Home / Romance / One More Night / Chapter 3 Ang Relasyon nina Andrew at Joan

Share

Chapter 3 Ang Relasyon nina Andrew at Joan

last update Last Updated: 2023-07-26 11:57:21

"WILL you be my escort?" Kabadung-kabadong tanong ni Joan kay Andrew. Kahit naman kasi may mutual understanding sila ng kanyang best friend mula pagkabata, gusto pa rin niyang makasigurado na ito ang magiging partner niya sa napakahalagang okasyon sa kanyang buhay – ang debut niya.

"Of course," mabilis at madiin na sabi ni Andrew na parang napapantastikuhan sa kanyang tanong. "Ako ang boyfriend mo kaya dapat lang na ako ang maging escort mo."

"B-boyfriend kita?" Gilalas niyang tanong.

Kumunot ang noo ni Andrew sa pagkakatitig sa kanya. "Bakit parang hindi mo alam?"

"Nanligaw ka ba?" Mangha pa rin niyang tanong. Sa isip niya kasi, ang manliligaw ay may dala palaging roses at chocolate sa kanyang nililigawan pero hindi iyon ang laging dala ni Andrew sa kanya kundi milk tea at pizza. Sa kaisipang iyon, hindi niya napigilan ang mapangiti. Favorite niya kasi ang mga iyon.

"Eight years old pa lang tayo, mag-sweetheart na tayo. Hindi nga ba gusto na natin magpakasal noon?"

Sa pagbabalik alaala sa nakaraan, hindi niya napigilan ang mapangiti. Nawala lang ang ngiti sa kanyang labi nu'ng biglang sumuot sa kanyang isipan ang dakilang kontrabida ng kanyang buhay – si Lorenzo. Dahil kasi sa presensya ng kanyang 'stepbrother', napurnada ang 'kasal' nila ni Andrew.

"Parang gusto ko na magselos."

"Ano?" Gilalas niyang tanong kay Andrew. Hindi niya kasi naintindihan ang sinasabi nito.

"Sa ekspresyon pa lang ng mukha mo, alam ko na kung sino ang biglang sumingit. Si Lorenzo."

"Palagi na lang niya kasing kinokontra ang nangyayari sa ating dalawa," aniyang hindi napigilang ibulalas ang mga salitang iyon. Kahit tuloy hindi siya nakatingin sa harap ng salamin, alam niyang ang pula-pulang kanyang mukha.

"Ang tindi talaga ng galit mo sa'yong step brother," marahan sabi sa kanya ni Andrew.

"Buwisit kasi siya," wika niyang pinaningkit pa sng mga mata.

" The more you hate the more you love," wika ni Andrew.

Gilalas siyang na patingin dito. "Bakit ko naman siya mamahalin?"

"Dahil kapatid mo naman siya," mabilis naman sabi ni Andrew.

"He is not my brother," buong diin niyang sabi.

"He is your step brother. Technically,kapamilya na."

"Unfortunately," matabang na sabi. "Huwag na natin siyang pag-usapan. Maba-badtrip lang ako. Basta ako, excited na sa debut ko dahil ikaw ang escort ko."

"Me too. Me too," wika ni Andrew.

Napakunot tuloy ang kanyang noo sa winikang 'yun ni Andrew. Para kasi itong wala sa sarili ng mga sandaling iyon. Hindi tuloy niya napigilang isipin na baka may inihahanda itong surpresa sa kanyang birthday.

Oh, bigla tuloy siyang na excite.

WILL you be my wife? Tanong ni Andrew habang nakaharap siya sa salamin. Iyon kasi ang gusto niyang itanong sa debut nito at umaasa siyang hindi siya nito bibiguin.

Of course, mariin niyang sabi sa sarili. Alam niyang mahal niya si Joan, na talagang nagmamahalan sila. Wala naman kasing dahilan para magsabi ng 'no' sa kanya si Joan dahil mga bata pa lang sila ay pinangarap na niyang makaisang dibdib si Joan at nakasisigurado siyang hindi mababago iyon. Tiyak din niyang siya lamang ang mahal nito. Wala ng iba.

"BAKIT hanggang ngayon wala pa si Andrew?" Naiiyak ng tanong ni Joan.

"Malamang hindi na siya pupunta," parang walang anumang sabi ng boses ng lalaking kinabubuwisitan niya.

Kung ibang pagkakataon lang ay tatarayan niya ang pambubuwisit na iyon ni Lorenzo, sa pagkakataon na iyon ay sobra siyang naapektuhan. Paano nga kung tama ang sinabi ng kanyang stepbrother.

"Lorenzo, tumigil ka nga!" Wika naman ng kanyang Mama Meldy. "Hindi ka nakakatulong."

"Ako na lang ang escort mo," wika ni Lorenzo.

No way! Iyon ang gusto niyang sabihin ng mga sandaling iyon pero hindi niya magawa. Ilang minuto na lang kasi ay magsisimula na ang programa.ng kanyang debut kaya magmumukha siyang katawa-tawa kung wala siyang escort.

Si Andrew ang kanyang escort, naghihinaing na angal ng kanyang puso.

Nasaan si Andrew? Tanong naman ng kanyang utak

"Sa lahat ng sinabi mo, anak, 'yan ang pinaka maigi mong gawin," wika ng kanyang Mama Meldy.

"No…" Hindi nga niya sinama si Lorenzo sa 18th roses niya dahil hindi naman sila close at hindi rin siya sigurado kung papayag ito na makabahagi sa kanyang kaarawan tapos ngayon, nagboboluntaryo itong maging escort pa niya.

Marahas na buntong hininga ang pinagmulan ni Lorenzo na parang iritadong-iritado. "Hindi ko naman ipinagpipilitan ang sarili ko. Gusto lang kitang tulungan para hindi ka magmukhang katawa-tawa."

"Baka dumating na si Andrew," nag-aalangan niyang sabi.

Bwisit si Lorenzo nang sumagot. "Kung darating siya dapat kanina pa."

"Hija, magsisimula na ang programa. Kailangan mo ng escort."

"Pero…"

"Halika na," mariing sabi ni Lorenzo nang hawakan na ang palad. Pinagsalikop pa iyon na parang sinasabing hindi na siya makakawala pa.

Dapat sana ay maaari mabuwisit siya sa kapangahasan ginawa ni Lorenzo ngunit hindi niya makuhang magtaray man lang kahit alam niyang si Andrew lamang ang dapat niyang maka-holding hands.

Kahit naman kasi na sa modernong panahon na sila, ibig pa rin ang maging konserbatibo. Si Andrew ang mahal niya kaya ang kamay nito ang dapat na hawak niya, pero, bakit hindi na mahila ang kanyang kamay? Bakit hindi niya maiparamdam kay Lorenzo ang kanyang pagtutol. Para ngang gusto rin niyang hawakan nang mahigpit ang kamay nito? Tapos para siyang nabingi dahil hindi na niya naririnig ang tugtog at sinasabi ng emcee. Ni hindi na rin niya magawang ilingon sa iba ang paligid. Para siyang nagka-stiff neck kaya parang sila lang ni Lorenzo ang nasa paligid.

Shucks, hindi napigil ang bulalas. Para tuloy biglang kumabog ang kanyang dibdib. Malakas na malakas at mabilis na mabilis ang pagpintig. Talaga kasing kinabahan siya. Para ngang wala itong pinagkaiba sa isang kriminal na nahuling gumagawa ng krimen.

Ano bang nangyayari? Tanong niya sa sarili.

Kinakabahan lang siya dahil hindi si Andrew ang magiging escort niya. Tama, iyon lang ang dahilan. Walang iba pa.

"What?" Tanong ni Andrew.

Ilang beses muna siya ng kumurap kurap bago sinagot ang tanong nito. "Paano pag dumating si Andrew?" Nahagilap niyang sabihin.

"Siya na ang magiging escort mo," mariing sabi ni Lorenzo.

Bigla tuloy siyang na-guilty. Kahit naman tanggap ng step brother niya na panakip butas lang ito sa pagiging escort , parang mabigat pa rin ang kanyang pakiramdam sa hindi niya malamang dahilan.

"Is it okay?" Tanong pa nito.

Nang salubungin niya ang mga mata nitong punung-puno ng pakiusap, parang hinaplos ang kanyang puso. Kita niya kasi ang sincerity sa mga mata nito. Para ring sinasabi sa kanya ni Lorenzo na pagbigyan na niya ito.

"Yes."

Ngumiti ito sa kanya na talaga namang ikinagulat niya. Matamis na matamis kasi ang ngiti nito sa kanya na para bang sinasabi na

Ewan niya kung bakit parang hindi niya kinaiinipan ang bawat segundo na kasama niya si Lorenzo. Kasalukuyan pa silang nagsasayaw. Buwisit siya rito kaya dapat sana ay pagkairita ang nararamdaman ni Joan pero iba ang nararamdaman niya. Para kasi siyang idinuduyan sa ulap ng mga sandaling iyon.

What? Gilalas niyang tanong sa sarili.

"YOU hate me that much," wika ni Lorenzo habang sinasayaw siya.

"Buti alam mo," inis na sabi ni Joan. Napabuntunghininga siya. Ang ibig niya ay ipadama sa buwisit niyang stepbrother na totoo ang sinabi nito pero parang mas nambubuwisit siya sa kanyang sarili. Para kasing wala siyang lakas na itulak ito gayung iyon naman talaga ang dapat niyang gawin.

Hindi sumagot si Lorenzo pero mas humigpit pa ang yakap nito sa kanya. Pakiwari niya tuloy, ayaw din siya nitong pawalan. Bigla tuloy niya ng naitanong sa sarili, bakit ayaw niyang kumawala sa yakap ni Lorenzo?

Hindi totoo iyan, sabi ng isipan niya. Gusto na sana niya itong itulak pero hindi niya magawa dahil ayaw naman niya itong mapahiya. Kahit naman kasi hindi siya lumingon sa paligid, alam niyang maraming mga mata ang nakatingin sa kanya.

Iyon ba ang dahilan? Buong kapantastikuhan niyang tanong sa sarili. Gusto niyang magsabi ng oo kahit sa sarili pero pakiramdam niya kapag ginawa niya iyon, mawawalan na siya ng dahilan para maamoy ito at mayakap.

At bakit mo kailangang gawin iyon? Gilalas niyang tanong sa sarili kahit alam na alam naman niya ang sagot.

"Sinungaling," marahang sabi sa kanya ni Lorenzo.

"Huwag kang magsimula," wika niya sa halip kontrahin ang sinabi ni Lorenzo. Ngunit, dahil sa ayaw na rin naman talaga niyang magsinungaling sa sarili ay marahan na niyang itinulak si Lorenzo kahit isang bahagi ng vital organ niya ang tumatanggi na gawin iyon.

"Kung talagang matindi ang galit mo sa akin, siguradong tatanggihan mo akong …"

"Ayoko lang mapahiya dahil…" Hindi niya napigilan ang sariling magbulalas ng 'oh my God'. "Si Andrew nga pala," aniyang pinagala-gala ang tingin sa paligid. Pilit niyang hinahagilap ang mukha nito sa mga naroroon.

Kung siya sana ang masusunod, hindi niya gugustuhin na makita nitong parang natutulala siya kay Lorenzo.

"Forget him."

"Boyfriend ko siya," mariin niyang sabi. Sa palagay niya ay kailangan talaga niyang ipagdikdikan ang mga salitang iyon para pumasok at rumehistro rin sa kanyang utak. Kailangan din tandaan niya na matalik na kaibigan niya si Andrew kaya sa anumang dahilan, hindi niyaa ito dapat saktan.

"Mahal mo ba?"

"Of course," buong diin niyang sabi. "Kaya nga magpapakasal kami."

"Dream on," wika nito saka siya hinapit sa baywang.

Dapat sana ay itulak niya si Lorenzo dahil hindi niya gusto ang sinabi nito. Pakiwari niya ay puno iyon ng kayabangan. Ngunit, talagang wala siyang lakas na gawin iyon. Hinayaan na lang niya ang sarili na makampante sa bisig nito. Pakiramdam nga niya ay nabubura rin sa isipan niya na si Andrew dapat ang kanyang escort.

Related chapters

  • One More Night   Chapter 4 Ang Dahilan ng Di Pagsulpot ni Andrew sa Debut ni Joan

    MALALIM na buntunghininga na naman ang pinawalan ni Joan habang pabalik-balik siya ng lakad. Paroo't parito siya dahil hindi niya malaman ang dapat niyang gawin. Magtatampo ba siya o mag-aalala? Sabi ng utak niya, dapat siyang magtampo kay Andrew dahil hindi siya nito sinipot sa mahalagang okasyon sa kanyang buhay gayung matagal na nilang napag usapan na ito lang ang escort niya, walang iba. Iyon nga lang, masyadong mahalaga sa kanya si Andrew para pangibabawin niya ang tampo rito. Saka, kilala niya ito. Hindi ito mag-a-absent sa kanyang debut kung walang mabigat na dahilan. Bigla tuloy siyang kinabahan, hindi kaya may nangyaring masama kay Andrew? Tiyak kasi niyang iyon lang ang magiging dahilan para maawat si Andrew sa pagpunta sa kanya. Sa kaisipang iyon, biglang sumakit ang kanyang ulo. Kinabahan kasi aiya talaga ng husto. "Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ng kanyang Mama Meldy. "Ouch," hindi niya napigilang ibulalas nang bumalandra siya sa kung saan. Ang mga salita kasi n

    Last Updated : 2023-07-27
  • One More Night   Chapter 5 Nakatakda na Ikasal sina Andrew at Joan

    YES, 'yan ang nagawang isagot ni Joan nang tanungin siya ni Andrew kung pakakasalan ba niya ito. Talaga naman kasi pangarap niya ang magkaroon ng asawa – ang maging mister si Andrew Sebastian. Ngunit, ngayon, bakit nagdadalawang isip siya? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Ipinilig lang niya ang ulo sa ideyang nagbago na ang damdamin niya kay Andrew. Hinding-hindi naman kasi mangyayari iyon. Napakaimposible. Dahil bata pa lang sila ay mahal na mahal na niya si Andrew. Talaga lang sa paglipas ng panahon ay may mga nadadagdag sa pinapangarap natin.AB Mass communication ang kursong pinili niya dahil nais niyang maging tanyag na manunulat. Hindi iyon nagugustuhan ng kanyang ama dahil sa palagay nito, walang kapupuntahan ang pangarap niyang iyon kaya gusto niyang patunayan sa ama na kaya niya. Mahal na mahal man niya ang kanyang Papa, hindi niya gustong sundin ang suhestiyon nitong kumuha siya ng Business Management man lang. Wala naman kasi siyang hilig sa negosyo. Napabuntunghininga

    Last Updated : 2023-07-30
  • One More Night   Chapter 6 Ang Damdamin ni Lorenzo

    MALALIM na buntunghininga muna ang pinawalan ni Joan bago niya sinagot ang tanong ni Andrew. "Hindi na nga ako galit sa'yo," buong diin niyang sabi. Gusto kasi niyang isaksak sa isipan ni Andrew ang katotohanan na iyon, ngunit, hindi rin mabura sa isipan niya ang reaksyon ni Lorenzo. Dahil sa pagsigaw ni Andrew ng, 'Umalis ka hindi kita kailangan' halos buhatin siya ni Lorenzo mula sa pagkakahiga niya sa tabi ni Andrew. Ewan nga lang niya kung inisip ba nitong sasaktan siya ni Andrew. Basta hindi niya napigilan ang magtitili nang maglapat ang mga katawan nila ni Lorenzo. Para kasing may bilyun-bilyong boltahe na nanulay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan ng mga sandaling iyon. Ah, talagang hindi niya nagugustuhan ang kanyang nararamdaman kaya nagtitili siya. Baka sakaling kapag ginawa niya iyon ay maalis din ang nararamdaman niyang hindi tama. At dahil sa pagsigaw niya ay bumalikwas din nang bangon ang utaknni Andrew. Bigla itong natauhan. "Anong nangyayari?"Kahit sa palagay

    Last Updated : 2023-08-01
  • One More Night   Chapter 7 Ang Plano ni Lorenzo

    MABILIS na lumipas ang mga taon at nakatanggap na ng diploma si Joan pero hindi pa rin lubos ang kanyang kasiyahan. Hindi pa rin kasi niya natutupad ang kanyang ambisyon. Hindi pa niya nagagawang maging isang sikat na manunulat. Oo nga at nakakapagsulat na siya sa Heart Valentines, ang nangungunang Publication sa bansa pero hindi pa siya nakikilala ng husto. Ang ibig sana niya kahit nasa Pilipinas siya ay maka-level man lang niya ang kasikatan ni JK Rowling. Iyon nga lang romance ang sinusulat niya, hindi fantasy. "Magpakasal na tayo," wika ni Andrew na talagang nagpapitlag sa kanya. Hindi niya naiwasan ang makaramdam ng excitement dahil matagal na naman niya pinangarap na magpakasal kay Andrew, ngunit, hindi niya maiwasan ang kabahan ng todo. Tiyak niya kasing kapag nagpakasal sila at nagkaanak na ay mahihirapan na siyang tuparin pa ang kanyang pangarap. "Kailan?" Tanong niya sa halip sabihin ang gumugulo sa kanyang isip. Ayaw naman niya kasing saktan ang kalooban ni Andrew. Saka,

    Last Updated : 2023-08-03
  • One More Night   Chapter 8 Ang Pagsusulat ni Joan

    BAKIT kaya? Hindi napigilang itanong ni Joan sa kanyang sarili nu'ng makatanggap siya ng tawag mula sa sekretarya ng Publisher ng Heart Valentines na si Vincent See.Ayon kay Jane, gustong makipag-meeting sa kanya ni Sir Vincent. "Aalis ka?" Gulat na tanong ng kanyang Mama Meldy. Awtomatiko ang naging pagngiti niya rito. "Pinapatawag po kasi ako ni Sir Vincent?""Vincent?" Gulat na tanong nito. "Iyon pong publisher ko," mabilis niyang sabi. Siyempre, ayaw naman niyang isipin nito na makikipag-date siya sa ibang lalaki. "Sasamahan ka ba ni Andrew?" Tanong ng kanyang madrasta. "May lakad po si Andrew ngayon kaya magku-commute na lang po ako," magalang niyang sabi rito. "Magdyi-dyip ka?" Gilalas nitong tanong. "Magga-grab po ako.""Taxi ang sasakyan mo?" Naninigurongntanong nito. "Opo.""Mabuti naman at hindi motor ang sasakyan mo," wika nito sabay buga. Wari'y nakahinga ito nang maluwag. Napangiti tuloy siya. Damang-dama.niya ang concern ng kanyang pangalawang ina kaya hindi ni

    Last Updated : 2023-08-06
  • One More Night   Chapter 9 Ang Natupad na Plano ni Lorenzo

    DAHIL sa pagpunta ni Joan sa Paradise Resort ay mailalayo muna niya ito kay Andrew Sebastian. At siya naman ang biglang susulpot sa harapan nito para magpapansin. Very good. Sa kanyang isipan kasi, parang mai-imagine na niya ang susunod na mangyayari. Magkakaharap sila, aawayin siya ni Joan pero hindi niya ito papatulan. Sa halip ay magpapakita siya ng kabaitan dito. Tiyak niyang sa pamamagitan noon ay makukuha rin niya ang loob nito. Talaga ba? Nang-aasar na sabi ng isang bahagi ng kanyang utak. Napailing lang siya nang rumehistro sa kanyang isip ang mga pagsimangot at pagsusuplada sa kanya ni Joan. Bigla tuloy siyang napangiti. Kahit na galit na galit si Joan, lalo itong gumaganda sa kanyang paningin. Wala siyang pakialam kung mistulan man itong tigre na handang manakmal. Maganda naman kasi talaga si Joan kahit ang pula-pula ng mukha at nanlilisik ang mga mata dahil sa matinding galit. "Bakit ganyan ang ngiti mo?" Napapantastikuhang tanong ng tinig. Lumapad ang ngiti niya nang

    Last Updated : 2023-08-12
  • One More Night   Chapter 10 Ang Pagtatagpo nina Lorenzo at Joan

    lPAKIRAMDAM ni Joan ay mayroong nagmamasid sa kanya kaya niyakap niya ang sarili. Wala naman kasi si Andrew para gawin iyon sa kanya kaya siya na lang muna ang magpuprotekta sa kanyang sarili. Panalangin na lang niya ay walang kapahamakan na mangyari sa kanya. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na solo siyang umalis. Dati kasi'y lagi niyang kasama si Andrew. Napabuntunghininga lang siya dahil ang totoo ay gustong sumama sa kanya ni Andrew pero tumanggi siya. Ang ikinatwiran niya rito ay hindi siya makapagku-concentrate sa kanyang pagsusulat. Kunsabagay, may katotohanan naman iyon dahil nakakatatlong chapters na siya ng kanyang sinusulat. "Hindi ka ba giniginaw?" Tanong ng isang lalaki buhat sa kanyang likuran. Kilalang-kilala niya ang boses ni Lorenzo kaya gilalas niya itong nilingon. "Anong ginagawa mo rito?" Gilalas niyang tanong. "Nagbabakasyon.""May kasama ka?" Tanong niya. Ewan niya kung bakit hindi pa man nito sinasabi na, 'oo may kasama ako' , parang naba-badtrip na

    Last Updated : 2023-08-18
  • One More Night   Chapter 11 Sina Lorenzo at Joan

    MALI ito, naiinis na sabi ni Joan sa kanyang sarili dahil parang hindi niya magawang tanggihan si Lorenzo. Sabi kasi nito, hindi makabubuti kung babalik na siya agad sa kanyang pagsusulat gayung marami silang nakain. Lalo ka na, mariin niyang paalala sa kanyang sarili. "May deadline ako," wika niya sa mahinang tinig. Talaga kasing nagtatalo ang kanyang puso't isipan kung anong susundin, ang manatili sa tabi ni Lorenzo o magpunta na sa kanyang cottage para siya ay makapagsulat. Ang sabi ng kanyang utak, kailangan na niyang magsulat dahil iyon naman ang dahilan kaya naririto siya sa resort na ito. "Kahit may deadline ka kung hindi ka naman makakapagsulat, pagdating mo sa cottage mo, balewala rin.""Paano ka nakakasigurado dyan?" Naiinis niyang tanong pero sa pakiramdam niya ay mas naiinis siya siya sa kanyang sarili. "Tiyak kasing lagi mo akong maiisip," nagmamalaking sabi ni Lorenzo. "Ang yabang mo talaga!" Ang nais sana niya ay sabihin iyon kay Lorenzo ng buong katarayan pero pa

    Last Updated : 2023-09-01

Latest chapter

  • One More Night   Chapter 13 Ang Pagkirot ng Puso ni Joan

    "HINDI mo ba tatanungin kung sino ang mahal ko?"Kahit nangangati na ang dila ni Joan na ibulalas ang katagang sino, hindi pa rin niya nagawa. Bigla kasi siyang kinabahan. Ibang klase naman kasi ang pagtitig sa kanya ni Lorenzo. Parang gusto nitong alamin ang laman ng kanyang puso. "Hindi ako interesado." Agad niyang iniwas kay Lorenzo ang kanyang tingin. Hindi niya kasi gustong makita nito ang kanyang mga mata dahil malalaman nitong nagsisinungaling siya. Para tuloy gusto niyang manggigil sa kanyang sarili. Hindi naman kasi siya dapat na magselos pero iyon ang nangyayari. Basta naramdaman na lang niyang parang may kamay na pumipiga sa kanyang puso. Dahil sa pag-iwas niya nang tingin kay Lorenzo ay noon lang niya nagawang pagmasdan ang paligid. Puro bato, hindi niya namalayan na nakaupo rin siya sa bato. Para kasi siyang naeengkanto kanina dahil naging sunud-sunuran lamang siya kay Lorenzo. At dahil doon, nakaramdam siya ng panggigigil. "Eh, bakit parang maiiyak ka?" nag-aalalang t

  • One More Night   Chapter 12 Ang Paglalapit nina Lorenzo at Joan 

    “HINDI ba nakakatakot dito?” kabadong tanong ni Joan pero alam niyang ang kabang kanyang nararamdaman dahil ang lakas-lakas talaga ng pintig ng kanyang puso. Pakiramdam nga niya’y isa iyong drum na ginagamitan ng pagkalaki-laking drumstick. Kaya, hindi siya magtataka kung sasabihin sa kanya ni Lorenzo na nadidinig nito ang sinasabi ng kanyang puso.Inaya kasi siya ni Lorenzon pasukin ang kuweba na kanilang nakita. Hinawakan ni Lorenzo ang kanyang palad kaya kahit gusto niyang tumanggi ay hindi na niya nagawa. Talaga kasing kinabahan siya ng husto nang hawakan nito ang kanyang pald. Pakiramdam niya kasi sa ginawa ni Lorenzo ay hinawakan na rin nito ang kanyang puso. Ang baduy mo! inis niyang sabi sa kanyang sarili pero hindi naman niya napigilan ang mapangiti. “Huwag kang matakot dahil kasama mo naman ako,” wika nitong malambing na malambing ang tinig.Nang sulyapan niya si Lorenzo, pakiramdam niya’y iyon ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa niya. Para kasing lalong nagwala ang k

  • One More Night   Chapter 11 Sina Lorenzo at Joan

    MALI ito, naiinis na sabi ni Joan sa kanyang sarili dahil parang hindi niya magawang tanggihan si Lorenzo. Sabi kasi nito, hindi makabubuti kung babalik na siya agad sa kanyang pagsusulat gayung marami silang nakain. Lalo ka na, mariin niyang paalala sa kanyang sarili. "May deadline ako," wika niya sa mahinang tinig. Talaga kasing nagtatalo ang kanyang puso't isipan kung anong susundin, ang manatili sa tabi ni Lorenzo o magpunta na sa kanyang cottage para siya ay makapagsulat. Ang sabi ng kanyang utak, kailangan na niyang magsulat dahil iyon naman ang dahilan kaya naririto siya sa resort na ito. "Kahit may deadline ka kung hindi ka naman makakapagsulat, pagdating mo sa cottage mo, balewala rin.""Paano ka nakakasigurado dyan?" Naiinis niyang tanong pero sa pakiramdam niya ay mas naiinis siya siya sa kanyang sarili. "Tiyak kasing lagi mo akong maiisip," nagmamalaking sabi ni Lorenzo. "Ang yabang mo talaga!" Ang nais sana niya ay sabihin iyon kay Lorenzo ng buong katarayan pero pa

  • One More Night   Chapter 10 Ang Pagtatagpo nina Lorenzo at Joan

    lPAKIRAMDAM ni Joan ay mayroong nagmamasid sa kanya kaya niyakap niya ang sarili. Wala naman kasi si Andrew para gawin iyon sa kanya kaya siya na lang muna ang magpuprotekta sa kanyang sarili. Panalangin na lang niya ay walang kapahamakan na mangyari sa kanya. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na solo siyang umalis. Dati kasi'y lagi niyang kasama si Andrew. Napabuntunghininga lang siya dahil ang totoo ay gustong sumama sa kanya ni Andrew pero tumanggi siya. Ang ikinatwiran niya rito ay hindi siya makapagku-concentrate sa kanyang pagsusulat. Kunsabagay, may katotohanan naman iyon dahil nakakatatlong chapters na siya ng kanyang sinusulat. "Hindi ka ba giniginaw?" Tanong ng isang lalaki buhat sa kanyang likuran. Kilalang-kilala niya ang boses ni Lorenzo kaya gilalas niya itong nilingon. "Anong ginagawa mo rito?" Gilalas niyang tanong. "Nagbabakasyon.""May kasama ka?" Tanong niya. Ewan niya kung bakit hindi pa man nito sinasabi na, 'oo may kasama ako' , parang naba-badtrip na

  • One More Night   Chapter 9 Ang Natupad na Plano ni Lorenzo

    DAHIL sa pagpunta ni Joan sa Paradise Resort ay mailalayo muna niya ito kay Andrew Sebastian. At siya naman ang biglang susulpot sa harapan nito para magpapansin. Very good. Sa kanyang isipan kasi, parang mai-imagine na niya ang susunod na mangyayari. Magkakaharap sila, aawayin siya ni Joan pero hindi niya ito papatulan. Sa halip ay magpapakita siya ng kabaitan dito. Tiyak niyang sa pamamagitan noon ay makukuha rin niya ang loob nito. Talaga ba? Nang-aasar na sabi ng isang bahagi ng kanyang utak. Napailing lang siya nang rumehistro sa kanyang isip ang mga pagsimangot at pagsusuplada sa kanya ni Joan. Bigla tuloy siyang napangiti. Kahit na galit na galit si Joan, lalo itong gumaganda sa kanyang paningin. Wala siyang pakialam kung mistulan man itong tigre na handang manakmal. Maganda naman kasi talaga si Joan kahit ang pula-pula ng mukha at nanlilisik ang mga mata dahil sa matinding galit. "Bakit ganyan ang ngiti mo?" Napapantastikuhang tanong ng tinig. Lumapad ang ngiti niya nang

  • One More Night   Chapter 8 Ang Pagsusulat ni Joan

    BAKIT kaya? Hindi napigilang itanong ni Joan sa kanyang sarili nu'ng makatanggap siya ng tawag mula sa sekretarya ng Publisher ng Heart Valentines na si Vincent See.Ayon kay Jane, gustong makipag-meeting sa kanya ni Sir Vincent. "Aalis ka?" Gulat na tanong ng kanyang Mama Meldy. Awtomatiko ang naging pagngiti niya rito. "Pinapatawag po kasi ako ni Sir Vincent?""Vincent?" Gulat na tanong nito. "Iyon pong publisher ko," mabilis niyang sabi. Siyempre, ayaw naman niyang isipin nito na makikipag-date siya sa ibang lalaki. "Sasamahan ka ba ni Andrew?" Tanong ng kanyang madrasta. "May lakad po si Andrew ngayon kaya magku-commute na lang po ako," magalang niyang sabi rito. "Magdyi-dyip ka?" Gilalas nitong tanong. "Magga-grab po ako.""Taxi ang sasakyan mo?" Naninigurongntanong nito. "Opo.""Mabuti naman at hindi motor ang sasakyan mo," wika nito sabay buga. Wari'y nakahinga ito nang maluwag. Napangiti tuloy siya. Damang-dama.niya ang concern ng kanyang pangalawang ina kaya hindi ni

  • One More Night   Chapter 7 Ang Plano ni Lorenzo

    MABILIS na lumipas ang mga taon at nakatanggap na ng diploma si Joan pero hindi pa rin lubos ang kanyang kasiyahan. Hindi pa rin kasi niya natutupad ang kanyang ambisyon. Hindi pa niya nagagawang maging isang sikat na manunulat. Oo nga at nakakapagsulat na siya sa Heart Valentines, ang nangungunang Publication sa bansa pero hindi pa siya nakikilala ng husto. Ang ibig sana niya kahit nasa Pilipinas siya ay maka-level man lang niya ang kasikatan ni JK Rowling. Iyon nga lang romance ang sinusulat niya, hindi fantasy. "Magpakasal na tayo," wika ni Andrew na talagang nagpapitlag sa kanya. Hindi niya naiwasan ang makaramdam ng excitement dahil matagal na naman niya pinangarap na magpakasal kay Andrew, ngunit, hindi niya maiwasan ang kabahan ng todo. Tiyak niya kasing kapag nagpakasal sila at nagkaanak na ay mahihirapan na siyang tuparin pa ang kanyang pangarap. "Kailan?" Tanong niya sa halip sabihin ang gumugulo sa kanyang isip. Ayaw naman niya kasing saktan ang kalooban ni Andrew. Saka,

  • One More Night   Chapter 6 Ang Damdamin ni Lorenzo

    MALALIM na buntunghininga muna ang pinawalan ni Joan bago niya sinagot ang tanong ni Andrew. "Hindi na nga ako galit sa'yo," buong diin niyang sabi. Gusto kasi niyang isaksak sa isipan ni Andrew ang katotohanan na iyon, ngunit, hindi rin mabura sa isipan niya ang reaksyon ni Lorenzo. Dahil sa pagsigaw ni Andrew ng, 'Umalis ka hindi kita kailangan' halos buhatin siya ni Lorenzo mula sa pagkakahiga niya sa tabi ni Andrew. Ewan nga lang niya kung inisip ba nitong sasaktan siya ni Andrew. Basta hindi niya napigilan ang magtitili nang maglapat ang mga katawan nila ni Lorenzo. Para kasing may bilyun-bilyong boltahe na nanulay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan ng mga sandaling iyon. Ah, talagang hindi niya nagugustuhan ang kanyang nararamdaman kaya nagtitili siya. Baka sakaling kapag ginawa niya iyon ay maalis din ang nararamdaman niyang hindi tama. At dahil sa pagsigaw niya ay bumalikwas din nang bangon ang utaknni Andrew. Bigla itong natauhan. "Anong nangyayari?"Kahit sa palagay

  • One More Night   Chapter 5 Nakatakda na Ikasal sina Andrew at Joan

    YES, 'yan ang nagawang isagot ni Joan nang tanungin siya ni Andrew kung pakakasalan ba niya ito. Talaga naman kasi pangarap niya ang magkaroon ng asawa – ang maging mister si Andrew Sebastian. Ngunit, ngayon, bakit nagdadalawang isip siya? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Ipinilig lang niya ang ulo sa ideyang nagbago na ang damdamin niya kay Andrew. Hinding-hindi naman kasi mangyayari iyon. Napakaimposible. Dahil bata pa lang sila ay mahal na mahal na niya si Andrew. Talaga lang sa paglipas ng panahon ay may mga nadadagdag sa pinapangarap natin.AB Mass communication ang kursong pinili niya dahil nais niyang maging tanyag na manunulat. Hindi iyon nagugustuhan ng kanyang ama dahil sa palagay nito, walang kapupuntahan ang pangarap niyang iyon kaya gusto niyang patunayan sa ama na kaya niya. Mahal na mahal man niya ang kanyang Papa, hindi niya gustong sundin ang suhestiyon nitong kumuha siya ng Business Management man lang. Wala naman kasi siyang hilig sa negosyo. Napabuntunghininga

DMCA.com Protection Status