Kabanata 53.1“Yael, dito ka lang ha. Naiihi si tito,” bilin ni Jett sa kaniyang pamangkin matapos niyang ilagay ang lahat ng gamit sa overhead bin. Ipinatong niya ang brown envelope sa kaniyang upuan.“Opo, tito. Hindi po ako aalis dito,” mabilis na tugon ni Yael. He put on his headset and selected some music to soothe his soul. Napapapikit pa siya habang nakikinig sa musika.Nang makita ni Nadia ang seats nina Yael at Jett ay dali-dali siyang tumungo sa likuran ng mga ito. May dala siyang isang brown envelope na kaparehas na kaparehas ng bigay ni Jacob kay Jett. Habang nakapikit pa si Yael ay dali-dali niyang pinalitan ang brown envelope na nasa seat ni Jett. Lumingon siya sa paligid bago muling umalis ng eroplano.“Got it,” Nadia whispered with a wide smile on her face. “Finally, the truth is in my hands. Makakatulog na ako nang mahimbing sa gabi.”Bago pa man makalayo sa may boarding gate si Nadia ay tumawag na ang kaniyang papa.(“Nasaan ka? Bakit hindi ka raw sumama sa mga tauha
Kabanata 53.2“Sir Jett, Yael!” Kumaway si Yuna para mapansin siya ng mga Gray.Ibinaba ni Jett ang kaniyang salamin. Napangiti niya nang makita niya ang isang magandang dilag.“Tito Jett, alam ko po ang ibig sabihin ng mga ngiti mong ‘yan. Tsk. Tsk. Huwag mo na pong ituloy ang binabalak mo, tito. Si Ate Yuna ‘yon. Bff ni Tita Eya,” naiiling na wika ni Yael.Nawala ang ngiti ni Jett sa halip ay tumaas ang itaas na sulok ng kaniyang labi nang maalala niyang may alaga nga pala siyang kasama.“Bakit alam mo ang iniisip ko? Mind reader ka bang bata ka? Big boy ka na nga talaga ano? Sige. Ikaw na ang magbitbit nitong maleta mo!” Inis na ibinigay niya ang maleta ng kaniyang pamangkin dito.Napatawa si Yael sa inasal ng kaniyang tito. “Wala ka po bang balak mag-settle down tulad nina daddy at Tito Jackson?” tanong niya.Sumeryeso ang mukha ni Jett. “Hindi ko pa ulit nakikita ang babaeng nararapat na magdala ng apelyido nating mga Gray. Siguro, kapag nakasalubong ko siyang muli, isang araw. B
Kabanata 53.3“Boss, wala po sa lumang gusali ang target natin.”“Hinalughog niyo na ba ang bawat sulok ng nabubulok na bahay na ‘yon?” Humigpit ang kapit ni Linda sa kaniyang baril.“Opo, boss. Wala po talaga sila roon.”“Magsikalat kayo! Sigurado akong hindi pa sila nakakalayo sa islang ito. Huwag kayong magpapakita sa akin hangga't hindi niyo kasama sina Cindy, Sevi at ang higad na Noeming ‘yon!” Ikinasa ni Linda ang kaniyang baril. Itinutok sa taas at saka iyon pinaputok. “Ano pang tina-t@nga-t@nga niyo? Alis na!”Papunta na sana sa Europa si Linda kasama ang mga binayaran niyang mga tao nang bigla siyang tinawagan ni Merella. Agad siyang pinalipad nito patungo sa isang isla sa probinsya matapos makatanggap ng tip mula sa dati nitong tauhan na nagbalik-loob dito.“Noemi, hindi mo pa p'wedeng patayin si Cindy. May kailangan pa akong impormasyon sa kaniya.” Umupo si Linda sa ilalim ng isang malaking puno ng acacia. Kinuha ang kaniyang tumbler at uminom ng tubig. Malayo-layo rin ang
Kabanata 53.4“Senior, bakit po tayo naririto?” wala sa sariling tanong ni Set habang bumababa sa eroplano.“Nasaan na ang ating ibang mga tauhan?”Napakamot sa kaniyang ulo si Set nang sinagot siya ng isa ring katanungan ng kaniyang matandang amo. “Paparating na po, senior. Ano po bang nangyayari? Bakit po tayo napunta sa lugar na ito?” Hinampas niya ang kaniyang braso nang may kumagat na lamok sa kaniya.“May hinihintay lang akong kaibigan ng isa kong dating kaibigan,” matipid na tugon ni Don Vandolf.Kumunot ang noo ni Set. Sinundan niya ang tingin ng matanda. Nakatingin tingin ito sa kalapit na isla. ‘Sino na namang poncio pilato ang tinutukoy ni senior?’“Tawagan mo si Dos. Pakisabi sa kanila na pakibilisan ang kanilang pagresponde. Mahalaga ang bawat segundo,” mahinang sabi ni Don Vandolf.Mabilis na tinawagan ni Set sina Dos na ngayon ay naglalakbay na papunta sa nasabing isla mula sa El Nido.“Sino ba kasi ang nagsabi sa kanilang doon sila mag-landing? Kinakailangan na ng agar
Kabanata 53.5“Minahal mo ba talaga si William?”Napatigil sa paglalakad si Noemi nang marinig niya ang tanong na iyon ni Cindy. “We need to walk faster,” she said, avoiding her question.Tumawa nang pagak si Cindy. “I was so madly in love with that man and with his wealth back then. I'm sorry if I became the cause of your separation.” Napalunok siya. Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamay. “Kahit sa unang gabi namin bilang mag-asawa, kahit walang impluwensiya ng alak ang katawan niya, pangalan mo pa rin ang tinawag niya habang may nangyayari sa amin. Alam mo ba kung gaano kasakit ‘yon?”Hinarap ni Noemi si Cindy. Walang makikitang kahit anong emosyon sa mukha niya. “Our life is in danger. Ngayon mo pa talaga ibabalik ang nakaraan?”“Women,” bulong ni Sevi habang nakangisi.Bahagyang tumaas ang boses ni Cindy. “Sagutin mo kasi ang tanong ko. Minahal mo ba si William?”“Parang tinanong mo ako kung kailangan ko ba ng tubig at hangin para mabuhay.” Tumalikod na si Noemi kay Cindy at nagpat
Kabanata 54.1“Ang ganda,” wala sa sariling sambit ni Mereya.“Oo nga ang ganda.” Nakatingin si Jackson kay Mereya habang manghang-mangha nitong pinagmamasdan ang papalubog na araw.“You know what, I never met a sunset I didn't like. I always loved how the sun's rays danced across the sky, painting the sky in shades of hues and gold.” Mereya’s heart fluttered. Her eyes suddenly watered.Agad na kinuha ni Jackson ang panyo sa bulsa ng kaniyang pantalon at pinahid ang mga luha ni Mereya. “Bakit ka umiiyak?”“I'm sorry. I got too emotional. Naalala ko lang si papa.” Napatawa si Mereya sabay kuha ng panyo kay Jackson para siya na ang magpahid ng mga luha niya.“You miss him?” Jackson asked. Nag-iwas siya ng tingin.“A lot. I miss him everyday. Hanggang ngayon, tinatanong ko pa rin sa Itaas kung bakit kinuha Niya agad si papa. My life will be better with him around.” Suminga si Mereya sa panyo. “Lalabhan ko na lang ito bago ko ibalik sa'yo.”“No. Keep it. Whatever is mine is yours already.
Kabanata 54.2Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa gitna ng kagubatan. Napayuko sina Noemi, Cindy, Fajardo at Sevi.“NOEMI!”Nanlaki ang mga mata ni Cindy. “Kilala ko ang boses na ‘yon!”“NOEMI, LUMABAS KA! ALAM KONG NAGTATAGO KA SA LIKOD NG MGA DAMONG ‘YAN. IBIGAY MO SA AKIN SI CINDY KUNG GUSTO MO PANG MAKITA ANG ANAK MONG SI MEREYA!” Mabilis na lumapit si Linda kasama ang mahigit sa sampu niyang tauhan patungo sa kinaroroonan nina Noemi.Humawak si Cindy sa braso ni Noemi at umiling. “Pakiusap, huwag mo akong ibibigay sa baliw na ‘yon,” bulong niya habang nangingilid ang kaniyang mga luha.“Sa tingin mo ba ay isasama kita sa pagtakas kung may balak akong ibigay ka sa kaniya? Gamitin mo nga ang utak mo, Cindy,” iritang tugon ni Noemi.“Miss Hiraya, papalapit na po sila,” ulat ni Fajardo habang inihahanda ang sarili. May hawak siyang dalawang bariL.“Ano bang kailangan ng baliw na ‘yan sa akin? Bakit gusto niya akong mabihag?” wala sa sariling turan ni Cindy. Nangingin
Kabanata 54.3“Sir Jack…”“Sssh. My queen is asleep. Lower your voice.” Mabilis na nagsuot si Jackson ng robe at lumabas ng hotel room. Napatingin siya sa orasan. Mag-a-ala una pa lamang ng madaling araw!“It's too early. What about the rush?” Inayos ni Jackson ang kaniyang sabog-sabog na buhok. Medyo inaantok pa siya dahil napalaban siya kagabi. Hindi niya mapigilang hindi mapangiti sa tuwing maaalala niya ang nangyari sa kanila ni Mereya.“Tungkol po sa tunay na ina ni Miss Eya.” Ibinigay ni Octa ang isang brown envelope kay Jackson. “Naka-sealed po ito nang ini-abot sa akin ng isa sa mga tauhan niyo.”Agad na kinuha ni Jackson ang brown envelope kay Octa. “Makakaalis ka na.” Tumaas ang kilay niya nang mapansin niya ang isa pang brown envelope na hawak nito. “Para sa akin din ba ‘yan?”“Ah ito po ba? Galing po ito ng post office. Nagmula naman po ito kay Sir Jacob,” salaysay ni Octa.“Galing kay Jacob? Wala naman siyang nabanggit sa akin na may ipapadala siya pero sige, give it to m