Share

CHAPTER 3

After leaving Bettina, I suddenly realized kung tama ba nag pagsama ko sa lalaking 'to. He's driving the car. We're both silent and no one even dares to talk about anything.

"He's mean. Totoo ka ba niyang anak?" Iiling iling na ani lalaki.

"What's your name?" Takang tanong ko. Maliban don ay para rin maiba ang usapan namin. Ayaw ko munang pag-usapan ang tungkol sa Daddy ko dahil nabalik lang ang sakit sa dibdib ko.

"Jonathan. Jonathan Havoc." Aniya na siyang ikinagulat ko. "You're shocked. You deserve to be hired anyway. Your capabilities are quite good and deserve to be in that position so don't doubt yourself." Aniya habang ang paningin ay nasa daan.

Hindi na ako nakapag react pa dahil naunahna niya nang magpaliwanag tungkol sa pag hire sa akin sa kumpanya niya doon sa lugar nina Bettina.

"Sabi mo eh." Tanging nasabi ko at ibinaling na lang din ang paningin sa bintana.

Nang makarating na kami sa mansyon ni Jonathan ay agad niya akong pinagbuksan ng pintuan.

"Thank you." I thanked him.

Inalalayan niya ako hanggang sa pagpaaok namin sa mansyon. Agad niyang tinuro sa akin ang magiging kwarto namin dahilan para umiling ako. "Sa g-guest room na lang siguro ako." Kagat-labing wika ko.

Hindi naman kami mag-asawa para magtabi sa iisang kama. Kung hindi siya papayag na hindi kami magkasama sa iisang kwarto ay doon na lang ako sa couch matutulog kung gano'n.

"We're sleeping in the same room," he uttered. Akmang iiling sana akong muli subalit bigla siyang nagsalita dahilan para tumigil ako. "Don't worry, you're sleeping on the bed while I'll sleep on the couch." Seryosong aniya.

Nagdesisyon akong maligo muna at sinamantala ang pag-alis ni Jonathan. May aasikasuhin daw siya sa opisina. Hindi naman na ako nagtanong pa ng kung ano ano dahil baka mainis siya sa mga tanong ko at hinayaan na lang siyang umalis.

Nakakamiss din pala ang ganitong pakiramdam. 'Yong nasa malambot kang kama at malamig na kwarto. Muli kong naalala si Bettina. Siguro ay namimiss niya na rin ang ganitong buhay. Pero wala siyang choice kun'di ang lumaban mag-isa dahil magmula nang umalis siya sa puder ng kaniyang mga magulang ay iyon na ang umpisa ng paglaban niya mag-isa sa buhay.

Pinalibot ko ang aking mga mata sa paligid ko. Wala manlang picture si Jonathan at ang pamilya niya. Nang matapos kong tignan ang paligid ay muli akong humiga sa kama at ilang minuto ang lumipas bago ako nakaramdam ng antok.

Naging mabait naman sa akin si Jonathan sa ilang buwan na pagtuloy ko dito sa mansyon niya. Lahat ng cravings ko ay talagang binibigy niya. Kung tutuusin ay unti unti na ring nahuhulog ang loob ko sa kaniya. Siguro nga ay tama ang desisyon ko noon na may mangyari sa amin dahil hindi ko siya mas makikilala ng lubusan kung hindi 'yon nangyari. Kahit sinong babae ay magugustuhan si Jonathan. Napakabait at gentleman niya na kung saan ay kung sino mang girlfriend niya ay magseselos dahil kahit sino ay aalalayan niya.

We were having dinner and Jonathan suddenly spoke and made my gaze turn to him. "Malapit ka nang manganak. Our children are both boys. Do you have a name for them already?" Biglang tanong niya dahilan para magtaka ako.

Hindi kasi naman napag-uusapan ang pangangana ko kaya gano'n na lang ang pagtataka ko. Well, I already have names for them. Agad akong ngumiti kay Jonathan at tumingin sa kaniyang mga mata bago nagsalita. "Uno and Dos." I simply uttered.

"If that's what you want, then that would be fine with me. I'll go upstairs." Aniya.

Hindi na ako nagsalita pa nang magpaalam siya. Nang matapos akong kumain ay agad akong nagpaalam sa mga kasambahay ni Jonathan na naglinis ng pinagkainan namin at agad din naman akong sumunod sa kaniya sa kwarto. These past weeks ay nagiging ilag siya sa akin sa hindi ko malamang dahilan.

Akmang papasok na sana ako sa kwarto subalit biglang may tumawag sa akin dahilan para sagutin ko ang tawag ni Bettina.

"Kumusta?" Biglang tanong ni Bettina sa kabilang linya.

"I'm good. I think?" Hindi siguradong turan ko.

Hindi ko rin kasi alam kung bakit pakiramdam ko may kulang. Ilang buwan na kaming magkasama pero hindi manlang kami nagkatabi sa higaan ni minsan at hindi manlang kami nagkiss kahit isang beses.

After telling her my rants about the relationship between me and Jonathan, Bettina quickly gave me advice.

"Or baka nahihiya siya hindi ba? Hindi naman masama na mag-first move ka. If you think na 'yan 'yong mkakabuti para sa relasyon niyo then why not, hindi ba?" Aniya.

"Pero 'di ba dapat siya ang mag first move lalo na ngayong buntis ako? Nakakainis lang kasi pakiramdam ko ay sa tagal naming magkasama hindi manlang namin naranasan na mag-s*x. Gosh! Hindi naman sa lib*g na lib*g ako pero bakit gano'n? Ano ba talagang meron sa pagitan namin ni Jonathan? Kung sa bagay, baka nga para lang sa mga bata kaya magkasama kaming dalawa." Wika ko pagkatapos ay bumuntong hininga.

Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Bettina bago kami nagdesisyong magpaalam sa isa't isa at in-off ang tawag.

Pagpasok ko sa kwarto ay naabutan kong tulog na si Jonathan sa couch. Hindi ko na siya inabala pa at humiga na sa kama. Ilang minuto ang lumipas ay hindi pa rin ako inaantok. Buong akala ko ay makakatulog na ako subalit ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ako makatulog.

Nagdesiayon na lang akong umupo mula sa pagkakahiga pagkatapos ay lumabas sa veranda subalit gano'n na lang ang gulat ko nang bigla kong maabutan si Jonathan doon na nakatalikod habang may kausap sa cellphone.

"Yeah, please update me about the case time by time." Aniya.

Napansin niya sigurong may nakatingin sa kaniyang likuran dahilan para ibaba niya ang tawag at lumingon sa akin.

"Kanina ka pa d'yan?" Halatang nagulat na tanong ni Jonathan.

"N-no. Uhm. Kakarating ko lang. Bakit hindi ka pa natutulog?" I tried to lengthen our conversation.

I heard him heaved a deep sigh and looked at me intently in my eyes. "You go to sleep. Hindi healthy sa mga bata kapag nagpupuyat ka." Aniya at tuluyan nang umalis.

Gusto ko pa sana siyang makausap nang mahaba subalit pakiramdam ko ay umiiwas siya sa akin. Bakit parang kahit anong lapit ko sa kaniya ay pilit niyang inilalayo ang kaniyang sarili?

Hindi na lang ako nagsalita pa at hinayaan siyang maglakad papasok sa kwarto.

Isang taon at isang buwan ang lumipas ay maraming nagbago. Kung noon ay gentleman sa akin si Jonathna ay kabaliktaran na ang nangyari. Kinukulong niya na kaming mag-iina at ni bumisita kay Bettina ay pinagbawalan niya na kami.

Kinagbihan ay late na siyang umuwi. He's so drunk and became loquacious. "Sino ba kasing nagsabi sa 'yo na magpakalasing ka nang sobra?" Naiinis na wika ko.

Ngayon lang siya nagpakalasing ng ganito at hindi ko alam kung anong rason niya. Hindi rin kasi siya nagsasabi ng problema niya sa akin kaya hindi ko alam ang nararamdaman o 'di kaya'y nangyayari sa buhay niya.

Akmang huhubarin ko na sana ang pang utaas niyang damit upang punasan subalit bigla niyang hinawakan ang aking kamay at nagsalita. "You're so pretty. I wanna marry you." Aniya na siyang nagpakabog ng aking dibdib.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status