Home / Romance / One More Night / Chapter 1 Ang mga Damdamin

Share

Chapter 1 Ang mga Damdamin

last update Last Updated: 2023-07-26 11:57:09

"I do," kinikilig na sabi ng walong taong gulang na si Joan. Sa isip niya kasi ay magiging Sebastian na ang kanyang apelyido. Agad na nanghaba ang nguso niya ng itaas ni Andrew ang puting tela na tumatabing sa kanyang mukha.

Matanda lamang ng dalawang buwan sa kanya si Andrew kaya naman sila ang palaging magkasama, magkaklase rin sila at magkapitbahay. Magkaibigan ang kanilang mga ama kaya ang pangarap ng mga ito ay makasal sila pagdating ng araw.

Kahit tuloy bata pa lamang siya, parang nai-imagine niyang magsasama nga sila habambuhay ni Andrew. Wala naman kasi siyang ibang gustong makasama kundi si Andrew lang.

"You may now kiss the bride," wika ni Andrew na iniba pa ang boses. Talagang gusto rin nitong magpanggap na may pari ngang magkakasal sa kanila.

"Itigil ninyo 'yan!"

Nanggagalaiti man ang boses ng bagong dating, mas nakaramdam ng panggigigil si Joan. Pakiramdam niya kasi'y humiwalay na ang kaluluwa niya sa kanyang katawan dahil sa pagsigaw nito. Mas na-bad trip tuloy siya ng makilala ang lalaking parang manunugod. Halatang bigat ng mga hakbang at talagang hindi maipinta ang mukha.

Si Lorenzo Villarama ay ang nag-iisang anak ng kanyang Mama Meldy, ang asawang kauli ng ama niyang si Melvin Mercado. Dapat sana ay nakatatandang kapatid ang turing niya kay Lorenzo pero unang kita pa lang niya rito'y talagang kumukulo na ang kanyang dugo. Kahit wala naman itong ginagawang masama sa kanya.

Walang ginagawang masama? Buwisit niyang tanong sa sarili. Sa palagay niya kasi'y isa iyong malaking kalokohan. Mula nang dumating ito sa bahay nila'y para na rin siyang nawalan ng ama. Palibhasa, ang pangarap talaga ng ama niya ay magkaanak ng lalaki. Eh siya, bukod sa babae na'y siya pa ang dahilan kaya nawala ang kanyang Mama. Namatay ito nang ipanganak siya.

"Pakialamero ka talaga!" Inis niyang singhal nito.

"Ang bata-bata mo pa, magpapahalik ka na.

Hindi nito pinansin ang kanyang sinabi, sa halip, mas pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Eh, ano ngayon?"

"Hindi ka puwede magpa-kiss," inis nitong sabi.

"Bakit?"

"Sinabi ko na ang dahilan."

"Nakita mo rin naman siguro ang rason kung bakit kailangan akong halikan ni Andrew. Kasal na kami. Sebastian na ang apelyido ko kaya kahit maging Mendoza ka pa, wala akong pakialam!" Sigaw niya kay Lorenzo. Buwisit na buwisit siya sa presensya nito kaya dapat lang nitong malaman iyon.

Ngunit, pinagtawanan lang siya ni Lorenzo. "Anong pinagsasasabi mong Sebastian na ang apelyido mo eh, kasal-kasalan lang ang ginawa ninyo?"

"Eh, bakit si Daddy at si Mama Meldy?" Inis niyang tanong.

"Sa Simbahan sila kinasal, may pari at maraming tao," mariing sabi sa kanya ni Lorenzo.

"Eh, di doon na din kami magpapakasal ni Andrew. Let's go na, Andrew." Hahawakan sana niya ang kamay ng 'asawa' kundi lang siya biglang hinila ni Lorenzo.

"Umuwi na tayo."

"Ayoko! Magpapakasal pa kami ni Andrew. Di ba, Andrew?" Baling niya sa maralik na kaibigan. Ito lang kasi ang nakikita niyang magiging kakampi laban kay Lorenzo.

"Ha? A, e, oo," litong sang ayon ni Andrew.

"Walang magkakasal sa inyo," wika ni Lorenzo.

"Nagmamahalan naman kami. Hindi ba, Andrew?" Baling niya ulit dito.

Tumango ito, sunud-sunod.

"See…" mayabang niyang sabi. Talagang gusto niyang ipamukha sa Lorenzo na ito na sila ni Andrew.

" Kahit pa nagmamahalan kayo walang matinong pari na magkakasal sa inyo dahil walong taong gulang pa lang kayo. 18 years old dapat nagpapakasal ang lalaki at babae."

"Ang tagal naman," nagrereklamo niyang sabi pero pagkaraan ay umiling siya. Ayaw niyang maniwala kay Lorenzo. "Hindi mo mahahadlangan ang kaligayahan namin."

"Magagawa ko kaya," mayabang nitong sabi. "Ang gagawin ko lang ay isumbong kayo sa Daddy mo," anitong pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila ni Andrew, nagbabanta.

"Gusto kaya ng mga Daddy namin na magkatuluyan kami," sabi ni Andrew sa napakamahinahon na boses. Hindi kasi trip ni Andrew na makipag-away kahit nabu-bully.

"Eh, paano kung malalaman ng tatay mo na naghahalikan kayo?" mapaghamong tanong ni Lorenzo..

Natigilan siya. Naaaninag kasi niya sa boses ni Lorenzo ang pagbabanta. Ibig sana niyang maging matapang sa harap nito at sabihing kahit anong sabihin nito'y hindi niya paniniwalaan pero parang napakahirap gawin dahil sa isipan niya ay rumehistro ang mukha ng ama. Galit kaya malinaw niyang nakikita sa mga mata nito ang disappointment.

"Kaya siguradong paglalayuin kayo kapag sinabi kong naghahalikan kayo."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Lorenzo. "Hindi nga natuloy."

"Pwede namang magsinungaling ng kaunti," ani Lorenzo na iminuwestra pa ang katagang kaunti. Bahagya nitong pinagdikit ang hintuturo at hinlalaki.

Matalim na matalim ang tingin niya rito. "Ang dami mong alam."

Buong pagmamalaking sinabi nitong, "Natural. Mas matanda ako sa inyo ng tatlong taon."

"Eh, ano naman?" Tanong ni Andrew.

Hindi pinansin ni Lorenzo ang kanyang best friend. Sa kanya lang kasi nakatutok ang tingin ni Lorenzo. "Susundin mo ba ako o maghihiwalay kayo ni Andrew? Sisiguraduhin kong paglalayuin kayo ng tatay mo."

Dahil nakaramdam siya ng takot sa banta nito. Binigyan niya ito ng matalim na tingin.

"Uwi!" Sigaw ni Lorenzo.

Lalo siyang nanggigil. "Para ka lang nagpapauwi ng aso."

Humalakhak si Lorenzo kaya lalo siya nanggigil. Pakiramdam kasi niya ay gusto siya nito kontrolin. Hah, ano ba ang tingin nito sa kanya, poodle o Chihuahua?

"PARA kng doberman kung makabuntot sa akin, bakit ba?" Inis na tanong ni Joan. Kahit na lumipas na ang pitong taon, hindi pa rin naglalaho ang pagka-badtrip niya kay Lorenzo. Para kasing lagi na lang itong nakabantay sa kanya.

"Gusto ko lang makasigurong safe kang makakauwi," wika nito.

Parang hindi niya gustong maniwala sa sinabi ni Lorenzo.

"Feeling kuya?" Sarkastikong tanong niya.

"Hindi kita kapatid," inis nitong sabi.

"Kaya, wala ka dapat pakialam sa akin. Hindi tayo magkadugo. Saka, hindi naman ako pababayaan ni Andrew," nagmamalaki niyang sabi. Lumapad ang ngiti sa labi niya nu'ng makita si Andrew na napabalis ang paglapit sa kanya. Tiyak niyang dahil iyon sa presensya ni Lorenzo.

Bukod tuloy sa mala-prinsepe ang tingin niya kay Andrew dahil maputi ito, maamo ang guwapong mukha at matikas ang pangangatawan, knight in shining armor din ang tingin niya rito. Tiyak niya kasing handa siya nitong ipagtanggol kay Lorenzo.

Ngunit, talaga bang iniisip niya na magagawa siyang saktan ni Lorenzo? Of course not. Kahit naman mainit ang dugo niya rito sa hindi niya malamang dahilan, hindi niya maitatanggi na napakaguwapo nito kahit na kayumanggi. Maamo rin naman ang mukha nito kahit na matalim itong tumingin. Hugis-espada kasi ang mga mata ni Lorenzo.

"Anong ginagawa mo rito?" Matapang na tanong ni Andrew kay Lorenzo.

"Gusto ko lang makatiyak na uuwi nang maaga si Joan."

"Biyernes ngayon," sabay pa nilang bulalas ni Andrew.

"So?"

"Bonding moment namin ni Andrew. Kaya, bukas pa ako uuwi."

"What?"

Napakunot ang noo niya dahil OA ang pagbigkas ni Lorenzo sa mga salitang iyon. Gayunpaman, sinabi pa rin niyang kina Andrew ako magu-overnight.

"Hindi maaari," mariing sabi ni Lorenzo.

"Sinong may sabi?" Mpaghamon niyang tanong.

"Ako."

"Ikaw lang pala. Pwede, para sabihin ko sa'yo, alam ni Daddy na magu-overnight ako kina Andrew. Saka, natutulog din naman sa bahay si Andrew."

"Sa kuwarto mo?"

"Yes."

"Hindi ko alam 'yan, ah."

"Paano mo malalaman, eh, lumipat ka ng bahay four months matapos maikasal si Daddy at ang Mommy mo," inis niyang sabi rito. Kung ilang beses kasi niyang nakitang umiiyak ang kanyang Mommy Meldy. Sabi nito, miss na miss na nito si Lorenzo pero wala itong magawa ng piliin nitong manirahan sa piling ng ama.

Marahas na buntonghininga ang pinawalan ni Lorenzo.

"Dahil sa iba naman ang tirahan natin mas maigi kung magba-babu na kami ni Andrew sa'yo."

"Shit!" Buwisit nitong sabi.

Napailing na lamang siya. Kahit kasi hindi na sila magkasama sa iisang bubong, nagkikita naman sila sa eskuwelahan. Sa Quezon city lang naman siya nakatira samantalang si Lorenzo ay sa Manila kaya sa iisang paaralan lang sila nag-aaral.

"Ka rin," sabi niya sa nanggigigil na mga kataga. Para kasing minura siya nito. Naningkit lang ang mga mata niya dahil may ibang salitang pumasok sa kanyang isipan dahil sinabi nito.

Kadiri!

"Halika na nga para hindi na masira pa ang araw ko," buong panggigigil na sabi niya kay Andrew. Hindi na rin nakapagsalita pa ang kanyang matalik na kaibigan dahil hindi na niya ito binigyan ng pagkakataon na makakontra man lang.

"Awk, baka naman masakal ako sa ginagawa mo," nagrereklamong sabi ni Andrew.

Hindi niya maintindihan kung bakit nasabi ni Andrew ang mga salitang iyon pero ng tingnan niya ito ay napagtanto niya kung bakit. Sa kuwelyo pala niya ito hinihila dahil gigil na gigil siya. Sa gunita nga niya, sinasakal niya si Lorenzo.

"Sorry," sabi niya saka mabilis tinanggal ang kamay sa kuwelyo nito. Ngunit dahil doon, mas nangibabaw ang inis niya kay Lorenzo. Nasaktan niya si Andrew dahil sa inis na nararamdaman niya para sa kanyang stepbrother.

'TANG inumin mo,' buwisit na sabi ni Lorenzo sa sarili. Wala naman siyang dapat na pakialam pero para pa ring tukso na pumapasok sa kanyang isipan na magkasama sa iisang kuwarto sina Joan at Andrew.

Ano bang pakialam mo? Inis niyang tanong sa kanyang utak. Hindi rin niga maintindihan ang kanyang sarili kung bakit gusto niyang makialam gayung hindi naman niya kapatid si Joan.

May gusto ka kasi sa step sister mo, ani ng boses na hindi niya alam kung saan galing. Basta malinaw niyang narinig iyon.

No way! Sigaw niya sa kaisipang hondi niya kailanman magugustuhan si Joan.

Kahit mala-krema.ang kaputian ni Joan na gustung-gusto niya sa babae dahil parang ang sarap-sarap protektahan at alagaan?

Hindi! tanggi niya.

Eh, ano kung maamo ang mukha ni Joan na hugis mansanas? Paki ba niya kung matangos ang ilong nito? Hindi rin naman siya nahihipnotismo sa mga mata nitong nang-aakit? Saka, hindi naman niya pansin ang matamis nitong ngiti kapag nakikita si Andrew.

Damn!

Ipinilig-pilig na lamang niya ang kanyang ulo para maalis sa isip niya ang vital statistic nitong 36-23-36. At bumagay iyon sa height nitong tantiya niya'y 5'6".

Muli siyang napamura dahil nagrehistro sa isipan niya ang kabuuan ni Joan Mercado.

At nakaramdam siya ng pag-iinit.

Shit, talagang apektado siya sa presensiya ng kanyang stepsister.

Mahal na mahal niya ang kanyang Mama kaya hindi niga magawang tumutol ng sabihin nitong mag-aasawa na. Hindi naman kasi kasal ang kanyang Mama sa tunay niyang ama. Gayunman, dala niya ang apelyido nito dahil kinilala siya nito bilang anak.

Unang kita pa lang niya kay Joan ay may kakaiba na siyang naramdaman dito at habang tumatagal ay hindi niya iyon nagugustuhan kaya ipinasya niyang umalis sa poder ng kanyang ina. Ang problema nga lang ay para siyang mababaliw kapag hindi niga nakikita si Joan kaya minabuti rin niyang mag-aral sa pinapasukan nitong eskuwelahan. Iyon nga lang dahil matanda siya rito ng ilang taon, nagtapos siya agad.

Napabuntunghininga Lamang siya nang marahas, bakit ba habang tumatagal, nahihirapan siyang itaboy si Joan sa kanyang isipan.

Sa isipan nga lang ba? Sarkastikong tanong niya sa sarili kasabay nang mabilis na tibok ng kanyang puso.

Related chapters

  • One More Night   Chapter 2 Ang Pangarap ni Joan

    "ANONG mapapala mo sa pagsusulat?" mabalasik na tanong ng kanyang ama. Bahagyang napaigtad si Joan sa pagsigaw na iyon ng kanyang Daddy pero agad niyang sinaway ang sarili. Hindi kasi siya dapat magpakita ng takot dito. Tiyak niya kasing masisira ang tiwala niya sa sarili kapag pinakinggan niya ang pagkontra ng ama. Saka, hindi ito ng tamang panahon para magtalo sila. Nasa harap kasi sila ng pagkain. Kahit na bakasyon pa siya ay kinakailangan niyang gumising nang maaga para siya makasalo sa almusal ang ama, madrasta at ang kanyang stepbrother. "Mas maigi pang magtake ka ng Nursing, Engineering, Education o Business Management," wika ng ama niyang gigil na gigil pa rin. "Mass communication ang kukunin kong kurso. Malaki ang maitutulong nu'n sa aking pagsusulat," buong diin niyang sabi. Gusto niyang iparamdam sa kanyang ama na hindi na mababali ang desisyon niya. Inasahan niya na mas ikagagalit ng ama niya ang sinabi pero wala ng salitang lumabas sa bibig nito. Sa halip, binigyan l

    Last Updated : 2023-07-26
  • One More Night   Chapter 3 Ang Relasyon nina Andrew at Joan

    "WILL you be my escort?" Kabadung-kabadong tanong ni Joan kay Andrew. Kahit naman kasi may mutual understanding sila ng kanyang best friend mula pagkabata, gusto pa rin niyang makasigurado na ito ang magiging partner niya sa napakahalagang okasyon sa kanyang buhay – ang debut niya. "Of course," mabilis at madiin na sabi ni Andrew na parang napapantastikuhan sa kanyang tanong. "Ako ang boyfriend mo kaya dapat lang na ako ang maging escort mo.""B-boyfriend kita?" Gilalas niyang tanong. Kumunot ang noo ni Andrew sa pagkakatitig sa kanya. "Bakit parang hindi mo alam?""Nanligaw ka ba?" Mangha pa rin niyang tanong. Sa isip niya kasi, ang manliligaw ay may dala palaging roses at chocolate sa kanyang nililigawan pero hindi iyon ang laging dala ni Andrew sa kanya kundi milk tea at pizza. Sa kaisipang iyon, hindi niya napigilan ang mapangiti. Favorite niya kasi ang mga iyon. "Eight years old pa lang tayo, mag-sweetheart na tayo. Hindi nga ba gusto na natin magpakasal noon?"Sa pagbabalik a

    Last Updated : 2023-07-26
  • One More Night   Chapter 4 Ang Dahilan ng Di Pagsulpot ni Andrew sa Debut ni Joan

    MALALIM na buntunghininga na naman ang pinawalan ni Joan habang pabalik-balik siya ng lakad. Paroo't parito siya dahil hindi niya malaman ang dapat niyang gawin. Magtatampo ba siya o mag-aalala? Sabi ng utak niya, dapat siyang magtampo kay Andrew dahil hindi siya nito sinipot sa mahalagang okasyon sa kanyang buhay gayung matagal na nilang napag usapan na ito lang ang escort niya, walang iba. Iyon nga lang, masyadong mahalaga sa kanya si Andrew para pangibabawin niya ang tampo rito. Saka, kilala niya ito. Hindi ito mag-a-absent sa kanyang debut kung walang mabigat na dahilan. Bigla tuloy siyang kinabahan, hindi kaya may nangyaring masama kay Andrew? Tiyak kasi niyang iyon lang ang magiging dahilan para maawat si Andrew sa pagpunta sa kanya. Sa kaisipang iyon, biglang sumakit ang kanyang ulo. Kinabahan kasi aiya talaga ng husto. "Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ng kanyang Mama Meldy. "Ouch," hindi niya napigilang ibulalas nang bumalandra siya sa kung saan. Ang mga salita kasi n

    Last Updated : 2023-07-27
  • One More Night   Chapter 5 Nakatakda na Ikasal sina Andrew at Joan

    YES, 'yan ang nagawang isagot ni Joan nang tanungin siya ni Andrew kung pakakasalan ba niya ito. Talaga naman kasi pangarap niya ang magkaroon ng asawa – ang maging mister si Andrew Sebastian. Ngunit, ngayon, bakit nagdadalawang isip siya? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Ipinilig lang niya ang ulo sa ideyang nagbago na ang damdamin niya kay Andrew. Hinding-hindi naman kasi mangyayari iyon. Napakaimposible. Dahil bata pa lang sila ay mahal na mahal na niya si Andrew. Talaga lang sa paglipas ng panahon ay may mga nadadagdag sa pinapangarap natin.AB Mass communication ang kursong pinili niya dahil nais niyang maging tanyag na manunulat. Hindi iyon nagugustuhan ng kanyang ama dahil sa palagay nito, walang kapupuntahan ang pangarap niyang iyon kaya gusto niyang patunayan sa ama na kaya niya. Mahal na mahal man niya ang kanyang Papa, hindi niya gustong sundin ang suhestiyon nitong kumuha siya ng Business Management man lang. Wala naman kasi siyang hilig sa negosyo. Napabuntunghininga

    Last Updated : 2023-07-30
  • One More Night   Chapter 6 Ang Damdamin ni Lorenzo

    MALALIM na buntunghininga muna ang pinawalan ni Joan bago niya sinagot ang tanong ni Andrew. "Hindi na nga ako galit sa'yo," buong diin niyang sabi. Gusto kasi niyang isaksak sa isipan ni Andrew ang katotohanan na iyon, ngunit, hindi rin mabura sa isipan niya ang reaksyon ni Lorenzo. Dahil sa pagsigaw ni Andrew ng, 'Umalis ka hindi kita kailangan' halos buhatin siya ni Lorenzo mula sa pagkakahiga niya sa tabi ni Andrew. Ewan nga lang niya kung inisip ba nitong sasaktan siya ni Andrew. Basta hindi niya napigilan ang magtitili nang maglapat ang mga katawan nila ni Lorenzo. Para kasing may bilyun-bilyong boltahe na nanulay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan ng mga sandaling iyon. Ah, talagang hindi niya nagugustuhan ang kanyang nararamdaman kaya nagtitili siya. Baka sakaling kapag ginawa niya iyon ay maalis din ang nararamdaman niyang hindi tama. At dahil sa pagsigaw niya ay bumalikwas din nang bangon ang utaknni Andrew. Bigla itong natauhan. "Anong nangyayari?"Kahit sa palagay

    Last Updated : 2023-08-01
  • One More Night   Chapter 7 Ang Plano ni Lorenzo

    MABILIS na lumipas ang mga taon at nakatanggap na ng diploma si Joan pero hindi pa rin lubos ang kanyang kasiyahan. Hindi pa rin kasi niya natutupad ang kanyang ambisyon. Hindi pa niya nagagawang maging isang sikat na manunulat. Oo nga at nakakapagsulat na siya sa Heart Valentines, ang nangungunang Publication sa bansa pero hindi pa siya nakikilala ng husto. Ang ibig sana niya kahit nasa Pilipinas siya ay maka-level man lang niya ang kasikatan ni JK Rowling. Iyon nga lang romance ang sinusulat niya, hindi fantasy. "Magpakasal na tayo," wika ni Andrew na talagang nagpapitlag sa kanya. Hindi niya naiwasan ang makaramdam ng excitement dahil matagal na naman niya pinangarap na magpakasal kay Andrew, ngunit, hindi niya maiwasan ang kabahan ng todo. Tiyak niya kasing kapag nagpakasal sila at nagkaanak na ay mahihirapan na siyang tuparin pa ang kanyang pangarap. "Kailan?" Tanong niya sa halip sabihin ang gumugulo sa kanyang isip. Ayaw naman niya kasing saktan ang kalooban ni Andrew. Saka,

    Last Updated : 2023-08-03
  • One More Night   Chapter 8 Ang Pagsusulat ni Joan

    BAKIT kaya? Hindi napigilang itanong ni Joan sa kanyang sarili nu'ng makatanggap siya ng tawag mula sa sekretarya ng Publisher ng Heart Valentines na si Vincent See.Ayon kay Jane, gustong makipag-meeting sa kanya ni Sir Vincent. "Aalis ka?" Gulat na tanong ng kanyang Mama Meldy. Awtomatiko ang naging pagngiti niya rito. "Pinapatawag po kasi ako ni Sir Vincent?""Vincent?" Gulat na tanong nito. "Iyon pong publisher ko," mabilis niyang sabi. Siyempre, ayaw naman niyang isipin nito na makikipag-date siya sa ibang lalaki. "Sasamahan ka ba ni Andrew?" Tanong ng kanyang madrasta. "May lakad po si Andrew ngayon kaya magku-commute na lang po ako," magalang niyang sabi rito. "Magdyi-dyip ka?" Gilalas nitong tanong. "Magga-grab po ako.""Taxi ang sasakyan mo?" Naninigurongntanong nito. "Opo.""Mabuti naman at hindi motor ang sasakyan mo," wika nito sabay buga. Wari'y nakahinga ito nang maluwag. Napangiti tuloy siya. Damang-dama.niya ang concern ng kanyang pangalawang ina kaya hindi ni

    Last Updated : 2023-08-06
  • One More Night   Chapter 9 Ang Natupad na Plano ni Lorenzo

    DAHIL sa pagpunta ni Joan sa Paradise Resort ay mailalayo muna niya ito kay Andrew Sebastian. At siya naman ang biglang susulpot sa harapan nito para magpapansin. Very good. Sa kanyang isipan kasi, parang mai-imagine na niya ang susunod na mangyayari. Magkakaharap sila, aawayin siya ni Joan pero hindi niya ito papatulan. Sa halip ay magpapakita siya ng kabaitan dito. Tiyak niyang sa pamamagitan noon ay makukuha rin niya ang loob nito. Talaga ba? Nang-aasar na sabi ng isang bahagi ng kanyang utak. Napailing lang siya nang rumehistro sa kanyang isip ang mga pagsimangot at pagsusuplada sa kanya ni Joan. Bigla tuloy siyang napangiti. Kahit na galit na galit si Joan, lalo itong gumaganda sa kanyang paningin. Wala siyang pakialam kung mistulan man itong tigre na handang manakmal. Maganda naman kasi talaga si Joan kahit ang pula-pula ng mukha at nanlilisik ang mga mata dahil sa matinding galit. "Bakit ganyan ang ngiti mo?" Napapantastikuhang tanong ng tinig. Lumapad ang ngiti niya nang

    Last Updated : 2023-08-12

Latest chapter

  • One More Night   Chapter 13 Ang Pagkirot ng Puso ni Joan

    "HINDI mo ba tatanungin kung sino ang mahal ko?"Kahit nangangati na ang dila ni Joan na ibulalas ang katagang sino, hindi pa rin niya nagawa. Bigla kasi siyang kinabahan. Ibang klase naman kasi ang pagtitig sa kanya ni Lorenzo. Parang gusto nitong alamin ang laman ng kanyang puso. "Hindi ako interesado." Agad niyang iniwas kay Lorenzo ang kanyang tingin. Hindi niya kasi gustong makita nito ang kanyang mga mata dahil malalaman nitong nagsisinungaling siya. Para tuloy gusto niyang manggigil sa kanyang sarili. Hindi naman kasi siya dapat na magselos pero iyon ang nangyayari. Basta naramdaman na lang niyang parang may kamay na pumipiga sa kanyang puso. Dahil sa pag-iwas niya nang tingin kay Lorenzo ay noon lang niya nagawang pagmasdan ang paligid. Puro bato, hindi niya namalayan na nakaupo rin siya sa bato. Para kasi siyang naeengkanto kanina dahil naging sunud-sunuran lamang siya kay Lorenzo. At dahil doon, nakaramdam siya ng panggigigil. "Eh, bakit parang maiiyak ka?" nag-aalalang t

  • One More Night   Chapter 12 Ang Paglalapit nina Lorenzo at Joan 

    “HINDI ba nakakatakot dito?” kabadong tanong ni Joan pero alam niyang ang kabang kanyang nararamdaman dahil ang lakas-lakas talaga ng pintig ng kanyang puso. Pakiramdam nga niya’y isa iyong drum na ginagamitan ng pagkalaki-laking drumstick. Kaya, hindi siya magtataka kung sasabihin sa kanya ni Lorenzo na nadidinig nito ang sinasabi ng kanyang puso.Inaya kasi siya ni Lorenzon pasukin ang kuweba na kanilang nakita. Hinawakan ni Lorenzo ang kanyang palad kaya kahit gusto niyang tumanggi ay hindi na niya nagawa. Talaga kasing kinabahan siya ng husto nang hawakan nito ang kanyang pald. Pakiramdam niya kasi sa ginawa ni Lorenzo ay hinawakan na rin nito ang kanyang puso. Ang baduy mo! inis niyang sabi sa kanyang sarili pero hindi naman niya napigilan ang mapangiti. “Huwag kang matakot dahil kasama mo naman ako,” wika nitong malambing na malambing ang tinig.Nang sulyapan niya si Lorenzo, pakiramdam niya’y iyon ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa niya. Para kasing lalong nagwala ang k

  • One More Night   Chapter 11 Sina Lorenzo at Joan

    MALI ito, naiinis na sabi ni Joan sa kanyang sarili dahil parang hindi niya magawang tanggihan si Lorenzo. Sabi kasi nito, hindi makabubuti kung babalik na siya agad sa kanyang pagsusulat gayung marami silang nakain. Lalo ka na, mariin niyang paalala sa kanyang sarili. "May deadline ako," wika niya sa mahinang tinig. Talaga kasing nagtatalo ang kanyang puso't isipan kung anong susundin, ang manatili sa tabi ni Lorenzo o magpunta na sa kanyang cottage para siya ay makapagsulat. Ang sabi ng kanyang utak, kailangan na niyang magsulat dahil iyon naman ang dahilan kaya naririto siya sa resort na ito. "Kahit may deadline ka kung hindi ka naman makakapagsulat, pagdating mo sa cottage mo, balewala rin.""Paano ka nakakasigurado dyan?" Naiinis niyang tanong pero sa pakiramdam niya ay mas naiinis siya siya sa kanyang sarili. "Tiyak kasing lagi mo akong maiisip," nagmamalaking sabi ni Lorenzo. "Ang yabang mo talaga!" Ang nais sana niya ay sabihin iyon kay Lorenzo ng buong katarayan pero pa

  • One More Night   Chapter 10 Ang Pagtatagpo nina Lorenzo at Joan

    lPAKIRAMDAM ni Joan ay mayroong nagmamasid sa kanya kaya niyakap niya ang sarili. Wala naman kasi si Andrew para gawin iyon sa kanya kaya siya na lang muna ang magpuprotekta sa kanyang sarili. Panalangin na lang niya ay walang kapahamakan na mangyari sa kanya. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na solo siyang umalis. Dati kasi'y lagi niyang kasama si Andrew. Napabuntunghininga lang siya dahil ang totoo ay gustong sumama sa kanya ni Andrew pero tumanggi siya. Ang ikinatwiran niya rito ay hindi siya makapagku-concentrate sa kanyang pagsusulat. Kunsabagay, may katotohanan naman iyon dahil nakakatatlong chapters na siya ng kanyang sinusulat. "Hindi ka ba giniginaw?" Tanong ng isang lalaki buhat sa kanyang likuran. Kilalang-kilala niya ang boses ni Lorenzo kaya gilalas niya itong nilingon. "Anong ginagawa mo rito?" Gilalas niyang tanong. "Nagbabakasyon.""May kasama ka?" Tanong niya. Ewan niya kung bakit hindi pa man nito sinasabi na, 'oo may kasama ako' , parang naba-badtrip na

  • One More Night   Chapter 9 Ang Natupad na Plano ni Lorenzo

    DAHIL sa pagpunta ni Joan sa Paradise Resort ay mailalayo muna niya ito kay Andrew Sebastian. At siya naman ang biglang susulpot sa harapan nito para magpapansin. Very good. Sa kanyang isipan kasi, parang mai-imagine na niya ang susunod na mangyayari. Magkakaharap sila, aawayin siya ni Joan pero hindi niya ito papatulan. Sa halip ay magpapakita siya ng kabaitan dito. Tiyak niyang sa pamamagitan noon ay makukuha rin niya ang loob nito. Talaga ba? Nang-aasar na sabi ng isang bahagi ng kanyang utak. Napailing lang siya nang rumehistro sa kanyang isip ang mga pagsimangot at pagsusuplada sa kanya ni Joan. Bigla tuloy siyang napangiti. Kahit na galit na galit si Joan, lalo itong gumaganda sa kanyang paningin. Wala siyang pakialam kung mistulan man itong tigre na handang manakmal. Maganda naman kasi talaga si Joan kahit ang pula-pula ng mukha at nanlilisik ang mga mata dahil sa matinding galit. "Bakit ganyan ang ngiti mo?" Napapantastikuhang tanong ng tinig. Lumapad ang ngiti niya nang

  • One More Night   Chapter 8 Ang Pagsusulat ni Joan

    BAKIT kaya? Hindi napigilang itanong ni Joan sa kanyang sarili nu'ng makatanggap siya ng tawag mula sa sekretarya ng Publisher ng Heart Valentines na si Vincent See.Ayon kay Jane, gustong makipag-meeting sa kanya ni Sir Vincent. "Aalis ka?" Gulat na tanong ng kanyang Mama Meldy. Awtomatiko ang naging pagngiti niya rito. "Pinapatawag po kasi ako ni Sir Vincent?""Vincent?" Gulat na tanong nito. "Iyon pong publisher ko," mabilis niyang sabi. Siyempre, ayaw naman niyang isipin nito na makikipag-date siya sa ibang lalaki. "Sasamahan ka ba ni Andrew?" Tanong ng kanyang madrasta. "May lakad po si Andrew ngayon kaya magku-commute na lang po ako," magalang niyang sabi rito. "Magdyi-dyip ka?" Gilalas nitong tanong. "Magga-grab po ako.""Taxi ang sasakyan mo?" Naninigurongntanong nito. "Opo.""Mabuti naman at hindi motor ang sasakyan mo," wika nito sabay buga. Wari'y nakahinga ito nang maluwag. Napangiti tuloy siya. Damang-dama.niya ang concern ng kanyang pangalawang ina kaya hindi ni

  • One More Night   Chapter 7 Ang Plano ni Lorenzo

    MABILIS na lumipas ang mga taon at nakatanggap na ng diploma si Joan pero hindi pa rin lubos ang kanyang kasiyahan. Hindi pa rin kasi niya natutupad ang kanyang ambisyon. Hindi pa niya nagagawang maging isang sikat na manunulat. Oo nga at nakakapagsulat na siya sa Heart Valentines, ang nangungunang Publication sa bansa pero hindi pa siya nakikilala ng husto. Ang ibig sana niya kahit nasa Pilipinas siya ay maka-level man lang niya ang kasikatan ni JK Rowling. Iyon nga lang romance ang sinusulat niya, hindi fantasy. "Magpakasal na tayo," wika ni Andrew na talagang nagpapitlag sa kanya. Hindi niya naiwasan ang makaramdam ng excitement dahil matagal na naman niya pinangarap na magpakasal kay Andrew, ngunit, hindi niya maiwasan ang kabahan ng todo. Tiyak niya kasing kapag nagpakasal sila at nagkaanak na ay mahihirapan na siyang tuparin pa ang kanyang pangarap. "Kailan?" Tanong niya sa halip sabihin ang gumugulo sa kanyang isip. Ayaw naman niya kasing saktan ang kalooban ni Andrew. Saka,

  • One More Night   Chapter 6 Ang Damdamin ni Lorenzo

    MALALIM na buntunghininga muna ang pinawalan ni Joan bago niya sinagot ang tanong ni Andrew. "Hindi na nga ako galit sa'yo," buong diin niyang sabi. Gusto kasi niyang isaksak sa isipan ni Andrew ang katotohanan na iyon, ngunit, hindi rin mabura sa isipan niya ang reaksyon ni Lorenzo. Dahil sa pagsigaw ni Andrew ng, 'Umalis ka hindi kita kailangan' halos buhatin siya ni Lorenzo mula sa pagkakahiga niya sa tabi ni Andrew. Ewan nga lang niya kung inisip ba nitong sasaktan siya ni Andrew. Basta hindi niya napigilan ang magtitili nang maglapat ang mga katawan nila ni Lorenzo. Para kasing may bilyun-bilyong boltahe na nanulay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan ng mga sandaling iyon. Ah, talagang hindi niya nagugustuhan ang kanyang nararamdaman kaya nagtitili siya. Baka sakaling kapag ginawa niya iyon ay maalis din ang nararamdaman niyang hindi tama. At dahil sa pagsigaw niya ay bumalikwas din nang bangon ang utaknni Andrew. Bigla itong natauhan. "Anong nangyayari?"Kahit sa palagay

  • One More Night   Chapter 5 Nakatakda na Ikasal sina Andrew at Joan

    YES, 'yan ang nagawang isagot ni Joan nang tanungin siya ni Andrew kung pakakasalan ba niya ito. Talaga naman kasi pangarap niya ang magkaroon ng asawa – ang maging mister si Andrew Sebastian. Ngunit, ngayon, bakit nagdadalawang isip siya? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Ipinilig lang niya ang ulo sa ideyang nagbago na ang damdamin niya kay Andrew. Hinding-hindi naman kasi mangyayari iyon. Napakaimposible. Dahil bata pa lang sila ay mahal na mahal na niya si Andrew. Talaga lang sa paglipas ng panahon ay may mga nadadagdag sa pinapangarap natin.AB Mass communication ang kursong pinili niya dahil nais niyang maging tanyag na manunulat. Hindi iyon nagugustuhan ng kanyang ama dahil sa palagay nito, walang kapupuntahan ang pangarap niyang iyon kaya gusto niyang patunayan sa ama na kaya niya. Mahal na mahal man niya ang kanyang Papa, hindi niya gustong sundin ang suhestiyon nitong kumuha siya ng Business Management man lang. Wala naman kasi siyang hilig sa negosyo. Napabuntunghininga

DMCA.com Protection Status