Home / Romance / One More Night / Chapter 4 Ang Dahilan ng Di Pagsulpot ni Andrew sa Debut ni Joan

Share

Chapter 4 Ang Dahilan ng Di Pagsulpot ni Andrew sa Debut ni Joan

Author: Maria Angela Gonzales
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

MALALIM na buntunghininga na naman ang pinawalan ni Joan habang pabalik-balik siya ng lakad. Paroo't parito siya dahil hindi niya malaman ang dapat niyang gawin. Magtatampo ba siya o mag-aalala? 

Sabi ng utak niya, dapat siyang magtampo kay Andrew dahil hindi siya nito sinipot sa mahalagang okasyon sa kanyang buhay gayung matagal na nilang napag usapan na ito lang ang escort niya, walang iba. Iyon nga lang, masyadong mahalaga sa kanya si Andrew para pangibabawin niya ang tampo rito. Saka, kilala niya ito. Hindi ito mag-a-absent sa kanyang debut kung walang mabigat na dahilan. 

Bigla tuloy siyang kinabahan, hindi kaya may nangyaring masama kay Andrew? Tiyak kasi niyang iyon lang ang magiging dahilan para maawat si Andrew sa pagpunta sa kanya. Sa kaisipang iyon, biglang sumakit ang kanyang ulo. Kinabahan kasi aiya talaga ng husto. 

"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ng kanyang Mama Meldy. 

"Ouch," hindi niya napigilang ibulalas nang bumalandra siya sa kung saan. Ang mga salita kasi ng kanyang madrasta ay parang isang magic na nagpatigil sa kanya na huwag masyadong mataranta. Iyon kasi ang naisip niya nu'ng maisip niyang maaaring may masamang nangyari kay Andrew. 

Andrew?

Ang kaisipan niya ay tuluyan nang bumalikwas nang bangon. Napagtanto niya kasi na hindi si Andrew ang kanyang kaharap kundi si Lorenzo at lalong nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto niyang nasa ilalim niya ito. 

Dahil sa sobra siyang nag-aalala kay Andrew, gusto niyang agad itong mapuntahan. Ibig niyang malaman kung safe ba ito. Ayaw na niyang pairalin ang kanyang pride. Naisip niya kasing sobrang halaga niya kay Andrew para maisip niyang sasadyain siya nitong saktan. 

"Pwede bang umalis ka na…sa ibabaw ko," buong diing sabi ng boses. 

Kahit na may urgency siyang naaaninag sa mga salita nito, hindi pa rin niya magawang sundin agad ang sinasabi nito. Para kasing may kung anong sinasabi ang mga mata nito at may curiosity siyang naramdaman. Bakit parang may bolang apoy ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya?

"Joanne.." buong diin nitong sabi. 

Kahit na may iritasyon siyang naaaninag sa Pagbanggit sa buo niyang pangalan, parang ibig niyang matawa. Kasing tunog lang naman kasi ito ng kanyang palayaw kaya ewan niya kung bakit binigyan pa siya ng palayaw. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit ang sarap-sarap sa kanyang pandinig kapag binibigkas ni Lorenzo ang kanyang pangalan at kailanman ay hindi niya iyon naramdaman kay Andrew. 

"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa riyan," wika ng kanyang Mama Meldy na talaga namang nagpataranta sa kanya kaya bigla siyang umalis sa ibabaw ni Lorenzo. Iyon nga lang, para magawa niya iyon ay kailangan niyang maghagilap ng matutungkuran para siya ay makatayo. May matigas at mahaba naman siyang nakapitan pero sunod-sunod na mura naman ang pinawalan ni Lorenzo. 

Ibig sana niyang magalit pero hindi niya iyon nagawa nang mapagtanto niya kung saan aiya napahawak – sa ibabang bahagi ng katawan nito. 

Hindi niya tuloy napigilan ang mapatili. Sobra kasi siyang napahiya sa kanilang sitwasyon.  Kaya kahit hindi siya nakaharap sa salamin, sigurado siyang ang pula-pula ng kanyang mukha. 

"Shut up!" Si Lorenzo. 

"Ang bastos mo!" Wika niya. Talaga kasing ibig niyang makabawi sa naramdamang pagkapahiya at alam niyang magagawa niya iyon kapag nagtaray siya. Defense mechanism ang alam niyang tawag doon at matagal na niya iyong ginagawa kay Lorenzo. Kailangan niya itong tarayan at sungitan palagi dahil gusto niyang itago ang kanyang tunay na nararamdaman. 

Wala akong feelings kay Lorenzo, inis niyang sabi sa sarili pero tiyak niyang sarili rin niya ang kanyang kinakalaban. Mahirap naman kasing pigilan ang nararamdaman niyang atraksyon kay Lorenzo na tiyak niyang naramdaman niya nang unang beses niya itong makita. 

Paano ba naman niya itutuloy pa ang kanyang damdamin kung nalaman niyang anak ito ng napangasawa ng kanyang ama. Sabi nga ng Papa niya at ng kanyang Mama Meldy, magkapatid na sila. Hindi man sa dugo pero nasa iisang pamilya na sila. At hindi niya dapat maramdaman pa ang paghanga niya rito. 

Hah, madali naman gawin iyon dahil mas guwapo naman si Andrew rito saka sabi ng kanyang Papa, si Andrew ang gusto nitong mapangasawa niya pagdating ng araw. Saka, sa paglipas ng panahon, nakikita niya kung gaano kalapit si Lorenzo sa kanyang ama. At hindi niya maiwasang sabihin sa kanyang sarili na dapat kamuhian na niya si Lorenzo. 

Mang-aagaw! Iyon ang tinatak niya sa kanyang utak para paulit-ulit niyang masabi sa kanyang sarili na wala itong kuwenta. 

"Paano ko naging bastos, ikaw nga ang bumangga at humawak sa akin," wika ni Lorenzo na parang hindi naman naapektuhan sa 'nangyari'.

Sa palagay niya'y lalong nag-init ang kanyang pakiramdam. "Hindi ko iyon sinadya," mariin niyang wika. Naningkit lang ang kanyang mga mata nang maisip niya ang sinabi ni Lorenzo. Sa palagay niya tuloy ay sanay na sanay itong hinahawakan ng kung sinu-sinong babae kaya walang dating dito ang kanyang paghawak. 

"Sa palagay mo gusto ko rin na sumaludo sa'yo ang sundalo ko? No. Natural lang iyon na reaksyon ng isang lalaki. Teka, bakit hindi mo alam? Eh, may boyfriend ka!"

"Hindi manyak si Andrew, noh." Nanlalaki ang mga matang sabi niya. 

"Baka talaga lang hindi ka mahal."

"Mahal ako ni Andrew!" Sigaw niya. "Kaya nga iginagalang niya ako."

"Ayusin na nga ninyo mga sarili ninyo," wika ng Mama Meldy niya na nasa harapan na pala nila. Oh, parang gusto niyang lumubog sa kinatatayuan. Nangangamba siya na baka nahalata nito ang kabang nararamdaman niya talaga. Nakakahiya!

"Bakit ka ba nagmamadali?" Tanong ng kanyang Mama Meldy. 

"Pupuntahan ko po si Andrew."

"Hindi ka pwedeng magpunta sa ospital na ganyan ang hitsura mo," anitong napapantastikuhan. 

"Ospital?" Gilalas niyang sabi. Biglang kumabog ang kanyang dibdib. "Anong ginagawa ni Andrew sa ospital."

"Naaksidente siya habang papunta sa debut mo."

"Andrew!" Gilalas niyang sigaw sabay hagulgol. Kahit tuloy nskapambahay siya'y parang gusto niyang sumugod sa ospital para mapuntahan si Andrew pero hindi nangyari ang kanyang gusto dahil kinawit ni Lorenzo ang kanyang beywang at parang walang anuman na binitbit siya ni Lorenzo saka nito sinabing maligo muna siya,  magbihis at dadalhin siya nito kay Andrew. 

ANG gusto sana ni Andrew ay matulog pa pero hindi na niya magawa dahil may humahagulgol sa kanyang tabi. Kahit hindi pa niya iminumulat ang kanyang mga mata, tiyak na niya kung sino ang humahagulgol – si Joan. 

"Nabibingi na ko sa kakaiyak mo," wika niyang hindi pa rin iminumulat ang mga mata. Mas magi-guilty kasi siya kapag nakita si Joan. Ang agad kasing papasok sa kanyang isipan ay 'yung nabigo niya ito. 

"Kamusta na pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya. 

Para tuloy lalong piniga ang kanyang puso. Para kasing ang sigla ng boses ni Joan. Well, alam niyang nagkukunwari lang ito. Masyado niya itong kilala kaya alam niyang tumatakbo sa utak nito. 

"Masakit ang tainga ko," wika niya saka minulat ang mga mata. 

Pinalo nito ang braso niya. "Aasarin mo pa ako, eh, sobrang pag-aalala ko sa'yo. I'm sorry ngayon ko lang nalaman."

"Ako ang dapat mag-sorry sa'yo. Hindi ako nakarating sa party mo." 

"Ang importante sa akin, ligtas ka," wika ni Joan. 

"Masamang damo eh," wika ng isa pang boses. 

"Lorenz," wika niya sa matabang na boses. Wala naman itong ginagawang masama sa kanya pero hindi niya makuhang makampante sa presensiya nito. Pagkaraan ay ibinaling niya ang kanyang tingin kay Joan. 

Kahit hindi siya magsalita ay alam niyang malinaw niyang maipaparating dito ang kanyang katanungan. Anong ginagawa ni Lorenzo sa hospital room ko? Magkasama ba kayong dumating?

Nakita niya ang bahagyang paglunok ni Joan pero bumuka lang ang bibig nito pero walang lumabas ni isang kataga. Hanggang sa ibang boses ang narinig niyang nagpapaliwanag. 

"Sinamahan ko lang ai Joan dito dahil parang luka-luka kung makaiyak."

Bahagyang tawa ang pinakawalan ni Andrew. "Salamat kung ganoon."

"Ano bang nangyari sa'yo?" Tanong ni Joan. 

Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata ni Joan kaya hindi niya napigilang haplusin ang pisngi nito. 

"May iniwasan akong sasakyan na nag-overtake sa lane ko kaya bumangga ako sa isang malaking puno. Pagkatapos noon, nag- blackout na ang tingin ko sa paligid." wika niyang nakakunot noo. Para kasing may liwanag siyang nakita matapos siyang mabangga. 

"Salbahe naman yung muntik makabanga sa'yo." Pagkaraan buntunghininga ito. "Mabuti na lang, at hindi malala ang nangyari sa'yo." 

"At iyon ang nakapagtataka," wika niya. Alam niya kasing nang bumalandra ang mukha niya sa manibela ay sobra ang lakas ng impact. Mabuti na lang at gumana ang airbag ng kanyang sasakyan. 

Dapat sana ay makampante na siya sa pagbabalik alaala niya pero hindi niya magawa. Pakiwari niya kasi ay mayroon siyang dapat ns maalala pero hindi niya maalala. 

"Ano?" 

"Magpasalamat ka na lang at buhay ka," wari'y iritadong bigkas ni Lorenzo. 

"Yah…" wika na lang niya. Talagang may gusto niyang balikan sa isip pero hindi naman niya malaman kung paano niya magagawa iyon. Basta pakiramdam niya'y hindi kumpleto ang nasa utak niya. 

"BAKIT hindi mo ipinaalam sa akin agad ang nangyari?"

Damn it, shit! Nanggigigil na sabi ni Lorenzo. Sa totoo lang, gusto niyang isigaw ang mga salitang iyon dahil parang gusto niyang magsuka habang pinagmamasdan niya sina Andrew at Joan. 

Hinaplos ni Joan ang pisngi ni Andrew na para bang sinasamba ito. Para tuloy gusto niyang hablutin si Joan at ilayo kay Andrew. Ngunit, anong karapatan niyang gawin iyon? 

"Ayokong sirain ang debut mo."

"Sa palagay mo naging masaya ako?" Naghahamong tanong dito ni Joan. 

Bigla siyang napatingin sa kanyang stepsister. Kahit naman alam niyang mas magiging masaya si Joan kung si Andrew ang naging escort nito, para pa ring nilamutak ang kanyang puso. Siguro dahil inisip niyang naging kuntento si Joan sa kanyang bisig. Napabuntunghininga na lang siya at tinanong ang sarili, paano mangyayari iyon kung wala itong ibang mahal kundi si Andrew?

"Mas gugustuhin ko pang mag-debut sa emergency room na kasama ka."

Marahang tawa ang pinawalan ni Andrew kaya lalo siyang na-badtrip dito. Para kasing binubuwisit nito at sinasabing, mahal na mahal ako ng stepsister mo. 

"Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong niya pagkaraan. 

Mabilis ang pagsagot ni Joan. "Dito lang ako kay Andrew."

"What?"

"Hindi ako uuwi," mariing sabi ni Joan. 

"Kayong dalawa lang dito?"

"Ospital ito, hindi motel," bad trip na sabi sa kanya ni Joan. 

Tawa naman ang isinagot ni Andrew. "Bugbog sarado pa ang katawan ko dahil sa aksidente kaya hindi mangyayari ang kaberdehan na naiisip mo. Saka, huwag mo ako itulad sa'yo. Ginagalang ko ang mga babae, lalo na si Joan. Mahal ko siya at pakakasalan."

"Mabuti naman…" wika niya pero bigla siyang napahinto sa salitang binitiwan ni Andrew na talaga naman nagpakaba sa kanya ng husto. "Anong pakakasalan?"

Gusto sana niyang hamunin ang mga mata ni Andrew sa sinabi nito pero hindi na niya nagawa iyon dahil kay Joan ito nakatingin. Halatang nabigla rin si Joan sa narinig pero ang mga mata nito ay parang bituin na kumukuti-kutitap."A-anong ibig mong sabihin?" Nabiglang tanong nito pero nasa boses naman ang excitement. 

"Will you marry me?" Malambing na tanong dito ni Andrew pero sa pandinig niya, parang may granadang sumabog. 

Kaugnay na kabanata

  • One More Night   Chapter 5 Nakatakda na Ikasal sina Andrew at Joan

    YES, 'yan ang nagawang isagot ni Joan nang tanungin siya ni Andrew kung pakakasalan ba niya ito. Talaga naman kasi pangarap niya ang magkaroon ng asawa – ang maging mister si Andrew Sebastian. Ngunit, ngayon, bakit nagdadalawang isip siya? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Ipinilig lang niya ang ulo sa ideyang nagbago na ang damdamin niya kay Andrew. Hinding-hindi naman kasi mangyayari iyon. Napakaimposible. Dahil bata pa lang sila ay mahal na mahal na niya si Andrew. Talaga lang sa paglipas ng panahon ay may mga nadadagdag sa pinapangarap natin.AB Mass communication ang kursong pinili niya dahil nais niyang maging tanyag na manunulat. Hindi iyon nagugustuhan ng kanyang ama dahil sa palagay nito, walang kapupuntahan ang pangarap niyang iyon kaya gusto niyang patunayan sa ama na kaya niya. Mahal na mahal man niya ang kanyang Papa, hindi niya gustong sundin ang suhestiyon nitong kumuha siya ng Business Management man lang. Wala naman kasi siyang hilig sa negosyo. Napabuntunghininga

  • One More Night   Chapter 6 Ang Damdamin ni Lorenzo

    MALALIM na buntunghininga muna ang pinawalan ni Joan bago niya sinagot ang tanong ni Andrew. "Hindi na nga ako galit sa'yo," buong diin niyang sabi. Gusto kasi niyang isaksak sa isipan ni Andrew ang katotohanan na iyon, ngunit, hindi rin mabura sa isipan niya ang reaksyon ni Lorenzo. Dahil sa pagsigaw ni Andrew ng, 'Umalis ka hindi kita kailangan' halos buhatin siya ni Lorenzo mula sa pagkakahiga niya sa tabi ni Andrew. Ewan nga lang niya kung inisip ba nitong sasaktan siya ni Andrew. Basta hindi niya napigilan ang magtitili nang maglapat ang mga katawan nila ni Lorenzo. Para kasing may bilyun-bilyong boltahe na nanulay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan ng mga sandaling iyon. Ah, talagang hindi niya nagugustuhan ang kanyang nararamdaman kaya nagtitili siya. Baka sakaling kapag ginawa niya iyon ay maalis din ang nararamdaman niyang hindi tama. At dahil sa pagsigaw niya ay bumalikwas din nang bangon ang utaknni Andrew. Bigla itong natauhan. "Anong nangyayari?"Kahit sa palagay

  • One More Night   Chapter 7 Ang Plano ni Lorenzo

    MABILIS na lumipas ang mga taon at nakatanggap na ng diploma si Joan pero hindi pa rin lubos ang kanyang kasiyahan. Hindi pa rin kasi niya natutupad ang kanyang ambisyon. Hindi pa niya nagagawang maging isang sikat na manunulat. Oo nga at nakakapagsulat na siya sa Heart Valentines, ang nangungunang Publication sa bansa pero hindi pa siya nakikilala ng husto. Ang ibig sana niya kahit nasa Pilipinas siya ay maka-level man lang niya ang kasikatan ni JK Rowling. Iyon nga lang romance ang sinusulat niya, hindi fantasy. "Magpakasal na tayo," wika ni Andrew na talagang nagpapitlag sa kanya. Hindi niya naiwasan ang makaramdam ng excitement dahil matagal na naman niya pinangarap na magpakasal kay Andrew, ngunit, hindi niya maiwasan ang kabahan ng todo. Tiyak niya kasing kapag nagpakasal sila at nagkaanak na ay mahihirapan na siyang tuparin pa ang kanyang pangarap. "Kailan?" Tanong niya sa halip sabihin ang gumugulo sa kanyang isip. Ayaw naman niya kasing saktan ang kalooban ni Andrew. Saka,

  • One More Night   Chapter 8 Ang Pagsusulat ni Joan

    BAKIT kaya? Hindi napigilang itanong ni Joan sa kanyang sarili nu'ng makatanggap siya ng tawag mula sa sekretarya ng Publisher ng Heart Valentines na si Vincent See.Ayon kay Jane, gustong makipag-meeting sa kanya ni Sir Vincent. "Aalis ka?" Gulat na tanong ng kanyang Mama Meldy. Awtomatiko ang naging pagngiti niya rito. "Pinapatawag po kasi ako ni Sir Vincent?""Vincent?" Gulat na tanong nito. "Iyon pong publisher ko," mabilis niyang sabi. Siyempre, ayaw naman niyang isipin nito na makikipag-date siya sa ibang lalaki. "Sasamahan ka ba ni Andrew?" Tanong ng kanyang madrasta. "May lakad po si Andrew ngayon kaya magku-commute na lang po ako," magalang niyang sabi rito. "Magdyi-dyip ka?" Gilalas nitong tanong. "Magga-grab po ako.""Taxi ang sasakyan mo?" Naninigurongntanong nito. "Opo.""Mabuti naman at hindi motor ang sasakyan mo," wika nito sabay buga. Wari'y nakahinga ito nang maluwag. Napangiti tuloy siya. Damang-dama.niya ang concern ng kanyang pangalawang ina kaya hindi ni

  • One More Night   Chapter 9 Ang Natupad na Plano ni Lorenzo

    DAHIL sa pagpunta ni Joan sa Paradise Resort ay mailalayo muna niya ito kay Andrew Sebastian. At siya naman ang biglang susulpot sa harapan nito para magpapansin. Very good. Sa kanyang isipan kasi, parang mai-imagine na niya ang susunod na mangyayari. Magkakaharap sila, aawayin siya ni Joan pero hindi niya ito papatulan. Sa halip ay magpapakita siya ng kabaitan dito. Tiyak niyang sa pamamagitan noon ay makukuha rin niya ang loob nito. Talaga ba? Nang-aasar na sabi ng isang bahagi ng kanyang utak. Napailing lang siya nang rumehistro sa kanyang isip ang mga pagsimangot at pagsusuplada sa kanya ni Joan. Bigla tuloy siyang napangiti. Kahit na galit na galit si Joan, lalo itong gumaganda sa kanyang paningin. Wala siyang pakialam kung mistulan man itong tigre na handang manakmal. Maganda naman kasi talaga si Joan kahit ang pula-pula ng mukha at nanlilisik ang mga mata dahil sa matinding galit. "Bakit ganyan ang ngiti mo?" Napapantastikuhang tanong ng tinig. Lumapad ang ngiti niya nang

  • One More Night   Chapter 10 Ang Pagtatagpo nina Lorenzo at Joan

    lPAKIRAMDAM ni Joan ay mayroong nagmamasid sa kanya kaya niyakap niya ang sarili. Wala naman kasi si Andrew para gawin iyon sa kanya kaya siya na lang muna ang magpuprotekta sa kanyang sarili. Panalangin na lang niya ay walang kapahamakan na mangyari sa kanya. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na solo siyang umalis. Dati kasi'y lagi niyang kasama si Andrew. Napabuntunghininga lang siya dahil ang totoo ay gustong sumama sa kanya ni Andrew pero tumanggi siya. Ang ikinatwiran niya rito ay hindi siya makapagku-concentrate sa kanyang pagsusulat. Kunsabagay, may katotohanan naman iyon dahil nakakatatlong chapters na siya ng kanyang sinusulat. "Hindi ka ba giniginaw?" Tanong ng isang lalaki buhat sa kanyang likuran. Kilalang-kilala niya ang boses ni Lorenzo kaya gilalas niya itong nilingon. "Anong ginagawa mo rito?" Gilalas niyang tanong. "Nagbabakasyon.""May kasama ka?" Tanong niya. Ewan niya kung bakit hindi pa man nito sinasabi na, 'oo may kasama ako' , parang naba-badtrip na

  • One More Night   Chapter 11 Sina Lorenzo at Joan

    MALI ito, naiinis na sabi ni Joan sa kanyang sarili dahil parang hindi niya magawang tanggihan si Lorenzo. Sabi kasi nito, hindi makabubuti kung babalik na siya agad sa kanyang pagsusulat gayung marami silang nakain. Lalo ka na, mariin niyang paalala sa kanyang sarili. "May deadline ako," wika niya sa mahinang tinig. Talaga kasing nagtatalo ang kanyang puso't isipan kung anong susundin, ang manatili sa tabi ni Lorenzo o magpunta na sa kanyang cottage para siya ay makapagsulat. Ang sabi ng kanyang utak, kailangan na niyang magsulat dahil iyon naman ang dahilan kaya naririto siya sa resort na ito. "Kahit may deadline ka kung hindi ka naman makakapagsulat, pagdating mo sa cottage mo, balewala rin.""Paano ka nakakasigurado dyan?" Naiinis niyang tanong pero sa pakiramdam niya ay mas naiinis siya siya sa kanyang sarili. "Tiyak kasing lagi mo akong maiisip," nagmamalaking sabi ni Lorenzo. "Ang yabang mo talaga!" Ang nais sana niya ay sabihin iyon kay Lorenzo ng buong katarayan pero pa

  • One More Night   Chapter 12 Ang Paglalapit nina Lorenzo at Joan 

    “HINDI ba nakakatakot dito?” kabadong tanong ni Joan pero alam niyang ang kabang kanyang nararamdaman dahil ang lakas-lakas talaga ng pintig ng kanyang puso. Pakiramdam nga niya’y isa iyong drum na ginagamitan ng pagkalaki-laking drumstick. Kaya, hindi siya magtataka kung sasabihin sa kanya ni Lorenzo na nadidinig nito ang sinasabi ng kanyang puso.Inaya kasi siya ni Lorenzon pasukin ang kuweba na kanilang nakita. Hinawakan ni Lorenzo ang kanyang palad kaya kahit gusto niyang tumanggi ay hindi na niya nagawa. Talaga kasing kinabahan siya ng husto nang hawakan nito ang kanyang pald. Pakiramdam niya kasi sa ginawa ni Lorenzo ay hinawakan na rin nito ang kanyang puso. Ang baduy mo! inis niyang sabi sa kanyang sarili pero hindi naman niya napigilan ang mapangiti. “Huwag kang matakot dahil kasama mo naman ako,” wika nitong malambing na malambing ang tinig.Nang sulyapan niya si Lorenzo, pakiramdam niya’y iyon ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa niya. Para kasing lalong nagwala ang k

Pinakabagong kabanata

  • One More Night   Chapter 13 Ang Pagkirot ng Puso ni Joan

    "HINDI mo ba tatanungin kung sino ang mahal ko?"Kahit nangangati na ang dila ni Joan na ibulalas ang katagang sino, hindi pa rin niya nagawa. Bigla kasi siyang kinabahan. Ibang klase naman kasi ang pagtitig sa kanya ni Lorenzo. Parang gusto nitong alamin ang laman ng kanyang puso. "Hindi ako interesado." Agad niyang iniwas kay Lorenzo ang kanyang tingin. Hindi niya kasi gustong makita nito ang kanyang mga mata dahil malalaman nitong nagsisinungaling siya. Para tuloy gusto niyang manggigil sa kanyang sarili. Hindi naman kasi siya dapat na magselos pero iyon ang nangyayari. Basta naramdaman na lang niyang parang may kamay na pumipiga sa kanyang puso. Dahil sa pag-iwas niya nang tingin kay Lorenzo ay noon lang niya nagawang pagmasdan ang paligid. Puro bato, hindi niya namalayan na nakaupo rin siya sa bato. Para kasi siyang naeengkanto kanina dahil naging sunud-sunuran lamang siya kay Lorenzo. At dahil doon, nakaramdam siya ng panggigigil. "Eh, bakit parang maiiyak ka?" nag-aalalang t

  • One More Night   Chapter 12 Ang Paglalapit nina Lorenzo at Joan 

    “HINDI ba nakakatakot dito?” kabadong tanong ni Joan pero alam niyang ang kabang kanyang nararamdaman dahil ang lakas-lakas talaga ng pintig ng kanyang puso. Pakiramdam nga niya’y isa iyong drum na ginagamitan ng pagkalaki-laking drumstick. Kaya, hindi siya magtataka kung sasabihin sa kanya ni Lorenzo na nadidinig nito ang sinasabi ng kanyang puso.Inaya kasi siya ni Lorenzon pasukin ang kuweba na kanilang nakita. Hinawakan ni Lorenzo ang kanyang palad kaya kahit gusto niyang tumanggi ay hindi na niya nagawa. Talaga kasing kinabahan siya ng husto nang hawakan nito ang kanyang pald. Pakiramdam niya kasi sa ginawa ni Lorenzo ay hinawakan na rin nito ang kanyang puso. Ang baduy mo! inis niyang sabi sa kanyang sarili pero hindi naman niya napigilan ang mapangiti. “Huwag kang matakot dahil kasama mo naman ako,” wika nitong malambing na malambing ang tinig.Nang sulyapan niya si Lorenzo, pakiramdam niya’y iyon ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa niya. Para kasing lalong nagwala ang k

  • One More Night   Chapter 11 Sina Lorenzo at Joan

    MALI ito, naiinis na sabi ni Joan sa kanyang sarili dahil parang hindi niya magawang tanggihan si Lorenzo. Sabi kasi nito, hindi makabubuti kung babalik na siya agad sa kanyang pagsusulat gayung marami silang nakain. Lalo ka na, mariin niyang paalala sa kanyang sarili. "May deadline ako," wika niya sa mahinang tinig. Talaga kasing nagtatalo ang kanyang puso't isipan kung anong susundin, ang manatili sa tabi ni Lorenzo o magpunta na sa kanyang cottage para siya ay makapagsulat. Ang sabi ng kanyang utak, kailangan na niyang magsulat dahil iyon naman ang dahilan kaya naririto siya sa resort na ito. "Kahit may deadline ka kung hindi ka naman makakapagsulat, pagdating mo sa cottage mo, balewala rin.""Paano ka nakakasigurado dyan?" Naiinis niyang tanong pero sa pakiramdam niya ay mas naiinis siya siya sa kanyang sarili. "Tiyak kasing lagi mo akong maiisip," nagmamalaking sabi ni Lorenzo. "Ang yabang mo talaga!" Ang nais sana niya ay sabihin iyon kay Lorenzo ng buong katarayan pero pa

  • One More Night   Chapter 10 Ang Pagtatagpo nina Lorenzo at Joan

    lPAKIRAMDAM ni Joan ay mayroong nagmamasid sa kanya kaya niyakap niya ang sarili. Wala naman kasi si Andrew para gawin iyon sa kanya kaya siya na lang muna ang magpuprotekta sa kanyang sarili. Panalangin na lang niya ay walang kapahamakan na mangyari sa kanya. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na solo siyang umalis. Dati kasi'y lagi niyang kasama si Andrew. Napabuntunghininga lang siya dahil ang totoo ay gustong sumama sa kanya ni Andrew pero tumanggi siya. Ang ikinatwiran niya rito ay hindi siya makapagku-concentrate sa kanyang pagsusulat. Kunsabagay, may katotohanan naman iyon dahil nakakatatlong chapters na siya ng kanyang sinusulat. "Hindi ka ba giniginaw?" Tanong ng isang lalaki buhat sa kanyang likuran. Kilalang-kilala niya ang boses ni Lorenzo kaya gilalas niya itong nilingon. "Anong ginagawa mo rito?" Gilalas niyang tanong. "Nagbabakasyon.""May kasama ka?" Tanong niya. Ewan niya kung bakit hindi pa man nito sinasabi na, 'oo may kasama ako' , parang naba-badtrip na

  • One More Night   Chapter 9 Ang Natupad na Plano ni Lorenzo

    DAHIL sa pagpunta ni Joan sa Paradise Resort ay mailalayo muna niya ito kay Andrew Sebastian. At siya naman ang biglang susulpot sa harapan nito para magpapansin. Very good. Sa kanyang isipan kasi, parang mai-imagine na niya ang susunod na mangyayari. Magkakaharap sila, aawayin siya ni Joan pero hindi niya ito papatulan. Sa halip ay magpapakita siya ng kabaitan dito. Tiyak niyang sa pamamagitan noon ay makukuha rin niya ang loob nito. Talaga ba? Nang-aasar na sabi ng isang bahagi ng kanyang utak. Napailing lang siya nang rumehistro sa kanyang isip ang mga pagsimangot at pagsusuplada sa kanya ni Joan. Bigla tuloy siyang napangiti. Kahit na galit na galit si Joan, lalo itong gumaganda sa kanyang paningin. Wala siyang pakialam kung mistulan man itong tigre na handang manakmal. Maganda naman kasi talaga si Joan kahit ang pula-pula ng mukha at nanlilisik ang mga mata dahil sa matinding galit. "Bakit ganyan ang ngiti mo?" Napapantastikuhang tanong ng tinig. Lumapad ang ngiti niya nang

  • One More Night   Chapter 8 Ang Pagsusulat ni Joan

    BAKIT kaya? Hindi napigilang itanong ni Joan sa kanyang sarili nu'ng makatanggap siya ng tawag mula sa sekretarya ng Publisher ng Heart Valentines na si Vincent See.Ayon kay Jane, gustong makipag-meeting sa kanya ni Sir Vincent. "Aalis ka?" Gulat na tanong ng kanyang Mama Meldy. Awtomatiko ang naging pagngiti niya rito. "Pinapatawag po kasi ako ni Sir Vincent?""Vincent?" Gulat na tanong nito. "Iyon pong publisher ko," mabilis niyang sabi. Siyempre, ayaw naman niyang isipin nito na makikipag-date siya sa ibang lalaki. "Sasamahan ka ba ni Andrew?" Tanong ng kanyang madrasta. "May lakad po si Andrew ngayon kaya magku-commute na lang po ako," magalang niyang sabi rito. "Magdyi-dyip ka?" Gilalas nitong tanong. "Magga-grab po ako.""Taxi ang sasakyan mo?" Naninigurongntanong nito. "Opo.""Mabuti naman at hindi motor ang sasakyan mo," wika nito sabay buga. Wari'y nakahinga ito nang maluwag. Napangiti tuloy siya. Damang-dama.niya ang concern ng kanyang pangalawang ina kaya hindi ni

  • One More Night   Chapter 7 Ang Plano ni Lorenzo

    MABILIS na lumipas ang mga taon at nakatanggap na ng diploma si Joan pero hindi pa rin lubos ang kanyang kasiyahan. Hindi pa rin kasi niya natutupad ang kanyang ambisyon. Hindi pa niya nagagawang maging isang sikat na manunulat. Oo nga at nakakapagsulat na siya sa Heart Valentines, ang nangungunang Publication sa bansa pero hindi pa siya nakikilala ng husto. Ang ibig sana niya kahit nasa Pilipinas siya ay maka-level man lang niya ang kasikatan ni JK Rowling. Iyon nga lang romance ang sinusulat niya, hindi fantasy. "Magpakasal na tayo," wika ni Andrew na talagang nagpapitlag sa kanya. Hindi niya naiwasan ang makaramdam ng excitement dahil matagal na naman niya pinangarap na magpakasal kay Andrew, ngunit, hindi niya maiwasan ang kabahan ng todo. Tiyak niya kasing kapag nagpakasal sila at nagkaanak na ay mahihirapan na siyang tuparin pa ang kanyang pangarap. "Kailan?" Tanong niya sa halip sabihin ang gumugulo sa kanyang isip. Ayaw naman niya kasing saktan ang kalooban ni Andrew. Saka,

  • One More Night   Chapter 6 Ang Damdamin ni Lorenzo

    MALALIM na buntunghininga muna ang pinawalan ni Joan bago niya sinagot ang tanong ni Andrew. "Hindi na nga ako galit sa'yo," buong diin niyang sabi. Gusto kasi niyang isaksak sa isipan ni Andrew ang katotohanan na iyon, ngunit, hindi rin mabura sa isipan niya ang reaksyon ni Lorenzo. Dahil sa pagsigaw ni Andrew ng, 'Umalis ka hindi kita kailangan' halos buhatin siya ni Lorenzo mula sa pagkakahiga niya sa tabi ni Andrew. Ewan nga lang niya kung inisip ba nitong sasaktan siya ni Andrew. Basta hindi niya napigilan ang magtitili nang maglapat ang mga katawan nila ni Lorenzo. Para kasing may bilyun-bilyong boltahe na nanulay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan ng mga sandaling iyon. Ah, talagang hindi niya nagugustuhan ang kanyang nararamdaman kaya nagtitili siya. Baka sakaling kapag ginawa niya iyon ay maalis din ang nararamdaman niyang hindi tama. At dahil sa pagsigaw niya ay bumalikwas din nang bangon ang utaknni Andrew. Bigla itong natauhan. "Anong nangyayari?"Kahit sa palagay

  • One More Night   Chapter 5 Nakatakda na Ikasal sina Andrew at Joan

    YES, 'yan ang nagawang isagot ni Joan nang tanungin siya ni Andrew kung pakakasalan ba niya ito. Talaga naman kasi pangarap niya ang magkaroon ng asawa – ang maging mister si Andrew Sebastian. Ngunit, ngayon, bakit nagdadalawang isip siya? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Ipinilig lang niya ang ulo sa ideyang nagbago na ang damdamin niya kay Andrew. Hinding-hindi naman kasi mangyayari iyon. Napakaimposible. Dahil bata pa lang sila ay mahal na mahal na niya si Andrew. Talaga lang sa paglipas ng panahon ay may mga nadadagdag sa pinapangarap natin.AB Mass communication ang kursong pinili niya dahil nais niyang maging tanyag na manunulat. Hindi iyon nagugustuhan ng kanyang ama dahil sa palagay nito, walang kapupuntahan ang pangarap niyang iyon kaya gusto niyang patunayan sa ama na kaya niya. Mahal na mahal man niya ang kanyang Papa, hindi niya gustong sundin ang suhestiyon nitong kumuha siya ng Business Management man lang. Wala naman kasi siyang hilig sa negosyo. Napabuntunghininga

DMCA.com Protection Status