Home / Romance / One More Night / Chapter 2 Ang Pangarap ni Joan

Share

Chapter 2 Ang Pangarap ni Joan

Author: Maria Angela Gonzales
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"ANONG mapapala mo sa pagsusulat?" mabalasik na tanong ng kanyang ama.

Bahagyang napaigtad si Joan sa pagsigaw na iyon ng kanyang Daddy pero agad niyang sinaway ang sarili. Hindi kasi siya dapat magpakita ng takot dito. Tiyak niya kasing masisira ang tiwala niya sa sarili kapag pinakinggan niya ang pagkontra ng ama. Saka, hindi ito ng tamang panahon para magtalo sila. Nasa harap kasi sila ng pagkain.

Kahit na bakasyon pa siya ay kinakailangan niyang gumising nang maaga para siya makasalo sa almusal ang ama, madrasta at ang kanyang stepbrother.

"Mas maigi pang magtake ka ng Nursing, Engineering, Education o Business Management," wika ng ama niyang gigil na gigil pa rin.

"Mass communication ang kukunin kong kurso. Malaki ang maitutulong nu'n sa aking pagsusulat," buong diin niyang sabi. Gusto niyang iparamdam sa kanyang ama na hindi na mababali ang desisyon niya.

Inasahan niya na mas ikagagalit ng ama niya ang sinabi pero wala ng salitang lumabas sa bibig nito. Sa halip, binigyan lang siya nito ang tinging punong-puno ng disappointment.

Ouch! Wika ng puso niya. Mas matatanggap pa niya na bigyan siya nito ng makakamandag na salita kaysa iyong wala itong anumang sinabi. Kunsabagay nga higit pa sa mga mapang insulto ng salita ang nararamdaman niya kapag nananahimik ang ama at nakatingin lang sa kanya. Para kasing sinasabi nito mabuti pang hindi ka na lang isinilang.

Hindi man kasi ito nagsasalita sa kanya masisiguro na ang iyong nararamdaman nito para sa kanya. Nadismaya na ito sa kanya ng maging babae siya gayung anak na lalaki ang pangarap nito. Kinagat niya ang pang ibaba ng labi para hindi siya maiyak. Ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa harap ng ama.

"Mas maigi pa sigurong mag-asawa ka na lang," inis na sabi ng kanyang Daddy.

"Melvin!" Nanggigilalas na wika ng kanyang stepmother, gulat na gulat ito sa narinig.

Well, siya rin naman ay nabigla. Pakiramdam niya ay mayroon ang sumabog sa kanyang harapan. Para siyang nagkapira-piraso. Para kasing wala ng pakialam sa kanya ang ama.

"Hindi pa ho kami magpapakasal ni Andrew dahil hindi pa kami nakakapagtapos ng pag-aaral," kunwa'y walang anumang sabi niya. Ayaw niya syempreng ipaalam sa ama na nasaktan siya sa sinabi nito.

"Damn!"

Kung anuman ang dahilan kaya napamura ng ganun si Lorenzo wala siyang pakialam ngunit hindi niya ito napigilang tapunan ng tingin, masamang titig. Pakiramdam niya kaya siya binabalewala ng ama ay dahil sa lalaking ito. Gayunman, walang anumang salitang lumabas sa kanyang bibig.

"Masyado pa naman kayo ng bata ni Andrew para magpakasal, " wika ng kanyang Mama Meldy.

Nang ibaling niya sa madrasta ang kanyang tingin, hindi niya napigilan ang sariling magpawala ng matamis na ngiti. Kahit hindi niya ito tunay na ina, magaan ang loob niya rito. Mabait naman kasi ang kanyang Mama Meldy at damang-dama niya ang concern ito sa kanya. Ewan nga lang kung bakit ang bigat bigat ng loob niya sa anak nito.

"Sigurado na rin naman kami sa isa't isa," wika niyang hindi napigilan ang tono na nagmamalaki.

"Talaga ba?"

Naninikip ang mga mata niya sa pasko ng reaksyon na iyon ni Lorenzo pero hindi pa niya ito ng matamis na matamis sabay sabi ng, "Yes."

"Let see," wika nito sabay baling sa pagkain. Sinunod-sunod pa nito ang pagsubo na para bang bigla pang na-excite.

Pakiwari puno ng pagbabanta ang mga salita ni Lorenzo. Gusto sana niya itong kastiguhin pero hindi niya magawa. Ayaw din niyang masaktan ang kanyang Mama Meldy at alam niyang pagagalitan lang siya ng ama. Sa kaisipang pinagbantaan ng magaling ang stepbrother ang relasyon nila ni Andrew nakakaramdam siya ng panggigigil.

"ANONG sabi mo?" Gilalas na tanong sa kanya ni Andrew.

Sa halip na sagutin ito ni Joan, malalim na buntunghininga muna ang kanyang pinapawalan. Ayaw niyang ma-bad trip. Or mas tamang sabihin na ayaw niyang mapahiya. Bigla kasi niyang sinabi rito na, magpakasal na kaya tayo.

"Mahal naman natin ang isa't isa kaya walang problema kung magsasabi tayo ng 'I do' sa harap ng altar." Nahagilap niyang sabihin.

"Alam mo ba 'yang sinasabi mo?" Mangha pa ring tanong ni Andrew.

"Alam na alam."

"Eh, bakit mo ako niyayaya ng kasal?" Naguguluhang tanong pa rin nito.

"Ayaw mo ba?"

"Wala akong ibang babaeng gustong pakasalan kundi ikaw pero hindi pa ito ang tamang panahon para sa ating dalawa. Ni hindi pa nga tayo nakakapag-college."

"Eh, ano naman?" kunwa'y napapantastikuhan niyang bulalas. "Kahit naman hindi pa tayo nakakapagtapos ng pag-aaral, sure na tayo sa isa't isa. Mga bata pa lang tayo, pinangarap na natin na ikasal. Saka, pwede naman tayong mag-aral kahit mag-asawa na tayo."

"Ano bang problema?" Tanong ni Andrew sa kanya pagkaraan.

Hindi man tinanggap ni Andrew ang kanyang proposal, napangiti pa rin siya. Sa pagkakatitig kasi sa kanya ng Prince charming niya, talagang ipinararamdam nito sa kanya na mahal siya. Kitang-kita naman kasi sa mga mata nito ang concern.

"Sabi kasi ni Dad, mas maiging mag-asawa na lang daw ako."

"Ano?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Andrew. Napanganga pa ito. Pakiramdam niya ay hindi nito kayang paniwalaan ang kanyang sinabi.

"Kontra talaga si Daddy sa pangarap kong maging manunulat. Kaya, mas gusto niyang mag-asawa na lang daw ako kaysa mag-Masscom," malungkot niyang sabi. Pakiramdam talaga niya ay hindi siya mahal ng ama.

"Reverse Tactic lang ang ginagawa ng Tito sa'yo."

Ngiting-ngiti si Andrew ng mga sandaling iyon kaya nangunot ang kanyang noo. "Ibig sabihin…?"

"Sinisindak ka lang ni Tito. Bakasakali kasing mapasunod ka niya sa kanyang gusto."

Kung iba lang ang nagsabi nu'n sa kanya, hindi niya ito paniniwalaan. Ngunit, kay Andrew nanggaling ang mga salitang iyon at labis niya itong pinagkakatiwalaan. Para tuloy binuhusan ng malamig na tubig ang pagdaramdam niya. Mabilis ding gumana ang kanyang utak. "Dahil sinabi kong magpapakasal ako sa'yo, nakakasigurado na ang Daddy na magiging magkumpare sila ng Papa mo."

"Tama ka."

"Ohhh," bulalas niya. Ngayon niya naintIndihan kung bakit ngiting ngiti ang kanyang ama ng sabihin niyang sigurado na sila ni Andrew sa isa't isa.

"So, okay ka na?" Marahang tanong ni Andrew sa kanya.

Sa halip sagutin, niyakap niya ito. "Thank you so much."

"Joan .."

"Why?" Takang tanong niya ngunit hindi pa rin niya magawang alisin ang pagkakayakap kay Andrew.

"Nasa hallway tayo," bulong nito sa kanya.

Nang maalala nga niyang naglalakad sila sa campus premises, bigla siyang napakalas dito. Dapat sana ay iiwas niya ang tingin sa paligid dahil alam niyang marami ang nakamata sa eksenang kanyang ginawa pero parang may sariling isip ang kanyang leeg at mga mata. At hindi niya napigilan ang mapasinghap nang magtama ang tingin nila ni Lorenzo.

I Hate him, wika ni Joan sabay balikwas nang bangon. Nakakaramdam na naman siya ng panggigigil kay Lorenzo. Talaga bang wala itong alam gawin sa buhay niya kundi mainitin ang kanyang ulo? Impakto talaga!

"Ano kaya ang sasabihin ng daddy mo kapag nalaman niya nakikipagyakapan ka kay Andrew," matabang na tanong sa kanya ng impaktong si Lorenzo nang masalubong niya ito.

"Dapat talagang makasal na kayo ni Andrew," excited niyang sabi sabay palakpak. Alam niya kasing ikaiinis pa ni Lorenzo kapag nakita siyang natutuwa. Gayunpaman, alam naman niyang ganoon naman talaga ang magiging reaksyon ng kanyang ama. Conservative ang kanyang daddy kaya din ito kukunsintihin ang ganoong aksyon.

"What?" Wika nito sa malakas na tinig.

Hindi niya napigilan ang sariling pagtawanan ito dahil para ikinabigla pa ni Lorenzo ang kanyang sinabi gayung hindi naman ito bulag para hindi malaman na botong-boto ang Daddy niya sa relasyon nila ni Andrew. Kunsabagay, talagang hindi mapapansin ni Lorenzo ang detalye ng iyon dahil ang goal lang naman ng step brother niya ay buwisitin siya.

"So, kaya hindi ka pumasok sa klase mo ay dahil inabangan mo ako rito para i-blackmail. Sorry na lang my stepbrother dahil nagmamadali ako. Yun nga lang, nakakatatlong hakbang pa lang siya'y may biglang pumasok na kapilyahan sa kanyang isip. "May pabor nga pala akong hihilingin sa'yo. Sana mapagbigyan mo ako."

Kumunot ang noo ni Lorenzo sa kanyang sinabi, siguro hindi talaga nito kayang paniwalaan na may lambing ang pagsasalita niya rito.

"What is it?" Interesado g tanong nito.

Ngumisi muna siya bago sumagot. "Baka ikaw na lang ang bestman kapag kinasal kami ni Andrew."

"Over my dead body," mariing-mariing sabi ni Lorenzo.

Nang maisip niya ang sinabing iyon ni Lorenzo, napaingos siya. Siyempre, hindi naman niya ito gugustuhing mamatay. Iyon nga lang, ikinatutuwa niyang makitang nanggagalaiti ito sa inggit. Kahit kasi papalit-palit ito ng karelasyon ay hindi pa rin ito nakakakita ng babaeng iibigin nito.

Muli, napaingos siya at buong kasarkastikuhang tinanong ang sarili. Bakit, may kakayahan ba itong magmahal?

Wala!

Kung marunong itong magmahal, sigurado niyang hindi siya makakatikim dito ng mga nakakainis na salita. Ang tanging konsolasyon lang niya'y hindi naman siya nito minumura kapag nag-aaway sila kaya gusto niyang isipin na kahit papaano ay may paggalang ito para sa kanya.

May paggalang? Mangha niyang tanong sa kanyang sarili. Ewan niya kung paano niyang naisip ang mga salitang iyon gayung palagi nitong sinisikap bigyan ng takot, pangamba at insecurities ang kanyang puso. Sa kaisipang iyon, napabuntunghininga na lang siya. Pagkaraan ay may katanungang sumaksak sa kanyang isipan.

No way, mariin niyang sabi sa kanyang sarili dahil naitanong niya sa sarili, kailan ba ito magiging sweet sa kanya?

Related chapters

  • One More Night   Chapter 3 Ang Relasyon nina Andrew at Joan

    "WILL you be my escort?" Kabadung-kabadong tanong ni Joan kay Andrew. Kahit naman kasi may mutual understanding sila ng kanyang best friend mula pagkabata, gusto pa rin niyang makasigurado na ito ang magiging partner niya sa napakahalagang okasyon sa kanyang buhay – ang debut niya. "Of course," mabilis at madiin na sabi ni Andrew na parang napapantastikuhan sa kanyang tanong. "Ako ang boyfriend mo kaya dapat lang na ako ang maging escort mo.""B-boyfriend kita?" Gilalas niyang tanong. Kumunot ang noo ni Andrew sa pagkakatitig sa kanya. "Bakit parang hindi mo alam?""Nanligaw ka ba?" Mangha pa rin niyang tanong. Sa isip niya kasi, ang manliligaw ay may dala palaging roses at chocolate sa kanyang nililigawan pero hindi iyon ang laging dala ni Andrew sa kanya kundi milk tea at pizza. Sa kaisipang iyon, hindi niya napigilan ang mapangiti. Favorite niya kasi ang mga iyon. "Eight years old pa lang tayo, mag-sweetheart na tayo. Hindi nga ba gusto na natin magpakasal noon?"Sa pagbabalik a

  • One More Night   Chapter 4 Ang Dahilan ng Di Pagsulpot ni Andrew sa Debut ni Joan

    MALALIM na buntunghininga na naman ang pinawalan ni Joan habang pabalik-balik siya ng lakad. Paroo't parito siya dahil hindi niya malaman ang dapat niyang gawin. Magtatampo ba siya o mag-aalala? Sabi ng utak niya, dapat siyang magtampo kay Andrew dahil hindi siya nito sinipot sa mahalagang okasyon sa kanyang buhay gayung matagal na nilang napag usapan na ito lang ang escort niya, walang iba. Iyon nga lang, masyadong mahalaga sa kanya si Andrew para pangibabawin niya ang tampo rito. Saka, kilala niya ito. Hindi ito mag-a-absent sa kanyang debut kung walang mabigat na dahilan. Bigla tuloy siyang kinabahan, hindi kaya may nangyaring masama kay Andrew? Tiyak kasi niyang iyon lang ang magiging dahilan para maawat si Andrew sa pagpunta sa kanya. Sa kaisipang iyon, biglang sumakit ang kanyang ulo. Kinabahan kasi aiya talaga ng husto. "Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ng kanyang Mama Meldy. "Ouch," hindi niya napigilang ibulalas nang bumalandra siya sa kung saan. Ang mga salita kasi n

  • One More Night   Chapter 5 Nakatakda na Ikasal sina Andrew at Joan

    YES, 'yan ang nagawang isagot ni Joan nang tanungin siya ni Andrew kung pakakasalan ba niya ito. Talaga naman kasi pangarap niya ang magkaroon ng asawa – ang maging mister si Andrew Sebastian. Ngunit, ngayon, bakit nagdadalawang isip siya? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Ipinilig lang niya ang ulo sa ideyang nagbago na ang damdamin niya kay Andrew. Hinding-hindi naman kasi mangyayari iyon. Napakaimposible. Dahil bata pa lang sila ay mahal na mahal na niya si Andrew. Talaga lang sa paglipas ng panahon ay may mga nadadagdag sa pinapangarap natin.AB Mass communication ang kursong pinili niya dahil nais niyang maging tanyag na manunulat. Hindi iyon nagugustuhan ng kanyang ama dahil sa palagay nito, walang kapupuntahan ang pangarap niyang iyon kaya gusto niyang patunayan sa ama na kaya niya. Mahal na mahal man niya ang kanyang Papa, hindi niya gustong sundin ang suhestiyon nitong kumuha siya ng Business Management man lang. Wala naman kasi siyang hilig sa negosyo. Napabuntunghininga

  • One More Night   Chapter 6 Ang Damdamin ni Lorenzo

    MALALIM na buntunghininga muna ang pinawalan ni Joan bago niya sinagot ang tanong ni Andrew. "Hindi na nga ako galit sa'yo," buong diin niyang sabi. Gusto kasi niyang isaksak sa isipan ni Andrew ang katotohanan na iyon, ngunit, hindi rin mabura sa isipan niya ang reaksyon ni Lorenzo. Dahil sa pagsigaw ni Andrew ng, 'Umalis ka hindi kita kailangan' halos buhatin siya ni Lorenzo mula sa pagkakahiga niya sa tabi ni Andrew. Ewan nga lang niya kung inisip ba nitong sasaktan siya ni Andrew. Basta hindi niya napigilan ang magtitili nang maglapat ang mga katawan nila ni Lorenzo. Para kasing may bilyun-bilyong boltahe na nanulay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan ng mga sandaling iyon. Ah, talagang hindi niya nagugustuhan ang kanyang nararamdaman kaya nagtitili siya. Baka sakaling kapag ginawa niya iyon ay maalis din ang nararamdaman niyang hindi tama. At dahil sa pagsigaw niya ay bumalikwas din nang bangon ang utaknni Andrew. Bigla itong natauhan. "Anong nangyayari?"Kahit sa palagay

  • One More Night   Chapter 7 Ang Plano ni Lorenzo

    MABILIS na lumipas ang mga taon at nakatanggap na ng diploma si Joan pero hindi pa rin lubos ang kanyang kasiyahan. Hindi pa rin kasi niya natutupad ang kanyang ambisyon. Hindi pa niya nagagawang maging isang sikat na manunulat. Oo nga at nakakapagsulat na siya sa Heart Valentines, ang nangungunang Publication sa bansa pero hindi pa siya nakikilala ng husto. Ang ibig sana niya kahit nasa Pilipinas siya ay maka-level man lang niya ang kasikatan ni JK Rowling. Iyon nga lang romance ang sinusulat niya, hindi fantasy. "Magpakasal na tayo," wika ni Andrew na talagang nagpapitlag sa kanya. Hindi niya naiwasan ang makaramdam ng excitement dahil matagal na naman niya pinangarap na magpakasal kay Andrew, ngunit, hindi niya maiwasan ang kabahan ng todo. Tiyak niya kasing kapag nagpakasal sila at nagkaanak na ay mahihirapan na siyang tuparin pa ang kanyang pangarap. "Kailan?" Tanong niya sa halip sabihin ang gumugulo sa kanyang isip. Ayaw naman niya kasing saktan ang kalooban ni Andrew. Saka,

  • One More Night   Chapter 8 Ang Pagsusulat ni Joan

    BAKIT kaya? Hindi napigilang itanong ni Joan sa kanyang sarili nu'ng makatanggap siya ng tawag mula sa sekretarya ng Publisher ng Heart Valentines na si Vincent See.Ayon kay Jane, gustong makipag-meeting sa kanya ni Sir Vincent. "Aalis ka?" Gulat na tanong ng kanyang Mama Meldy. Awtomatiko ang naging pagngiti niya rito. "Pinapatawag po kasi ako ni Sir Vincent?""Vincent?" Gulat na tanong nito. "Iyon pong publisher ko," mabilis niyang sabi. Siyempre, ayaw naman niyang isipin nito na makikipag-date siya sa ibang lalaki. "Sasamahan ka ba ni Andrew?" Tanong ng kanyang madrasta. "May lakad po si Andrew ngayon kaya magku-commute na lang po ako," magalang niyang sabi rito. "Magdyi-dyip ka?" Gilalas nitong tanong. "Magga-grab po ako.""Taxi ang sasakyan mo?" Naninigurongntanong nito. "Opo.""Mabuti naman at hindi motor ang sasakyan mo," wika nito sabay buga. Wari'y nakahinga ito nang maluwag. Napangiti tuloy siya. Damang-dama.niya ang concern ng kanyang pangalawang ina kaya hindi ni

  • One More Night   Chapter 9 Ang Natupad na Plano ni Lorenzo

    DAHIL sa pagpunta ni Joan sa Paradise Resort ay mailalayo muna niya ito kay Andrew Sebastian. At siya naman ang biglang susulpot sa harapan nito para magpapansin. Very good. Sa kanyang isipan kasi, parang mai-imagine na niya ang susunod na mangyayari. Magkakaharap sila, aawayin siya ni Joan pero hindi niya ito papatulan. Sa halip ay magpapakita siya ng kabaitan dito. Tiyak niyang sa pamamagitan noon ay makukuha rin niya ang loob nito. Talaga ba? Nang-aasar na sabi ng isang bahagi ng kanyang utak. Napailing lang siya nang rumehistro sa kanyang isip ang mga pagsimangot at pagsusuplada sa kanya ni Joan. Bigla tuloy siyang napangiti. Kahit na galit na galit si Joan, lalo itong gumaganda sa kanyang paningin. Wala siyang pakialam kung mistulan man itong tigre na handang manakmal. Maganda naman kasi talaga si Joan kahit ang pula-pula ng mukha at nanlilisik ang mga mata dahil sa matinding galit. "Bakit ganyan ang ngiti mo?" Napapantastikuhang tanong ng tinig. Lumapad ang ngiti niya nang

  • One More Night   Chapter 10 Ang Pagtatagpo nina Lorenzo at Joan

    lPAKIRAMDAM ni Joan ay mayroong nagmamasid sa kanya kaya niyakap niya ang sarili. Wala naman kasi si Andrew para gawin iyon sa kanya kaya siya na lang muna ang magpuprotekta sa kanyang sarili. Panalangin na lang niya ay walang kapahamakan na mangyari sa kanya. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na solo siyang umalis. Dati kasi'y lagi niyang kasama si Andrew. Napabuntunghininga lang siya dahil ang totoo ay gustong sumama sa kanya ni Andrew pero tumanggi siya. Ang ikinatwiran niya rito ay hindi siya makapagku-concentrate sa kanyang pagsusulat. Kunsabagay, may katotohanan naman iyon dahil nakakatatlong chapters na siya ng kanyang sinusulat. "Hindi ka ba giniginaw?" Tanong ng isang lalaki buhat sa kanyang likuran. Kilalang-kilala niya ang boses ni Lorenzo kaya gilalas niya itong nilingon. "Anong ginagawa mo rito?" Gilalas niyang tanong. "Nagbabakasyon.""May kasama ka?" Tanong niya. Ewan niya kung bakit hindi pa man nito sinasabi na, 'oo may kasama ako' , parang naba-badtrip na

Latest chapter

  • One More Night   Chapter 13 Ang Pagkirot ng Puso ni Joan

    "HINDI mo ba tatanungin kung sino ang mahal ko?"Kahit nangangati na ang dila ni Joan na ibulalas ang katagang sino, hindi pa rin niya nagawa. Bigla kasi siyang kinabahan. Ibang klase naman kasi ang pagtitig sa kanya ni Lorenzo. Parang gusto nitong alamin ang laman ng kanyang puso. "Hindi ako interesado." Agad niyang iniwas kay Lorenzo ang kanyang tingin. Hindi niya kasi gustong makita nito ang kanyang mga mata dahil malalaman nitong nagsisinungaling siya. Para tuloy gusto niyang manggigil sa kanyang sarili. Hindi naman kasi siya dapat na magselos pero iyon ang nangyayari. Basta naramdaman na lang niyang parang may kamay na pumipiga sa kanyang puso. Dahil sa pag-iwas niya nang tingin kay Lorenzo ay noon lang niya nagawang pagmasdan ang paligid. Puro bato, hindi niya namalayan na nakaupo rin siya sa bato. Para kasi siyang naeengkanto kanina dahil naging sunud-sunuran lamang siya kay Lorenzo. At dahil doon, nakaramdam siya ng panggigigil. "Eh, bakit parang maiiyak ka?" nag-aalalang t

  • One More Night   Chapter 12 Ang Paglalapit nina Lorenzo at Joan 

    “HINDI ba nakakatakot dito?” kabadong tanong ni Joan pero alam niyang ang kabang kanyang nararamdaman dahil ang lakas-lakas talaga ng pintig ng kanyang puso. Pakiramdam nga niya’y isa iyong drum na ginagamitan ng pagkalaki-laking drumstick. Kaya, hindi siya magtataka kung sasabihin sa kanya ni Lorenzo na nadidinig nito ang sinasabi ng kanyang puso.Inaya kasi siya ni Lorenzon pasukin ang kuweba na kanilang nakita. Hinawakan ni Lorenzo ang kanyang palad kaya kahit gusto niyang tumanggi ay hindi na niya nagawa. Talaga kasing kinabahan siya ng husto nang hawakan nito ang kanyang pald. Pakiramdam niya kasi sa ginawa ni Lorenzo ay hinawakan na rin nito ang kanyang puso. Ang baduy mo! inis niyang sabi sa kanyang sarili pero hindi naman niya napigilan ang mapangiti. “Huwag kang matakot dahil kasama mo naman ako,” wika nitong malambing na malambing ang tinig.Nang sulyapan niya si Lorenzo, pakiramdam niya’y iyon ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa niya. Para kasing lalong nagwala ang k

  • One More Night   Chapter 11 Sina Lorenzo at Joan

    MALI ito, naiinis na sabi ni Joan sa kanyang sarili dahil parang hindi niya magawang tanggihan si Lorenzo. Sabi kasi nito, hindi makabubuti kung babalik na siya agad sa kanyang pagsusulat gayung marami silang nakain. Lalo ka na, mariin niyang paalala sa kanyang sarili. "May deadline ako," wika niya sa mahinang tinig. Talaga kasing nagtatalo ang kanyang puso't isipan kung anong susundin, ang manatili sa tabi ni Lorenzo o magpunta na sa kanyang cottage para siya ay makapagsulat. Ang sabi ng kanyang utak, kailangan na niyang magsulat dahil iyon naman ang dahilan kaya naririto siya sa resort na ito. "Kahit may deadline ka kung hindi ka naman makakapagsulat, pagdating mo sa cottage mo, balewala rin.""Paano ka nakakasigurado dyan?" Naiinis niyang tanong pero sa pakiramdam niya ay mas naiinis siya siya sa kanyang sarili. "Tiyak kasing lagi mo akong maiisip," nagmamalaking sabi ni Lorenzo. "Ang yabang mo talaga!" Ang nais sana niya ay sabihin iyon kay Lorenzo ng buong katarayan pero pa

  • One More Night   Chapter 10 Ang Pagtatagpo nina Lorenzo at Joan

    lPAKIRAMDAM ni Joan ay mayroong nagmamasid sa kanya kaya niyakap niya ang sarili. Wala naman kasi si Andrew para gawin iyon sa kanya kaya siya na lang muna ang magpuprotekta sa kanyang sarili. Panalangin na lang niya ay walang kapahamakan na mangyari sa kanya. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na solo siyang umalis. Dati kasi'y lagi niyang kasama si Andrew. Napabuntunghininga lang siya dahil ang totoo ay gustong sumama sa kanya ni Andrew pero tumanggi siya. Ang ikinatwiran niya rito ay hindi siya makapagku-concentrate sa kanyang pagsusulat. Kunsabagay, may katotohanan naman iyon dahil nakakatatlong chapters na siya ng kanyang sinusulat. "Hindi ka ba giniginaw?" Tanong ng isang lalaki buhat sa kanyang likuran. Kilalang-kilala niya ang boses ni Lorenzo kaya gilalas niya itong nilingon. "Anong ginagawa mo rito?" Gilalas niyang tanong. "Nagbabakasyon.""May kasama ka?" Tanong niya. Ewan niya kung bakit hindi pa man nito sinasabi na, 'oo may kasama ako' , parang naba-badtrip na

  • One More Night   Chapter 9 Ang Natupad na Plano ni Lorenzo

    DAHIL sa pagpunta ni Joan sa Paradise Resort ay mailalayo muna niya ito kay Andrew Sebastian. At siya naman ang biglang susulpot sa harapan nito para magpapansin. Very good. Sa kanyang isipan kasi, parang mai-imagine na niya ang susunod na mangyayari. Magkakaharap sila, aawayin siya ni Joan pero hindi niya ito papatulan. Sa halip ay magpapakita siya ng kabaitan dito. Tiyak niyang sa pamamagitan noon ay makukuha rin niya ang loob nito. Talaga ba? Nang-aasar na sabi ng isang bahagi ng kanyang utak. Napailing lang siya nang rumehistro sa kanyang isip ang mga pagsimangot at pagsusuplada sa kanya ni Joan. Bigla tuloy siyang napangiti. Kahit na galit na galit si Joan, lalo itong gumaganda sa kanyang paningin. Wala siyang pakialam kung mistulan man itong tigre na handang manakmal. Maganda naman kasi talaga si Joan kahit ang pula-pula ng mukha at nanlilisik ang mga mata dahil sa matinding galit. "Bakit ganyan ang ngiti mo?" Napapantastikuhang tanong ng tinig. Lumapad ang ngiti niya nang

  • One More Night   Chapter 8 Ang Pagsusulat ni Joan

    BAKIT kaya? Hindi napigilang itanong ni Joan sa kanyang sarili nu'ng makatanggap siya ng tawag mula sa sekretarya ng Publisher ng Heart Valentines na si Vincent See.Ayon kay Jane, gustong makipag-meeting sa kanya ni Sir Vincent. "Aalis ka?" Gulat na tanong ng kanyang Mama Meldy. Awtomatiko ang naging pagngiti niya rito. "Pinapatawag po kasi ako ni Sir Vincent?""Vincent?" Gulat na tanong nito. "Iyon pong publisher ko," mabilis niyang sabi. Siyempre, ayaw naman niyang isipin nito na makikipag-date siya sa ibang lalaki. "Sasamahan ka ba ni Andrew?" Tanong ng kanyang madrasta. "May lakad po si Andrew ngayon kaya magku-commute na lang po ako," magalang niyang sabi rito. "Magdyi-dyip ka?" Gilalas nitong tanong. "Magga-grab po ako.""Taxi ang sasakyan mo?" Naninigurongntanong nito. "Opo.""Mabuti naman at hindi motor ang sasakyan mo," wika nito sabay buga. Wari'y nakahinga ito nang maluwag. Napangiti tuloy siya. Damang-dama.niya ang concern ng kanyang pangalawang ina kaya hindi ni

  • One More Night   Chapter 7 Ang Plano ni Lorenzo

    MABILIS na lumipas ang mga taon at nakatanggap na ng diploma si Joan pero hindi pa rin lubos ang kanyang kasiyahan. Hindi pa rin kasi niya natutupad ang kanyang ambisyon. Hindi pa niya nagagawang maging isang sikat na manunulat. Oo nga at nakakapagsulat na siya sa Heart Valentines, ang nangungunang Publication sa bansa pero hindi pa siya nakikilala ng husto. Ang ibig sana niya kahit nasa Pilipinas siya ay maka-level man lang niya ang kasikatan ni JK Rowling. Iyon nga lang romance ang sinusulat niya, hindi fantasy. "Magpakasal na tayo," wika ni Andrew na talagang nagpapitlag sa kanya. Hindi niya naiwasan ang makaramdam ng excitement dahil matagal na naman niya pinangarap na magpakasal kay Andrew, ngunit, hindi niya maiwasan ang kabahan ng todo. Tiyak niya kasing kapag nagpakasal sila at nagkaanak na ay mahihirapan na siyang tuparin pa ang kanyang pangarap. "Kailan?" Tanong niya sa halip sabihin ang gumugulo sa kanyang isip. Ayaw naman niya kasing saktan ang kalooban ni Andrew. Saka,

  • One More Night   Chapter 6 Ang Damdamin ni Lorenzo

    MALALIM na buntunghininga muna ang pinawalan ni Joan bago niya sinagot ang tanong ni Andrew. "Hindi na nga ako galit sa'yo," buong diin niyang sabi. Gusto kasi niyang isaksak sa isipan ni Andrew ang katotohanan na iyon, ngunit, hindi rin mabura sa isipan niya ang reaksyon ni Lorenzo. Dahil sa pagsigaw ni Andrew ng, 'Umalis ka hindi kita kailangan' halos buhatin siya ni Lorenzo mula sa pagkakahiga niya sa tabi ni Andrew. Ewan nga lang niya kung inisip ba nitong sasaktan siya ni Andrew. Basta hindi niya napigilan ang magtitili nang maglapat ang mga katawan nila ni Lorenzo. Para kasing may bilyun-bilyong boltahe na nanulay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan ng mga sandaling iyon. Ah, talagang hindi niya nagugustuhan ang kanyang nararamdaman kaya nagtitili siya. Baka sakaling kapag ginawa niya iyon ay maalis din ang nararamdaman niyang hindi tama. At dahil sa pagsigaw niya ay bumalikwas din nang bangon ang utaknni Andrew. Bigla itong natauhan. "Anong nangyayari?"Kahit sa palagay

  • One More Night   Chapter 5 Nakatakda na Ikasal sina Andrew at Joan

    YES, 'yan ang nagawang isagot ni Joan nang tanungin siya ni Andrew kung pakakasalan ba niya ito. Talaga naman kasi pangarap niya ang magkaroon ng asawa – ang maging mister si Andrew Sebastian. Ngunit, ngayon, bakit nagdadalawang isip siya? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Ipinilig lang niya ang ulo sa ideyang nagbago na ang damdamin niya kay Andrew. Hinding-hindi naman kasi mangyayari iyon. Napakaimposible. Dahil bata pa lang sila ay mahal na mahal na niya si Andrew. Talaga lang sa paglipas ng panahon ay may mga nadadagdag sa pinapangarap natin.AB Mass communication ang kursong pinili niya dahil nais niyang maging tanyag na manunulat. Hindi iyon nagugustuhan ng kanyang ama dahil sa palagay nito, walang kapupuntahan ang pangarap niyang iyon kaya gusto niyang patunayan sa ama na kaya niya. Mahal na mahal man niya ang kanyang Papa, hindi niya gustong sundin ang suhestiyon nitong kumuha siya ng Business Management man lang. Wala naman kasi siyang hilig sa negosyo. Napabuntunghininga

DMCA.com Protection Status