Share

Kabanata 52.2

Kabanata 52.2

“Nasaan na ba ang hot boylet na tinutukoy ni Jackson? Bakit wala pa rin siya rito? Kanina pa akong tawag nang tawag sa numero niya, wala namang sumasagot.” Hindi na maipinta ang mukha ni Yuna dahil halos mag-iisang oras na siyang naghihintay sa may Kayangan Lake. Maya-maya pa ay may kumulbit sa likod niya. Halos mapatalon siya dahil sa gulat.

“Ikaw ba si Yuna?”

Tinitigan ni Yuna ang doktor mula ulo hanggang paa. Halos puti na ang lahat ng hibla ng buhok nito. Bakas na bakas na rin sa mukha at balat nito ang katandaan. Sa kabila ng edad nito ay litaw na litaw pa rin ang kaguwapuhan nito.

‘Jusko ka Jackson! Gurang na naman pala ang boylet na tinutukoy mo! Nag-retouch pa naman ako at nagpaganda ng bongga! Nakakaloka! Sarap umbagan ng lalaking ‘yon. Kung hindi lang siya mahal ni babaita, naku!’ Napapikit si Yuna dahil sa pagkadismaya. Halata ang pagkainis sa mukha niya.

Muling kinulbit ng matandang doktor sa balikat si Yuna. “Ikaw po ba si Yuna?”

Ngumiti nang pilit si Yuna.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status