YES, 'yan ang nagawang isagot ni Joan nang tanungin siya ni Andrew kung pakakasalan ba niya ito. Talaga naman kasi pangarap niya ang magkaroon ng asawa – ang maging mister si Andrew Sebastian.
Ngunit, ngayon, bakit nagdadalawang isip siya? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Ipinilig lang niya ang ulo sa ideyang nagbago na ang damdamin niya kay Andrew. Hinding-hindi naman kasi mangyayari iyon. Napakaimposible. Dahil bata pa lang sila ay mahal na mahal na niya si Andrew. Talaga lang sa paglipas ng panahon ay may mga nadadagdag sa pinapangarap natin.AB Mass communication ang kursong pinili niya dahil nais niyang maging tanyag na manunulat. Hindi iyon nagugustuhan ng kanyang ama dahil sa palagay nito, walang kapupuntahan ang pangarap niyang iyon kaya gusto niyang patunayan sa ama na kaya niya. Mahal na mahal man niya ang kanyang Papa, hindi niya gustong sundin ang suhestiyon nitong kumuha siya ng Business Management man lang. Wala naman kasi siyang hilig sa negosyo.Napabuntunghininga siya. Alam niyang dahil doon ay na-disappoint na naman niya ang kanyang ama pero ano bang magagawa niya kung hindi niya kayang gawin ang hindi niya gusto. Hindi siya ang tipo ng tao na nagpapanggap na masaya sa isang tao o bagay kahit hindi naman.Talaga ba? Sarkastikong tanong niya sa sarili. Kaya pala …Tumigil ka, singhal niya sa atribidang bahagi ng kanyang isipan."Happy ka ba?" Nagtatakang tanong ni Andrew."Of course," mabilis niyang sabi. Siyempre, ayaw niyang sumama ang loob nito kapag nalaman nitong mayroong gumugulo sa kanyang utak.Sa utak lang ba? Tanong na naman ng atribidang utak niya. Ngunit, isip lang ba niya ang nagtatanong? Bakit ang puso niya ay panay ang react kapag napapatingin siya kay Lorenzo"Hindi halata," sarkastikong sabi naman ng impaktong si Lorenzo.Sa inis tuloy niya rito, hindi niya tuloy napigilan ang sariling bigyan ito matalim na tingin. Kung maaari nga lang ay gusto niya itong bumulagta at bumagsak ng duguan. Ngunit, walang kakayahan ang mga mata niya para makapagbato ng palakol."Pwede ba umuwi ka na," inis niyang sabi."Nope," wika nito. "Magkasama tayong pumunta rito kaya magkasama rin tayong aalis.""Feeling mo talaga kuya kita.""Hah, kailanman hindi kita gugustuhing maging kapatid."Naningkit lalo ang mga mata niya sa sinabi nito. "The feeling is mutual.""Sana lang ay pareho ang dahilan natin," wika nito.Kumunot tuloy ang noo niya sa sinabi ni Lorenzo. Gusto sana niyang itanong kung ano ang ibig nitong sabihin pero hindi siya nakasisiguro kung magugustuhan ba niya ang maaari nitong isagot."Hayaan mo na lang siya sa gusto niya," wika naman ni Andrew.Ibig sana niyang kontrahin ang sinabi nito pero tumango na lang siya. Ayaw naman niya bigyan ng stress ang kanyang mahal. Kahit sinabi ni Andrew na okay na ang pakiramdam nito, ayaw pa rin niyang maniwala. Kung talaga kasing okay na ito ay dapat bigyan ito ng go signal ng doctor na lumabas."Ewan ko nga ba kung bakit nagpi-feeling kuya yan ngayon," inis niyang sabi."Kuya nga ba?" Bulong nito pero nakarating pa rin iyon sa kanyang pandinig.Kahit alam na alam niya ang ibig sabihin ni Andrew, hindi niya makuhang mairita sa sinabi nito. Ewan lang niya kung dahil mas gusto niyang matawa sa sinabi ni Andrew o baka naman may kaba siyang naramdaman kung sakali lang totoo ang hinala nito. Tiyak kasi niyang kailanman ay hindi siya itatrato ni Lorenzo bilang kapatid ngunit sa mga titig nito sa kanya ay sigurado niyang mayroon iyong ibig sabihin."Nagdadalawang isip ka na bang magpakasal sa akin?" Tanong sa kanya ni Andrew."Hindi, ah," mabilis niyang sabi. Hindi niya kasi gustong nàkakàaninag ng lungkot sa boses ni Andrew. "Naisip ko lang na napakabata pa natin para magpakasal.""Eight years old pa nga lang tayo, gusto na natin magpunta sa simbahan at sabihin sa pari na gusto na natin magpakasal."Hindi niya napigilan ang mapahagikgik sa sinabi ni Andrew. Totoo naman kasi iyon. Ngunit, pagkaraan ay natigilan siya. Matagal din niyang tinitigan si Andrew. Gusto niya siyempreng tiyakin kung handa ba itong tanggapin ang kanyang sasabihin."Kasi ano, eh," wika niyang hindi agad makahagilap ng tamang salitang dapat ibulalas. "Gusto ko munang mag-concentrate sa pangarap ko.""Magagawa mo naman makapagsulat kahit kasal na tayo. Hindi naman kita pagbabawalan. Susuportahan pa kita." Pagkaraan ng ilang saglit, malalim na buntunghininga kanyang pinawalan. "Pero, siyempre, hindi naman kita pipilitin.""Basta fiance na kita at fiancee mo na ako. Hindi na tayo pwedeng maghanap ng iba," buong diin niyang sabi. Ewan nga lang niya kung bakit sa palagay niya'y higit niyang sinasabi iyon sa sarili."Maghihiwalay din kayo," buwisit naman na sabi ni Lorenzo.ALAM naman ni Lorenzo na wala siyang karapatan na magselos pero hindi niya maiwasan. Mahal naman kasi niya si Joan mga bata pa lang sila. Kaya, nga lagi siyang nakabuntot dito at enjoy na enjoy siyang asarin ang maganda niyang stepsister. Ngunit, kahit anong gawin niya, masama ang tingin nito sa kanya.Kahit mahal niya ang kanyang ina, pinili niyang sumama sa kanyang ama. Si Joan ang dahilan. Alam niyang nagseselos ito sa kanya at ayaw niyang lumala ang galit nito sa kanya kaya minabuti niyang bahagyang lumayo. Bahagya lang dahil hindi rin naman niya kayang di ito nakikita sa isang araw.Para rin siyang pinapatay sa matinding selos kapag nakikita niya si Joan na kasama si Andrew. Alam kasi niyang darating ang araw na magkakatuluyan ang mga ito. At hindi niya iyon mapapayagan.Hindi naman niya sinabing hindi niya hahayaan na nagkatuluyan sina Andrew at Joan dahil lamang sa kanyang sarili kundi dahil sa palagay niya'y hindi naman lubos ang pagmamahal ng dalawa sa isa't isa. At naramdaman niya iyon ng debut ni Joan.Kung talaga kasing mahal ni Joan si Andrew, makikita niya talaga ang lungkot sa mga mata nito nu'ng hindi dumating si Andrew pero para itong nagka-amnesia nu'ng magkasayaw sila. Para ngang kampanteng-kampante si Joan noon sa kanyang dibdib.At ganoon din ang nararamdaman niya kay Joan ng mga sandaling iyon. Bigla tuloy lumipad ang tingin niya kay Joan nang maisip niyang pareho lang sila ng nararamdaman.PAKIRAMDAM ni Joan ay may mga matang nakatingin sa kanya kaya agad niyang iminulat ang kanyang mga mata. Hindi kasi siya kampante roon."What?" wika niya saka lalong nagsumiksik sa kanyang malaking teddy bear."Talagang tinabihan mo pa dyan sa hospital bed si Andrew." Naniningkit anh mga matang sabi naman ni Lorenzo."Pakialam mo ba?" Inis niyang tanong kay Lorenzo. Sa klase kasi ng pananalita ni Lorenzo"Kakahiya.""Hindi ka kasi sweet.""Dapat nasa lugar ang sweetness."Natawa siya sa kaseryosohan na naaaninag sa boses ni Lorenzo. Para kasing iritadung-iritado ito."Naiinggit ka ba?" Nanunudyong sabi niya. "Yes."Malapad na malapad ang ngiti niya ng sabihin ang mga salitang iyon pero biglang napawi sa sinabi nito. Ewan niya kung bakit parang may ibig itong sabihin lalo pa't diretso itong nakatingin sa kanyang mga mata."Gusto mong ikaw tumabi kay Andrew.""Ikaw ang gusto kong tabihan," wika ni Lorenzo.Hindi niya nakuhang mag-react sa sinabi nito sa ilang kadahilanan. Una, may kakaiba siyang init na naramdaman sa sinabi nito. Ibig sana niyang magalit pero hindi niya nagawa. Pangalawa, si Andrew ay umuungol na para bang hirap na hirap.Gigisingin sana niya ito pero bigla itong bumalikwas nang bangon. "Umalis ka hindi kita kailangan."MALALIM na buntunghininga muna ang pinawalan ni Joan bago niya sinagot ang tanong ni Andrew. "Hindi na nga ako galit sa'yo," buong diin niyang sabi. Gusto kasi niyang isaksak sa isipan ni Andrew ang katotohanan na iyon, ngunit, hindi rin mabura sa isipan niya ang reaksyon ni Lorenzo. Dahil sa pagsigaw ni Andrew ng, 'Umalis ka hindi kita kailangan' halos buhatin siya ni Lorenzo mula sa pagkakahiga niya sa tabi ni Andrew. Ewan nga lang niya kung inisip ba nitong sasaktan siya ni Andrew. Basta hindi niya napigilan ang magtitili nang maglapat ang mga katawan nila ni Lorenzo. Para kasing may bilyun-bilyong boltahe na nanulay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan ng mga sandaling iyon. Ah, talagang hindi niya nagugustuhan ang kanyang nararamdaman kaya nagtitili siya. Baka sakaling kapag ginawa niya iyon ay maalis din ang nararamdaman niyang hindi tama. At dahil sa pagsigaw niya ay bumalikwas din nang bangon ang utaknni Andrew. Bigla itong natauhan. "Anong nangyayari?"Kahit sa palagay
MABILIS na lumipas ang mga taon at nakatanggap na ng diploma si Joan pero hindi pa rin lubos ang kanyang kasiyahan. Hindi pa rin kasi niya natutupad ang kanyang ambisyon. Hindi pa niya nagagawang maging isang sikat na manunulat. Oo nga at nakakapagsulat na siya sa Heart Valentines, ang nangungunang Publication sa bansa pero hindi pa siya nakikilala ng husto. Ang ibig sana niya kahit nasa Pilipinas siya ay maka-level man lang niya ang kasikatan ni JK Rowling. Iyon nga lang romance ang sinusulat niya, hindi fantasy. "Magpakasal na tayo," wika ni Andrew na talagang nagpapitlag sa kanya. Hindi niya naiwasan ang makaramdam ng excitement dahil matagal na naman niya pinangarap na magpakasal kay Andrew, ngunit, hindi niya maiwasan ang kabahan ng todo. Tiyak niya kasing kapag nagpakasal sila at nagkaanak na ay mahihirapan na siyang tuparin pa ang kanyang pangarap. "Kailan?" Tanong niya sa halip sabihin ang gumugulo sa kanyang isip. Ayaw naman niya kasing saktan ang kalooban ni Andrew. Saka,
BAKIT kaya? Hindi napigilang itanong ni Joan sa kanyang sarili nu'ng makatanggap siya ng tawag mula sa sekretarya ng Publisher ng Heart Valentines na si Vincent See.Ayon kay Jane, gustong makipag-meeting sa kanya ni Sir Vincent. "Aalis ka?" Gulat na tanong ng kanyang Mama Meldy. Awtomatiko ang naging pagngiti niya rito. "Pinapatawag po kasi ako ni Sir Vincent?""Vincent?" Gulat na tanong nito. "Iyon pong publisher ko," mabilis niyang sabi. Siyempre, ayaw naman niyang isipin nito na makikipag-date siya sa ibang lalaki. "Sasamahan ka ba ni Andrew?" Tanong ng kanyang madrasta. "May lakad po si Andrew ngayon kaya magku-commute na lang po ako," magalang niyang sabi rito. "Magdyi-dyip ka?" Gilalas nitong tanong. "Magga-grab po ako.""Taxi ang sasakyan mo?" Naninigurongntanong nito. "Opo.""Mabuti naman at hindi motor ang sasakyan mo," wika nito sabay buga. Wari'y nakahinga ito nang maluwag. Napangiti tuloy siya. Damang-dama.niya ang concern ng kanyang pangalawang ina kaya hindi ni
DAHIL sa pagpunta ni Joan sa Paradise Resort ay mailalayo muna niya ito kay Andrew Sebastian. At siya naman ang biglang susulpot sa harapan nito para magpapansin. Very good. Sa kanyang isipan kasi, parang mai-imagine na niya ang susunod na mangyayari. Magkakaharap sila, aawayin siya ni Joan pero hindi niya ito papatulan. Sa halip ay magpapakita siya ng kabaitan dito. Tiyak niyang sa pamamagitan noon ay makukuha rin niya ang loob nito. Talaga ba? Nang-aasar na sabi ng isang bahagi ng kanyang utak. Napailing lang siya nang rumehistro sa kanyang isip ang mga pagsimangot at pagsusuplada sa kanya ni Joan. Bigla tuloy siyang napangiti. Kahit na galit na galit si Joan, lalo itong gumaganda sa kanyang paningin. Wala siyang pakialam kung mistulan man itong tigre na handang manakmal. Maganda naman kasi talaga si Joan kahit ang pula-pula ng mukha at nanlilisik ang mga mata dahil sa matinding galit. "Bakit ganyan ang ngiti mo?" Napapantastikuhang tanong ng tinig. Lumapad ang ngiti niya nang
lPAKIRAMDAM ni Joan ay mayroong nagmamasid sa kanya kaya niyakap niya ang sarili. Wala naman kasi si Andrew para gawin iyon sa kanya kaya siya na lang muna ang magpuprotekta sa kanyang sarili. Panalangin na lang niya ay walang kapahamakan na mangyari sa kanya. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na solo siyang umalis. Dati kasi'y lagi niyang kasama si Andrew. Napabuntunghininga lang siya dahil ang totoo ay gustong sumama sa kanya ni Andrew pero tumanggi siya. Ang ikinatwiran niya rito ay hindi siya makapagku-concentrate sa kanyang pagsusulat. Kunsabagay, may katotohanan naman iyon dahil nakakatatlong chapters na siya ng kanyang sinusulat. "Hindi ka ba giniginaw?" Tanong ng isang lalaki buhat sa kanyang likuran. Kilalang-kilala niya ang boses ni Lorenzo kaya gilalas niya itong nilingon. "Anong ginagawa mo rito?" Gilalas niyang tanong. "Nagbabakasyon.""May kasama ka?" Tanong niya. Ewan niya kung bakit hindi pa man nito sinasabi na, 'oo may kasama ako' , parang naba-badtrip na
MALI ito, naiinis na sabi ni Joan sa kanyang sarili dahil parang hindi niya magawang tanggihan si Lorenzo. Sabi kasi nito, hindi makabubuti kung babalik na siya agad sa kanyang pagsusulat gayung marami silang nakain. Lalo ka na, mariin niyang paalala sa kanyang sarili. "May deadline ako," wika niya sa mahinang tinig. Talaga kasing nagtatalo ang kanyang puso't isipan kung anong susundin, ang manatili sa tabi ni Lorenzo o magpunta na sa kanyang cottage para siya ay makapagsulat. Ang sabi ng kanyang utak, kailangan na niyang magsulat dahil iyon naman ang dahilan kaya naririto siya sa resort na ito. "Kahit may deadline ka kung hindi ka naman makakapagsulat, pagdating mo sa cottage mo, balewala rin.""Paano ka nakakasigurado dyan?" Naiinis niyang tanong pero sa pakiramdam niya ay mas naiinis siya siya sa kanyang sarili. "Tiyak kasing lagi mo akong maiisip," nagmamalaking sabi ni Lorenzo. "Ang yabang mo talaga!" Ang nais sana niya ay sabihin iyon kay Lorenzo ng buong katarayan pero pa
“HINDI ba nakakatakot dito?” kabadong tanong ni Joan pero alam niyang ang kabang kanyang nararamdaman dahil ang lakas-lakas talaga ng pintig ng kanyang puso. Pakiramdam nga niya’y isa iyong drum na ginagamitan ng pagkalaki-laking drumstick. Kaya, hindi siya magtataka kung sasabihin sa kanya ni Lorenzo na nadidinig nito ang sinasabi ng kanyang puso.Inaya kasi siya ni Lorenzon pasukin ang kuweba na kanilang nakita. Hinawakan ni Lorenzo ang kanyang palad kaya kahit gusto niyang tumanggi ay hindi na niya nagawa. Talaga kasing kinabahan siya ng husto nang hawakan nito ang kanyang pald. Pakiramdam niya kasi sa ginawa ni Lorenzo ay hinawakan na rin nito ang kanyang puso. Ang baduy mo! inis niyang sabi sa kanyang sarili pero hindi naman niya napigilan ang mapangiti. “Huwag kang matakot dahil kasama mo naman ako,” wika nitong malambing na malambing ang tinig.Nang sulyapan niya si Lorenzo, pakiramdam niya’y iyon ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa niya. Para kasing lalong nagwala ang k
"HINDI mo ba tatanungin kung sino ang mahal ko?"Kahit nangangati na ang dila ni Joan na ibulalas ang katagang sino, hindi pa rin niya nagawa. Bigla kasi siyang kinabahan. Ibang klase naman kasi ang pagtitig sa kanya ni Lorenzo. Parang gusto nitong alamin ang laman ng kanyang puso. "Hindi ako interesado." Agad niyang iniwas kay Lorenzo ang kanyang tingin. Hindi niya kasi gustong makita nito ang kanyang mga mata dahil malalaman nitong nagsisinungaling siya. Para tuloy gusto niyang manggigil sa kanyang sarili. Hindi naman kasi siya dapat na magselos pero iyon ang nangyayari. Basta naramdaman na lang niyang parang may kamay na pumipiga sa kanyang puso. Dahil sa pag-iwas niya nang tingin kay Lorenzo ay noon lang niya nagawang pagmasdan ang paligid. Puro bato, hindi niya namalayan na nakaupo rin siya sa bato. Para kasi siyang naeengkanto kanina dahil naging sunud-sunuran lamang siya kay Lorenzo. At dahil doon, nakaramdam siya ng panggigigil. "Eh, bakit parang maiiyak ka?" nag-aalalang t

MALALIM na buntunghininga muna ang pinawalan ni Joan bago niya sinagot ang tanong ni Andrew. "Hindi na nga ako galit sa'yo," buong diin niyang sabi. Gusto kasi niyang isaksak sa isipan ni Andrew ang katotohanan na iyon, ngunit, hindi rin mabura sa isipan niya ang reaksyon ni Lorenzo. Dahil sa pagsigaw ni Andrew ng, 'Umalis ka hindi kita kailangan' halos buhatin siya ni Lorenzo mula sa pagkakahiga niya sa tabi ni Andrew. Ewan nga lang niya kung inisip ba nitong sasaktan siya ni Andrew. Basta hindi niya napigilan ang magtitili nang maglapat ang mga katawan nila ni Lorenzo. Para kasing may bilyun-bilyong boltahe na nanulay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan ng mga sandaling iyon. Ah, talagang hindi niya nagugustuhan ang kanyang nararamdaman kaya nagtitili siya. Baka sakaling kapag ginawa niya iyon ay maalis din ang nararamdaman niyang hindi tama. At dahil sa pagsigaw niya ay bumalikwas din nang bangon ang utaknni Andrew. Bigla itong natauhan. "Anong nangyayari?"Kahit sa palagay
YES, 'yan ang nagawang isagot ni Joan nang tanungin siya ni Andrew kung pakakasalan ba niya ito. Talaga naman kasi pangarap niya ang magkaroon ng asawa – ang maging mister si Andrew Sebastian. Ngunit, ngayon, bakit nagdadalawang isip siya? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Ipinilig lang niya ang ulo sa ideyang nagbago na ang damdamin niya kay Andrew. Hinding-hindi naman kasi mangyayari iyon. Napakaimposible. Dahil bata pa lang sila ay mahal na mahal na niya si Andrew. Talaga lang sa paglipas ng panahon ay may mga nadadagdag sa pinapangarap natin.AB Mass communication ang kursong pinili niya dahil nais niyang maging tanyag na manunulat. Hindi iyon nagugustuhan ng kanyang ama dahil sa palagay nito, walang kapupuntahan ang pangarap niyang iyon kaya gusto niyang patunayan sa ama na kaya niya. Mahal na mahal man niya ang kanyang Papa, hindi niya gustong sundin ang suhestiyon nitong kumuha siya ng Business Management man lang. Wala naman kasi siyang hilig sa negosyo. Napabuntunghininga