Madaling araw na nang maka daong ang kanilang sinasakyan. Napag desisyonan kasi nilang bumaba sa isang probinsya ng bansa upang walang makapansin sa kanila lalo na't madami ang nag hahanap sa kanilang dalawa ngayon. Agad silang sinalubong ng kulay itim na Van . Si JR sana ang magiging katabi ni Carmela ang kaso ay bigla syang inunahan ni Axcel na makapasok sa van at itinulak nya ang kanyang kaibigan sa pinaka gilid. Napahinto sya dahil sa ginawa ng lalaki, "Get in." Pag uutos nito na sinunod na lang nya. Nag simula nang umandar ang sasakyan. Mahaba-haba pa ang kanilang magiging byahe dahil malayo sila sa syudad. "Buti nalang at wala masyadong nag hahanap ngayon..." Pag babasag ni Erwin sa bumabalot na katahimikan. "Mamaya madadaanan natin ang mga taong tumutulong sa pag hahanap. Hindi rin kasi biro ang reward na binigay sa makakahanap sa inyo" sabat ng Driver. "Magkano po ba?" Tanong nya. "10 million sayo tapos kay Axcel naman ay 20 million kaya aligaga silang lahat sa pag haha
AXCEL'S POINT OF VIEW: Nang hihinang napa tingin si Carmela sa kanya pagkatapos nitong kausapin ang tumawag sa kanya. "Is there a proble-m?" Nag aalala nyang tanong. Umiling ang Babae sa kanya at tipid lang na ngumiti pero makikita sa mata nito ang takot at pag aalala, "Mauna kana palang bumalik sa hotel... may kailangan lang akong gawin."Kumunot ang kanyang nuo, hindi pa sya nakakapag salita ay bigla na syang tinalikuran ni Carmela at nag madaling umalis sa kanyang pwesto. Sinundan nya ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. "Ano nama-n kaya ang kailangan nyang gawin? Hindi nya ba naisip na nasa bingwit pa rin sya ng kamataya-n..." Pati tuloy sya ay nag aalala na. Patakbo syang nag lakad upang sundan sana ang Babae pero tuluyan na talaga itong nawala at hindi nya na alam kung saan hahanapin. Palinga-linga sya sa parke, ngunit ni anino nito ay hindi nya na makita. Napahawak sya sa kanyang ulo, "Siguro naman ay walang makaka kita sa kany-a..." Baka nakakalimut
Bago pa mang tuluyang maka lapit sa kanya si Arkin ay kaagad itong hinarang ng katulong upang yakapin. Humahagulgol si Jenny habang mahigpit na yakap ang alaga, "Saan ka nanaman ba pumunta? Sa susunod h'wag mo nang uulitin 'yon ha!" Pangangaral nya habang humihikbi. Hindi nya pa rin pinapakawalan ang paslit sa kanyang pagkakayakap. "Sorry po..." Paumanhin ni Arkin. Hinaplos ng maliit na kamay ng Bata ang likudan ni Jenny para mapatahan ito. "Akala ko ay may nangyari nang masama sayo!" Nanginginig na pahayag ni Jenny. Ilang minuto ang tinagal nang malalim na tititigan ni Axcel at Carmela. Tumulo ang kanyang munting luha na kaagad nya ring pinahid. Hindi sila maka galaw mula sa kanilang kinatatayuan, ganoon din ang mga Promises na nabigla sa pang yayari. Sa isip ni Axcel ay anak ng Babaeng umiiyak ngayon ang paslit na nakilala nya, pero ang katanungan sa kanyang isip ay kung bakit sobrang nag aalala si Carmela at bakit mag kasama sila ng kanyang mga kaibigan. May tinatago ba sila
Walang laman ang mga Balita ngayon kundi silang dalawa ni Axcel. Tinagurian pa nga silang, "A dead that rise" ng mga tao sa internet. Nang matapos nyang panoorin at basahin ang balita sa kanilang dalawa ay pinatay nya ang kanyang cellphone at umayos ng pag kakahiga. Nakatingin sya sa kisame, "It feels nice to be back..." Mahina nyang bulong. Anong oras na pero hindi pa rin sya dinadalaw ng kanyang antok at hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa kanyang isipan ang nangyari kahapon. Napasabunot sya sa kanyang sarili, "that was so close... Paano nalang kapag tumakbo sa akin si Arkin tapos bigla nya akong yakapin at tawaging Mommy sa harapan ni Axcel?" Tanong nya sa sarili. Kung ganoon siguro ang nangyari kahapon, tiyak na 'yon ang hindi nila malulusutan. At paano pa nila ito ipapaliwanag kay Axcel? Eh hindi pa nito naaalala na muntikan syang makunan dahil sa kanya. Huminga sya ng malalim, "Pero kahit papaano ay nag papasalamat pa rin ako na nag kita silang dalawa kahit na hindi nila
Flashback: "Ma... Hindi ko na po kayang itago pa ang lahat—"Hindi na nakapag pigil si Nanay Emilda sa kanyang sarili at muli nyang sinampal si Gab. Dinuro nya ito, "Wala kana talagang alam gawin kundi patayïn ako sa kahihiyan! Ganyan mo ba dapat ako suklian?! Tandaan mo! Wala ka sa mundong ito kung hindi dahil sa'kin! Kaya nararapat lang na ako ang dapat mong sundin—"Namumuo ang mga luha ni Manong Gab, "Hindi ko naman po hinihiling sa inyo na buhayin ninyo ako..." Paos nitong wika. "Alam kong gawa ako sa pag kakamali nang nag molesta sa inyo! pero sana naman po isipin ninyong tao rin ako! Ma... may emosyon din po ako!" punong puno ng sakit ang bawat diin ng kanyang salita. Napalunok si Nanay Emilda nang banggitin ng kanyang anak ang nangyaring insidente noon. Oo, noong na r4pe sya, nag bunga ang lahat ng 'yon at 'yon ay si Gab. At kahit pinarusahan ni Gramps ang may gawa non sa kanya ay araw-araw nya pa rin itong naalala. Walang may alam na anak nya si Gab dahil tinago nya ito.
Pumasok sa loob ng kwarto si Axcel, dala ang ibinigay na photo album sa kanya ng lalaki kanina. Umupo sya sa kama at binasa ang note na naka lagay sa cover page, "Sana makatulong ang mga ito sa pag balik ng iyong ala-ala, anak... at sana kahit sa ganitong pamamaraan ay mapatawad mo ako."Nagsalubong ang kanyang kilay sa huling salita. Sa pag kaka alam nya ay wala namang naging kasalanan sa kanya si Nanay? Ayon kasi sa kwento ng matanda sa kanya ay isa rin ito sa mga nag alaga sa kanya noong sya ay Bata palang. Lagi pa nitong kinu-kwento ang mga kalokohang ginagawa nilang dalawa ni Renz kay Gramps. Huminga sya ng malalim at binuksan na ang photo album. Nauna duon ang larawan nilang dalawa ni Carmela sa kanilang kasal. May humaplos sa kanyang puso. Hindi nya namalayan ang pag angat ng kanyang labi sa nakikita. Hinaplos nya ang mukha duon ni Carmela, "You look beautiful in whit-e..." kahit na mukhang napipilitan ito na ngumiti sa Carmela dahil sa pilit na kasal. Ang mga sumunod na l
"Sigurado ka bang wala nang masakit sayo?" Tanong sa kanya ni Carmela dahil gusto na nyang magpa discharge. Wala naman na syang nararamdaman na kahit anong sakit sa kanyang ulo. "Wala na" tuwid nyang sagot. "Are you sure?" Sabay-sabay na tanong sa kanya ng mga Promises. Tumango sya sa kanila. Paano nya ba sasabihin sa kanyang mga kaibigan na nakaka alala na sya? Gusto nyang sabihin sa mga ito ang totoo pero naisip nya na ring baka madulas sila kay Carmela at masabi nila ang katotohanan. Kaya sasarilihin nya nalang muna ang lahat. Inaalalayan sya ni Carmela habang nag lalakad papuntang elevator. Gusto nya na kasing umuwi dahil madami pa syang kailangang gawin. Ngayon na nag balik na ang kanyang ala-ala, aayosin nya ang lahat at itatama nya ang kanyang mga naging pag kakamali... mas lalo na kay Carmela. Babangon syang muli, ibabangon nya ang mga negosyong nalugmok dahil sa pagiging mukhang pera nang kanyang mga kapamilya. Habang palabas sila sa lobby ng Hospital ay natigilan sya
Flashbacks: *JOHNROBERT AND GRAMPS*Hinihingal na nag papahinga si JR sa hidden room sa loob ng library habang pinag mamasdan ang limpak-limpak na mga ginto. "Gramps..." Kapos na hangin nyang wika habang nag lalakad ang matanda gamit ang baston nito. Tumingin sa kanya si Gramps, "Alam ko na ang sasabihin mo... Bakit hindi ko tawagin ang iba nyong kaibigan para tulungan ka sa pag puslit dito ng mga ginto?" Noong nakaraang linggo nya pa kasi bukang bibig na kailangan nya ng tulong ng ibang kaibigan. Hindi nya kasi kayang gawin ang lahat ng 'to ng mag isa lalo na't may kabigatan ang mga ito kapag pinag sama-sama at hindi pa biro ang dami nito. Ani pa nga ni Gramps ay koleksyon nya ang ibang ginto sa mga bansang kanyang napuntahan. Parang batang naiiyak na ngayon si JR dahil alam nya na ang magiging kasagutan ni Gramps. Malaking HINDI. "Alam mo naman ang mga bunganga ng mga magagaling mong kaibigan. Baka mamaya ay madulas pa ang mga ito at sila pa ang makapag sabi na may secret room
Pansamantalang itinigil ang pag ku-kwestyon kay Murphy dahil kahit anong pilit nilang sumagot ito ay mukhang wala itong balak mag salita, nawalan na ata nang boses ang G4ga! Hindi naman pwedeng mag tutuloy-tuloy ang lahat, buti nalang talaga at naibigay na nila ang ebidensya sa mga awtoridad. Laking tulong din talaga ang boses nang nga mamamayan nang mapanood ang balita. Hindi lang sya ang humihingi ng hustisya — marami sila. Si Axcel ay nasa loob ng investigation room para mag bigay nang kanyang panayam tungkol sa sitwasyon na kanilang kinakaharap ngayon. Pinapanood nya ang nang hihinang mukha ni Axcel sa one way mirror. Dinudurog sya habang pinapakinggan ang mga sagot nang lalaki. "Sigurado ka bang wala kang planong pagaanin ang kaso nang iyong Ama?"Umiling ito, "He deserves it..." Hindi nya na narinig ang mga sumusunod nitong sasabihin dahil...Nawala ang atensyon nya sa pinapanood nang tumunog ang kanyang cellphone. Number ito nang isa sa mga tauhan ni Bruce. Matapos nya kasin
NANGINGINIG ang kamay ni Regina habang inilalagay sa kanyang maleta ang kanyang ibang mga gamit. Halos lahat sila sa loob ng Mansion ay nag kakagulo, gusto na nilang umalis sa Pilipinas sa lalong madaling panahon bago pa tuluyang lumalin ang mga imbestigasyon at mag sama-sama pa silang lahat bumagsak sa loob ng kulungan. Kaliwa't kanan ang kanilang pagiging aligaga at panay ang tingin nila sa orasan. May flight kasi sila na kailangan nilang habulin na ka bo-book lang din nila. Salamat nalang talaga sa kanilang attorney na matalino't magaling dahil naka alis sila ng presinto kanina! Si Murphy lang ang naiwan duon dahil mas mabigat ang ebidensya na naka turo sa kanya. Hindi na nila alam ang mga nangyayari dahil wala silang koneksyon sa loob, baka mamaya ay nilalaglag na rin sila ni Murphy sa iba pang mga kasalanan! Ang Loko na 'yon! Tama lang na pinahiya sya ni Carmela sa public para si Murphy lang ang pag tuunan nang pansin nang lahat! Pumasok si Aegin sa kwarto ni Regina. Hanggang
Naunang nakadalo sa kumpanya si Ronald at Precious. Ilang minuto na silang nasa loob nang kanilang sasakyan. Dinudumog kasi sila ng mga reporter ngayon, panay ang pag flash nang kanilang mga camera at ang iba naman ay sabik nang maka kuha ng kanilang panayam sa nangyari. Hawak ni Ronald ang lagayan. Mabigat ang kanyang nararamdaman ngayon sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi ito hinahawakan ni Precious dahil para sa kanya ay nandidiri sya. Isasama sana nila ngayon si Pearlyn pero kailangan nilang ipakitang na kay Carmela lang ang atensyon. "I think we should go outside bago pa dumating ang mga Mostrales..." Hindi sumagot si Ronald duon. Nakatulala lang syang pinapanood ang mga tao sa labas habang mahigpit ang pagkaka kapit sa inaakalang abo ng katawan ni Carmela. "Do you think this is really an ambush against my political run?" Iyon lang kasi ang nakikita nilang rason kung bakit nila kinabitan ng Bomba ang sasakyan ni Carmela. Iyon din kasi ang sinabi sa kanila ng mga Mostrale
"Cheers?" Itinaas ni Murphy ang kanyang wine glass sa ere. Anong oras na ng gabi at natanggap na nila ang report na sumabog na ang bombang inilagay nila sa sasakyan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakauwi si Manong Gab at Axcel. Iniisip nila na paniguradong nag luluksa na ang dalawa sa pagkawala ni Carmela. Ngayon, panahon naman na upang mag saya sila dahil sa wakas ay nagawa na nilang pabagsakin si Carmela dahil alam naman nilang makakapasok na sila kapag si Axcel na ang naupo sa pinakamataas na posisyon. Ipinag lapit nila ang kanilang mga baso dahilan nang malakas na tunog nito na umalingawngaw sa buong Mansion. Lahat sila ay may ngiting tagumpay sa kanilang mga labi. Ang karamihan ay dahil sa pera, kapangyarihan, at kumpanya. Habang si Pearlyn naman ay masosolo nya na si Axcel at hindi na kailan man malalaman ng kanyang magulang ang katotohanan. Ininom na nila ang kani-kanilang baso ng wine, "What a wonderful night..." Bulong ni Pearlyn. KINUHA ni Axcel ang kumot sa lo
Matapos ang usapan at mamatay ang tawag ni Jenny sa kanya ay bigla syang may natanggap na text na nang gagaling kay Manong Gab. Hindi nya na sana 'yon babasahin dahil pabalik na sya sa kanilang pinag parking-an nang mahagip nang kanyang mata ang salitang 'patawad' sa screen. Pinindot nya nalang ang text dahil sa pag tataka kung bakit ito humihingi ng tawad sa kanya kung pwede namang mamaya nalang sa loob ng sasakyan, hindi ba? "Carmela, sana mapatawad mo ako sa aking nagawa... lalo na sa pagka sira nang pamilyang binuo n'yo ni Axcel. Kasalanan ko kung bakit ito nasira... At sana mapatawad mo rin ako kung bakit hindi ko kayang harapin ang mga kabayaran sa aking nagawa." Nag sisimula nang bumilis ang tibok nang kanyang puso sa kanyang binabasa, "Ako ang naka patay kay Cody... ako ang salarin, ako ang truck driver..." parang nahulog ang kanyang puso. Si Manong Gab? Paano nya ito nagawa? At bakit?....Para syang pinag taksilan... Hindi... literal na pinag taksilan talaga sya. Namuo a
Naalimpungatan si Carmela ng makaramdam sya ng pagka lamig. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman nyang naka sandal sya sa balikat ni Axcel. Kaagad syang umayos nang upo at tinanggal ang jacket na naka patong sa kanya. Alam nyang kagaya nya ay nilalamig na ngayon si Axcel. Inilagay nya rin ito sa lalaki. Napa buntong hininga sya. Anong oras na pero mukhang wala pa atang balak rumesponde ang mga empleyado. Pinakatitigan nya si Axcel na mahimbing na natutulog. Malumanay at puno ng rahan nyang inayos ang buhok nito para hindi sya magising. "Ano ba Carmela!" Wika nya sa kanyang sa loobin. Bumaba kasi ang kanyang tingin sa mapulang labi ng lalaki. Hindi nya maipaliwag ang kanyang nararamdaman na para bang gusto nya itong halikan na hindi. Ilang dangkal nalang ang lapit nang kanilang mukha at mukhang nananalo na ang sigaw ng kanyang puso. Unti-unti na syang napapalapit sa lalaki nang biglang mabilis na nag bukas ang pintuan ng elevator. Napa tingin sya duon, "Shit!" Utas nya nang
"I really can't believe what's happening right now!" Si Tita Regina na kanina pa pabalik balik sa kanyang nilalakadan. Matapos ang mga pangyayari kanina sa opisina ay kaagad silang umuwi. Lahat sila ay wala sa katinuan at kapwa lumilipad ang mga utak—kung paano patalsikin si Carmela sa pwesto. "Hindi naman natin sya basta bastang matatanggal kung sya ang napiling taga pag mana ni Papang..." Muling humithit sa sigarilyo si Ortiz, "Besides, mukhang pinag isipan pa ito ng mabuti ng matanda bago sya pumanaw... Sa lahat pa talaga nang tao na pwede nyang pamanahan, bakit pa ang Babaeng p0kp0k na 'yon?" Niyupos nya ang sigarilyo sa isang Ashtray. Napa ngisi si Pearlyn nang may pumasok na ideya sa kanyang utak. Hindi nya na kasi kayang pigilan pa ang gigil nya kay Carmela. Nakaka asiwa lang isipin na pinapaburan nanaman si Carmela nang mga mahahalagang bagay ng Tadhana. Paniguradong magugustuhan ng pamilya ang kanyang plano. "Why don't we came out a plan?" Lahat sila ay napa baling sa kany
Aalis na sana ang mga Investors at ang mga mahahalagang tao nang biglang mag salita si Axcel na ikina tigil nilang lahat. "Since you're already the CEO of this company... Can I ask you personally?"Nagulat din sya sa biglang tanong ni Axcel. "Go on..." sumimsim sya sa wine na kanyang iniinom, pilit tinatago ang nararamdamang kaba. Paano ba naman ay seryoso kung makatingin sa kanya ang lalaki sa kanya ngayon. "I want to work here..." Nahulog ang panga nilang lahat sa kanyang sinabi. Maging si Carmela ay hindi nakapag salita ng ilang segundo. Tumayo ito mula sa pagkaka upo at humakbang papalapit sa kanya. Nakatayo na ang lalaki ngayon sa kanyang harapan, mata sa mata, lahat ng atensyon ay nasa kanilang dalawa. Ilang pulgada lang ang layo ng kanilang mukha sa isa't isa at nang susukat ang kanilang mga tingin "with a greater position in this company..." Nagsimula nang mag bulung bulungan ang mga tao sa kanilang narinig. Naiilang syang napa ngiti ng pilit, "What do you mean?" Grab
Tumingin si Carmela sa kanyang repleksyon sa harap ng salamin. Kanina nya pa kinakausap ang kanyang sarili. Hindi nya na nakayanan ang kanyang emosyon at nasabunutan nya na ang kanyang sarili. Paano ba naman kasi ay sasabihin nya na sana ang totoo kanina kay Axcel pero nong nakita nya ang lalaki ay bigla nalang syang napa takbo papalayo. "Come on Carmela!" Pang babawi nya sa kanyang tunay na huwisyo, "Come to think of it!" Tumaas ang tono ng kanyang boses, "If you accept the position of the company... hindi na nila pag iinitan si Axcel..." gaya nalang ng naabutan nya kaninang umaga na kinakawawa nila ang walang kalaban-laban na si Axcel at nang mas lalo nya pa itong ma pro-protektahan. "Hindi nga nila pag iinitan si Axcel, pero pano naman ako?" Tinuro nya ang sarili, "Siguro ay mas maganda na rin 'yon dahil kaya kong mang laban kahit papaano at nasa tamang pag iisip ako..." Napalunok sya nang maalala ang mga pag babago ni Axcel at ang akusa sa kanya nang kanyang mga magulang na na