pag kaka kitaan nila dahil duon naman naka sasalay ang kanilang trabaho kaya ganoon nalang kung sugurin sya nang mga ito na mukhang may zombie apocalypse. "Bwisit!" Mabigat nyang singhal at mabigat ang loob na umupo sa kanyang swivel chair. Hindi sya makakapunta ng presinto — pinag bawalan ang presensya nilang dalawa ni Axcel! Ang rason ay baka kung ano 'raw ang magawa nila kay Murphy! "Letcheng justice system ito! Pati ba naman ang mga lintik na kriminal ay protektado ng lintik na batas!" Naiintindihan nya naman na bawal silang pumasok, e, dahil literal na makakapatay talaga sila ngayon — lalo na si Axcel! Naiintindihan nya rin naman na bawat tao ay may mga karapatan, pati ang mga kriminal!
Pansamantalang itinigil ang pag ku-kwestyon kay Murphy dahil kahit anong pilit nilang sumagot ito ay mukhang wala itong balak mag salita, nawalan na ata nang boses ang G4ga! Hindi naman pwedeng mag tutuloy-tuloy ang lahat, buti nalang talaga at naibigay na nila ang ebidensya sa mga awtoridad. Laking tulong din talaga ang boses nang nga mamamayan nang mapanood ang balita. Hindi lang sya ang humihingi ng hustisya — marami sila. Si Axcel ay nasa loob ng investigation room para mag bigay nang kanyang panayam tungkol sa sitwasyon na kanilang kinakaharap ngayon. Pinapanood nya ang nang hihinang mukha ni Axcel sa one way mirror. Dinudurog sya habang pinapakinggan ang mga sagot nang lalaki. "Sigurado ka bang wala kang planong pagaanin ang kaso nang iyong Ama?"Umiling ito, "He deserves it..." Hindi nya na narinig ang mga sumusunod nitong sasabihin dahil...Nawala ang atensyon nya sa pinapanood nang tumunog ang kanyang cellphone. Number ito nang isa sa mga tauhan ni Bruce. Matapos nya kasin